Hmmpanghi! Oktubre 26, 2009
Posted by Lenggai in Bloggables.trackback
Nasubukan mo na bang uminom ng germs?
Ako? Oo.
Grade school kasi ako noon, impressionable —- ibig sabihin, madaling mauto.
Napanood ko sa isang sikat na female-oriented show ang interview sa isang urine therapy expert — ang sabi niya, maganda raw sa katawan ang pag-inom ng ihi. Idinemo pa nga niya ‘yung aktwal na pag-inom niya.


Di ko susubukan yan kahit kailan hanggat meron pang malinis na tubig. Puwede siguro kapag wala ng choice tulad ng ma-trap sa isang lugar at nag-iintay ng rescue at kailangan uminom pero walang tubig.
tumpak, huwag mong susubukan kung may choice pa, kadiri nga pag naiisip ko ngayon!
… at ngayon ako’y nagsisisi na nabasa ko ‘tong entry mo pagkatapos kong kumain ng lunch.
pero technically, dumi ang wiwi, diba? excess and dirty stuff kaya nilalabas ng katawan…
last resort ko ang pag-inom ng wiwi ko… yung tipong wala na talagang mapagkukunan ng tubig at kelangan kong mag-survive.
in the first place, people should not drink it as therapy kasi nga dumi na siya, may rason kung bakit inilalabas siya ng katawan natin, tatanga nung mga umiinom nito for vitamins, etc.
yayks! ihi bilang therapy? parang anlabo. eh di ba nga kaya mo ‘yun nilalabas kasi hindi na siya mapapakinabangan ng katawan mo?
fruit juice na lang, miss lenggai.
korek. kaya nga hindi ko na inulit. hehe!
kung life-or-death situation na nga siguro siya uubra. kung hindi ako nagkakamali ay recommended siyang gawin ng mga survival experts kung wala na talagang choice… e.g., wiwi na lang inumin kesa tubig dagat
wiwi kesa tubig dagat? nyay! sabagay, parang nanuyo lalamunan ko nung inimagine ko ang lasa ng isang pitcher ng tubig dagat, kahit pa ice cold yan, no can do!
Alam ko yun ihi gamot sa sugat kapag natusok ng isang lamang dagat. Hindi iniinom
or, puwede rin namang suka na lang, kesa ihi!