jump to navigation

Barag Disyembre 4, 2007

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!.
trackback

IN sound of light raindrops, blending with relaxing, spa music 

Lenggaiiiiii… Gusto mo bang mapawi ang iyong stress? Mawala ang iyong pimples at ma-rejuvenate ang iyong hapong katawan? Makakatulog ka ng mahigit dose oras at magigising nang may nakahaing mainit na sopas na may halong hotdog… Nakahanda na rin ang paborito mong puto bumbong for dessert… 

Sa labas, malakas ang buhos ng ulan… Sa loob, sinlamig ng Baguio ang buong bahay…

Wala kang shoot. Masaya ring nakakapagpahinga ang cellphone mo. Magba-blog-hopping ka lang nang buong maghapon… Puwede ka ring makipag-chat, kung trip mo. At pag pagod na ang mga mata mo, hihiga ka ulit sa sofa at manonood ng Spongebob sa Nickelodeon Channel… Hanggang sa abutan ka ulit ng antok…

Alam kong gusto mo, Lenggai… Bumibigat na ang iyong mga mata… Sige na… Ipikit mo na…

Ahh… Ang saraaappp…

IN sound ng late night news sa TV

May 32 scripts ang nasa inbox ng email ko at di pa kumpleto yun. Lahat, kelangan kong basahin at unawain. Sa kaliwa ko, unti-unti nang nauubos ang binili kong Pineapple slices. Importante na may pagkain ako para di ako makatulog habang nagsusulat ng script.

Mamayang alas-8 naman, kelangan nasa opisina na ako, para by 9, nasa Embassy na kami ng “Uganda.” First time kong maiinterview para sa application ng visa. Hindi ako kinakabahan, mas concerned ako sa magiging hitsura ko. Wala akong sapatos na pang-terno sa slacks ko. Merong sandalyas na high heels pero hindi ready mag-appearance ang mga kuko ko sa paa. Walang habas kasi silang pinagkakakalkal ng manikurista ko nung isang linggo. Nagdugo at tuluyan nang namaga ngayon ang tigkabilang hinlalaki ko.

Sa hapon, kelangan kong gabayan ang researcher namin. Marami pang kulang sa “Uganda.” Mahirap maghanap ng maiinterbyu kapag nasa ibang teritoryo ka. Nasubukan ko na iyon noon, sa China at Korea. Malas ko pa dahil walang marunong mag-Ingles.

Problema ko pa ‘yung isusuot ko sa kasal ng bespren ko. Kulang na sa oras. Wala pa akong sapatos, wala pa rin akong gown. Patay! Eh ang uwi namin galing “Uganda,” sakto sa madaling araw daw ng kasal niya. Pagkagaling sa airport, didiretso sa Tagaytay. Diyos ko.

Maid of honor din ako at kasama raw sa tungkulin namin ang pagpapa-bridal shower. Paano ako magpapaganun kung wala akong pera? Sabi ko, puwede bang post-wedding bridal shower na lang? Tumanggi ang bespren ko. Eh paano nga yun? May nawawala pang camera sa office. Hindi ako ang nakawala pero ako ang nakapirma sa release form. Pakshet talaga!

Ang bill ng Globe ko, lagpas tatlong libo. Walong daan na lang laman ng ATM ko. Bahala na.

Magpapa-roaming pa ba ako sa “Uganda?” Wala na rin naman akong inaabangang texter eh. Kung me mag-text man na hindi related sa opisina, yung kakilala ko lang na nagsusupply ng kabastusang text. Aanhin ko naman yun sa “Uganda?” Dalhin ko na lang laptop ko. May Wifi naman siguro dun no?

Umutang din Papa ko sa akin, sa kinsenas na raw bayad. Hala.

May anim na DVD pa dito sa bahay tungkol sa “Uganda”… Kelangan kong panoorin. Inspirasyon ba.

Punyeta. Nangarag ako bigla.

Nasan na ang Extra Jossssssss?! Taragis. Malay ko ba kasing tatapat yung “Uganda” sa kasal ng bespren ko? Parehas ko silang inaabangan at parehas ko silang pangarap puntahan.

Walang patutunguhan ang entry na ito. Ganito ako pag puyat na at nalilito eh.

Nababarag. Bangag na at Ngarag si Lenggai.  Kung puwede ko lang ipikit ang mga mata ko’t bumalik sa aking break…

And I’m just ranting.Wala munang lesson for the day. Magpapakatotoo ako. Ba’t kasi di ako natulog ng maayos kanina?!

Mga Puna»

1. kaith - Disyembre 5, 2007

hala talaga. ang exciting ng life mo ate. hahaha. good luck ha. sana mag enjoy ka dun sa uganda. pasalubong, pasalubong!😀

magtratrabaho kami dun, pero sisiguraduhin kong magiging memorable punta namin sa “Uganda…” anong gusto mong pasalubong? happy memories? oki!!!!😀

2. lilmiz - Disyembre 5, 2007

maganda kaya sa uganda? lolz korni😀 .. tama ngang mangarag ka, sa dami mong problema haha pero masosolb din yan lahat, kaw pa!😉

sana nga… harinawa’y magdilang-anghel ka…😀

may dalawang script pa akong tatapusin habang sinusulat ko to, me problema talaga ako sa prioritizing… haaayyysss…

3. taroogs - Disyembre 5, 2007

ay, mag-ingat po sa mga kamag-anak ni Idi Amin Dada… tsumi-tsibog ng mga utaw yun (ayon sa google. hehehe)

wak ka mag-alala pareng taroogs… ni dandruff di matitikman niyang Dada-man na yan… in due time, masasabi ko rin kung san ‘yung “Uganda” na yan… Mahirap na, maraming “cheating” kasi sa mga topic namin… Pero salamat sa paalala! Excited na ako!😀

4. kengkay - Disyembre 5, 2007

waawww, punta ikaw sa aprika… anong meron dun na wala dito sa alemanya, huh, dami ding animal dito, heheheh. alam mo ako kahit kelan di ko pa pinagtiwala ang mga kuko ko sa kamay at sa paa kung kaninong tao… itong mga cuticles ko e sila pa rin yung andito nung bebi pa ako… virgin pa rin sila🙂 am sure okay yang uganda mo.

aawayin ko yung manikuristang yun te kenks sa susunod na pagkikita namin! mukha talagang gabi paa at kuko ko ngayon, leche! heniway, yung “Uganda” na sinasabi ko, sa totoong buhay ay hindi sa Africa… Malalaman niyo rin in due time, pero salamat pa rin sa well wishes!!! Wish ko lang me internet sa “Uganda” para mabalitaan ko kayo…😀

5. pornstar88 - Disyembre 5, 2007

sarap isipin yung tulog lang ng tulog at walang problema…

pag gising mo kakain ka na lang, pagtapos ka na tatayo na lang at hayaan na lang ang mga kasambahay ang magligpit, naka-handa na ang pangpaligo mo…

pagkatapos maligo… direcho ulit sa kama, nood dvd, bukas ang aircon… hihintayin antukin ulit…

masayang masarap…. Sayaaaap!

…at nakakataba… Salamat sa pagbisita!😀

6. chillidobo - Disyembre 19, 2007

nakakainggit naman ang sopas mong may halong hotdog…yum yum.
sabagay busy nga siguro talaga ang maging isang brodkaster. : )

Ngayon lang kita nakita chillidobo… o baka napadaan ka na dito pero hindi ko matandaan? Btw, hi, ako pala si Lenggai…🙂 salamat sa pagdaan, at oo, understatement ang busy kapag nagtratrabaho ka sa industriya namin…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: