jump to navigation

Katakot!!! Nobyembre 26, 2007

Posted by Lenggai in Coverage, Shutter.
trackback

Ahhh…  Natapos na naman ang isang linggo ng trabaho… Nakaere na ako so may permit na akong mag-share ng mga wento tungkol sa nakaraan kong episode…

Mukhang mapapasarap tayo kasi espesyal ang linggong ito. Hindi basta-basta ang naging topic ko (eto ang ‘kaaliw sa trabaho namin eh. Kada-linggo, para kang naglalaro ng “Choose Your Own Adventure”)

And for this week…  Ang aking adventure… Ang aking greatest fear

Ahas… ‘Yung makamandag!!!

‘Oly shet talaga!!!

Kinder ata ako nung first time kong makakita ng ahas. Sa me drainage sa taas namin. Pauwi kami ng Lola ko galing school…

“Ne! Tingnan mo ang daming ahas o!”

Kumpol-kumpol na color brown, nakapulupot ‘yung iba sa bakal na harang nung butas ng kanal…  Pag naaalala ko nga, iniisip ko kung nagkamali lang kami ng assessment…  Pero hindi eh, hindi naman puwedeng bulate ‘yon kasi matataba’t malalaki, tapos hindi sila kalikutan.

Tinanong ko sa Lola ko kung bakit andaming ahas…  Hindi ko na maalala ‘yung sagot niya pero ang alam ko, na-paranoid ako kasi baka lumabas sila sa butas ng paliguan namin…  Dun ko napagdesisyunan na gawin siyang phobia…

Fast forward to November 2007:

Last week, nakatanggap si Lenggai ng isang makasaysayang tawag:

“Hulaan mo kung ano na ang story mo?!” AP namin. At damang-dama ko ang excitement sa boses niya. Break ko noon kaya naka-break din ang utak ko. Also, katatapos ko lang mamalimos ng istorya sa blog ko.

“Hano?”

“Magugustuhan mo ‘to!” Kinikilig pa rin siya. Wala ako sa mood manghula pero na-iintriga na ako.

“Ano nga?”

Huminga muna siya ng malalim. For effect…  “Well…  Pilot episode na ng Kamandag, so…”

Pakingshet.

Alam ko na kung ano’ng punchline sa usapan namin, at ang masama run… hindi siya joke. Parang kinikiliti kausap ko habang sinusumpa ko siya. Alam niya kasing takot talaga ako sa ahas. Pero kinuha ko pa rin ‘yung story.

Buti na lang.

Taralets… Pasyal ko kayo!

———————————————

Paradise Reptile Zoo, Puerto Galera, Mindoro

Una namin ‘tong pinuntahan. Sayang maulan nung time na ‘yun pero ok lang kasi ang totoong main attraction ng lugar, nasa loob ng nursery…

Black Mamba. Sa NatGeo ko lang napapanood ‘to. At in a way, nagpapasalamat ako dahil sa loob ng aquarium ko lang siya makikita… ng live. Bakit? Bakit kamo?

**The Black Mamba is one of the deadliest snakes in the world. A single bite may inject enough venom to kill from 20-40 grown men, easily killing one unless the appropriate anti-venom is administered in time. When cornered, they will readily attack. In fact, many snake experts have cited the black mamba as the world’s most aggressive snake, noting tendency to actively attack without provocation. When in the striking position, the mamba flattens its neck, hisses very loudly and displays its inky black mouth and deadly fangs. It can rear up around one-third of its body from the ground[1] which allows it to reach heights of approximately four feet (1.21 meters). When warding off a threat, the black mamba usually delivers multiple strikes, injecting its potent neuro- and cardiotoxin with each strike, often attacking the body or head, unlike most other snakes.

Philippine Cobra. Sa tuwing lumalapit kami sa puwesto nito, lagi siyang naa-aggitate. Obvious naman sa litrato di ba? Fair enough, kasi the feeling is mutual. Ito rin ‘yung ginagamit na panakot sa amin nung may-ari ‘pag tinutuktok namin ‘yung salamin sa lungga ng mga alaga niya

“Be careful of the spitting cobras!” aniya.

In fairview, ito ‘yung unang ahas na nahawakan ko. Pinahawak sa ‘kin nung may-ari after nung milking (meaning: pipiga-pigain ‘yung ulo nung ahas para kunin ‘yung kamandag niya, usually, ginagawa ‘yun para makakuha ang mga scientist ng antivenin o pangontra para sa kamandag).

“It’s about time you get over your fear of snakes. C’mon, this is the only time you’ll ever get to hold a Philippine Cobra!” 

Hmm… May point siya. Pero kung hindi nga niya hawak yung buntot at ulo nung ulupong, malamang mamamatay na rin lang ako, di pa ko nakakahawak ng ahas.

Pero aminin niyo, astig di ba? First time ko, Philippine Cobra pa…  Sayang lang di ko nakunan ng litrato yung moment!

**The Philippine Cobra (Naja philippinensis) is a stocky, very toxic snake native to the Philippines. They are found on the Luzon, Mindoro, Catanduanes and Masbate islands. It’s average length is 1.70 cm. Populations from Mindoro Island are known to be up to 2 Meter in length…

The venom is a neurotoxin which affects cardiac and respiratory function and can cause neurotoxicity and respiratory paralysis and death in thirty minutes. The bite causes only minimal tissue damage. The Philippine cobra is capable of spitting their venom up to three meters.

Rattlesnake. Siguro hindi naman cliche kung sabihin kong nakaka-“rattle” ‘tong ahas na ‘to. Buti na rin lang at nasa loob siya ng aquarium nung nakita ko siya…  Tunog pa lang nung buntot niya, nakaka-praning na eh…

Etong close-up

**If the rattlesnake is not cornered or imminently threatened, it will usually attempt to flee from encounters with humans, but will not always do so. Bites often occur when humans startle the snake or provoke it. Those bitten while provoking rattlesnakes have usually underestimated the range (roughly two-thirds of its total length) and speed with which a coiled snake can strike (literally faster than the human eye can follow). Be aware that they can actually strike without pulling their body back into the famous “S” coil shape first and they may strike without any warning if feeling threatened.

Ahhhh…  Ito naman ‘yung mga ahas na gusto kong mahawakan… Hehehe. Kelangan ko lang talagang isingit. Bale yung nasa left, yung isa sa mga bantay nung may-ari, tapos yung nasa right, yung anak ng may-ari. Cute pareho. Tapos bata pa. Ka-edad ko malamang. 

Sabihin niyo nang paparazzi ako pero natotorpe talaga akong ichuran sila eh, lam niyo naman ako, sa totoong buhay, shy type. Hehehe.

——————————

Eto namang moment na to, sa Antipolo hideout ni Wilson Tan, trainor nung mga ahas sa telepantasyang Kamandag… During our shoot, pinicture-an ko ‘yung ahas na kumakain ng local na Mickey Mouse…

Suck it all in, baby! Yeah!

Gusto kong mag-cheer habang unti-unting bumubundat yung leeg ng loko… Eto naman ang third ahas na nahawakan ko sa tanang buhay ko…  This time, hindi na ko nagmumura sa utak ko habang nasa palad ko siya… cute eh!

Yezzz…  Kapuso ang ahas na ‘to!!! Yeba!

Brazilian Rainbow ata tawag dito. Cute di ba? Parang laruan lang. Pero matindi raw tong mangagat. Tanggal laman. Wag mo lang daw pipisilin o bibiglain.

Eto ‘yung Ate niya:

Waaahhhh!!! Ang cute talaga! Pa-kisss!!!!

Mexican Black ata tawag dito…  Pero ang cute din nito, sarap hawakan!!!🙂

——————————-

Ito naman sa San Carlos, Bukidnon… Tinatamad na akong ikuwento yung background nito, pero you can visit:

http://www.sunstar.com.ph/static/ceb/2007/08/22/news/can.cobra.blood.cure.ailments..html para sa buod…

In case nagtataka kayo kung ano ‘yung mga nakasabit…  Binalatang cobra ‘yan…  Sa totoo lang, kahit halos buong buhay kong kinamuhian ang mga ahas, nang makita ko ito, nahabag ako sa kanila… Kakaiba talaga… Nakakaawa.

Quote ko part ng script ko tungkol dito (tinamad na talaga akong magkwento in detail no?):

Ang pinangingilagang mga cobrang ito…  ang siyang pinanggagamot din ni Roy sa iba’t ibang klase ng sakit…

Itinatali muna ang mga ulo ng cobra… pagkatapos, pila-pila itong isasabit sa kawayan…

Sunod na ipahahaplos sa mga pasyente ang katawan ng ahas… 

Ito raw ay para “maipasa” ang sakit ng pasyente sa katawan ng ahas…

Pagkatapos…  Susugatan ang cobra sa may bandang buntot nito… at sasahurin naman ng baso ang dadaloy na dugo rito…

Pagdating naman sa check-up… Kailangan daw balatan ng buhay ang ahas! Dito raw kasi makikita kung ano ang sakit ng pasyente…

Ipapainom ni Roy sa pasyente ang inipong dugo na may kahalong apdo ng cobra…

Gaano ko man ka-labs ang trabaho ko, hindi ko talaga keri na lumapit dun sa cobra ng ganito kalapit…  Nag-offer ‘yung case study namin na siya ang kukuha nung video…  Siya naman daw ang hari ng mga cobra sa lugar nila so hindi siya tatamaan ng kamandag…  Take note, walang gloves yan ha… At kung nakita niyo lang yung tape namin…  Grabe…  Nauulol na kakasinghal at kakatuka yung ahas sa lente ng camera at kay Manong…

Hard core si Manong di ba? Pero astig tong moment na ‘to, can’t help but take some shots…

*** As of this writing, nagtetext pa naman si Kuya sa akin…  So far, buhay pa naman siya.

**Ang ibang data na nakalagay sa mga description, cut and paste mula sa Wikipedia.

Experience di ba? Eto ang linggo ko. Ngayon alam niyo na ba’t I Lab Mah Job!!!😉

Mga Puna»

1. hiyashinsuna - Nobyembre 25, 2007

sssssssssssssssssssssssht katakot pero may naisip na naman akong kabruhahan, sana lang may ibinibentang snake venom, tas ispray moh lang sa kaaway moh tsugi na siya, ang saya siguro nun, nyahaha…

mas trip ko ‘yung mismong cobra, ilalagay mo sa bag niya nang di niya alam… mas exciting panoorin. di ka pa makukulong basta walang witness na nilagay mo sa bag niya… mwehehehehehehe!!!!

2. kaith:) - Nobyembre 26, 2007

ahhh. takot din ako sa ahas.😦 feeling ko hinding-hindi ako magkakaroon ng guts humawak ng ahas, hihimatayin cguro ako. so nawala na po ang fear nyo ngayon?🙂

In a way, yeah… Naglalaro na nga sa isip ko na mag-alaga ng Brazilian Rainbow… Hehehe! Sabi kasi nung German na may-ari nung zoo sa Mindoro, yung takot, nasa utak lang… Once na-convince mo sarili mo na hindi siya katakot, hindi siya nagiging katakot.😉

3. lilmiz - Nobyembre 26, 2007

wow congrats!!😀 buti ka pa, naovercome mo na😀 ako wala akong plano hahah.. takot din ako sa anything slimy.. eww lolz .. congrats ulit! ahehe😀

Salamat dear! Pero that does not mean hahawakan ko na bawat ahas na makita ko sa wild… Lalaruin ko lang yang mga yan kapag alam kong di nila ako papapakin, hehehe! Salamat sa pagbisita!😉

4. Jon Cabron - Nobyembre 26, 2007

gusto kong magbiro ng bastos pero wala ako sa mood…
buti bumalik ka na, namiss kita’

tnxbye

Kikiligin na sana ako sa comment mo, Jon, pero naalala ko bigla si Mrs. Cabron at ang mga babae sa blog entry mo… Ahhh… Ang buhay nga naman…

Salamat sa pagbisita! Parang me award ang entry ko kapag may comment mo… Pa-kiss nga sa noo!😀

5. S3lv0 - Nobyembre 26, 2007

hehehe aztig! kakatakot ha. kung sawa lang medyo ok pa kasi di naman tumutuklaw pero pag mga cobra na at iba pa dedma. nasindak na kasi ako nyang mga cobrang yan nung kabataan ko. minsang naglinis kami ng mga nakapile na mga tabla sa lumang bahay ng lolo ko ay pugad na pala ng cobra yun sa ilalim at isang pamilyang cobra ang bumulaga sa amin. para ngang nauna ang espiritu ko sa katawan ko sa pag takbo hehehe

Kinilabutan naman ako sa wento mo! Talaga? Putek. Na-iimagine ko yan kung dito sa bahay namin… kuuuu!!!! Baka bumalik phobia ko! Kakasindak yung mga cobra eh, alam mo kasing kayang-kaya kang madale… Pero pramis, kakaawa pa rin ‘yung mga cobrang kinober namin sa Bukidnon… Magkakasimpatiya ka eh… Kasalanan ba nilang di sila pinanganak na cute? Di ba?

6. kengkay - Nobyembre 26, 2007

tayuan balahibo ko especially dun sa ispesyal na mga kyut na ahas, ahahaha… di ko tiningnan masyado pechurs, ayaw ko ng ahas e. may kwentong ahas din ako… nung asa corregidor kami, kasama buong barangay, naghanap kami ng picnic area… ang mga matatanda hirap hilain yung paa nila para maglakad.. itong uncle ko umakyat pa ng bundok para dun kami maglatag ng picnic. aba, biglang may maliit na cobrang lumabas… takbuhang umaatikabo. sempre ang naunang tumakbo yung mga matatandang kunyari e hirap na hirap maglakad, hmp😀

Naku te kenks! ayoko silang makita in the wild, lalo na kung magpipiknik ako… bad trip yun ah! basta wag mo lang lalapitan o tititigan, safe ka naman dun. most cobras naman daw hindi aggressive, unless gulatin mo. basta pag nag-hooding na sila (yung umalsa na yung leeg nila), takbo ka na, kasi ready to strike na yun…

salamat sa pagdalaw! tingnan mo yung pix nung cute na ahas! kung me pagkakataon ako, gusto ko mag-alaga nun, hehe! yung 2 huling pechurs ang dahilan bat nasa dave-yow kme…😉

7. Ambo - Nobyembre 27, 2007

Nakupo! Isa sa mga pers ko yan eh. Bukod sa per of hyt meron din akong per op sneyks eh. Di ko kaya yang lapitan ng ganyan yung cobra. Kakaripas ako ng takbo nyan tyak! Buti ka pa matapang ano? hehehe

dapat pala sinama kita eh! hehehe!

hindi naman sa nawala na yung takot ko sa mga ahas, dama ko na maghi-hysterical pa rin ako pag tipong me naghagis sa akin ng ahas habang nagbla-blog ako…

…tapos pag nahimasmasan nako, dadamputin ko yung ahas tapos sasalaksak ko sa brief/panty ng kung sino mang talipandas na naghagis sa akin… ‘steeeegggg…😀

8. angel - Nobyembre 27, 2007

sus.. kahit ako takot din sa mga ahas eh.. huhu Pero remember ko nung bata pa ko, natutulog ako nun sa may sala namin tas pagkagising ko may nakita kong ahas sa may sahig namin na patay… At nakita ko yung pusa ko na duguan ang bibig… buti na lang may pusa ako kundi baka nakagat na ko nung ahas.. katakot talaga…

Nay! Kakilabot naman yun!!!! Sigurado yun no, lalo na kung napadaan sa kama mo yung ahas tapos medyo nadaganan mo… nyay! buti na lang pala!!! wawang meow-meow…😦

9. Ambo - Nobyembre 27, 2007

wag mo na akong isama no thanks hahahaha. Kasing laki nga lang ng bulate kumakaripas na ako eh. Basta reptiles naku wag mo ako asahan dyan hehehehe

kahit nasa loob ng aquarium? hehehe… siya… sa SOP na nga lang… eh pano yun? marami ring “reptiles” dun ah? hehehe!

10. A Z R A E L - Marso 26, 2008

hmmmm.. kailangan mag comment ako dito kahit medyo huli na, at sabihin sayo na…

ako na siguro ang isa sa pinakamatapang na taong makikila mo sa buhay mo. wala akong aatrasan kahit abu sayaf pa yan. pwede rin akong makipag-digmaan sa kampon ni satanas na nakatali pa ang isang kamay sa likod. nangangarap din akong makipag-rambulan sa isang maliit na kulungan na may lamang sampung leon, benteng dragon at isandaang buwaya..

pero..

wag mo lang ako papakitaan kahit na anino ng pinakamaliit na ahas. wala akong pakialam kahit na naka-posas pa yan…

tatakbo ako palayo!!!! takot ako jan eh nyahahahaha!

hahaha!!! barakong-barako intro mo, Az! natawa ako sa clincher eh!

ako rin, kapag iniisip ko ngayon, paranoid pa rin akong makasalubong ng ahas sa coverage… yun nga lang, ang mabuting dulot nung paggawa ko ng story na yun eh alam kong hindi na ako magha-hyperventilate pag nakakita ako ng ganun… basta wala lang habulan… wag ganun!

11. marlene - Abril 6, 2008

friend hilig sa ahas at gusto,g makita itong ating reptile zoo… ilang ho byurs ba iyan pa manila at anong means of transportation … i mean how much plane by boat . uwii kami this end pf the year

sa mindoro po ito… malapit sa puerto galera.

3 hours from manila to batangas pier tas mga 1 hour ata via roro papuntang mindoro. punta kayo, maganda run!

12. AndrewBoldman - Hunyo 4, 2009

da best. Keep it going! Thank you


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: