jump to navigation

Penge po ng istorya!!! Nobyembre 16, 2007

Posted by Lenggai in Story! Story!.
trackback

Por Dios! Biyernes na, wala pa rin akong istorya!

Yari na naman ako nito pagdating next week. Naluluha na mata ko kahahanap sa mga Internet sites ng bagong isyu, pero puro tungkol sa Batasan Blast ang nakikita ko.

Marami nang pa-kyut segments na naka-line up sa next episode namin. Ang kelangan ko eh kuwentong marumi, mabaho, nakaririmarim at kasula-sulasok. Yung expose na tipong liliit ang mundo mo oras na ipalabas mo sa TV. O di kaya sakit na biswal, nakakadiri at nakaka-paranoid ikober.

(Kaya nga nilulubos ko na ang break ko ngayon eh. Nakikini-kinita ko nang magiging zombie na naman ako sa mga susunod na linggo.)

Kung inaakala ninyo, napakadaling mag-isip ng kuwentong ipapalabas sa TV, puwes, akala niyo lang yon!

Ang hirap kayang mag-isip ng istorya! Lahat na ‘ata ng puwedeng ipalabas sa TV, naipalabas na.

Yan ang hirap sa panahon ngayon eh. Tapos dinagdagan pa ng cable. Akala niyo ba, naaaliw kami kapag may napapanood na magandang feature sa Nat Geo o Discovery Channel? Hinde! Kasi pinalabas na nila, therefore, kung gagawin man namin sa local TV, either dapat ka-level nung presentation nila o di kaya, may bago kaming maipapakita. Dahil mura na rin ang cable TV (me jumper pa nga sa halagang P500), nagiging sopistikado na rin ang taste ng viewers.

Nakakahiya namang mag-suggest ng mga feature na naipalabas na sa ibang channel: “Ay walang originality! Napanood ko na ‘yan eh!”

Para naman sa mga taga-ibang channel na gumagaya sa mga naipalabas na namin:“Mahiya naman kayo, no! Gagawa na rin lang kayo ng rehash, puwede ba, gandahan niyo na! Tsaka humanap naman kayo ng ibang case study! Patawa naman kayo eh, pati ‘yung mga na-interbyu na namin, binabalikan ninyo. I-replay niyo na lang kaya ‘yung segment namin? Baka manalo pa kayo sa ratings!”

Take note: Hindi kami naghuhugas ng kamay.

May mga istorya din kaming natalakay na sa ibang network. Pero at least, may effort naman ang aming research team na maghanap ng bagong elemento sa isang lumang topic. Kahit papaano, sinusulit naman namin ang bayad sa kanila (IN sound ng buntot-pagi: HUWHAPAAAKKK!).

Naalala ko tuloy nung Researcher pa lang ako (ahem, alam ni Kurokuro ito), may moment na sa sobrang frustrated ko na sa paghahanap ng case study (buong araw na akong naghahanap ng nabaldado dahil sa drunk-driving), niyakag ko na ‘yung driver na kasama ko sa ocular (oh yezzz, darling ako ng mga driver sa kumpanya namin noon dahil sila ‘yung lagi kong kasama sa undercover). Nagmisa muna kami sa me simbahan malapit sa Orthopedic. Humihiling na ako ng divine intervention. Punyeta, napaiyak pa nga yata ako noon habang kumakanta ng Ama Namin eh.

Pinaka-unforgettable experience ko naman eh ‘yung binangka ko ang Philippine Sea (mula Masbate hanggang Roxas) ng mahigit anim na oras. Ito ay para lang makaabot sa PAL flight ko kinabukasan. Ocular-research para sa kuwento ng mga batang nagpupusit sa Masbate (I’m sure, pumapalakpak na naman ang tenga ni Kurokuro, siya ang salarin!). First time kong pumunta ng probinsya mag-isa at sumakay ng 6-feet fishing boat kasama ang 2 batang bisaya na hindi marunong mag-Tagalog. FYI, hindi po ako marunong lumangoy. At kung sakaling minalas-malas ako’t tumaob ‘yung bangka namin, hindi ko alam kung saang isla (o bansa?) mapapadpad ang aking bangkay (yun ay kung hindi pa ako nagiging pica-pica ng mga pating).

Pag iniisip ko yung mga panahong ‘yun, hindi pa rin ako makapaniwala na naranasan ko ‘yun… Ako na handang ihatid-sundo ng tatay at lolo ko kahit madalang ako magbigay ng pang-gasolina. Ako na ayaw pasalihin sa mga liga ng balibol sa subdivision namin noong araw dahil baka raw lumandi ako ng maaga. Ako na pinag-aral ng 11 taon sa exclusive girls’ school para lang maiwas na mabuntis ng hiphop.

*** Sa mga sandaling ito, marahil, na-iimagine na ng iba sa inyo na si Lenggai ay isang maputi at tsinitang taga-Forbes Park. ‘Yun talaga ang intensyon ko. Sa mga nakakakilala sa akin, wag na kayong kumontra. Ang kumontra, buburahin ko ang comment!

Anyway… Lumayo na ako ng tuluyan sa topic ng post ko. Paano nga ba ipinapanganak ang isang istorya sa TV?

Kung tutuusin, kawawa rin ang mga Researchers. Tigang na tigang na ang utak nila sa kaiisip ng bagong istorya, kung minsan, wala na talaga silang mailalabas.

Samp0l ng brainstorming sa TV:

Researcher: “May proposal po ako…

Lahat kami lilingon. “Ahm… Meron daw po ngayon, nauuso… S.E.B.”

“S.E.B.” Kala namin sasakyan.

“Sex Eyeball po.”

WTF?!!!

Sa moment na ito, may imaginary “Ka-tsak!” ka nang maririnig sa background.

“Ahm. Uso raw po ‘yun sa mga nagcha-chat…”

BANG! Umaalingawngaw ang imaginary .45 sa buong kuwarto.

Hihirit ang boss namin: “Hanuba?! Buhay pa si Nida Blanca, ginagawa na ‘yang SEB… Gasgas na ‘yang topic na ‘yan… Ano pa?”

“Hindi po, Sir, may bago po dito sa SEB…” Hindi pa nadala. Kumakalansing na naman ang imaginary basyo ng armalite sa background.

Pagbibigyan ng boss ko. “Sige, ano?”

“Pati raw po mga bakla, nakikipag-SEB na…”

BRATATATATATATATATATATATATATATATATAT!!!!!

Kung tao lang ang mga story proposal, daig pa namin ang Holocaust pagdating sa tigbakan ng mga walang wentang suggestion.

Kung minsan naman, may mga keri na sana:

Pabibong Researcher sa boss namin: “Sir! May proposal po ako!”

In fairview... Para lang kaming nasa Bulagaan portion di ba? ‘Yung mga ganitong hirit, parang intro sa “Knock, Knock…” joke ang katumbas.

“Ano?” (translation: “Who’s There?”)

“Gawa po tayo ng kuwento tungkol sa pagawaan ng bomba… Di ba talamak po ngayon ang mga bombahan?” (translation: “Pagawaan ng bomba.”)

Mapapaisip ang boss namin. “Okkkkaaaayyy…  May ma-iinterview ba tayong aamin na gumagawa ng bomba?” (translation: “Pagawaan ng bomba, who?”)

Mabubuhayan ng loob. “Meron po! Di ba sa Payatas may mga nahuli pong mga Abu Sayyaf? Mag-oocular po ako dun, hanap tayo baka may natitira pang Abu Sayyaf na puwede nating ma-interview!”

Kung sa Bulagaan, ito na ‘yung part na ipe-play na ‘yung recorded na tawa ni Jimmy Santos, tapos magbabatuhan na ng puting icing ‘yung mga host.

Shet. Ang hirap talagang humanap ng story! Nagki-kill time lang ako dahil nasa mood akong magsulat. Pero sa dami ng tumatakbong ideya sa utak ko, wala ni isa doon ang ideya para panibagong topic.

Mananawagan po ulit ako:

Ang kelangan po namin eh kuwentong marumi, mabaho, nakaririmarim at kasula-sulasok. Yung expose na tipong liliit ang mundo mo oras na ipalabas mo sa TV. O di kaya sakit na biswal, nakakadiri at nakaka-paranoid ikober.

Kung gusto niyong mag-suggest, huwag niyo pong isulat sa comment ninyo. Kung sakali pong hindi ninyo alam, may nagaganap na Ratings War sa Philippine TV.

Ibig sabihin, unahan ang mga network pagdating sa istorya. Baka mamaya, may taga-ibang channel na makabasa ng proposal ninyo, naging instrumento pa ang blog ko para maunahan kami.

Paalala rin po, hindi tumatanggap ang programa namin ng mga reklamo sa binubugbog ng asawa, naghahanap ng ka-pen pal, humihingi ng tulong sa pambayad ng CT scan o naghahanap ng mag-aampon sa kanilang anak.

May foundation po kami para doon (Mabuti nang klaro di ba?).

Sakaling may interesante po kayong kuwento na nais mapanood sa TV, Email niyo po sa akin sa aileenrae@gmail.com.

Maraming salamat po. Pagpalain tayong lahat.

Mga Puna»

1. kaith - Nobyembre 16, 2007

fan nyo na po ako! got here through ah, eh, andami ko na kasing nadaanan before i got here. parang kay maldito yata. hehe. anyway, i admire the way you write, most especially the things you think of to write about. mas idol kita kasi media ka and parang u r good at what u do. masscom graduate po ako, di nga lang nagpursue sa media work. mas gusto kong mag artista. hahaha. joke lang po. anyway, i hope u don’t mind if i add you in my blogroll. i will surely come back for more.🙂

**

Maraming salamat, fan (first time kong magkaroon ng fan kaya singular, LOL!)! Buti naman at nag-eenjoy ka sa mga post ko. Darating kasi ang panahon, magiging korni rin ako. Pag naging korni na ang mga post ko, magco-comment ka pa rin ha? Hehehe! Salamat ulit sa pagbisita, and sure… I’d be honored if you’ll add me to your blogroll!😀

2. kurokuroko - Nobyembre 16, 2007

WAAAAH!!! KAMI RIN WALA PANG ISTORYA!!! AT SHOOT WEEK NA NAMIN NEXT WEEK!!!

HAY GOLLY. AYOKO NA. PRAMIS.

**

Naku… Ayan na naman si “emo kid!” Lol! Joke. Don’t wori, Tops, darating din ang istorya… Pag may pumatol sa panawagan ko at bagay sa programa mo, ibabato ko sa’yo…😉

3. BAX - Nobyembre 17, 2007

hahahahaha!!! sinong researcher ang tinutukoy mo!!!! hahahaha….

**

Dear Bax,

Sa palagay mo ba sasabihin ko? Kung napapansin mo, hindi ako naglalagay ng pangalan dito sa blog ko dahil marami na tayong mga ex-kaopisina ang naging ex-kaopisina na dahil sa katangahan nilang mag-name names… o mag-cite ng totoong mga pangyayari sa kanilang mga sample situations… Wala pa naman akong balak ilaglag ang mga Researchers natin sa blog ko.

Ah wab ar researchassss… Yeba!

4. Jim - Nobyembre 18, 2007

kakalabas lang, baka gusto mo i-cover yung global warming. gasgas man pero kakabalita lang na may bago report ang UN, puwede mo i-cover ang reaksyon ng mga Pinoy sa isyu na ito (o ang kakulangan ng kaalaman dito). Alam mo ba na ang mga developed countries ay ayaw pumayag sa Kyoto protocol at virtually ay ayaw pumayag sa development ng third world countries? Maraming isyu pumapaligid, huwag mo nga lang masyado tutukan ng interview yung mga tibak sa environment pero kausapin mo yung mga environmental scientist, may kakilala ako pero ‘di ko nga lang alam kung nasa Pinas siya pero kung may makita ka ibang scientist, say, sa UPLB, then mas magaling at least may objective expert ka pag nagkataon. Good luck!🙂

**

Thanks, Jim! Actually, na-feature na namin ang Global Warming before sa show namin. Really good topic!

I’ll take note of your comment, though. Baka magamit din sa other stories. I appreciate the comment, though!

If you have other suggestions, please let me know.😉

5. kengkay - Nobyembre 18, 2007

uy, may fan talaga ang lenggai girl, hehe… teka, babatuhan kita kapag may naisip akong kwento… wak ka ilag ha

**

***nakasapo na ang mga palad.

San na ‘te kengks? hehehe…

Katakot nga eh, na-pressure tuloy ako… Pero solid pa rin ang pans klab ni Jon Cab!!! LOL!

6. Mimi - Nobyembre 20, 2007

winner itong entry mo A! naalala ko dating EP natin sa JSR hahaha…di pa ako tapos mag-propose ng story, tigbak na (Canon MarkD ang tira…baratatatatat!!) (kasi naman po wala namang kwenta at tlgang pilit yung storya!) aliw ako sa JSR and KMJS experience ko. miss you A!

uuuyyy… biglang kambyo! hehehe! ako hindi ko namimiss… andito pa kasi ako! LOL!!!! musta ka na? pano mo nadiskubre ang blag-blagan?!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: