jump to navigation

Dos berses Siete Nobyembre 17, 2007

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

“Yo! Kaposo! Woohoo! Kaposo kame! Number wan!”

Tapos susundan pa ‘yan ng isa pang lame impersonation…

“Hindi namin kayo tatantanan!!!!” (with matching gigil and panduduro a la Mike Enriquez)

Tawanan. P*tangna.

Eto na nga ang pinakagasgas na salubong na natatanggap namin kapag may coverage. One time pa nga:

Magpapark ang crew cab namin sa isang maliit na eskinita sa Maynila (FYI, ang crew cab po ay ‘yung sasakyang may nagsusumigaw na logo ng network sa pintuan. Karaniwan itong sinasakyan ng mga reporter at camera crew ng news. Hindi po ako reporter, pero institusyon na ang host ng programa namin kaya may sarili rin kaming crew cab).

“Uy! GMA! May GMA o!” Kagulo na ang mga tao, most specifically ang mga bata…

*** Sa moment ding ito, maririnig mo na naman ‘yung mga linyang minention ko sa intro…

May mga pasaway na didikit sa bintana kahit gumagalaw pa ang sasakyan. Kakaririn nilang silipin kung sino ang “sikat” na nasa loob…

Siyempre, ako naman, dahil most of the time, tulog kapag nakakaramdam na ng ugong ng sasakyan, gagawa na ng effort para magmukhang tao. Effort kasi di naman ako mahilig mag-make up. Actually, hindi talaga ako nagme-make up.

Pagka-park, mauuna na akong bumaba ng sasakyan. Pagbukas pa lang ng pinto, ramdam mong may ilang napapahugot na ng hininga…

“Ay. Olats. Kala ko sikat! Saling-pusa lang pala.”

Ampft! What were they expecting? Si Connie Sison?

Nakakauta lalo ‘yung reaction nung ibang iniinterview namin.

“Uy! Kapuso kami rito…” Kikindat-kindat pa sa mga kasama, as if naghahanap ng kakampi.

“Ahhh… Salamat po!” Ngingiti ako.

“Pag may naglipat nga ng channel dito sa bahay, ginegyera namin eh!” Tatangu-tango naman ‘yung mga kasama ni interviewee.

Steady lang ngiti ko. Eh alangan namang sabihin kong tama ginagawa nila?

“Ang galing talaga ng mga Kapuso shows! Yada, yada, yada…”

Tapos magra-rundown na sila: kung sino peyborit nilang Kapuso star, kung paanong puputok na ‘yung TV nila sa init dahil bukas maghapon, kung sino ‘yung kinakampihan nila between Piolo and Lolit, etc. etc.

Don’t get me wrong.

Nakaka-flatter ‘yung loyalty nila sa istasyong nagbibigay ng taba sa aking tiyan… Pero kung inaakala nilang password na ‘yun para maka-log in sa friendship forever account ko, eh may “error” ang hinuha nila.

Di ko rin naman sila masisisi. Yun kasi ang isa sa mga pinakamatagumpay na PR tactic kapag nais mong maghatak ng viewers. Very beneficial din ‘yung ganung loyalty, lalo na sa Marketing: kapag mas maraming viewers, mas mataas ang ratings, mas maraming advertisers, mas maraming pera pambayad ng mga artistang maghahatak na naman ng mas maraming viewers, mas mataas na ratings… and the cycle goes on and on and on…

Kung inaakala niyo naman eh lumalago ang ATM account namin kasabay ng sumasaganang kaban ng network namin, again… nagkakamali kayo!

‘Yung mga regular na empleyado ng istasyon, kahit papaano, may share sa profit. May CBA sila eh. Pero para sa aming mga talent (meaning: contractual, kahit pa 10 years ka nang kandakuba sa trabaho, kung talent ka lang, contractual ka pa rin), pang-“for the love of the program” lang ang katumbas ng sky-high ratings na ‘yan.

Pero hindi ibig sabihin nun, puwede na kaming mag-angst. Ang aspetong “for the love of” ay hanggang pera-pera lang… Ang ratings din kasi ang nagdidikta kung may trabaho pa kami sa susunod na buwan o wala. Pag mababa ang ratings, hindi mahihikayat ang advertisers na bumili ng spot (o yung oras kung saan itinataya nila yung kanilang commercial, hoping hindi tayo mag-CR o hindi natin ilipat ang channel). ANo mang ganda ng programa mo, kung hindi kayo kumikita, tsugi ang happy moments niyo sa ere… Maraming magagandang programa na ang namayapa dahil dito. ‘Yung iba nga, naghakot pa ng local at international awards para sa network.

Anyway, mabalik tayo sa Dos vs. Siete showdown. Natatawa lang talaga ako dun sa mga handang pakamatay para lang mapatunayang Kapuso sila. Sa isang entertainment blog, nabasa ko ‘yung mga debate tungkol sa Dos at Siete. Riot!

Nakakabwisit naman ‘yung mga maka-Kapamilya na gagawing misyon sa buhay ang mapatunayang tae ang istasyon namin. Idudukdok pa nila sa’yo yon, as if ikababawas ng pagkatao mo ang hindi nila pagsuporta ke Marimar.

*** Eh pota, paki ko kung tingin mo mas maganda si Angel Locsin ke Marian Rivera? Opinyon mo ‘yun eh. Puputi ba kili-kili ko kung papatulan kita?

May balita pa nga noon, may mga tambay na nakipagsapakan dahil sa pagtatanggol ng favorite network nila… Pramis!

Ang panalo, yung asaran kapag nasa field ka at may nakasalubong kang taga-kabila. ‘Yung iba, taas-kilay ka pang iismiran. And mind you, yung mga ganun, yung mga hindi pa sikat na reporter, o di kaya nga, yung mga Curimao na feeling na alalay ng kung sinong Boss Curimao dun.

Tapos kapag dumating na ‘yung iinterviewhin ninyo, makikipagsapawan pa ‘yan ng mikropono sa camera. Para bang minamarkahan ‘yung shot mo dahil buong-buo ‘yung logo ng mikropono nila sa screen, samantalang ‘yung sa’yo, nanginginig pa sa framing dahil pinapatungan ng braso niya ‘yung braso ng assistant cameraman mo.

Ang panget.

Ok lang namang mag-unahan sa exclusives. Ganun naman talaga ang trabaho natin eh. Ok lang din ang magswapangan tayo sa story. Kasama ‘yun sa thrill ng pagkokober. Pero hindi naman ikauunlad ng estado natin sa buhay kung makikipag-iringan tayo sa field di ba?

Aaaminin ko, nung bagu-bago rin ako, naninindigan din ako sa ganyang prinsipyo. Nagbago lang ‘yan nung may mga nakilala na akong taga-kabila. Hindi man kami nagshe-share ng trade secrets over coffee, at least alam mong ang trabaho, trabaho nga lang, walang personalan.

Noong May elections, may cute na reporter akong nakasabay sa coverage. Cute siya, pero dahil taga-kabila, nakikipagdupangan pa ako ng magandang anggulo sa mga interview namin. Hiya ko lang nung minsang naunahan nila kami sa isang location, wala na kaming kopya nung letter na importante sa story namin, siya pa ‘yung nag-alok sa amin nung kopya. Kunan na lang daw namin kasi pina-xerox lang nila, ‘yung original, andun na sa nakaalis nang interviewee. Gandang ugali, di ba? Lalo tuloy siyang naging cute. Eh kesa naman dun sa others na nakasalamuha ko na rin.

May isa pa akong naka-meet, medyo sikat din siyang reporter dahil sa kanyang novelty na boses at approach sa mga report. Nginitian ko siya bilang pagbati, tapos maya-maya lang lumapit na siya’t nakipagkuwentuhan. Nakakaaliw siyang kausap, sing-happy ng image niya sa TV.

Nabanggit nga niya: “Di ba ang sarap pag ganitong nagpapansinan tayo sa labas? Yung iba kasi, dinidibdib masyado ‘yang network wars na ‘yan…”

Oo nga naman.

Ang trabaho, ok lang na siniseryoso. Ang mga istorya, ok lang na itinatago. Pero pagtanda naman natin, hindi ka naman matatandaan sa pagiging Kapuso o Kapamilya. Lalong di naman tumatatak sa ala-ala yang matataas na ratings na ‘yan.

Mas matatandaan ko pa ‘yung moment na pinahiram ako ng xerox ni cute reporter na tagakabila. Mas ikukuwento ko pa sa mga magiging apo ko ‘yung simpleng statement ni sikat na reporter.

***P.S. Pero aminin niyo, panalo talaga kami pagdating sa ratings sa Mega Manila!!! Hehehe!

Mga Puna»

1. Kiko Matsing - Nobyembre 18, 2007

Hahaha! Talagang humirit pa sa P.S. eh!πŸ™‚

Basta ako kaposo ren pate na famele ko! Woohoo!

Pwede na po ba ako mag-log in sa friendship forever account mo? Hahaha!

**

Puwedeng-puwede, Ka Kiko!!! Ang LAGAY ba eh…

***Pinagkikiskis ang dalawang palad habang kumikindat-kindat sa direksyon ni Kiko…

LOL!!! Joke. Mayaman ako. *wink*

2. Jayvee Sacramento - Nobyembre 18, 2007

What’s so amazing with Channel 2 and Channel 7? Eh hindi naman magaganda pareho ang shows nila. Mas mabuti pa ang Studio 23 at ABC 5.

**

I really don’t know, Jayvee!

Bat kasi namamayani sila sa ratings sa Mega Manila, and ang Channel 2… Whoa, I really have no idea why they can be under the “amazing” networks category when ang dami-daming nanonood sa kanila sa province and bentang-benta ang TFC channel nila!

Ang ratings din ng Ch. 2 at Ch. 7 ang batayan ng marketing strategies ng karamihan sa mga ad agencies sa MM. Tapos sikat na sikat pa ang mga TV soaps nila, to the point na may following ang mga “jologs” at “copycat” series ng dalawang network sa Pinoy channels nila worldwide (I’m not really a fan, pero nagagandahan ako sa butt ni Marimar! hehehe!)

And the awards! Why the hell should people take the network wars seriously when majority ng TV award-giving bodies, pinipili ‘yung karamihan sa mga shows na nagmumula sa dalawang network na ito. May mga matitino rin naman kasi talagang na-iproproduce na stories dito… May times pa nga na nananalo ‘yung shows nila ng Peabody Awards… Ang Oscars ng TV…

Given these circumstances, it really baffles me WHY people still think these networks are so amazing… I mean, c’mon!

Why can’t anybody give other channels a chance? Haaayyyzzz…

***In fairview, maganda rin naman ang ibang shows ng Ch.5 at 23, innovative. Mas malaki lang talaga ang sakop and may loyal following na yung dalawang major networks.

Salamat sa pagbisita.πŸ™‚

3. my name rhymes with hyoscine-n-butylbromide - Nobyembre 18, 2007

so kapuso ka pala, I LOVE IT! well mas may katuturan palang magbasa ng blogs niyo kaysa basahin ang blogs ng ex kong http://thisisnotyourblogitsmine.blogspot.com kung saan gumawa naman ako ng sarili kong http://hyacinth-hughlettehendrix.blogspot.com bilang counter attack, salamat sa friend kong nagbigay sa akin ng site na http://www.blogniinday.com kaya ngayon, namulat ang aking mga mata sa mas matitinong blogs gaya ng sayo at kay badoodles, ang saya!

**

Maraming salamat, my name rhymes with sherpa, sherpa, sherpa… (*sorry, haba eh! may nick ka ba? hehe)

Salamat at tingin mo matino ‘tong blog na ito. Para sa akin kasi, ito’y isang uri ng pakikipagkuwentuhan. Buti naman at nag-eenjoy ka.πŸ™‚

4. angel - Nobyembre 18, 2007

ganyan talaga… Hindi maiiwasan yung competition.. Kahit saan..πŸ˜€

**

I agree, Angel… Sarap nga eh… Bloooodddd!!! Moooorrreee Bllloooooooddddd!!!! LOL!!!

5. Padre Salvi - Nobyembre 18, 2007

Haha. Bumawi sa P.S eh.

Frankly, I’m a kapamilya. Pero non sense talaga ang makipag away sa isyung network wars. Kanya kanya lang yan ng taste (or pinagtatrabahuan).

**

***titingin sa kanan… tapos sa kaliwa… bubulong: Or baka may makabasang boss… Shhh!!!
πŸ˜€

6. kengkay - Nobyembre 18, 2007

hmmmm, si kengkay nagkamot ng uloπŸ™‚ pero kasi alam mo ibubulong ko sa yo ang aking peborit na network (pabulong) pswshswhshshs… naintindihan moπŸ˜€

**

HANUNG CHANNEL 13, ATE KENGKS?! nakuuuuu… kaw talaga!!!!

7. kengkay - Nobyembre 18, 2007

harump… sanel neun sabi ko, hmpπŸ˜€ dun ako nag OJT waaahhhhh…

**

“sanel neun”

whadduh?! ngongo speak ba yun te kengks o foreign channel? shet ambobo ko na!!! lol!!! wabyu te kengks!πŸ˜‰

8. Jon Cabron - Nobyembre 18, 2007

ambaduy ng mga palabas nyo pagkatapos ng eat bulaga, tnxbye’
oh isa pa, ambaduy ng costume ni zaido, “tulis” pangkalawakan..

last na,
pang bakla ang channel 5… opinyon ko lang naman’

**

Haaayyyyzzz… Paborito talaga kita Jon!πŸ˜€

9. icsx - Nobyembre 19, 2007

*** Eh pota, paki ko kung tingin mo mas maganda si Angel Locsin ke Marian Rivera? Opinyon mo β€˜yun eh. Puputi ba kili-kili ko kung papatulan kita?

mahirap ang usapang media sa pinas. at nakakatawa.at paulit ulit.
at nakakadala. bakyang bakya. pero laging nakakaintriga.

—-

naks… di ko maarok, ice! hehe!πŸ˜‰

10. Jon Cabron - Nobyembre 19, 2007

^ huh?!

?!?!

11. Jayvee Sacramento - Nobyembre 19, 2007

kaya lang ako nasa channel 5 at 23 eh dahil sa basketball. kung walang basketball sa dalawang channel na yan, eh kadalasan sa nat geo at basketball tv ako.

pero in fairness meron nang pantapat ang 5 sa chinovela ng channel 2 at channel 7.

JUDGE BAO! bwahahahahahahahahaha.

waaahhhh!!! di ko alam yun ah… chaka! heheheπŸ˜€

12. my name rhymes with hyoscine-n-butylbromide - Nobyembre 19, 2007

hya na lang poh for sure, hehe,
natutuwa talaga ako kasi although hindi lahat ng brutal na banat totoo but in a way nakakarelate ako, ayun, i love sarcastic and mean antics…
tsaka ayun nabuhay ako sa pagbabasa ng libro, tas itong mga blogs na ganito, parang reality-based na book,

hi ya, hya! salamat!!! enjoy ka lang jan… habang ginaganahan pa ako… LOL! joke!!! salamat ulit!!!

13. fjordz - Nobyembre 21, 2007

galing galing! mas maganda nga namang hindi ka ka nagpapaka[personal sa network war.. yung mga dfans lang din naman talaga ang dahilan ng mga yun na ginagatungan ng mga networks kaya yun.. nakakatuwa at may mga magagandang kwento pala ang mga staffs ng magkabilang network..

http://hiraya.co.nr

P.S.: Kapuso ako, kapuso ako!! Hahahaha!!

Pero hindi pa rin siya ang password sa friendship forever account ko ha… hehehehe! joke!!!

natutuwa rin ako eh, pag naaalala ko. cute di ba?πŸ˜‰

14. wapita - Nobyembre 23, 2007

ilalagay po kita sa blogrolls ko..πŸ™‚ i love reading your “rants” po. hehehe..

But they are not rants, my dear… Salamat sa pagbisita!πŸ™‚

15. krephel - Disyembre 1, 2007

personally, i’m a kapamilya kasi yun yung nakalakihan ko pero i do love gma7 especially sa current affairs programs like i-witness and other docus…

grabe talaga ang fanaticism (tama ba?hehe) basta network war ang pinag-uusapan. in my opinion, kung saang channel ka nasisiyahan eh dun ka manood…. tama na ang ratings na yan, ang importante kung quality ang palabas na pinapalabas…

ganda po ng blog nyo… i’m adding you to my blog…salamat

Salamat sa pagbisita, krepz!!! Salamat din sa compliment!

Minsan nood ka rin ng programa namin ha, mas maaga yun, hehehe!!!πŸ˜‰


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: