jump to navigation

Nahawakan ko ang “B” ni Sergio Santibanez! Disyembre 25, 2007

Posted by Lenggai in Coverage, Featuring: Ako!, Good News, Shutter, Story! Story!.
trackback

Una sa lahat… Meri Xmas!

Pasalubong ko sa lahat ng mga tumatambay sa aking blog:

(Pasensya na sa anggulo… Madalian ‘yung pag-pichur ko dine!)

 

Authentic Pinatas at Quesadillas galing Mexico!!!!

Sensya na, in JPEG format lang ang kaya ko… Pag sobrang close na tayo, tototohanin ko na ‘to. Hehehe!

Ngayong tapos na tayo sa Xmas greetings, mapunta na po tayo sa tunay na topic ng post ko…

Ngayon pa lang, nililinaw ko na po:  HINDI AKO MAHILIG SA LALAKING TINUTUBUAN NG GUBAT SA DIBDIB.

Balbon, puwede pa. Mahirap naman kasi ‘yung lalaking mas babae pa ang kutis sa akin. Ang pamantayan ko lang naman sa tamang-balbon ng lalaki eh yung pag tiningnan mo, hindi ka mapapakamot sa braso. Yung tipong sa unang tingin, halata na tao pa rin siya.

Pagdating naman sa buhok, mas nakakapukaw-atensyon sa akin ang kalbo… Labo ba?

Ang pinag-uusapan nating kalbo eh hindi yung pang-hair-implant, damatans na kalbo, hindi napapanot (although meron akong naging crush, si Tiger ng Magdalo, me kalaparan ang hairstrip)… kungdi yung pasadyang-ahit, malinis na bad boy na kalbo.

May soft spot din ako sa mga naka-clean cut na naka-gel. Yung pang-boy next door-na-cool-pa-rin-at-hindi-pang-science-geek na tabas ng buhok.

Hindi po ako nagpapakaselan at lalong hindi po ako nagsasalita ng tapos.

26 anyos na ako’t single, hindi ko maaaring diktahan ang aking puso, at oo, maraming puwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Pero bago pa lumalim ang tinutumbok ng entry ko, mabuti na ‘yung maaga pa lang, klaro na kung ano ‘yung nakaka-arouse sa akin at hinde.

That said, makuwento ko naman ‘yung isa sa mga highlights ng pagpunta namin sa Mexico City noong nakaraang dalawang linggo…

Karamihan sa atin, aminin man natin o hindi, dumaan sa original Marimar craze noong kalagitnaan ng 90’s. High school ako noon at isa ako sa mga kinilig sa pagmamahalan nina Marimar at Sergio Santibanez.

So isipin niyo na lang kung ano ang nararamdaman ko ngayong mahigit sampung taon na ang nakalipas, may pagkakataon akong makilala up close and personal ang isa sa mga ex-prinsipe ng aking teenage day dreams.

Si Eduardo Capetillo, a.k.a. Sergio Santibanez. Although kung Mexicanovelas ang pag-uusapan, mas trip ko si Fernando Jose, naaliw pa rin ako nung na-interview namin si Eduardo para sa aming Anniversary special.

Tumanda na siya… at may moments na mukha siyang wax… Pero sa pangkalahatan, friendly at may sense siyang interviewee. Marunong din siyang mag-Ingles, taliwas sa karamihan ng mga Mexicanong nakasalamuha namin. Siya pa nga humimok ke Bossing na mag-Ingles kahit binabarok Spanish namin siya…

Pagkatapos ng interview, biglang nagka-ideya ang cameraman namin:

“Picture-an kita A!, hawak yung buhok ni Sergio!”

Nakiliti ako sa concept. Hindi dahil nakaka-el ang chest hairs niya, pero dun sa prospect na mahahawakan ko ang pamosong dibdib ni Eduardo Capetillo! Iilang tao lang ba ang nagkaroon ng pagkakataong hawakan ang dibdib ng isang Mexicanovela icon?

Pero siyempre, bago ko sineryoso yung dare, tinablan din naman ako ng hiya. Humugot na lang ako ng lakas ng loob sa pambubuyo ni Bossing.

Nung tinawag ng translator namin si Eduardo, eh saka ako napa-dalawang-isip. Ano mang respeto meron siya para sa akin, naglaho na sa mga sandaling iyon…

I could just imagine kung ano tumatakbo sa isip niya habang namimilipit ako sa hiya noong mga oras na ‘yon:

“Gawd! Ang macho guapito ko talaga! Kahit laos na ko’t kumukulubot na, may asim pa rin!”

“Touch my chest hairs, baby! Touch it!”

“Watta fan! Pagbigyan na nga…”

“Pokpok ‘tong naka-pink na ‘to!”

Na-tense ako habang papalapit si Eduardo’t aliw na aliw naman ang mga Bossing ko at ‘yung ibang mga Mexicanong nakapalibot sa amin sa pag-aalinlangan ko.

Tumagaktak pawis ko, hyperdrive ang oiliness sa mukha ko, at oo, sa kulay kong ito, mantakin niyong me ipupula pa pala ako?!

Ilan lang naman sa pinagsisisihan ko sa moment naming ito eh ang mga sumusunod:

1. Sana nagsuklay ako.

2. Alam kong wala na akong ipuputi, pero sana nagpulbo pa rin ako.

3. Sana man lang nag-Gatsby ako. Makikipagpakintaban pa ba naman ako sa kasama ko, eh kahit pa nanggigitata yan, artista pa rin yan!

4. Sana nagpalit kami ng puwesto, sa kanan anggulo ko eh.

5. Sana ginandahan ko na ngiti ko. Paano ko pa  ipapa-tarpaulin ‘to kung mukha akong groupie?!

Alam ko, deep in my heart, marami akong napasaya sa photo-op namin. Pati si Manong Eduardo, kitang-kita naman sa litrato na nag-enjoy din. Once in a lifetime nga naman ang pagkakataong ‘yon, at buti na lang, mabait at sport siya.

“I grew up watching you!”

Sabi ko sa kanya pagkatapos ng ichur-taking. Ngumiti siya’t nagpasalamat. 

Haaayyyyssss… Sa trabaho ko nga naman, sooner or later, isa-isa kong nakakasalubong sa “biyahe” ng aking buhay ang mga taong dati, sa panaginip ko lang nakakakasalamuha.

Pero fyi, hindi pa rin ako naa-arouse sa lalaking may chest hair.

Exception to the rule ang mamang ito at ang mga lalaking kamukha at kakatawan niya:

Mga Puna»

1. kengkay - Disyembre 25, 2007

gising ka na? at paskong pasko talaga itong kakakilig mong istorya ha. kakatuwa yung emote mo, ahahaha… pero sino sya, huh?

yun nga problema ko, te kenks, di ako makatulog ng diretso! waaahhhh!!!! nukaba, si SERGIO SANTIBANEZ di mo kilala? tsktsktsk!!! hindi ka tunay na jologs… hehehe!!!

Siya yung ka-lab team ni Thalia, bida ng Marimar, Mexicanovela na sumikat sa buong mundo… yung Marimar din ang nag-jumpstart ng Thalia/Mexicanovela craze sa Pinas noong 90s…😀

2. wei vines - Disyembre 25, 2007

natawa ako! kitang kita naman na pare-parehas kayong nag enjoy (imbisibol cameraman and the epeks epeks) sa ginawa nong dare.😀 haha!

sino naman yung kamuka ni dashboard confessional at yellowcard hunk na yan?! indie band sa mexico?! wow! gwapings ah..pag nag ahit kamuka ko na…😀

Kamukha mo ba kamo? Hmmm…. Maganda rin ba boses mo? Lol!!!

Hanuba?!!! Indie band?!! Si Adam Levine yan ng Maroon 5!!!

3. junanteola - Disyembre 25, 2007

haha, sya pala yun… si Sergio. naaliw ako dito… nakuha mo nga ang nasa isip ng mama, base sa pics…

“Gawd! Ang macho guapito ko talaga! Kahit laos na ko’t kumukulubot na, may asim pa rin!”

Assuming, di ba? (ako)

I’m sure, kinilig din siya… Ahahahahaha!!!!

4. junanteola - Disyembre 25, 2007

ooops… i meant to greet Merry Christmas din pala… salamat sa greeting.
Happy New Year din.🙂

Aga naman Doc ng Hapi New Year mo? Hehe! Salamat!

5. itot54itot - Disyembre 26, 2007

wow kasama ka ga ni jessica soho jan?nanood kasi ko noong sabado na ang topic nila e tungkol sa mexico.finale nila yan c sergio.

Wow! Sa wakas… A viewer! Hehehe!

Salamat sa iyong pagtangkilik… Nagandahan ka ba? Sana nag-enjoy ka.😀

6. Jon Cabron - Disyembre 26, 2007

.. OMG! iba na talaga ang mga kababaihan ngayon, punum puno ng kalaswaan’

Nag-uunahang lumabas sa utak ko ang mga nais kong ihirit sa comment mo, Jon, pero pinigilan ko sila dahil gaya nga ng lagi mong ipinapaalala, may asawa ka na…

Nevertheless, maraming salamat sa napakagandang analogy… Nakakataas ng self-esteem. Ngayon ko napagtanto na isa kang napakabuting kaibigan.😀

7. Jon Cabron - Disyembre 26, 2007

oh and oo nga pala, mataas ang hairline ko at kulot ako pero ang tawag sakin ng mga ex girlfriends ko ay “long playing jon” ..tnx’

Sabi ko na nga ba, may kung anong humahatak sa aking silipin ulit ang blog ko… hindi ako nagkamali… haaaayyyyssss… jon!

8. angel - Disyembre 26, 2007

grabe ka ate.. Hehehe ang swerte mo..😀

—-

suwerte siya… hehehe!😉

9. Jon Cabron - Disyembre 26, 2007

sus! swerte ka daw kse sweet tayo, ano pang inaanu ano mo dyan?!

So, Jon… Kikiligin na ba ako? Teka… May chest hairs ka?! Kbye!😀

10. lilmiz - Disyembre 26, 2007

ahahah parang natakot ka hawakan sya😀 anong feeling? ahehe alam mo bang swerte ang mga balbon? … swerte na hindi naging unggoy? waaah ang korni hahaha.. pero ako din ate yoko ng balbonic wahehe .. belated merry christmas!😀

Belated Meri Xmas din!

Anong feeling? Try mong kumurot ng bu… hok. Ganun.😉

Pero tulad nga ng sabi ko… Hindi ako nagsasalita ng tapos… Balbon si Adam Levine… Hehehe!

11. kengkay - Disyembre 26, 2007

nagseselos si dyon kasi walang syang buhok sa devdev😀 uy, sya ba yun? naalala ko yang marimar na yan. pati yung mga barkada ko nawawala sa gimikan kapag marimar time na e. sa diyaryo ako nagta trabaho nung mga araw na iyan kaya di makatutok sa telebisyon, yummy naman yang mamang yan.

Medyo napa-take two ako sa comment mo, te kenks! I assume yung “yummy” na pinatutungkulan mo eh yung “dating” sergio? kasi kung yung ngayon… Mukha na talaga siyang wax…

(Oo, alam kong hindi ako perpekto and at least siya, sikat/sumikat, pero me karapatan akong libakin siya dahil public figure siya!!! hmp!)

12. gasti - Disyembre 27, 2007

hahaha! natawa ako sa post saka sa mga hirit ni jon…nagmamahalan na ba talaga kayo? lols

sa jessica soho reports yan ah kasama ka pala dun..congrats! nahipo mo na ang sikat na buhok sa dibdib ni sergio.

kung observant ka, mapapansin mong hindi ko lang hinipo, gasti… lol!!!

ngayon lang kita nakita rito? salamat sa pagdaaan…😀

and oh, tungkol sa tanong mo, paborito ko yang si Jon pero may ASAWA na siya… so, there.

13. junanteola - Disyembre 27, 2007

Medyo napa-take two ako sa comment mo, te kenks! I assume yung “yummy” na pinatutungkulan mo eh yung “dating” sergio? kasi kung yung ngayon… Mukha na talaga siyang wax…

(Oo, alam kong hindi ako perpekto and at least siya, sikat/sumikat, pero me karapatan akong libakin siya dahil public figure siya!!! hmp!)


ok lang ba’ng mapagulong sa katatawa?😛
may katapat na yata si Jon Cabron ah?! … female version…

Dear Doc Jun,

Walang kapantay ang THE Jon Cabron, kaya nga mahal ko yan, kahit may asawa na siya… LOL!!!!

Pero masaya pa rin ako’t napapatawa kita, puwede bang next time, may bayad na?

Mapagkakitaan ko naman… pls!😀

Tambay ka pa!

14. kaith - Enero 3, 2008

happy new year ate lenggai!🙂 naku naman, napatawa talaga ako ng malakas sa mga pictures mo. salamat sa pagpapasaya ng araw ko.

at korek, matanda na tlaga si sergio no. i never thoted ganyan na ang hitsura nya ngayon. hehehe.

‘kakasira ng adolescent memories… LOL!!!!

15. Maldito - Enero 5, 2008

wow….ang social…ahhehee….sana nagbunot ka ng ma ilan ilan…pa frame natin ate!ahahhaa..

Masyadong fanatic ang arrive!!!!

Kaya nga para maiba, ako naman ang nagbigay ng buhok sa kanya… Kulot din at maikli… Binalot ko nga sa pulang lona para kunwari special…

Eh teka…. Saang buhok ba ang iniisp mo? Namention ko bang kumukulot na ulit yung buhok ko sa ULO?!

16. Rica, Filipino Cultured - Abril 21, 2008

Hi there amiga! I’m so happy for you you met Eduardo Capetillo, and touched his balahibo! AYY!!! I would’ve grabbed his butt or his package, hehehehe
What did he smell like? Did he smell good? Or was he stink? Heehee

I featured you on my latest post:
http://filipinocultured.blogspot.com/2008/04/marian-rivera-dingdong-dantes-showbiz.html

thanks! i saw your post and although nakakahiya, i’m flattered, minsan lang naman mahihilera ang litrato ko kina marian rivera! hehe!

eduardo smells ok naman, contrary to the stereotype of “stinky, foreign men,” he smells ‘ayt for me.

actually, if it weren’t for my cameraman and my boss, i wouldn’t have dared to touch his chest hair… but the heck! ilang pinay ba ang magkakaroon ng pagkakataong gawin ‘yun? masyado kang daring! i can’t grab his butt… or his package!

…nandun boss ko… hehehe!

thanks for droppin’ by my blog!

17. Rica - Abril 22, 2008

Thanks for your reply! Ay naku, you’re so lucky talaga, i bet millions of women in the Philippines and around the world wish they could do what you did, hehehehe! amoy ba siya ng lalake? na parang sweaty but also has cologne? yuck! but sexy too, hehehe

Wow, so do you work for one of the TV stations? If you do, that’s fantastic for you, congratulations! I have a few family members in showbiz too, but I’m not famous, hehe, would be a great job though, hehehe.

I love your bloggy amiga, you seem so sweet and funny and kikay, love it!!! would you like to trade links with me? k take care, god bless🙂

sure! i’m glad you enjoyed reading my blog. ahm, tungkol kay eduardo… hindi ko na masyadong inabsorb ‘yung amoy niya kaya hindi ko na na-analyze… he’s old, man!!!😆

18. Rica - Abril 22, 2008

Hee hee, yea, hehe🙂

K thanks, that would be great, I added your link to my links bars🙂

yep… i did too!!!🙂

19. Rica - Abril 22, 2008

wow great thanks amiga, k take care and we’ll chat more as i continue to visit your kick ass page🙂 you rock gurl!

salamat!😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: