jump to navigation

“Uganda” Here I Come!!! Disyembre 8, 2007

Posted by Lenggai in Coverage, Good News, Story! Story!.
trackback

Mahigit 12 oras na biyahe… Mga 11 oras na tambay sa bansang kulang na lang mag-niyebe… Isang eroplano na lang… “Uganda” na!

Hinahanap ko ang snow dito sa stop over namin eh… Papa-ichur sana ako, pangarap kong magpalitrato na may background na totoong snow… Pamporma sa Friendster… Kaso last week pa raw ‘yung “skedyul.” Gusto ko tanungin: “Eh bat walang snow ngayon?! Gusto ko ng snow! Damot!”

Tapos ilang oras ulit na biyahe bago kami makarating ng Uganda… Wala pa akong matinong tulog, naka-fitting na jogging pants pa ako… Leche. Sana pala hindi ko chineck-in yung jacket kong makapal… At ang lakas ng loob ko pang gamitin yung sarong ko na pangontra-lamig ha… Inander-estimate ko ang lamig ng kanluran… Buti na lang may dalang jacket yung kasama ko, eh pang-ulan yun, pero kahit na, jacket pa rin… kahit nangangatal ako, at least, hindi naman umabot dun sa point na matatanggal na ilong ko… Although iniimagine ko, baka sa sobrang lamig, bigla na lang akong mapahinto sa paglalakad sa gitna ng kalsada… Nagyelo na.

Feeling ko na-defrost yung sipon ko pagbalik namin sa airport kanina. Kumain lang kami ng lunch… At nag-picture-taking sa labas. Ayoko nang kompyutin ‘yung equivalent sa peso nung ginastos namin sa labas, iniisip ko na lang, malaki bayad dun sa heater nung mga pinapasukan namin…

Ngayon ko lang din napatunayan na “distinct” tayong mga Pinoy. Kapag nasa ibang bansa ka, nakakaaliw kapag me naririnig kang nagtatagalog… Minsan nga nagiging judgmental na nga kami, kasi kapag naghahanap ka ng pagtatanungan, hanapin mo, either yung kayumanggi o singkit… Tapos kapag madaldal sa bus… Pakinggan mo kung anong dinadaldal… 90% ng mga na-encounter namin, nagta-Tagalog… Natatawa pa ko pag nakikita ko yung “surprised” look sa mga mata nila kapag kinausap ko sila ng Tagalog eh: “‘Scuse me, kuya, san yung sakayan ng bus papuntang airport?” Hiya lang nila kung sagutin nila ako ng Ingles di ba?

Tapos sa airport din, ‘yung pinagtanungan namin na kayumanggi, tinanong ako kung “Philippines” daw ako, sabihin ko sana, “No, Filipina… &*^%$!”

Eh since wala ako sa posisyon (at bansa) na mamilosopo, tumango na lang ako. As it turned out, Pinay din siya, tas nag-Tagalog na… Gusto ko sanang tanungin, bat unang tingin niya, Pinay ako, bat hindi Kastilaloy o di kaya Puerto Rican… Tapos napatingin ako sa salamin… Hehehe.

Haaayyy… Malapit na akong makarating ng “Uganda…” Ilang araw din kami run. Sa wakas! Hindi na puro singkit nakikita ko… Sangkatutak na Maroon 5 at Adam Levine nakakasalubong ko… Sabi nga ng Boss ko, na kasama ko rin: “Isang matinong tulog lang yan, OK na tayo…” (Referring dun sa nararamdaman naming empacho, lagnat-loob, onset ng ubo’t sipon at pagkahilo… Jetlag ba tawag dun?)

Excited na ako!!! Kahit patayan na sa pagod to…

Andami pang muchos guapitos!!! Hahaaaayyyssss… Paraiso!!!

Mga Puna»

1. lilmiz - Disyembre 8, 2007

parang mag-eenjoy ka dyan sa “uganda” ate ah! ahehe post ka ng pikshurs ha! patingin ng mga adam levines ahahah.. sige ingat na lang dyan at have fun! ay work pala yan noh .. hmm, have fun pa din! haha😀

Lekat, nakakatatlong araw na ako dine, wala pa rin akong napipichuran na adam levine… Bibilis maglakad eh (excuses!)…. Torpe talaga ako eh… pano ba yun? hehehe

2. Kiko Matsing - Disyembre 8, 2007

San nga kaya yang ooh ganda! Na yan? Puwedeng pakibulong? Hehehe! Ingat and Enjoy ka diyan!🙂

In due time, Kuya Kiks… In due time… Hehehe! Enjoy ka muna sa pix!

3. kengkay - Disyembre 12, 2007

hindi jetlag tawag dun — excitement yon, hehehe…

Nakabalik na ako Pinas, Te Kenks, ayus nga… Exciting nga, hehe!!!

4. private jet - Disyembre 4, 2008

Informative post, thank you.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: