jump to navigation

Ang Pagbabalik ni Pinay Brodkaster Disyembre 16, 2007

Posted by Lenggai in Coverage, Featuring: Ako!.
trackback

Oras na matapos umere ang “Uganda” episode ko sa Sabado, siguradong mag-uunahan kami ng EP ko at cameraman sa pag-post ng litrato sa Friendster.

Gagandahan ko siyempre ‘yung caption. Sisiguraduhin kong malinaw na nasa ibang kontinente ako. Tataas na naman ang profile views ko. Dadami ang magsasabi kung gaano kasarap ang trabaho ko.

Sana nga, may makakita nun sa mga nang-alipusta sa akin nung nasa ibang industriya pa ako. Lalo na ‘yung dati kong boss na sumumpang ang tanging kaya at pinakamalayo ko raw na mararating ay Bulacan…

Hindi man ako nagpatinag sa fearless forecast niya, malaki ang naging lamat nun sa aking self-esteem noong araw. Mapamura kaya siya ‘pag nalaman niyang unti-unti nang dumarami ang tatak sa pasaporte ko? Iuntog kaya niya ulo niya sa pader kapag nakita niyang marunong na akong mag-camera at libo ang nanonood sa mga produkto ng dugo’t pawis ko?

Akala ng iba, porke masaya ang mga litrato mo sa Friendster, eh puro kyawkyawan at ichuran lang ang pinaggagagawa namin sa ibang bansa. Siguro sa ibang programa, ginagawa nilang junket ang trip. Sa mga pulitiko, ibang lebel ng tigas ng mukha naman ang gamit dun. Pero sa totoo lang, ‘yung mga kodakan namin ang mga tanging pagkakataon na nakakalibre kami sa trabaho: Pause lang para makapag-pose. Para lang may pang-Friendster kami.

Gustuhin man namin, nakakahiya kasing magpaka-turista kapag alam mong malaking pera ang ginastos, mapalipad ka lang ng kumpanya… At hindi lang basta anda… Dollars!

Malas mo rin kung hindi sakto ang coordination ng schedule ninyo. Kayo na ang nagiging Researcher. Napapangatngat-kuko ka na kasi kapag wala pa ring nangyayaring aksyon sa ikalawang araw ninyo ng shoot. Buti na lang, mahal kami ni Papa Jesus sa “Uganda”… Sa bawat araw na iginagapang namin, me umaambong suwerte sa aming mga istorya.

Nabalahura na rin ang body clock ko. Kung tarsier ako, matagal na akong namatay sa stress. Ewan. Siguro OA lang ako dahil likas naman talaga akong insomniac, pero maliwanag na, dilat na dilat pa rin ako (at take note, nilalagnat pa ako!).

Dahil nasa ibang bansa ka, wala nang take two ‘pag me nakalimutan kang kunan o interbyuhin. Nakakaburyong pa ‘yung phone bill. Nakakakurtang hulaan kung nakakamagkano ka na sa roaming charges! Minumura mo na ang mga ka-text mong nagfo-forward lang ng mga kabastusan at kakornihan sa cellphone mo. Ngayon pa lang, hindi ko na alam kung saang alkansya ko huhugutin ang pambayad sa bill ko.

Obligado ka ring mamili ng lubong. Para kang balikbayan na binibilinan ng kung sino-sinong sherpa  na deadma naman sayo sa mga regular na araw na nasa opisina ka. Ni hindi nga nila naalalang mangamusta kung nanigas na ako sa lamig sa “Uganda.” Simpleng “Ingat sa biyahe, Lenggai!” nga lang, tatandaan ko na habambuhay. May pocket money naman daw kasi, eh as if  naman di namin ginagastos pampagkain ang baon namin?

Toxic ang trabaho namin, pero meron ding happy moments. Sa ilang araw na nasa ibang bansa ako, naalala ko ‘yung ilang mga ka-blog ko na nasa ibang bansa rin ngayon.

Ganun pala yun no? Tumatalas pandinig mo sa mga nagtatagalog sa paligid mo. Nakakaaliw ‘yung ngiti nila kapag nalalaman nilang kababayan ka. Siguro kapag panahon na para testingin ko naman ang kalibre ko abroad, hindi ko alam kung maiiyak ako sa tuwing me makikita akong Pinoy…

Sabihin niyo na ring mababaw ako, pero nakaka-touch nung pumalakpak ‘yung mga OFW pagkalapag ng eroplano namin sa NAIA. Obvious namang natutuwa sila kasi nasa Pinas na sila. Napapalakpak din ‘ata ako kasi sa wakas, makakaligo na ako (nakatulog ako nung gabi ng alis namin kaya mga dalawang araw na rin akong nanggigitata).

Naalala ko tuloy mga Tita ko sa Norway. Ganun din kaya sila tuwing umuuwi?

Katatapos ko lang itabi ang mga anik-anik mula sa aming biyahe. Sa bawat piraso ng resibo… Sa bawat balat ng kendi na itinago ko… Kalakip nun ang mga ala-ala ng “Uganda.”

Sa TV… Sunud-sunod na naman ang balita ng patayan at katangahan tungkol sa pulitikong convict na ilang taon nang nasa kulungan pero in denial pa rin… Nasa bansa na nga ako ng mga kurakot at tigas-ulo… Sa lugar na walang niyebe at walang hanggan ang trapik… Ang tahanan ng mga mapanlinlang at mapipiling taxi driver.

Malayung-malayo ang klima at buhay natin dito kumpara sa “Uganda,” pero pagdating sa kultura at ibang mga paniniwala, hindi tayo nagkakaiba. Panoorin niyo sa Sabado programa namin para ma-gets niyo ang sinasabi ko, baka mahagip niyo pa ako sa TV, hehehe!

Namimiss ko ‘yung lamig, pero bukod dun, sa totoo lang, masaya ako’t pagkatapos kong magsulat, hihiga na ulit ako sa sarili kong kama… Makikipag-asaran ng harapan sa weirdo kong kapatid… Bumaba lang ang lagnat ko, titiyagain ko na rin ‘yung tambak-tambak na tape na kailangan kong previewhin sa opisina…

Balik-trabaho na ulit… Balik sa totoong buhay.

Mga Puna»

1. Jon Cabron - Disyembre 17, 2007

miss you lenggai!!!!!!!!!!!!!!!!
.. galeng ng entry mo, gusto ko to’

Salamat, Jon! Kaw lang naka-miss sa akin?! Pa-kiss nga ng walang malisya!!!😀

Itago mo ang mga lubong ko ha, kahit “virtual” lang sila, hehehe!!!

2. taroogs - Disyembre 18, 2007

hindi talaga garantisado yang mga predictions ng ibang tao tungkol sa
‘tin… naaalala ko nung nasa highschool pa ko at sinabihan ako ng isang madre ng “arnold, you will go far!”

ayan tuloy, awa ng diyos, japan pa lang ang napuntahan kong ibang bansa. hehehe…

Naku tsong… Wag mong nila-lang LANG ang Japan, ako nga di pa nakakarating dun… Hehehe!!! Malay mo naman, in the near future, manalo ka ng trip to “Uganda,” sabit ulit ako… Hehehe!😉

3. kengkay - Disyembre 18, 2007

ano lubong ko, hehehe😀 sarap magsabi ng ganyan yata. welkam back to the real world.

Hantagalll magpaskoooo te kenkkkkkssss!!!!!

4. kurokuroko - Disyembre 19, 2007

haha. ako hindi lang “ingat!” ang sinabi ko. sabi ko sa iyo, “mabenta ka sa ___________. pagkakataon mo na!!!” ano nag-two piece ka ba?

Muntik na, kaso solo flight ako sa beach, at nagcacamera-research-SP ako nung mga oras na yun, so sayang lang ang outfit… sayang nga eh, nung mga oras na nag-shoot ako dun, ako ang pinakaseksi… lol!!!!

5. wei vines - Disyembre 19, 2007

ayy yung sa dati mong boss na nambalahura sayo, siguro alam niyang may potential kang makarating sa ibang bansa, sinabi niya lang siguro yun para magalit ka tapos pamuka mo balang araw sa kanya na pang international ka na🙂

Masamang magtanim… Pero masama pa rin ang loob ko sa kanya… At ipagdadasal ko ang kanyang kaluluwa… Haaayyysss… Nway, nandito na ako at buti na lang napunta rin ako sa industriyang para sa akin…😀

6. MisyeL - Disyembre 19, 2007

Welcome back lenggai! Namiss din kita huh kaya san na din lubong ko? hehe… Pagaling ka at hintayin namin ang marami mong wento.🙂

Pag nakaluwag na ako, popost ko dito ang aking virtual lubong… Hehehe!!! Salamat sa pagdaan, Misyel!!!!

7. lilmiz - Disyembre 19, 2007

welkam bak sa magandang bansa natin ate wahehe buti naman at nakabalik ka ng maayos😀 abangan ko yan sa sabado ang “uganda” special mo😀

Salamat! Sana nga napanood mo, hehehe!!!

8. reyna elena - Setyembre 13, 2008

PRESENT! hehehe! papa-check lang attendance. hehehe! HAK! tamo! ako pa lang ang nag-bigay nang ID dyan na nakabalandra sa sidebar! hehehe!

nyahah!!! oo nga eh, ikaw ang first comment ko sa blog na ito!!! welkam! welkam!!!😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: