jump to navigation

Film Showing tayo… Nobyembre 27, 2007

Posted by Lenggai in Post-Mortem.
trackback

Wala pa man pong isang buwan na nasa blogosphere ang Pinay Brodkaster…  Masaya ako kasi kahit papaano, marami na ang nag-react, naaliw, nainis, na-epalan, natawa, na-bad trip, natamaan, yada, yada… sa blog na ito.

Para sa mga curious kung ano nga ba ang mga tipo ng kuwentong pinagkakaabalahan ko linggo-linggo (well, every other week, kasi cool ang boss namin pagdating sa labor rights…  simula nang maging boss namin siya, may break na kami), ipapakita ko sa inyo ang ilan sa mga ginawa kong segment…

Salamat sa mga nangangarir naming viewers, may pagkakataon po tayong mapanood/ma-upload ito mula sa YouTube…

November 24, 2007: Kamandag segment Gap 1

Dahil sa istoryang ito, naibsan ang takot ni Lenggai sa mga ahas…

Kamandag segment Gap 2

July 28, 2007: Cebu Jailhouse Rock

Paborito rin ito ni Lenggai kasi ito ang pers taym niyang nakakita ng daan-daang presong nag-rarakenrol… Shunga-shunga nga lang siya kasi umasa pa siyang may makikilalang “Michael Scofield” sa loob…

November 11, 2007: Kuto!

Dedicated kay Ate Kengkay… Ito ‘te ang sitwasyon ng mga kutuhin sa Pinas…

October 2007: Pinoy Embalsamador, In-Demand Abroad!

“Madugo at madrama” ang “the making” ng istoryang ito…  Pero sa bandang huli, worth it ang naging produkto ng joint project nina Lenggai at ng kanyang “small but terrible” pakner…

Sampol pa lang yan… Parang ang daling panoorin sa TV ano? Sinong mag-aakalang dugo’t pawis na may kahalong laway, luha at Extra Joss ang puhunan namin, mai-ere lang ang mga segment na ‘to?

Mga Puna»

1. kengkay - Nobyembre 28, 2007

waawww, pinally, makakapanood ako ng pinoy tv ulit.. sige, sit back and relak muna ako..

2. kengkay - Nobyembre 28, 2007

lenggai, salamat🙂 bleee, di ko matake yung sa kamandag, iniinom yung dugo, waaa. di ko na pinanood yung second, hehe. may tanong ako, san naman kinukuha yung ganun kadaming cobra?

yung sa cebu naman kakakiliti.. ang galing, idol ko na si wenjell😀

tapos si kuto naman… alam mo, kaya nga pagpunta namin sa pinas e magdadala na kami agad nung anti kuto shampoo, di sempe kasi maiwasan na mag suklayan ang mga magpipinsan lalo pa at meron silang contest na pahabaan ng buhok, hehe. pero grabe ano? dito nga halos isara ang eskwela kapag may kuto e.

ni-upload ko rin yan para sayo, te kenks! mabuti naman at nasiyahan ka. hehehe!

nga pala, tungkol sa tanong mo kung san nakukuha yung cobra, hinuhuli rin nina Roy sa mga bundok-bundok sa kanila, may goal ata silang lipulin ang lahi ng Philippine Cobra sa mindanao eh.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: