jump to navigation

Santa Lenggai Disyembre 23, 2007

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Good News.
trackback

Grade four na ‘ata ako nung nalaman kong hindi totoo si Santa Claus.

Nakonek the dots ko kasi ‘yung stock ng Alpine White na nakatago sa cabinet namin dun sa Alpine White na laman nung giant medyas na isinabit naming magkapatid sa hagdan.

Nung una, ayoko pa sanang maniwala na kina Mama’t Papa galing ang “goodies,” kaso naging careless (read: tamad) sila noong taong iyon at may isang laruan/tsokolate (di ko na matandaan kung alin talaga) silang naisilid dun sa medyas na may etiketa pa ng Rustan’s.

Eh hindi naman ako ganun katanga para i-justify na nag-gro-grocery din si Santa, di ba?

Simula noon, tuluyan nang nagbago ang motivating factors ko para maging mabait kapag papalapit na ang Pasko… Eh lalo na ngayong 26 anyos na ako’t nagtatrabaho sa isa sa mga pinakabalahurang propesyon sa mundo…

Sa dami siguro ng mga naghangad (naghahangad at maghahangad pa?) na makarma ako, namamangha pa rin ako kapag may mga “regalo” si Papa Jesus na alam kong pa-“bonus” na sa akin… Ngayon nga lang Disyembre, naka-lima rin ako:

1. Nakarating ako ng Mexico (opo, dahil umere na ‘yung episode, masasabi ko na ang totoo…)

2. Nakarating ako ng Mexico AT sa kasal ng bespren ko nang wala akong kinailangang i-give up (nung una kasi, tatama dapat ‘yung kasal sa araw ng alis namin. Siyempre, dahil nga minsan ka lang magiging Maid of Honor sa pinaka-importanteng araw, para sa isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay mo, na-rattle tuloy ang mundo ko. Tapos, bukod sa trabaho ‘yun, minsan ka rin lang kasi makakarating sa Mexico ng libre… pero kahit pa nagpaka-emo ako noon, pinili ko pa rin ang kasal ng bespren ko. Sa huli, hinaplos ng awa ang boss ko at iniurong niya ang petsa ng alis namin to accommodate ‘yung pag-attend ko sa kasal…)

3. Nakahabol pa ako sa malamang eh huling Christmas party namin ng barkada na magkakasama… (Pasado alas onse na ng gabi nang makarating ako ng Antipolo nung Sabado, pasado alas-otso ng gabi na rin kasi natapos ang editing namin. Umalis na ‘yung iba naming mga kaibigan, pero yung natira, yung mga pinakamalalapit kong kaibigan, eh nakainuman ko pa’t naka-videoke hanggang pasado alas-kuwatro ng madaling araw… Para sa isang taong kinamumuhian ang Magic Sing, handa akong mag-videoke, kung iyon ang paraan para magka-quality time kami… Sa susunod na taon, ang iba sa amin, pupunta na sa ibang bansa o ikakasal na… Next year, marami na ang magbabago… Gaya ng pakikipagniig sa isang taong may taning, alam naming kailangan na naming i-enjoy ang barkada.. habang ito’y buo pa…)

4. Sa mahigit isang buwan ko bilang Lenggai ‘d Brodkaster, marami akong naging bagong kaibigan… (hindi po ito pagpapalapad papel sa mga masugid na nagco-comment at nagbabasa ng aking blog. Sa totoo lang, extra na lang ‘yung makita mo ang blog mo sa Top WordPress Posts/Blogs ng Dashboard mo. Ang masaya sa karanasan kong ito eh yung may nakikilala kang mga tao na hindi mo man nakikita ng personal, eh ilan sila sa mga taos-pusong nakiki-barag, nakikisaya at nakiki-ride sa biyahe ng buhay mo… Lumayo man siguro ang ilan sa mga mahahalagang haligi ng buhay-dalaga ko sa akin sa susunod na taon, alam ko ngayon na marami pa rin ang handang sumuporta sa akin, literally and virtually-speaking…)

5. Sa bahay namin ginanap ang Christmas Party ng programa namin… (hindi ko actually pangarap na ibugaw ang garahe at banyo namin sa Christmas party ng DALAWA pang programa ng boss ko… Pero ngayon, pag inaalala ko yung party (inaalala dahil kalahati ng ulirat ko, nasa nakabiting trabaho na kailangan pa naming balikan sa opisina pagkatapos ng party, at ang kalahati eh namamanhid na sa pinaghalong antok, concern sa sasabihin ng mga taong nagsisiksikan sa garahe namin at sa hangaring makaligo ng maluwalhati), masaya ako dahil at least, nag-enjoy ang mga tao sa siksikang garahe namin, and at least, natupad na rin ang pangarap ng pamilya ko na makadaupang-palad ang celebrity kong bossing… Nakakatawa nga kasi para sa mga magulang na may anak na halos limang taon nang nagpapakamatay sa programa ni bossing, na-Starstruck pa sila nang una siyang makita. Anuman siguro yung hinanakit nila sa pag-agaw ng trabaho ko sa quality time naming pamilya, napawi nang makilala nila si bossing.)

Medyo matagal na rin bago ako nakatanggap ng Christmas gift na kumurot sa puso ko… Hindi ibig sabihin na wala akong pagpapahalaga sa mga natanggap ko noon, pero bihira na kasi akong makakuha ng regalo na sa unang tingin ko pa lang, alam kong pagkatao ko ang nasa isip ng nagbigay sa akin…

“Long overdue…”

Pasado alas tres na ata ng madaling araw ‘yun, kagagaling lang namin ng Christmas party at lutang na ako sa sobrang antok nang me kung anong brown na lalagyang nakalutang sa peripheral vision ko.

Napatingin ako sa pinanggalingan ng lumulutang na kung anech… Hindi pa nag-register sa akin ‘yung mukha dahil bagong unat yung buhok, pero nang mapagtanto ko kung sino, lalong hindi rin ma-absorb ng utak ko ang dahilan kung bakit nandun siya…

“Long overdue na ‘yan…” sabay abot pa rin sa akin.

Kinuha ko yung brown na Powerbooks na paper bag… Binuksan. Aba, The Purpose Driven Life!

 

Naalala ko ‘yung panahong pinag-uusapan namin ‘yung librong ‘yun. Sabi ko naiintriga ako dun, sabi niya meron daw siyang kopya. Hihiramin ko sana, pero sabi niya, ibibili na lang daw niya ako. Hindi ko sineryoso ‘yung statement niya, hanggang sa nabaon na rin ito sa limot.

Hanggang sa nagkagalit kami dahil sa kapalpakan niya sa trabaho. Hanggang sa nag-resign siya at hinabol pa ng reklamo sa Admin namin. Hanggang sa nagkakairapan na kami sa tuwing nagkakasalubong kami sa opisina. Hanggang sa ituring ko na lang siyang “multo”… Non-existent sa buhay ko.

“Merry Christmas!” may sumilip pang ngiti sa kanyang mga labi pagkabuklat ko nung paper bag…

“Ah ok.” Iyon lang ang kaya kong isagot.

What do you expect? Isa siya sa mga taong kinamumuhian ko’t kinasisira ng araw ko sa opisina, malay ko bang mabait din pala siya?

Tahimik siyang umalis sa editing bay namin. Tumingin sa akin ‘yung editor ko. Speechless si Lenggai.

Hinampas ko sa editor ko ‘yung libro. “Akalain mo! Na-touch ako, pramis!” Sabi ko. Hindi ko na napigilan ang ngumiti. Kung puwede nga lang maiyak di ba?

Tinext ko ‘yung dati kong kaaway. Prangkahan. Sabi ko, in fairview, that’s the best gift i’ve ever had in years… Haplos sa puso rin ang sagot niya. Humanga rin ako sa paghingi niya ng tawad sa lahat ng hassle na naidulot niya sa amin.

Kung pagbabasehan nga natin yung criteria ni Santa Claus, siguro naman, naging good girl din ako ngayong taon para maging karapat-dapat sa mga pira-pirasong langit na naranasan ko.

Maraming salamat po at advance hapi berday, Papa Jesus!

Mga Puna»

1. kurokuroko - Disyembre 24, 2007

hahaha. kung magpakabait ka lalo, mas marmaing regalo matatanggap mo!

Sobrang bait ko na, dude… Sumobra pa ako rito, magtatrabaho na ako sa NGO…

2. weng - Disyembre 24, 2007

Ang bait po talaga ni Papa Jesus!😀 Kainggit po yung libro. ^^

Hehe. Gusto mong hiramin pagkatapos? Ok lang ba, hindi na ako mangangakong ibibili kita ha?😀

3. Jon Cabron - Disyembre 24, 2007

“Grade four na ‘ata ako nung nalaman kong hindi totoo si Santa Claus.”

“Eh hindi naman ako ganun katanga para i-justify na nag-gro-grocery din si Santa, di ba?”

.. so hindi totoo si santa claus? shocker!
maligayang pasko sa inyo lenggai my labs!

PS
may asawa nako.. tnxbyes’

PS
may asawa nako.. tnxbyes’

… wag kang mag-alala, hindi ko nalilimutan, gusto mong i-post ko pa sa monitor namin? hehehe… Salamat sa pagdaan, sinagot ko na ang tag mo!

4. ambo - Disyembre 25, 2007

Hi Lenggai, I just wish you and your family a merry merry christmas! God Bless…..

Cheers,

Ambo

Ang sweet naman! Maligayang Pasko rin sayo at sa pamilya mo, Ambo!

5. kengkay - Disyembre 25, 2007

uy, mukhang masarap yung quesadillas😀 maganda ba yung libro? makapag shopping nga sa amazon ngayon din, hehe😀

Ahmmm… di ko pa nasisimulang basahin, te kenks eh, hehehe! Mamaya… naaadik pa akong magsulat ng entries eh…😀 meri xmas ult!!!!

6. ambo - Disyembre 25, 2007

walang anuman lenggai.🙂

7. global public health - Abril 12, 2009

how cool is it having readers that continually come back to your blog like me?🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: