jump to navigation

Bruha raw ako?! Nobyembre 20, 2007

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!.
trackback

Siguro naman, lahat tayo, me nakaaway na sa trabaho. Hindi porke nasa media ako, ibig sabihin kami lang ang laging napapaaway. Pero kahit siguro yung mga cashier sa toll gate, marunong ding makipagmurahan. Malay niyo, pag lugaw-lugaw na utak nila sa kakasukli, bigla na lang nilang babatuhan ng dirty finger yung pulis na kasama nilang nakatulala sa me barrier. Trip lang.

Strict kasi ako noon. Demanding pa. Nakaka-stress kasi yung trabaho namin kaya parang may feeling na dapat, hindi ka palaging kampante.

Eh ang kinabubuwisit ko pa, pag papetiks-petiks lang yung mga dapat eh nangangarag na. Siguro, in their own way, nangangarag sila, kaso sa industriya namin, dapat biswal yung pagiging busy mo. Nakuuuuu… Kapag malapit na ang deadline at wala pa ring maiinterview… Kung me sakit ako sa puso, matagal na akong paralisado sa poot.

Siyempre, may mga na-offend sa ugali ko. Hindi lang din iilan ang pinaiyak ko. Minsan, sa sobrang banas nung isang Researcher, tinext pa ako:

“God bless your meek soul.”

Para bang me sumasapi sa aking diablo at kelangan ko na ng basbas? One time naman, after mag-walk out nung isa pang Researcher sa akin, naisend pa niya sa akin ‘yung text niya dapat sa asawa niya. Sa text na ‘yun, tinawag akong gaga nung gaga. Kung di ba naman gaga di ba?!

Binibinyagan din nila ako. Ganun ako ka-notoryus noon. Ang pinakanakapeyborit ko sa mga naging bansag sa akin: “Halle.”

Bukod sa baklang butiki ang nagbansag sa akin nito, talagang na-capture niya yung essense ko as Producer nung mga panahong ‘yun. Una kong inisip, Halle Berry. Pero siyempre, mahilig din akong magbigay ng pet names so alam kong pag bibinyagan mo na rin lang ang kaaway mo, dapat, ‘yung nakakabastos na.

Nung umpisa, medyo naparanoid ako, baka kako hindi lang ako conscious, napaamoy tuloy ako ng hininga… Hmm… Hindi rin eh. Buti na lang di ba?

Matapos kong ipagtanong sa mga friendships ko na tsismosa rin, nalaman ko rin kung ano ang ibig sabihin ng “Halle.”

Halle-maw.

Gusto kong palakpakan sa tenga ‘yung baklang nagbansag sa akin. For sure, galing sa gag show yung hirit na yun, hindi kasi ako naniniwalang kaya niyang isipin yun. Sa mga moment na nagkakaasaran kami sa opisina, ang lalampa ng mga hirit niya eh. Hindi ko siya nakitaan ng potensyal maging witty. At kahit bading siya, hindi siya creative.

Teka. Nagiging personal na ako. Buti na lang nag-resign na si Butiki. May hustisya pa rin.

Sa payong kaibigan ng boss ko ngayon, medyo nabawasan ‘yung pagiging terror ko. Ganun din kasi siya. Balahura pero me K namang mambalahura. ‘Yun siguro ang ok pag living by example ang nakatataas sa posisyon mo.

To make a long story short, bumait na ako. Patunay nito eh ‘yung tumawag sa aking gaga sa text? Wala na sa programa namin, este… Kabiruan ko na ngayon. Kung magtatawagan man kami ng gaga, out of lambing na lang. Tapos ‘yung dati ko ring nakakairingan na Researcher, nag-comment pa sa isa sa mga entry ko. Biruin niyo, na-miss niya ako? Hehe.

Nagso-sorry na rin ako kapag me napapagalitan ako out of ngarag or sheer frustration… So imagine na lang yung buwisit ko when one time, me nadiskubre ako sa Multiply nung isang kaopisina ko. Comment tungkol sa akin. Hindi naman nag-name names yung hudas na nag-comment, pero halatang ako ang pinatatamaan niya kasi kaibigan niya lahat nung kasama ko sa ichur:

“Mukha talagang bruha si ano no? kahit saang anggulo mo tingnan.”

The nerve! Akala ko pa man din ok na kami. Nagpakumbaba na ako sa hinayupak na yun bago siya umalis sa programa namin, tapos mamukat-mukat mo, tinatawag pala akong bruha? At sa Multiply pa ha! Hindi na lang sinabi ng harapan para man lang nalaman ko kung bakit matapos kong makipag-peace talks sa kanya bago siya nag-resign, galit na galit pa rin siya? To think na nginingitian ko siya kapag nagkakasalubong kami! At genuine ang pagbati ko!

Nakakaimbyerna. Wala na ring sense kung kokomprontahin ko. Opinyon nya yun. At opinyon ko naman to sa blog. Hindi naman siya kagalingan kaguwapuhan kawalan. Sana lang, nakatulong ‘yung panlilibak niya sa akin sa pag-asenso niya bilang media practitioner at bilang tao.

Noong isang araw, bago ako pumuntang Mindoro para sa shoot. May envelope na nakasuksok dun sa drawer ko sa office. Kala ko subpoena.

Card pala galing sa dati kong Researcher. May picture pang kasama ha! At take note, hindi langit ang experience ng taong ‘yan sa akin. Narinig na rin niya kung paano ako manggigil sa cellphone . Nag-resign na siya sa programa (hindi dahil sa akin ha!) at naisipan pa niya akong pasalamatan… pasalamatan sa pep talk ko sa kanya, pasalamatan sa paniniwalang kaya niya.

Contrary to popular belief, hindi raw siya naniniwalang maldita ako. Nakakatawa kasi ako mismo, naniniwala dun, hehe. Iniisip ko kung masokista ba talaga ‘to o baka nagpapa-good shot lang? Pero wala naman siyang mahihita kung magpapalapad papel pa siya sa akin. Baka totoong me mabuti rin akong impluwensiya sa kanya.

Binasa ko ulit ‘yung card. Sa mga oras na gusto kong saktan at alimurahin ang pagkatao ng mediocre people, aalalahanin ko ‘tong card na ito.

Tapos saka ako magde-decide kung magpapaka-bruha na naman ako.

Mga Puna»

1. icsx - Nobyembre 20, 2007

sa dami ng stress na nakukuha mo sa trabaho at sa pagsasakripisyo mo ng lovelife mo (nag-assume ba?), normal lang na mag-taray at umusok lagi ang pores mo sa mukha.

una akong nag-comment?

jejejejejejejejejejejejjejejejjeejjejejjejejejjejejejeješŸ˜›

lovelife!!!! isa pa yan!!! haaaayyyyzzzz….

2. ces1 - Nobyembre 20, 2007

hahaha…ganitong mga eksena ang nakaka-miss sa iyo A! eh. na-visualize ko ‘chura mo habang sinusulat mo ‘to. ‘pag naligaw ka ng Cotabato, text mo naman ako ng ma-treat kita.

huwaw! asenso ka na rosa ha!!! panindigan mo yan, sisingilin kita, hehe! pano pala kita makokontak? nung number mo? nakakatawa pag naaalala ko yung mga araw na yon, bruhang bruha eh no?

3. kengkay - Nobyembre 20, 2007

bruha, weeeeeešŸ˜€ lenggai, sa truli lang, na intriga ako dito sa chika mong ito. panood naman ng show mo, hehe. pero tama ka, dapat matuto talaga tayong pagpakumbaba at gumamit ng sorry kapag tayo ang mali. ako ang tagal din bago ako natuto ng salitang yan e.. pero ngayong may asawa na ako at nanay pa ng dalawang bullinggit… natuto akong sabihin yan with feelings. pero minsan tawag din sa kin ng maliit ko ‘hexe’ o kaya ‘alte’ na ang ibig sabihin e ‘witch’ o ‘old woman’ hahahaha — bruha din pala aketch!

Hehehe! naaliw naman ako sa comment mo te kengks! kahit papaano, gumanda simula ng araw ko…

pero most of the time kasi te kengks, me mga taong bastos lang talaga sumagot. yung walang respeto sa ranking o sa heirarchy ninyo sa “food chain…” Yun ang pinakakinaiinit ng ulo ko. kung mabait naman at maayos makipag-usap, sino ba naman ako para manindak di ba? basta… long story… nway, one time, post ako ng video ng prorama namin dito para mapanood mo naman…šŸ˜‰

4. kurokuroko - Nobyembre 21, 2007

sino to? taga-*&^&%%? huwag ka mag-alala. mukha siyang barney.

wag mong ihalintulad yung hudas na yon kay barney, at least si barney, cute!

inedit ko comment mo ha, letse ka, kaw tong nagsasabing dapat maging maingat sa blog tas nag-mention ka pa ng name ng programa! kuuuuu kaw talaga!!!!

5. my name rhymes with hyoscine-n-butylbromide - Nobyembre 21, 2007

lam moh okie lang magpakabalahura tas in the end marerealize moh din na masyado ka ngang rude…hindi ko kasi magawa yan, sa bf ko kong dj ko lang ata lahat ng pinakamean na pwede kong sabihin sa isang tao eh malay ko bang napupuno din ang mga tao…kaya ayun humanap ng mukhang katulong na model ng isang skeletal system na katulad niya, (how bitter di ba?)in fairness magsama pa din kami nun kahapon, super tanga di ba?

ang masama niyan yung pinakamean na pwedeng sabihin sa akin eh yung nanay ko pa yung nagsasabi, naman, yung mga kaibigan ko nga hindi ako nililibak na ganun,
siya lang naman ang kontrabida sa buhay ko, ang lagay ba pag nagluwal ka ng anak sa mundo, sayo na yung anak moh, kaya ako ayaw kong magkaanak kung magiging katulad niya lang ako, hidi ako robot okay?
kesyo nagmamalaki daw ako at nurse ako?halur in the first place gusto ko bang maging nurse? kinuha ko lang yun para matahimik ang kaluluwa niya, eh tapos na ko ngayon, nakapasa din sa board and everything tas bawal pading magboyfriend? naman, kung totoo sana yung commercila ng CDO na cornedbeef naku, ipapalanghap ko sa kanya yun ng mag-iba isip niya kaso hopeless case na siya(tama ba namang sabihin ko lahat ng hinanakit ko sayo sa comment na toh) anyway pasensya na , wala lang mapaglabasan ng sama ng loob ko, nafrufrustrate lang tlaga ako …

6. my name rhymes with hyoscine-n-butylbromide - Nobyembre 21, 2007

…kasi nga sana man lang nasa field ako na ginagalawan moh, kung naging matapang lang sana ako na ipaglaban yung trip kong course o kaya fine arts, kung hindi comm art, kahit nga culinary, kahit ano pang arts, iniisip ko tuloy kung paano ko maiincorporate yung gusto kong gawin sa curse na pinasok ko, ang saklap, malas na’ko sa nanay ko, sa career, sa lovelife,ang saya di ba?

PS: paano ba gumawa na sariling blogsite dito sa wordpress?di talaga ako marunong eh, mayroon lang akong blogspot, but not here, eh mas interactive ang mga tao dito, sabihin moh ng nasa boobs ang utak ko(na minsang nasabi yan ng future ex BF ko sa akin nung binalahura ko yung pic nila together with the skeletal sysytem) parang gusto ng maniwala, nakakahiya mang magtanong pero ganito talaga pag kaunti na ang braincells at nasa herniated pa ang brain sa boobs, naging tao pa ako…:-(

hya, hindi ka naman ganadong magsulat no? hehehehe…

(in religious music/”Lead Me Lord” as scoring)

Sa tingin ko di pa naman huli ang lahat… boss ko ngang isa, ang course niya nung college, bio… o di ba? may producer din kaming top sa civil engineer exams… wala naman sa course yun eh, nasa passion at diskarte… at siyempre, kung pagpapalain kang magtagal… pagpapalain kasi hindi lahat, para rito sa “mundong ginagalawan namin…” šŸ˜‰

nga pala, simple lang mag-wordpress… punta ka sa wordpress.com, tapos create ka ng own blog mo. madali lang sya actually. tapos pag may WP ka na, join ka na rin sa wordpress pinoys, masaya dun! dami mababait gaya nina jon at ate kengkay… baka mas gumaan kung ano man ang dinadala mong “baggage.”

tsaka, one more thing… wag ka masyado nagpapaniwal sa nega na sinasabi sayo ng ibang tao… positive farming: pag positive ang itinanim, positive ang aanihin…

ayan, feeling ko nagiging joe d’mango na ako… ako si lenggai d’bayabas…

corny.

7. kurokuroko - Nobyembre 21, 2007

oi bakit mo binura iyung comment ko?

sino ba ito? iyung taga-kabilang %$#@ nyo?

binura ko ba? pinasaya nga ng comment mo araw ko, nakakatawa eh. friend nga kita… hehehe!!!

o ayan… baka sabihin nagpapaka-bruha na naman ako!!!! inedit ko ang comment mo, baka mag-create ng ishu…

8. fjordz - Nobyembre 21, 2007

hahaha ayos ah!! kung sa bagay kung araw-araw kang stress o pressured dahil sa deadlines talagang madali kang mag-iinit.. sa galit hehehe.. pero yun nga.. nasa tao naman yun eh.. kung paano mo tatanggapin ang mga descriptions sayo at kung mabubuhay kang ganun..

http://hiraya.co.nr

hehehe! salamat sa pagbisita! actually, tanggap ko naman na may moments na magiging mean ako, at minsan talagang bruha ako… lalo na kapag alam kong nasa lugar ang pagtataray ko. pero mabait talaga ako sa totoong buhay, pwamis!!!!šŸ˜‰

9. k3mbot - Nobyembre 21, 2007

turuan mo naman ako teknik paano maging mellowšŸ˜€ masyado na kasi ako MEAN waaaaah

hahaha@kembot! actually, try mo munang ngumiti pag nabubuwisit ka na. pag di tumalab, mag-breathe in, breathe out ka… pag di pa rin, wala na akong magagawa run… hehehe! actually, mainitin pa rin ulo ko, lalo na pag second day ko, hehehe!!!

10. KUROKURO - Nobyembre 21, 2007

ay ako k3mbot, kahit pa mean ako, i don’t care. ask Pinay Brodkaster. she went thru hell when we were still working together. pero kita mo naman ngayon kung nasan siya. di ba? di ba? nasa pilipinas ka? joke joke. hehe.

yan… ganyang-ganyan ang mga taong naghahasik ng ka-bruhildahan sa mundo… makaka-bingo ka na sa mga hirit mo kristoffer ha!!!!

11. lilmispasaway - Nobyembre 22, 2007

hindi ka bruha. witch lang ahaha joke lang pošŸ˜› . napadaan lang ako d2, mukhang tatambay ako ng matagal-tagal sa site mo, try ko basahin mula sa simula, oks lang ba? ahahašŸ˜€

Maraming salamat!šŸ˜€

12. Abad - Nobyembre 23, 2007

Parang nakakatakot kang makatrabaho. Haha. Nice blog, buti may time ka pang magupdate?

uy hindi naman! bait-bait ko na nga eh…šŸ˜‰

yun nga eh, medyo busy na, pag di na ako nakakapag-update ng regular, ibig sabihin lubog ako sa work…šŸ™‚

13. hiyashinsuna - Nobyembre 23, 2007

salamat poh, magandang idea nga poh yang sinabi nyong words of wisdom,hayyy buti may nag-eexist na blogosphere sa earth, kung hindi , di na ko tao ngayon, heheh,salamat poh uli,

You’re welcomešŸ˜‰

14. reyna elena - Setyembre 13, 2008

BRUHA ka nga talaga hahaha juice kohhh! patawarin ang mga butiking bakla sa mundo! mababaliw ako nang kakatawa sa yo especially dun sa part nang “tinawag akong gaga nung gaga. Kung di ba naman gaga di ba?!” hahaha i adore you i really do! hahaha

naks naman! touched ako, hehehe! minsan lang ako maging magpakatotoo sa pagiging bruha ko, hinangaan pa, nyahahah!

15. chuva chienes - Setyembre 15, 2008

mas bruha sayo yang nasa numero katorse sa taas hahaha kaloka story mo tama si reyna hahha aliw!

salamat sa pagdaan malen! natutuwa ako at naaliw kita… kahit sandali lang.šŸ˜€

16. ArianaDive - Mayo 14, 2009

Your site displays incorrectly in Firefox, but content excellent! Thank you for your wise words:)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: