jump to navigation

Oy! Media Kame!!! Nobyembre 14, 2007

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Kung si Nardong Putik, may anting-anting… Kami namang mga taga-Media, may Media ID.

Hindi matatawaran ang kapangyarihan ng laminated piece of paper na ito. Parang tsapa ni Gil Grissom sa CSI — nagkakaroon kami ng karapatang kausapin ang mga hindi nakakausap, paamuhin ang mga pasaway o kung minsan, pass din ito sa mga lugar na hindi mapapasukan ng karaniwang empleyado… Ang hindi ko na nga lang nasusubukan eh ‘yung magpahinto ng kotse sa gitna ng daan habang tinutugis ang isang case study na ayaw magpa-interview…

Lenggai haharang sa isang hot red na BMW habang naka-flash ang Media ID: “Media ako! Get out of the car!”

Matataranta ang driver: “Wha? Teka, teka… Ba’t…”

Sa kalituhan ng driver, bubuksan niya ang pinto, hahablutin ko siya habang dinudukdok ko pa rin sa mukha niya ‘yung Media ID: “Labas! Makakatakas na ‘yung iinterviewhin namin!”

Hilong lalabas naman ang engot. At parang sa pelikula, magpapakawala ako ng isang matinding “VARRROOOOMMM!” sabay padyak sa accelerator at karipas ng takbo…

Madalas inaabuso ang bisa ng Media ID. Oo. Hindi ito tsapa gaya ng inaakala ng iba. Pero guilty ang marami sa amin lalo na pagdating sa traffic violations. Hindi ba kayo nagtataka bakit ang ibang kotse, imbes na rosaryo, Media ID ang nakasabit sa rearview mirror? May kaopisina nga ako, imbes na siya, yung kotse niya ang naka-ID…

Sa isang No U-turn sign: “Sir, sorry, kailangan lang namin talagang mag-U-turn dito, may coverage kasi eh…”

Sa No Swerving lane: “Sir, bawal ho ang swerving dito.”

Dali-dali akong gigisingin ng Lolo ko sa passenger’s seat: “May kasama akong Media… Nagmamadali kami…” Tatampalin na ako ng Lolo ko kasi ayaw kong magising.

Pupungas-pungas pa ako, siyempre galing editing, puyat, umuwi lang ako para maligo: “Ha? Ano po?”

“Yung ID mo, ipakita mo…” Bulong niya.

Nag-apologize na lang ako dahil matanda na Lolo ko at hindi pamilyar sa mga bagong rules ng MMDA. Pinigil ko ang sarili ko sa paglabas ng ID, pero nasulyapan pa rin ni Manong Pulis. Parang quickie na nagbago ang expression sa mukha niya nang makita ang ID ko. Kinausap sandali ang Lolo ko, sabay wish sa amin ng “Have a safe trip!”

May memorable experience ako, 2 years ago sa Cubao.

Pasado alas-12 na ng gabi, kahahatid lang namin ng ex-DILG kong friend sa kaibigan namin sa sakayan ng Rizal. May naka-park na gray Toyota Corolla sa me sidewalk ng Farmer’s Market. Napasulyap ako sa loob nung kotse. Hmm. Cute ‘yung nasa loob…

Medyo napako rin yung tingin ko ke cute driver… Nakatingin din siya. Deadma na nga lang ako pagkalagpas. Maya-maya, sumunod ‘yung kotse sa amin!

Sa me kanto ng Gateway at Araneta Center, dumaan ulit yung kotse ni cute driver, medyo nag-slow down sa area namin. Kinabahan na ako kaya tinimbre ko sa kasama ko.

Gustuhin ko mang kiligin dahil cute yung driver, sa mga oras na ‘yun, hindi na ako naku-kyutan sa kanya. Ilang beses na namin siyang nakikita at laging malalagkit ang tingin niya sa amin.

Hindi na nakapagpigil ‘yung kasama ko… Pang-apat na daan na niya sa tapat namin nang lapitan niya si ex cute driver…

“Excuse me, hi!”

“Hi!” Pa-cute din ang gago.

“Ahm. Sinusundan mo ba kami?”

“Kayo… Sinusundan niyo ako eh…” Kung di ba naman tanga. Naka-kotse siya, samantalang kami naglalakad lang… Ano kami? Nagteteleport?

“Taga-DILG ako, bakit mo kami sinusundan?” Nilabas ng friend ko ‘yung mahiwagang Press ID niya ng DILG. Nagbago bigla ang tono ni ex cute driver… Medyo garbled na ‘yung detalye ng eksaktong sagutan nila, pero ang natatandaan ko, kung paano minention ng friend ko na taga-Media ako…

Nag-park si ex cute driver sa me tapat ng Coffee Bean and Tea Leaf. Sa yabang ng gago, isinuot niya ang Media ID niya… Aba! Taga-kabilang istasyon!

Ipinakita ko rin ang ID ko, pero hindi ko sinuot. Kesyo naga-undercover daw siya para sa news, tungkol daw sa mga pokpok ang story.

Pokpok? WTF?!

Natawa ako. Hindi ko alam kung mafla-flatter kami o maiinsulto.

Una, balot na balot kami nung time na yun. Pangalawa… (sabay tingin sa salamin) Hindi pampokers ang arrive namin (tingin ulit sa salamin, tapos sa lumalaki nang beer belly)… Hindi talaga!!!

Sagutan kami ni ex cute driver, tinatanong niya sino boss ko, hindi ko sinagot. Ipinagmalaki niya na kilala niya ang kung sino-sinong direktor at boss sa network namin. Kaya raw niya akong ipatanggal any moment.

Dinemand niyang makita ang ID ng kasama ko:

“Why the f*ck should I show you my f*ckin’ ID?!” Assumptionista friend ko, nag-iingles pag galit.

“(ilang garbled words)… f*ck your ID!”

Hanuraw?! Natawa kami.

“And why the hell should I f*ck my f*ckin’ ID?!” Tumitili na ‘yung friend ko.

Aaaarrrggghhh!!! Nosebleed!!! Nag-ingles ulit ang gago. As it turned out, olats ang grammar niya. Shet. He is so not cute na.

Nagmake face ang kaibigan ko, sinasabayan ang buka ng bibig ng kaaway namin. Nawala na ang kaba ko. Napalitan na ng amusement.

Speaking in tongues na ang kalaban. Kitang-kita mong naiiyak na sa banas.

“Alam mo, tagalugin mo na lang! Gago!” Natatawang banat ng kaibigan ko.

Wala nang pinatutunguhan ang away namin. Nagiging sideshow na kami sa mga nagkakape sa Coffee Bean. Pumara na kami ng taxi. Natandaan ko pa yung pangalan at control number nung ID niya.

Nasa loob na kami ng sasakyan, pasikat ang loko sa aming viewers! Pinagbabantaan pa rin ako na ipatatanggal sa trabaho.

Habang paalis, nag-flying kiss ako, nag-dirty finger naman siya. Shet. Yun lang ang kaya niya?!

***Kinabukasan, pina-check namin sa mga kakilala namin sa kabilang istasyon ang pangalan at control number ni ex cute pero bobo guy. Lumabas sa imbestigasyon, matagal na siyang hindi empleyado dun. Tinanggal. Nagtatrabaho naman daw sa network sa me Novaliches.

After two years, hindi ko na maalala yung pangalan ni ex cute pero bobo guy. Hindi ko na rin alam kung sa broadcasting pa rin siya nagtratrabaho.

Well, at least hindi na siya naghahasik ng lagim sa Cubao. Kasi sa tagal ko nang tumatambay sa Gateway, hindi ko na siya nakita ulit.

Sana lang, hindi na niya ginagamit sa Modus Operandi yung Media ID niya.

Sana fin*ck na niya yung f*ckin’ Media ID niya.

Mga Puna»

1. kurokuroko - Nobyembre 15, 2007

haha. panalo itong entry na ito. nag-enjoy ako.🙂

Huwaw! Coming from the Most Influential Blogger Nominee… I must have written something goooodddd…. Hehehe! Salamat, Tops… Friend nga kita! =)

2. Marisse Joson - Nobyembre 15, 2007

Told you bout this na Ate pro I feel like ranting pa.. A news team not from your network barged into the wake of my Tito’s WITH THE CAM ALREADY TURNED ON. Family members escorted them out of the place and still they were arrogantly pushing the grieving wife to talk. One staff was arrogantly instructing my bewildered Tita what to say as if she was this advocacy parrot “Simple lang naman ang sasabihin mo e. yadda yadda…” When they were firmly and politely told they couldn’t get their interview, this staff (dunno if it was the reporter or producer) said in a huff “Sige na, sige na, alis na nga tayo!” Only then as they were leaving, that one member of that team was mindful enough to extend his condolences. What flagrant disregard to my family’s grief! I would like to think as a Journ graduate, I understand media member’s job to look for news. Still, Media members should practice responsibility and above all, COURTESY. Not everyone is camera hungry. Have the ethical sense to respect the dead.

Condolences, Marisse. I already read about your uncle Jay Carmelo’s death sa net. I think what you said must be heeded by all media members. The so-called “prestige” can sometimes get into your head, kung hindi OK ang training sa inyo at iba ang culture ng nasa network ninyo, some may think it’s OK to bully people. Some media members even had the gall to claim it’s their “right” to fuck around other people’s business dahil media sila. Tip lang, if you guys ever encounter media people na bastos at mayabang, ASK THEIR NAME AND PROGRAM. Then ireklamo ninyo sa immediate superior nila. If reporter sa news, itawag niyo sa head ng desk AND sa office ng VP ng News. Kung producers or researchers, madaling hanapin ang Executive Producer AND Program Manager niyan. Nobody has the right to boss people around. Especially kung Media ka. Pare-pareho lang tayong nagtratrabaho. Pare-pareho lang tayong mabaho ang jebs.

3. kengkay - Nobyembre 15, 2007

ang galeng ng istoryang ito… feeling talaga ang tangkad at ang pogi kapag may media ID ano? minsan nga parang GC na rin yan e libreng lunch at dinner, waaahhhh.. pero tama wag lang abusuhin🙂

Naku! Bawal na sa amin ang free food at drinks pag coverage… unethical daw… hhhaaaaayyyzzzz… Hehehe… Joke, baka mabasa ng boss ko! LOL!!!!

4. badoodles - Nobyembre 16, 2007

hwaw! hahaha! umuuga beer belly ko sa tawa nito. though may mga lugar na mahirap magpalusot sa trapik violations gamit ang media id – tulad ng makati. ayaw ba namang irecognize ung nickelodeon id ko. wala daw ganung network. putek. haha!

anyhoot, lam ko namang di mo papatulan pero magbabakasakali na rin akong imbitahin ka sa prajek-projekan ko ung lafftrip laffapalooza – search sa mga cool pinoy blogs. nalink na din kita

***
I must have done something good today… Two of my favorite bloggers, nagcomment sa post ko! Hayyyy… Kumpleto na ang araw ko… Salamat, Badz! Try ko yang project mo… Pucha sana wag akong mapahiya jan ha! Hehehe!😉

5. badoodles - Nobyembre 16, 2007

hehe, mas mahalay version pala ito compared dun sa isang site mo. bale dalawang site mo ung iboboto mo ha. dont porget olrayt😉

**

Ahhh… Papa Jesus labs me… At nakadalawang comment pa! Lol!

6. fjordz - Setyembre 12, 2008

hahaha.. so memorable nga.. at sobrang nakakatawa.. kung ako siguro andun.. dahil mabilis mag-init ang ulo ko.. baka nasapak ko na yun.. mapagkamalan ba naman kayong pokers?? hehehe..

ang press id/media id, parang pera lang yan, nagkakaroon ng instant powers sa mga pagkakataong kailangan natin siya, kahit hindi related sa trabaho.. dahil nga may powers, masyadong naaabuso..

parang pwesto sa gobyerno.. naabuso.. pare-pareho lang ang lahat, nag-uugat sa ugali natin. gagawin ba natin ito o hindi? ang sagot, nasasaiyo rin. Ikaw ang bahala.

http://fjordz-hiraya.blogspot.com



ang lalim naman nun! hehehe! pero oo nga,masyado kasing powerful yung “tsapa” namin, marami tuloy umaabuso.

7. reyna elena - Setyembre 12, 2008

PERS TIME hehehe! Unang tirada pa lang, nag-ingay ako sa kwarto ko, as in haller! alas tres nang madaling araw dito at mistulang orchestra ang snore outside hehehe

Entrada pa lang wagi ka na hahaha

“Kung si Nardong Putik, may anting-anting… Kami namang mga taga-Media, may Media ID.”



totoo naman kasi, tsapa nga ang tawag ko rito kasi ang powerful!

salamat sa pagdaan!😀

8. reyna elena - Setyembre 12, 2008

NICE hahaha! tawang tawa ako sa experience mo grrr! Parang sarap mong kurutin! hehehe!



nyahah! salamat naman at naaaliw ka… actually, balik-tanaw lang ‘yan… salamat sa pagdaan!😀

9. reyna elena - Setyembre 13, 2008

EKKK! anong daan! eto na-magnet mo ang lola! hahaha!

balik ka ulit, may bago na akong tahanan, minsan punta ka… hehehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: