jump to navigation

Xmas Rash… Rush… Disyembre 19, 2007

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Featuring: Ako!.
trackback

Sa mga oras na ito… Habang ang karamihan ay napapasma na sa kahahalungkat ng bargain para sa kanilang Monito, Monita… nanginginig naman ang kamay ko dahil buong araw na akong nagta-type ng script para sa aming “Uganda” special…

Oo, tatlo-tatlo na kaming nagsusulat dahil knowing Lenggai, wala nang matinong talata ang lalabas sa kukote niya oras na mamanhid ito sa sobrang puyat at sang drum ng energy drink na tinungga niya para magising.

Kung nakakapagsalita ang laptop ko, malamang minumura na ako nito dahil kanina ko pa inaabuso ang battery niya…

Sakaling isumpa niya ako, sasabihin ko sa kanya:

“Watta dirty drive you have there, dear Mac!”

Sasagot siya:

“Watta slow brain you have, Lenggai! Tatlong script lang, di mo pa matapos agad! Naturingang writer ka pa man din!”

Kung makakatakas naman ang PC namin, malamang kanina pa siya lumipad sa “Uganda…” Daig pa raw niya ang pokpok, gapindot lang ang pahinga.

Habang tumataba na rin ang mga tao kakalamon sa kabi-kabilang Xmas party na kanilang pinupuntahan… Heto ako’t lumolobo na rin sa dami ng tsokolate, chichiria, spaghetti, ulam, prutas, and again, Extra Joss, na aking kelangan para mapanatiling dilat ang aking mga mata.

At hindi lang ako ang ganito, marami kaming nagkukumahog para magkaroon ng Merry Xmas at Happy New Year ngayong 2007.

Sa patong-patong na mga episode na nireresearch, sinusulat, ineedit at nginangarag ng mga tao sa industriya namin ngayon… Parang nakaka-out of place pa nga kapag ikaw lang ang caffeine-free…

Pag nagkakasalubong nga kami ng ilang mga kakilala kong SP sa editing, kesehoda nang mukha kaming zombie lahat… Iyon ang “in” sa broadcast fashion season ngayon.

Pag mukha kang sariwa at nakakapag-make up, malamang sa hindi, nagtratrabaho ka sa Text Tube… errr… wala na pala yun… managerial ang position mo, miron ka lang (read: intern), o regular na empleyado ka — me respeto sa overtime, mandatory leave at marahil nakapag-shopping na sa iyong pang-nth month bonus…

Totoo talaga… Kailangan mong maranasan ang sakit bago ang langit… Kailangan mong maghirap para matikman ang sarap… Kailangan mong masaktan para guminhawa…

Isang script na lang… Pumipikit na ang mata ko… Ngalay na ang braso ko… Lumalaki na lalo ang tyan ko… Ilang puyatan na lang, babalik na ulit sa normal ang lahat… Makakapag-pasko na rin ako sa wakas!

O pinakamamahal kong kama… maghintay ka lang at magkakasama na tayong muli… Nakasahod na ang ATM ko sa paparating na bonus (1.5 daw ah?)… Saka na ko gagawa ng listahan ng to-buy… Nakaporma na rin ang DVD namin sa sangkatutak na pirated Heroes, Prison Break, Grey’s Anatomy, Ghost Whisperer, etc., etc. na imamarathon ko… Sa pamilya ko, saka na tayo magkuwentahan ng bayarin at toka-toka sa Noche Buena… Sa barkada ko, itago niyo lang sa ref yang beer at pulutan… Sisiguraduhin ko sa inyo, matapos lang ako dito, malagpasan ko lang ito… Lahat tayo, magkikitakits sa paraiso!!!

Mga Puna»

1. wei vines - Disyembre 21, 2007

merry christmas! aheheheh😀

Meri Xmas din!!!😀

2. weng - Disyembre 22, 2007

merry klismas po! ^^

Paligayang Masko rin!!!

3. kengkay - Disyembre 22, 2007

kakapagod naman yan. sige, kahit wag mo na ibalot yung lubong mo sa akin😀 take it slowly, dear girl. merry christmas!

Sa wakas, natapos din… Maligayang Pasko rin te!😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: