jump to navigation

Manila Peninsula “Siege?!” Nobyembre 29, 2007

Posted by Lenggai in Coverage, News Flash!, Shutter, Story! Story!.
trackback

11 am. Sakto lang yung gising ko kanina. Siyempre, nagiging habit ko na lately, una kong bubuksan eh yung blog ko, nang biglang tumawag Researcher namin…  May breaking story raw… Si Trillanes, magche-check in na naman sa isang hotel… Stand by lahat ng SP.

Yezzzz…  It’s showtime!

Dali-dali na akong naligo at umalis ng bahay. Salamat sa trapik at mga gahamang bus sa me SM North, late na akong nakarating sa opisina… Dumiretso na raw sa Makati ang crew namin, so ako, nag-MRT. Maulan kaya nagdala ako ng sarong, at least hindi sagabal pag nagkabakbakan…

Nilakad ko na mula MRT hanggang Manila Pen… Minumura ko pa ‘yung panahon kasi sisipunin na naman ako. Umiral ang pagka-TV person ko: Sana kung me mangyayari, sa loob ng hotel na lang para me bubong…

Akala ko mahigpit ang security papasok, medyo na-paranoid ako kasi andaming sundalo at pulis sa labas…  Sa pinto, nag-baggage check ng konti yung sekyu, tapos pinakita ko lang ang aking tsapa Media ID, ok na…

Sa loob, as usual, interbyu-interbyu… At kami yung mga dakilang asungot sa buhay ni P/Dir. Geary Barias, NCRPO chief… Nakailang beses nang nasigawan ni Barias ang media… Kesyo di raw niya kami kakausapin, wala raw siyang statement na ibibigay, wag daw kami makulit pandak siya, blah, blah…

Yung ibang eksena, napanood niyo na sa TV… o nabasa sa internet… kaya di ko na ikukuwento. Bandang huli, pare-pareho na rin yung mga nangyayari…  nakakaantok na, kaya pinitikan ko na rin yung paligid…

Pasado alas-dos… Parang wala lang no? Halo-halo na yan… Media, guests, hotel staff, Magdalo, pulis ni Barias…

Media naka-stakeout sa labas ng Rizal Function Room… Hindi na ako nakisiksik dito… Una, mainit, pangalawa, mabaho, pangatlo…  Walang point. May news naman eh.

Ito na yung part na nagkaroon na ng lockdown…  Bawal lumabas, pero puwedeng pumasok ang tao sa loob ng Manila Pen…

Sa loob, mga Magdalo ang nakabantay sa pinto, sa labas, mga sekyu ng hotel at pulis…

Nung una, hindi ko gets yung logic nung lockdown… Bawal lumabas ang Media… Yun pala, kami raw yung “insurance” nila (Magdalo) na hindi sila papatayin ng mga tao ni Gloria pag nagkasuguran… Parang hostage daw sabi nung iba…  Parang tingin ko, hindi… Pinalabas din kami eh.

Nakabantay lang ako sa me pinto… Malay ko bang maya-maya eh magkakagulo di ba? Eh nag-aasaran pa yung mga Media na katabi ko tsaka mga Magdalo…

*** Segue lang: Si Kuya Magdalo na malapad ang airstrip ang isa sa mga dahilan kung bakit na-depress ako nung nagputukan sa Manila Pen…  Tiger daw ang codename niya sabi nung isang reporter na kakilala siya… Hindi ko siya na-interbyu kasi, una, ayaw niya pa-interbyu, pangalawa, natorpe na naman ako… Feeling ko, bigyan lang kami ng konti pang panahon… magiging kami. Hay. Baka sa next lifetime namin no?

Sky Flakes ng mga taga-Magdalo. Dahil biglaan ang mga pangyayari, lahat halos ng napasugod dun sa site, walang almusal at lunch. Kahon-kahon ang supplies nila sa loob at sa mga nakakalat dun, naki-ambon na rin kami. Free for all na eh. Baet di ba?

Sa moment na ito, pinalabas na ang media sa me basement… Medyo nakakakaba kasi nagkakaputukan na sa labas… Pinagalitan pa ako sa opisina kasi nahuli ako sa crew ko na lumabas. Panic mode na ang lahat.

Eh panong di ka mapaparanoid, eto sasalubong sayo?

Eksena sa labas ng service entrance (dito kami pinalabas):

Pasado alas-sais… Humupa rin ang tensyon… Sumuko si Trillanes… Salamat at walang namatay… Salamat at buhay pa rin si Tiger.

Mga sundalong bantay sa labas ng perimeter ng Manila Pen…

Ito yung tangke na pumasok sa loob ng Manila Pen… Kuuuuu!!!! I can just imagine kung anong facial expression ng may-ari ng hotel habang tinatangke facade nila… Tsk, tsk, tsk! To think na hindi Magdalo me gawa niyan ha!

Ang sa akin lang, tingin ko, hindi karuwagan ang ginawang pagsuko nina Trillanes… Kung iisipin nga naman natin, sa dami ng nakapalibot sa kanila, paniguradong hindi sila ititirang buhay nun… Sa tindi ba naman ng pangongontra niya ke PGMA, am sure, kating-kati na siyang patahimikin nun. Pero kung me ipinaglalaban nga talaga siya, mas magandang ipaglaban iyon ng buhay.

Manila Peninsula “Seige?!” Paanong mangyayari yun eh iisang kampo lang yung sugod ng sugod? Paano magiging “seige” kung llamado naman yung government side. Eh sa bilang ko, parang wala pa ngang 20 ang Magdalo na nasa loob. Ewan ko lang ha. 20 versus 500+… Parang sa gameshow lang nananalo ‘yung ganung odds.

Sana nga dinaan na lang nila sa due process…  Sana nga hindi nagpabigla-bigla si Trillanes, wala naman pala siyang back-up… Nung nasa loob ako’t nakikipagkyawkyawan dun sa mga Magdalo, iniisip ko, ano kaya ang tumatakbo sa utak nila nung mga oras na yun? Me choice kaya sila? O dahil napasubo na lang kasi utos sa itaas?

Malas talaga ni Trillanes, wrong timing siya. Nagtawag siya ng suporta, walang pumansin. Mahirap bumuo ng People Power kung mismong ang mga tao, walang power. Maulan pa at malamig…  Mas kumportable nga namang manood ng TV kesa ma-tear gas…

Tapos kapapardon lang ke Erap eh, asa pa siyang tutulungan siya nun. Maraming nagre-react na nanggulo lang si Trillanes, kesyo duwag siya dahil sumuko, etc. Pero wala naman sila sa location nung nagkakaputukan na. Hindi naman ito action movie na kelangan me tumumba sa bakbakan.

Gaano man karami ang purgang-purga na ke Ate Glo… Walang gustong kumontra. Buong bayan, nagmamasid lang.

Ewan ko ha, pero me naglalarong mga eksena ngayon sa utak ko:

Glorietta II bombing – Batasan bombing – Manila Peninsula Attempted Coup…

Isipin niyo…

Mga Puna»

1. hiyashinsuna - Nobyembre 29, 2007

broadcaster ka nga, libre news dito, at nasa las piñas ako niyan kahapon na literal kong bisyo after maningil sa perps eh dumidiretso ako ng makati para mag-gala pero hindi ko naman iaabot ang maila penn noh, in fairness dahil hindi kagandahan ang panahon kahapon, umuwi na lang ako, tas nagtext pa yung nanay ko na may ganyang factor, sa isip-isp ko sana pumunta ako, nyahaha baka makita kita, hehe…anyways mahirap talagang magtapang-tapangan pag kulang ka pa ng lakas at pwersa,sana lang nasa timing siya, at saka kung magpapadehado ka, dapat onti lang, sa lagay na yan, kahit ba nagpahuli siya ng buhay eh ang tanong, bubuhayin pa nga ba siya? naalala ko tuloy yung snakes, ano kaya kung merong snakes on penn, haha, malamang may napatili sa mga sundalong yan, yung nga lang siyempre may media pa, baka di kayo makalapit,hehe

naku, hindi mo na kailangang pumunta sa site dahil ilang beses ako nahagip sa TV… hindi ko sinasadya kasi pumupuwesto lang ako, at malay ko bang may naka-live feed pala sa labas nung hotel… sayang nakapang-bakbakan get-up ako, di man lang ako nakapag-powder… lol!

2. wei vines - Nobyembre 30, 2007

aray ko! pinapupunta ko ng kaibigan/tropa ko sa manila pen, for some reasons, kailangan kong damayan sila sila.. but I wasnt able to go there kasi may class ako ng 4pm… ahhh alibis. My comment ako tungkol sa manila pen dun sa blog ko…uhhm ok lang po ba if you check my blog??baka may maling info eh..weeee~tnx tnx.

Huwaw! Resource person? Hahaha! Salamat sa pagbisita… Titingnan ko siya ha, pero di ibig sabihin nun, me kapangyarihan ako to correct or debunk kung ano man ang nakasulat sa blog mo. Blog yan, so parang Opinion column yan sa dyaryo… Walang tama o mali sa opinyon mo dahil sayo yun. Nagkataon lang na makuwento talaga ako lalo na sa mga bagay na nararanasan ko sa coverage. Naaaliw din ako kapag maraming hindi ko kakilala ang nag-rereact at naiinspire sa mga kuwento ko. Still, salamat… Compare notes tayo… Hehehe.

PS: ano pala ang blog mo? walang link!

3. Ambo - Nobyembre 30, 2007

Gusto ko lang i-raise ang question na to, sino ba si Trillanes para suportahan ng mga tao?

Maraming nagsasabing pawn lang si Trillanes ng isang greater “power.” Nung una kasi di ba, sa Oakwood, ang balita, may mga upperclass men na “nagpagalaw” sa kanila. Yung sa nangyari sa Manila Pen, ewan ko lang kung ano o sino nagtulak sa kanilang kumilos. Di naman pwedeng na-bad mood lang siya sa takbo ng proceedings di ba?

Eto opinyon ko lang, hindi naman ako political analyst… tingin ko si Trillanes eh isa lang sa mga disgruntled na Pinoy na naghahangad ng pagbabago… since military action ang alam niya (o ng sino mang nagkokontrol sa kanya), ito ang ginagamit niyang avenue para “gisingin” ang tao sa mga kalokohan sa society natin… nagkataon lang na kontrobersyal at pang-nationwide yung ginawa niyang gimik to protest the Arroyo government kaya tila nagkaroon siya ng “power” to ask for support from people. Tingin ko, valid naman na humingi siya ng support from the masses, para lang yang artistang humihikayat sa mga fans na manood ng sine niya… karapatan din natin yon under a democratic government. Yun nga lang, hindi tama yung ginawa nilang paraan ng pagkalap ng suporta.

I think he’s also gained enough popularity (if not credibility) to seek sympathy from the masses. At since senador na nga siya ngayon, dapat ginamit niya yun to affect change. Maganda yung hangarin niya eh, kung totoo man iyon ha, kaso mahirap lumaban ng naka-posas. Gaya nga ng sabi ko sa blog ko, wrong timing siya.

Ang concept ng “inspiration behind bars” eh sa pelikula lang effective. Bandang huli, there are things such as logistics, media mileage at public speeches na kailangan para maging effective ang pag-instill ng pros and cons ng anumang ipinaglalaban mo. Nakakasawa rin kasi pag paulit-ulit na “lantarang corruption at huwad na gobyerno” ang sound bit mo sa mga interview. Kumbaga sa sopdrinks, nawawalan na ng fizz…

Heniway… Yun ay sa tingin ko lang naman… Salamat sa pagbisita, Ambo!🙂

4. taroogs - Nobyembre 30, 2007

ang ganda ng kwento mo, kapatid… may kwenta talaga! idol ka… kahit pa medyo malaswa na ng onti ang pagnanasa mo kay Tiger (hinarass mo siguro… aminin. hehehe) hindi ko ma-imagine kung gaano kayo ka-kabado sa loob ng hotel. e kami ngang nanonood lang sa tv e natitigilan at napapanganga pa sa nerbyos…

salamat sa pagiging isang asteeg na broadkaster🙂

Naks naman… Kahit di mo kita, nag-blush ako, pramis… Salamat sa compliment, taroogs!!! Buti naman at natutuwa ka sa kadaldalan ko. Hehehe.

Pero alam mo, hanggang ngayon, nagsisisi ako, bat di ko tinanong pangalan niTiger, ni di ko man lang nabasa yung name patch… Sobrang natorpe ako, ni hindi ko nga kinausap ng matagal eh. Inaamoy-amoy ko lang nung nagsisiksikan yung media at Magdalo habang pinapalayas si Barias… Hay. Wala siyang pabango pero hindi siya mabaho… Hay. Hayyyyy….

Adik. Hehehe.

5. wei vines - Nobyembre 30, 2007

hahah! salamat po mam! di po ako magaling magsulat eh…hihi.. sorry po hehe eto yung link ko: http://wvines.wordpress.com

6. lilmiz - Nobyembre 30, 2007

buti naman at ok ka lang ate😀 .. naawa ako sa mga tao at media na andun sa loob ng hotel, nadamay pa sa teargas .. nakita ko naiyak si trillanes, pero di dahil sa sitwasyon, kundi dahil sa teargas hahaha.. sobra nga OA ang reaksyon ng militar! napaka-exag! sarap sapakin ahaha.. haay ano kaya ang msa susunod na mga mangyayari? sana peaceful.. sana umayos na lahat.. kawawa na tayo, kawawa ang bayan.. waah naiiyak na ako.. basta ingat-ingat ka lang lagi ate lenggai🙂 .. at neks taym wag ka na matorpe ke tiger ahehe

Salamat sa concern!!!😉

sa totoo lang, di ako naawa sa mga natirang media na hinuli… una, pinagsabihan na silang umalis, as in super warning yun. Sa opisina nga namin, mas sila pa yung nagpapanic habang inaantay nila akong makalabas ng building. buti na lang nakalabas pa ako on time dahil yung next batch, na-tear gas na… josme, katakut-takot na sermon inabot ko kasi kitang-kita ako sa camera na nagkukukuha pa ng video habang pinapalabas na ako ng bosing ko… nagsisi naman ako sa katangahang iyon, tama nga naman, no story is worth dying for… nakakapanghinayang yung scoop, oo, pero naman… ang order sa aming network, safety first… pano kung nagkabombahan, di ba? pano na ang pangarap kong magkaroon ng future Tigers?

pero… hmm… looking back, buti na rin pala at di sila umalis… at least nagkaroon ng reason para buhayin ng govt troops sina trillanes, nagkaroon ng witness eh. ewan ko lang ha, pero alala niyo yung nangyari sa naia terminal 1 ambush? yung ke villaruel? walang media nun. nasa cellphone lang si arnold clavio habang nalulunod sa sarili niyang dugo si villaruel. sabi ng militar, dumepensa lang sila, pero last words ni villaruel sa phone, suko na sila… nobody knows the truth kasi walang witness…

am sure, kung walang media sa loob, shoot to kill na sina trillanes… dedors na malamang si Tiger… hay lord, salamat! may pagkakataon pa kaming magkita in the near future!!! hehehe😀

7. wei vines - Nobyembre 30, 2007

whew! buti na lang pala may media dun… hehe be safe sa susunod pang scoop ^^

Salamat po!

8. Kilala ko ba talaga si Bonifacio? Kayo? « Taragis na Buhay to… - Nobyembre 30, 2007

[…] Lenggai Brodkaster […]

tenchu, pareng taroogs!!!

9. kengkay - Nobyembre 30, 2007

ayan, nakonek talaga kita na andun ka sa site mismo ano? kaya dali dali akong nag iwan ng bakas sa blog mo e. am glad you’re ok. kasi nakita ko ang daming makulit na media na nakikisabay pa sa mga sundalo. lintek, pwede ba kung maging hero ka man at may iscoop, pano mo masusulat istorya mo kung dedong ka na, hmp. bilib ako sa inyong network sa ganyang policy na iwas gulo.

as for that thrilla man… hindi ko alam na senador pala yan, huh. alam mo, kung talagang may utak sya, dapat ginawa nya ang mga dapat nyang magagawa habang asa senado sya, wala e, mas gusto pa nyang tumambay sa mga hotels at magpa kyut sa camera. sayang ang talino nya.

pero kahit ano pa man, alam kong magiging maganda rin ang pinas… kahit na himala ang magdala nito sa atin🙂

actually te kenks, naaawa ako sa mga miron niyang kasama… di dahil me HD ako sa isa sa kanila ha. HD aside… me mga pamilya tong mga to eh, i could just imagine yung agony ng pamilya nila habang nakikita nilang rinaratrat at tinatangke ng military yung mla pen… josme, ako nga lang na me kras sa loob, nadedepress sa bawat putok na naririnig ko. pano pa yung talagang nakakakilala at nagmamahal sa kanila?

sinabi ko na, tingin ko, wala kasi talagang sense magpakabayani kung behind bars ka.

also, don’t wori te, di naman ako susugod ng basta, hindi naman ako on cam talent na kelangan gumawa ng gimik para sumikat sa madla. baka pinalakpakan na ako sa tenga ng boss ko sakaling nasama ako sa naposasan…

10. angel - Nobyembre 30, 2007

Nasa school ako nung mabalitaan ko yung tungkol sa balitang yan. Unang pumasok sanisip ko na “baka si fafa trillanes ulit? hindi kaya?”🙂
Sa totoo lang balak ko na sanang huwag umattend ng last class ko kase sobrang gustong gusto ko nang makita sa TV ang mga pangyayari.

Hm.. nung sumuko din si Trillanes, nakakapanghinayang.. Pero i’m sure sobrang nawala ang poise ni GMA sa kaba.. hahaha.. Agree ako sa’yo.. wrong timing talaga sya.. Sayang talaga! Pero sabi ng ilang ralyista sa tv kanina, kung mas maaga lang sana nilang nalaman yung tungkol sa planong ito ni Trillanes, sana daw natulungan sila ng iba pang tao..

isa pa.. Hanga ako sa mga taga media na talagang kahit mapanganib Go pa rin!

pahabol lang.. si tiger ba yun? ANg wafu ha..😉 hot talaga ang mga magdalo soldiers..😀

korak! me iba pang wafu dun! kita mo si Tiger? lagi siyang nahahagip ng tv, yung napapanot na na matangkad na maganda katawan na guwapo na kras ko na magiging future husband ko, kung me pamilya man siya ngayon, baka sa next lifetime maging kami…. hehehe

siya rin yung nasa ichur ko, kaso di maganda anggulo niya dito, stolen eh, nahiya ako pa-ichur, nagtratrabaho eh… hehe

salamat sa pagdaan!

11. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Nobyembre 30, 2007

duwag? i don’t think it that way. naisip ko nga kung nag antay antay lang siya. baka iba kinalabasan nito. pero pwede ring self-sacrifice. para bang lalu lang niyang inuncover ang kabulukan nung nasa electric chair. (kung tawagin nga ng kaibigan ko, 1/2 + nunal. hehe, marahil ay parang, kugn gusto natin ng pagbabago ay, nasa atin na ang susi.

very well said, mervyn cruz!!!!😉

best song for the moment: “Man in the Mirror” ni MJ… LSS ko siya… salamat sa pagdaan!

12. wei vines - Nobyembre 30, 2007

ahh.. teka.. di ba sinabi nya na hindi nya yun plinano? kung plinano nya yun,For sure makakapaghintay siya.

13. MisyeL - Nobyembre 30, 2007

Nakakabilib talaga ang mga taga media at salamat sa’yo kasi atleast may nalaman ako about sa nangyaring coup attempt na ito. Buti na lang walang namatay at nasugatan, sana lang maging matahimik na ang ating mahal na bansa, pero kailan kaya yun hano?

Ingat ka lagi sis!🙂

Salamat, Misyel!

Matahimik? Aba’y kelangan natin ng major cleansing nyan… Basta ako, simulan ko sa’kin, at least pag nagka-delubyo, may konting pang-haggle ako ke Papa Jesus sa heben’s door…😉

14. Jon Cabron - Disyembre 1, 2007

akala nya kse maraming magpupuntahan dun at akala nya kse hindi sya tutuluyan.. tama lang na oras na para magkaron ng kamay na bakal ang gobyerno ngayon, hindi ako mahilig sa pulitika pero may pakialam ako, at isa rin ako sa nauumay sa anomalya sa gobyerno, pero nasa estado ako ng walang mas matinong pagpipilian ngayon, para sakin, katapangan ang ginawa ni THRILLanes na pagmartsa at pagpunta dun at kaduwagan ang ginawa nyang paglabas.. kung ano ano pa sinasabi nya hinintay nya pa magkaganun lalabas din pala sya..

attention whore talaga tong si THRILLanes’

..at ilalaban ko ng patayan yang opinyon kong yaaaaaaaaaaaaaaaaaan!

o! o! walang kumakalaban sayo ka andres, este, jon!😉

salamat sa pagbisita!😀

15. Jon Cabron - Disyembre 1, 2007

“Your comment is awaiting moderation. ”
– sinisikil mo ba ang karapatan kong maipamahayag ang aking saloobin!?!?
..lawls’

Maarte ka, Jon! Hehehehe!

Mas mabuti yan, para kung sakaling me maninira sa akin, mapa-blotter na…😉

16. icsx - Disyembre 1, 2007

Lenggai, salamat sa pagsasabi sa amin (mga mamababasa at tambay ng blog mo) ng first hand info. sabik ako kasi sa totoo at sa ‘uncut’. pag lumabas na ksi sa T/P/R… pakiramdam ko may bahid na ng sensationalism. heniwei, ang tapang mo. una dun sa pagsabak sa mismong pangyayari at pangalawa, ang pagsisiwalat mo dito sa blog mo ng mga ‘unreported’ details kagaya ng pandak si Barias. hahahahahahahhah!!!! nga pala buti hindi ka nahuli at nadala sa bicutan?

naku, muntik na… pero kung sakaling nangyari yun, kahiya-hiya talaga… dahil ako lang ang nandun… hehehe! bawal yun kasi pinapalabas na kami earlier ng mga bossing sa opisina… katigasan na ng ulo pag nahuli pa ako…😉

17. iceyelo - Disyembre 1, 2007

dati Bilib ako diyan kay Trillianes, pero sa ginawa niya, parang isunubo lang niya sa gulo yung mga opisyal na sumama sa kanya. Ngayon may order na for a manhunt. Kulit. Hindi Inisip, kulang sa plano. Walang Silbi. Napahiya lang sila.
Kapitbahay namin sa tugue si Barias. Tama ka, Pandak nga siya hahaha.

korak. at lagi siyang parang naniningkit o namumula ang isang mata…

18. KUROKURO - Disyembre 2, 2007

iba ka talaga aileen. nasa coverage na’t lahat, kumekerengkeng pa. panalo.

di ako kumekerengkeng. kung kumerengkeng ako, textmates na kami ngayon!!! ahahahaha!!!

19. master - Disyembre 2, 2007

Nung narinig kong sinabi nung isang sundalo na “Hanggang mamatay na kami dito” naisip ko prop lang yun. I can’t comment about the “kaduwagan” ni Trillanes, it was a bold move, doon pa lang pwede ng husgahan ang karuwagan o katapangan n’ya. I am more concerned on the timing at hindi masyadong coordinated na move.

Anyways, salamat sa pagdalaw sa blog ko, feel free to link me, ni-link na rin kita.

Ayt! Salamat sa pagbisita!!!😀

20. weng - Disyembre 2, 2007

galing po ng blog nyo ate, may libreng news! ^^ ehehe. nasa blog roll po kita, bookmark ko kung baga. idol!🙂

Naks naman! Nakakaiyak… Salamat!!!😀

21. kath - Disyembre 9, 2007

it was great and you are funny…kakaiyak na kakatawa na kakahanga…you really a hero/heroin…keep it up po…ingat sa mga susunod na seige?!

Hero ako, pare, hero… LOL!!! Salamat, kath!

22. Muning - Marso 3, 2008

Kelangan ko po maka interview ng media person na
nasa loob ng manila pen nung mangyare yung siege
or nahuli ng mga pulis para sa documentary ko na
deadline sa friday. -,- tagal ko na
naghahanap ng contacts but wala talaga ako mahanap.
Snob silang lahat! Y_Y

HEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEELP
MEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!

Text text nalang … Ms Lenggai pde ka po?😀

gege. ahm, iha inedit ko ang comment mo, mahirap na baka me mang-stalk sayo.😀

23. tjlau - Hunyo 17, 2008

nong time na walk out ang magdalo sa RTC sa makati,nasa loob kame ng portbonifacio parang walalang nangyari kc nag aantay lang ang mga sudalo don ng utos mulasa mga kasama nilang mga magdalo na paparating mula sa camp magsaysay at ibapang kampo ang kaso nabisto lang kaya sayang…….pero nalaman kong pandak nga si barias basta talaga pandak mga magnanakaw.kaya mga PNP ang pina asult sa manilapen kc pag mga sundalo baka pumanig pa kay sen.trillanes and sa mga magdalo kc bulok talaga ang pamamalakad ni gloria at tsaka ginawang pain lang ang mga SAF tamang tama ang tawag sa kanila saf saf.painlang ang mga PNP pang sakripisyo lang pala kayo kawawang PNP…….salahat ng makakabasa nito sana suportahan nyo ang magdalo TULOY ANG LABAN


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: