jump to navigation

Busal? Disyembre 5, 2007

Posted by Lenggai in Boo!, News Flash!.
trackback

Nagmamadali si Big Boss umalis sa props lang pala na interview namin sa “Uganda.” May dialogue daw kasi siya sa Manila Peninsula. Dahil barag ako kanina, hindi ko na na-absorb yung sinabi niya, hanggang sa nakabalik na kami sa opisina.

Nakatutok yung TV sa ANC. Pinag-uusapan ‘yung tungkol sa limitations ng media pagdating sa coverage.

As expected, walang naresolba ang usapan…

Tanong ni Big Boss ke Sec. Puno, something like: kung magpapatuloy pa rin ba kaming magco-cover sa kabila ng “request” ng PNP na lumayas kami sa location, ibig sabihin ba nun eh me karapatan na ang PNP na posasan kami?

Sagot ni Sec. Puno: Oo, kung matigas ang ulo ninyo, poposasan namin kayo.

Natawa na lang si Big Boss, sabay sabi na kelangan na nga naming i-register ang aming protest sa patakarang iyon ng pamahalaan.  Hindi ako reporter at bihira lang naman kaming mapasabak sa bakbakan… Pero bilang miyembro ng media, napataas ang kilay ko sa banta ni Sec. Puno…

Kaya siguro nabad trip ang gobyerno sa media, nakita kasi nila ang point ng hinirit ni Malaya Publisher Jake Macasaet:

“The media and the state are classic adversaries. The greatest threat is when they come to terms.”

Magaganda rin yung mga sinabi ni MLQ3 tungkol sa mga tunay na Katipunerong Bugok sa Manila Pen. Meron pang isa tungkol sa media.

Kahit sinong nag-iisip na Pinoy, kahit hindi miyembro ng media, maiintindihan kung bakit naliligalig ang mga tulad ko. Huwag naman sanang pahintulutan ni Papa Jesus, pero kung ganyan ang takbo ng kukote ng mga nasa pamahalaan natin, hindi na malayong matulad tayo sa China.

Huwag naman sana.

Mga Puna»

1. pornstar88 - Disyembre 6, 2007

Hehehe…

Ayos din si puno. punong puno ng katalinuhan…

oh well, only in the philippines.

Kasi naman, tingnan mo nga naman ang role model niya…

2. taroogs - Disyembre 6, 2007

Nakita ko nga yung ilang clips ng Govt-PNP-Media dialogue na yan. Antigas talaga ng mukha nila Puno. et al. Parang nanunumbalik ang Inquisition at siya si Torquemada😦

Korak! Adik nga ang po…

3. wei vines - Disyembre 8, 2007

kung ganyan at ganyan lang yung mga namumuno saten…ano kaya mangyayari sa pilipinas 20 yrs later?

Isang higanteng circus… Na may cornu\y na clown… si PGMA.

4. kengkay - Disyembre 12, 2007

putakte… ano naman kaya ang drama nila at ganyan ang isip nila ngayon, huh?

Mga adik di ba? Hmp!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: