jump to navigation

Lalaki. Nagpakamatay sa mall! Nobyembre 13, 2007

Posted by Lenggai in News Flash!.
trackback

Hindi ko alam kung bakit sa araw pa na nagrerelaks ka lang… Nagliliwaliw at nakikipag-gaguhan sa kaibigan mong matagal mo nang di nakikita… Kailangan mangyari ang trahedya.

At nang mangyari ito, nasa itaas na floor lang kami. Nagtatawanan at nag-aasaran. Wala kaming kamalay-malay na ilang kanto lang mula sa amin, may isang taong unti-unti nang nilalamon ng lungkot at kawalan ng pag-asa sa buhay…

Gabi na nang makasalubong namin ni Kurokuro ang masayahin naming officemate. May ilang oras na rin kaming naglilibot-libot nun sa paborito naming mall sa Kyusi…

Kilalang mapagbiro si Officemate, pero nung moment na ‘yun, iba ang salubong niya sa amin. Parang tulala.

“Uy kaloka! Kagagaling ko lang sa baba, may tumalon pang mama galing sa fourth floor!”

Akala ko, joke lang, hinihintay ko pa nga ‘yung punchline. Pinaulit namin ‘yung kuwento:

May lalaki, tumalon mula sa fourth floor nung mall. Sa bilis ng mga pangyayari, wala pa nga raw nakapansin nung una. Malas ni Officemate kasi nakita niya pa raw kung paano nag-spread eagle pose mula sa fourth floor, nagdive at somersault sa magarang appliance showcase sa first floor yung Manong.

Nag-react lang yung mga tao pagkalagapak nung katawan sa lupa. May natamaan pa ngang ale. Napilay. Yung lalaki, sabog ang ulo sa marmol na sahig. Parang sauce daw ng spaghetti hitsura.

Ilang dipa lang ang layo ni Officemate sa eksena. Agad siyang tumawag sa News Desk para magpadala ng crew. Pero kung anong bilis ng mga pangyayari, ganun din kabilis ang “paglilinis” ng mga tauhan ng mall sa pinangyarihan ng insidente.

Kumakawag-kawag pa raw ‘yung halos wala nang ulo na katawan ng Manong nang parang sako itong iniangkas sa stretcher. Hyperspeed din daw ang ginawang paglinis sa nagkalat na dugo at lamang-ulo sa sahig. Hindi napigilan ni Officemate ang mag-react. Sinabi niya sa pinakamalapit na sekyu na mali ‘yung pag-handle nila sa katawan. Deadma lang daw ‘yung sekyu.

Hindi makapasok ang News team namin sa mall. Inipon na ang lahat ng sekyu. Total news blackout ang diskarte. Ganyang-ganyan din daw ang nangyari nung minsang bumagsak ang kisame sa isang floor nito nung soft opening. Walang nakaalam, pero may ilan din kaming officemates na nandun nung nangyari ‘yun.

Ipinatawag lahat ng witness, pinapipirma ng kung anong agreement chorva. Umalma ang Officemate namin, hindi siya sumama sa mga pumirma.

Pagdating naman ng mga pulis, wala na siyempre silang naabutan. Ang linis na nung sahig eh. Life goes on.

Sinabihan ni Officemate ang news team namin na kunan ng facade yung mall. Ilang minuto ang nakalipas, nakasalubong naman namin siya.

Sinilip namin ni Kurokuro ‘yung kinabagsakan nung mama. May mga tao pang nakikiusyoso sa second floor, tinuturo ‘yung pinagtalunan niya. Naririnig namin ‘yung usapan, pero nang dungawin namin ‘yung lugar, wala nang bakas ng dugo.

Balak ko pa sanang kunan ng litrato, pero biglang dumami ang sekyu sa paligid. Baka kako pag nagpipipindot ako dun, kahit pa camera phone lang, may biglang sumabunot sa akin at kumpiskahin to.

O mas nakakatakot, baka bigla akong itulak pababa. Mabilis naman silang magligpit eh. Peanuts lang ako.

Ang weird dito, ilang araw na akong pabalik-balik sa mall na ‘yun. Kinukunan ko pa ng litrato kasi ipagmamalaki ko sana sa mga ka-blog ko.

Maganda na sana siya. Kumpletong-kumpleto na. Pero matapos mangyari ang insidenteng ‘yon, ramdam na ramdam mong may negative vibes na nagmumulto sa lugar.

Sunud-sunod na malas na ang pinagdaanan ng may-ari ng mall na yun ngayong taon. Either may ginawa siyang sobrang bad noon at kinakarma siya, o baka talagang minamalas lang siya?

Ika nga, when it rains, it’s four.

Mga Puna»

1. cdy173 - Nobyembre 14, 2007

buti na lang wala ako dun sa site kasi di ko alam magiging reaction ko pag nakita ko yung nangyari..based pa nga lang sa pagkakadescribe mo di ko na keri..

Ako rin. Kung ako nga lang na kinuwentuhan ng officemate ko, na-iimagine ng paulit-ulit ang faceless Manong na naka-spread eagle bago tumalon… Naalala ko tuloy yung sabi ng case study namin dati na may third eye: ang soul ng taong nagpakamatay, di makakaalis dun sa spot na pinagsuicide-an niya… Ang iba, paulit-ulit pang ginagawa ‘yung suicide nila. Parang sa 1408… Nyay!

2. KUROKURO - Nobyembre 14, 2007

lumabas siya sa gmanews.tv. pero alang kadeta-detalye about it. sinabi lang na may tumalon sa mall.

As expected…

3. dompy - Nobyembre 14, 2007

mukhang alam ko kung saang mall to a… comment ko lang, super pathetic nung mama. at mabilis ang pag-aksyon ng [name withheld], a lesson learned after all the controversies hounding them. tsk…

Lesson learned, yeah. Pero how about the body? Ano ‘yun? Softdrinks na natapon tapos lilinisin na lang ng ganun-ganun lang?

4. kengkay - Nobyembre 14, 2007

ay, mukhang sa ibang mall na lang tayo mag lakwatsa, lenggai… ayoko naman ng mall na sobrang super duper linis katulad nito. sana naman ay pinaalam dun sa relatives nung tao ang nangyari o baka naman sa missing list lang mapunta yung mama, huh… tsk tsk… may his soul rest in peace.

Sana nga lang, pinaalam nila sa family… Nakakabagabag na sa mall pa pinili ng mga lokong ito na magpaka-emo…

5. tim ang - Nobyembre 14, 2007

mukhang late ako sa balita. ngyaon ko lang nalaman.

Ok lang ‘yun, Tim. Marami ring hindi nakaalam. Ano man ‘yung waiver thing na pinapirma nung mga taga-mall sa witnesses must have kept them silent from the media. Malas lang nila kasi isa dun sa mga nakawitness, taga-media rin, at ikinuwento niya ‘yung nangyari sa mga taga-media rin na bloggers. Pustahan, this is the only detailed public account na lalabas about the incident. Bad press yun, considering nasasangkot na sila sa patong-patong na controversies.

6. Padre Salvi - Nobyembre 14, 2007

Haha. Busy kasi ako sa school. Kaya wala ako sa Trinoma nun

Nako. Natatakot pa naman ako sa mga ganyan.

Ako rin. Labs pa rin ako ni Papa Jesus. Hindi niya ipinakita sa akin ng personal ang eksenang yon.

7. kurokuroko - Nobyembre 14, 2007

adik. adik. isa kang adik. at in-edit mo pa ang comment ko!!!

hmph. kapag ito in-edit mo, magpo-post ako sa blog ko para di mo na ma-edit.

8. Misyel - Nobyembre 14, 2007

Saang mall ito? Katakot naman yan and di ko siguro makakayanan makita yung mga ganung eksena.

Saan nga ba? Hmmmm… Hehe😉

9. Kiko Matsing - Nobyembre 14, 2007

Hehe! Ito pala yung sinasabi mong ayaw mo munang puntahan sa ngayon. 🙂

Hindi naman sa ayaw, Kiko… Cguro give me 3 days… No, 1 week… No… Baka no na nga muna… Hehehe!

10. icsx - Nobyembre 15, 2007

iniisip ko pa lang ang sakit na nasa mga mata niya bago siya tumalon, ang mga piraso ng utak at bahid ng dugo na tumilamsik sa sahig at sa sulok ng mga puso ng mga nakasaksi, at ang hindi makataong pagtrato sa kanyang bangkay…

hindi na ako makahinga.

Haaaayyyyzzzz….

11. Carmelo - Nobyembre 20, 2007

Sa kasamaang palad ako ang tinutukoy sa blog na ito…malaki ang naging epekto nito sa akin…negative as in nega(star) to the max… ayoko nang pumasok sa Trinoma…ni ayoko makita ang facade nito sa EDSA, eh pwede ba naman iyon…everyday kong binabaybay ang EDSA…

All I know is I did my best but my best wasn’t supported by the management of the mall and the officials…dedma to earth sila…kala mo pet dog o hayop ang namatay para di nila bigyan ng pansin…

The reason “It will cause negative impression and scare the mall goers” (pathetic di ba)

Sa lahat ng bumabasa nito, ang payo ko “wag magtangkang tumalon sa mall, dahil dededmahin kayo kapag natigok kayo” (how unglamorous death)

O siya — mag-ma-mall muna ako

ayan… straight from the horse’s mouth… hehe!

12. wei vines - Nobyembre 24, 2007

saan kaya nilagay yung bangkay nung lalake? deym! parang ipis lang ah! at syempre dun sa mga nakasaksi, siguro parang may ‘guilt’ or ‘conscience’ pa silang natitira. Hayyy, ayoko na makakita ng ganyan,

uhmm bago lang ako sa wordpress. hehe, libot libot muna ^^

[w.vines]

salamat sa pagbisita!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s