jump to navigation

Wawa We? Nobyembre 28, 2007

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Alam ko, tanghali hapon na ako gumising ngayon…  Pero sa ngalan naman ng pagiging makatao…  Kasalanan ba kung patayin ko ang TV habang enjoy na enjoy yung kasambahay naming manood ng Wowowee?

Isantabi na natin yung pagiging empleyado ko sa kabilang istasyon…  Sa totoo lang, naa-appreciate ko rin yung mga teleserye nila… Pero ito talagang noontime show na ito… Kuuuu!!!

Sabihin niyo nga sa akin, sinong Barabas ba ang naaaliw sa Willie of Fortune ba yun? Sa mga hindi nakakaalam, ito yung segment nila kung saan nagpapatalbugan sa ka-cheapan may freestyle batian portion ang mga contestant. Pagkatapos magpapansin umiyak/magmakaawa/magpatawa sa kanilang bati, sasayaw sila o kakanta…  Ewan kung anong point nun, pero from the POV ng isang nabubuhay din sa ratings, mas biswal nga naman yung ganung gimik kesa dumiretso sa bigayan ng pera Q&A portion.

Sa araw na ito, may tatlong nanay na akong nakita na nagwala, gumulong-gulong sa stage at naghahagulgol… Bukod pa ito dun sa pagsiwalat nila ng deepest, darkest secretsng pamilya nila on national TV ha. And for what? Sa ngalan ng 5k, set ng Magic Sing at libreng tiket sa concert ni Piolo Pascual?

Napapangiwi talaga ako sa tuwing gumigiling na ng parang tanga yung mga contestant. Di ko kasi mapigilang isipin: Pano kung Nanay ko ‘yung nakita kong nandyan? Maaaliw ba ako na makita siyang nagkakakawag ng parang 1-year old na pinapasayaw ng Taktak Mo? Finoformulate ko pa lang yung image sa utak ko, kinikilabutan na ako.

Hindi ko ma-imagine kung paano pa sila nagkakaroon ng mukhang ihaharap sa mga kabaranggay…  No, sa pamilya nila pagkatapos nilang magga-gaganun sa TV.

Alam kong desperate times call for desperate measures… at mas mabuti na nga ang magmukha silang gago kesa naman magnakaw o magpakapokers. Ilang minuto nga lang naman yun di ba? Na-TV pa sila. Pero namanNaman di ba?!

The things people do for money… And the things TV people do for ratings.

Yan ang hirap pag masyadong ina-underestimate ang intellectual capability ng viewers eh. Bilang mga miyembro ng media, may kapangyarihan tayong hubugin ang perception at reasoning ng masa. Naknang, bat di natin i-maximize di ba? Huwag niyo akong hiritan na sa sarili kong istasyon, me mga katangahan din kaming ginagawa sa ngalan ng ratings… Alam ko ‘yon, kaya nga bihira ako manood ng Noontime shows eh.

And we do this for what? Para sa point something na lamang sa ratings? Buti nga sana kung sky-high ang inaabot ng ratings pag ganito ginagawa niyo, eh ang kaso, natatalo pa rin kayo sa Mega Manila. Sa Mega Manila kung saan pinagbabatayan ng advertisers ang kanilang ad placement.

Ang news natin, majority tungkol sa patayan at mga artista… Ang Public Affairs shows, nasa late night. Kung meron mang primetime, tuwing weekend. Which is a good thing, hindi dahil programa ko yung isa sa mga yun, pero dahil mas maraming viewers kapag weekend.

Hay. Kelan kaya magiging matalino ang local entertainment TV natin? Huwag nating sabihin na mangmang ang mga manonood. Pumapatol sila sa mga ganyang klase ng pakontest kasi madali. At masaya. Pero kung may better option, pustahan, lalangawin yang segment niyong yan.

Also, huwag nating sabihin na ito lang ang level na kaya ng target audience… Urbanized na ang panahon natin ngayon, gumagamit sila ng kutsara’t tinidor for eating… Kumakain sila ng may mantika at marunong silang magbayad ng Meralco. Huwag natin silang ikahon sa isang level lang. For all we know, sila lang pala ang lume-level sa kaya nating ipalabas.

Hmp! Makapasok na nga sa opisina. Late na ako. Late at mainit ang ulo.

Mga Puna»

1. lilmiz - Nobyembre 28, 2007

tumpak ka talaga ate, ano na ba nangyayari sa mga noontime shows ngayon? puro contests na lang lahat tapos kelangan pa ipahiya yung mga contestants on national (at international din ata) TV. andami pang drama! uu alam na namin mahirap ang buhay watever watever pero wag na kau magdrama jan, kaya nga kami manonood para ma-entertain eh.. buti pa yung mga dating noontime shows, masaya hehe

nakakainis nga eh kasi nasa tv ako, pero wala akong magawa.

2. kengkay - Nobyembre 28, 2007

dati na namang ganyan di ba, yun nga lang, naging malala lang, ahaha. ako nuon pa di ko talaga ma take yang ganyang palabas. nauupo lang ako to watch yung knock knock portion sa eat bulga pero yung mga pa kontest at mga ka dramahan, kinikilabutan talaga ko. si nanay ko tawa ng tawa yon kasi talagang kita nya kung pano magtaasan balahibo ko e at sempre, biglang papatayin ko tv. kung pwede lang sakalin, sinakal ko na e, hahaha

hay naku te kenks… ang hirap kasi, hindi kayang ibahin ng producers ang format ng show, in some sick way, yun ang hanap ng masa, yun ang kumikita… dapat talaga may mag-initiate ng change… problema, wala namang willing malugi… haaayyysss…

3. Jon Cabron - Nobyembre 29, 2007

yung nasa bigatin portion na papasayawin para mapili ka, minsan pinapa dapa na sa sahig habang sumasayaw.. tapos yung matandang umiiyak na kesyo namatayan ng anak na kesyo nakasanla ang lupa na kesyo may sakit ang asawa daw.. pagkatapos umatungal at paandaran ni willie ng mukha nyang paawa at tugtugan ng nakakalungkot na kanta.. biglang tatanungin “ano po ang talent nyo?” sabay sasayaw ng iyugyog mo.. kaululan!

plastik na plastik ang loko di ba? kakabuwisit! kala ata nila madadarang LAHAT ng viewers sa luhang-buwaya niya eh… hmp!

4. Jon Cabron - Nobyembre 29, 2007

.. walang pinagkaiba sa umaarkila ng patay na nakaburol para magpatakbo ng saklaan yung programang yun’

hahaha! best description, jon! tumpak!

5. icsx - Nobyembre 29, 2007

“Hay. Kelan kaya magiging matalino ang local entertainment TV natin? Huwag nating sabihin na mangmang ang mga manonood. Pumapatol sila sa mga ganyang klase ng pakontest kasi madali. At masaya. Pero kung may better option, pustahan, lalangawin yang segment niyong yan.”

Pangarap ko rin yan lenggai. Ang magkaroon ng “BETTER OPTION” sa programming. Sana sooner rather than later, mangyari na yun.

Isang bagay na pinaka-sumasama ang loob ko ay kung paano KINAKALAKAL ng ibang tao ang dangal at emosyon ng iba para lamang maka-angat sila. At sasabihin pang ‘para sa inyo ito, para sa ikasasaya ng bawat Piilipino’. Pwe! Isa pang pwe!

business kasi siya te eh… yun ang mahirap, pag pera na ang pinag-uusapan…

6. kengkay - Nobyembre 29, 2007

miss brodkaster, umaasa ako sa balita tungkol sa mla pen🙂 hope ur ok.

Awa ng diyos… Ok naman te… Medyo napagalitan lang sa opisina kasi sabi ko papalabas na ako ng hotel nung pinapalabas na media kasi nagpuputukan na… eh kaso, naka-live pala yung camera namin, eh kitang-kita akong nagkukuha pa ng video dun sa loob… ayun… yari…😦

7. wei vines - Nobyembre 30, 2007

someday, hihi… malay mo may someday pa para mabago yung mga noontime na yan..hihi ^^

three words: ASA PA US…

8. icsx - Disyembre 1, 2007

‘business kasi siya te eh…’

kaso uber sobra na. wawa naman yung mga pobre.

yun lang…😦


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: