jump to navigation

Show. Don’t tell. Nobyembre 12, 2007

Posted by Lenggai in Post-Mortem.
trackback

Show. Don’t tell.

Ito ang lesson for the day ng aming Bossing sa Anniversary dinner ng aming programa (tatlong taon na kami!!!! Whoopee!!!).

Malamang pagtatawanan ako ng mga kaopisina ko oras na mabasa nila ‘tong entry na ito.

Langya. Kung bakit kasi kailangan pang isulat sa blog, eh given na ‘yung rule na yun sa basic classes ng journ (eh kaso CommArts ako? So bago sa akin ‘to. Narinig ko lang sa Bossing ko).

Sa halos kalahating dekada ko nang nagtatrabaho sa Media, hindi ko pa rin mamaster ang katangiang ito:

Show. Don’t tell. Paano kung nag-iinterview ka ng namatayan?

Isa sa mga hate na hate kong coverage ‘yung mangungulit ka ng namatayan. Mula sa suicide ng anak ni Miriam Santiago hanggang sa recent experience ko nung Glorietta 2 Bombing.

Pumasok ako sa isang punerarya na pinagdalhan nung mga Juan at Juana dela Cruz na di pa nakikita ng mga kamag-anak nila. Allergic ako sa punerarya. Sino ba naman kasi ang mag-babask sa eksenang puno ng pait at hinagpis? Pero dahil media ako, kailangan kong isantabi ang aking emosyon at mangarinyo sa mga namatayan… kung puwede ba silang ma-interview?

May isa dung grupo ng boys, hinahanap ‘yung kaopisina nila. Nag-lunch lang daw saglit sa G2, eh hindi pa bumabalik, baka sakali raw na nasa morgue na. Friendly pa sila nung una nang makipagkuwentuhan ako. Akala ata nila, isa rin ako sa mga naghahanap ng kaibigan o kamag-anak sa pagsabog. Laking pagbabago lang ng mga ngiti nila nung inilabas ko na yung maliit kong video camera at nagpakilala na taga-Media.

“Sir, pasensya na po ha… Ok lang po bang interviewhin ko kayo tungkol sa officemate ninyo?”

Nakakahiya and at the same time, nakadudurog-puso rin ang talim ng sagot nila. Iwinagayway lang nung isa pang kasama nila yung kamay niya sa harap ng camera ko habang umiling-iling ‘yung kausap ko kanina.

No can do, Lenggai. Hanap ka na lang ibang kukunan ng sound bit.

Naiintindihan ko sila. Kung ako nga naman ang nasa kalagayan nila, baka nga nabangasan ko pa ‘yung taga-media na lalapit sa akin. Familiar kayo sa pelikula nina Dustin Hoffman at John Travolta na Mad City?

Ganung ganon ang eksena sa mga coverage ng trahedya. Dahil kailangan naming alalahanin na TV ang medium of communication namin, minsan, kahit masakit, kailangan talaga naming tutukan ng camera ang mga nagdadalamhati para maging biswal ang paghihirap at pagdurusa ng mga tao sa kuwento mo.

Show. Don’t tell. Paano kung sobrang babaw lang ng topic mo?

Hindi tulad sa blog na sarili mo lang ang responsable sa mga sinusulat mo, napakamakapangyarihan ng telebisyon pagdating sa paghubog ng lipunan natin.

Ito ngang huling istorya ko, tungkol sa kuto (para sa video: http://www.youtube.com/watch?v=vHpkG7LAtXg… FYI, hindi po ako ang nag-upload niyan, fan. hehe.).

Iniisip ko kung pinagtri-tripan lang ako ng tadhana. Mula sa profile ng international celebrity, napunta ako sa kuto. Naging concerned tuloy ako kung me mga taong nakinabang dun sa mga impormasyong pinagsusulat ko sa script? Bukod sa makati siyang i-shoot (eh pota, kuto ba naman eh, kung di ka ba naman katihin dun?), nakakaparanoid din siya kasi sa bandang huli, baka nagtagumpay lang ako na padirihin ang mga tulad ni ik3mbot sa close-up shots ko ng kuto.

Show how kadiri and kakati the kutos are dapat eh. Kaya ipinakita ko.

Show. Don’t tell. Ito ang lesson for the day ng aming Bossing sa Anniversary dinner ng aming programa.

Tanggap ko nang magiging atribida ako o ma-epal most of the time para lang makakuha ng magandang shot o sound bit.

Sana lang, ipinagdarasal ko lang… Sa proseso ng trabaho ko, hindi ko pa rin makalimutang maging tao.

Mga Puna»

1. kengkay - Nobyembre 14, 2007

great entry, isa ka pang tao, lenggai. nakita ko yata yung tungkol sa kuto na yon. dito sa alemanya, kapag may kuto sa school, talagang naka balandra sa lahat na may kuto sa school na ito. tapos andun lahat pwedeng gawin para mawala ang kuto. at sempre, dapat i report yon sa health officials, at kapag siguradong wala ng kuto, atsaka aalisin yung poster sa school, clear na ang kuto, hehehe…

Salamat, Ate Kengks… Buti pa nga jan, ganun ang reaction. Dito kasi sa atin, parang ginawa na nilang socio-cultural thing… Heard from an officemate, sa ibang mga tribo sa Pinas, ginagawa itong means of bonding with other tribe members… I have no idea kung nangyayari pa rin ‘yun ngayon, pero it seems, sa mga areas na maraming kinukuto, imbes na pandirihan, they just accept it as a way of life…

2. icsx - Nobyembre 15, 2007

nagpost ako ng comment ngunit hindi ata nakarating sa iyong mga mata.
heniwei, may topak siguro ang connection.

maiba ako. gusto ko lang sabihin sa comment na ito na naniniwala rin ako na malakas ang impluwensiya na nagagawa ng media sa paghubog ng pananaw ng mga tao. hindi ko alam kung agenda setting theory yun o kung anuman ang tawag dun. mahusay ang pagkakasulat lenggai. suave and casual.

Salamat sa comment, icsx! Sayang hindi ko nabasa yung sinasabi mong comment… Sana nga habang nandito pa ako sa industriyang ito, maraming maipluwensya sa mga kuwento ko… =)

3. weng - Nobyembre 23, 2007

galing po talaga ng mga entries nyo, so far na binasa ko (newest to old post yung order ng pagbasa ko) ito yung pinaka-gusto ko kasi nuon pa nilalait ko talaga yung mga reporters sa tibi kasi mae-epal kasi eh, pero diba ganyan naman talaga po, trabaho lang. sino naman ako para manlait ng kung sino man.. peace..

congrats po sa inyo!😀 happy 3rd yr anniversary po. ü

salamat sa pagbisita at lalong maraming salamat sa pagbati!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: