jump to navigation

‘Weno Ngayon?! Disyembre 27, 2007

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Good News.
trackback

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako excited sa mga reunion (kahit anong klase) eh ‘yung dalawang pinaka-cliche na tinatanong sa mga babaeng single na lagpas 25 anyos na:

1. Ba’t wala ka pang boyfriend/asawa?

2. Ba’t tumataba ka?

Walang mintis ‘yon! May nagbabala pa nga sa akin, kung hindi raw ako mag-aasawa before ako mag-27, mabubulok ‘yung mga itlog sa loob ng matris ko.

Sarap tuktukin sa ulo ‘yung  matandang nagsabi sa ‘kin nun kasi una: nag-Biology class po ako at ayon sa teacher ko, matagal pa ang expiration date ng eggs ko! Pangalawa: WALA po akong magagawa kung WALA pa pong dumarating na husband-material sa buhay ko.

Kahit liberated ang ibang pananaw ko sa pag-ibig, naniniwala pa rin akong ang pag-aanak eh hindi parang kanta na puwede mong i-download ng ganun-ganun lang… Single ako at mayaman… sa taba.

‘Weno ngayon?

Wala na ngang ibang statement ang sasakto sa sentimyento ko sa nakatatak sa pasalubong sa’kin ng Ninang ko galing Tate: 

 

So what?!

Para sa mga hindi pamilyar, hango ito sa feel good movement na pauso ni former supermodel Tyra Banks. Ito’y pagkatapos siyang balahurain ng mga paparazzi at tabloid sa Amerika tungkol sa kanyang lumolobo raw na figure.

Hindi ko napanood ‘yung actual launch ng So What Campaign sa Tyra Banks show pero nakita ko ‘yung mga follow-up segment.

Naalala ko tuloy ‘yung mga palabas natin dito sa Pinas. Bentang-benta kasi ‘yung mga topic tungkol sa instant makeovers at kung anik-anik na ipaparetoke ka ng libre na gimik. Alam kong kagandahan ang intensyon ng mga nag-iisip nito, pero kung hihimayin nating mabuti, wala itong pinagkaiba sa mga fashion and beauty magazines na nagsasabatas ng pamantayan kung ano ang maganda/guwapo at pangit sa lipunan natin.

FYI: Hindi ako bitter sa mga taong likas na mukhang bagong-ligo kahit nangangarag… Wala ring masama kung maghangad tayo ng pagbabagong-pigura a la Judy Ann Santos… Tumatabo pa rin ang ATM ng mga derma at dentista— dahil sa mga taong tulad ko.

Pero base sa mga reaksyon na natanggap nung pakulo ni Tyra, naisip ko lang, ok din siguro kung me magpalabas naman sa atin ng something na ikatataas ng self-love ng mga ordinaryo at wala sa mood na magpa-dermang Pinoy… Parang yung Campaign For Real Beauty ng Dove.

Ewan ko lang ha, pero tingin ko, napaka-mongoloid naman ng mga nag-iisip na simbolo ng kapabayaan sa sarili ang pagiging kumportable at confident sa iyong hitsura at timbang.

Walang masama sa mga nagse-Xenical bago mag-summer, ang bastos eh yung mga humahagalpak sa mga naka-two piece na XXL na rumarampa sa beach… Oo na’t pinaniwala tayo ng pelikulang Shallow Hal na nakakadiri ang mga dabyanang lumulusong sa pool, pero naman… Wala silang intensyon sirain ang araw mo, ‘wag naman natin silang parusahan.

Wala ring masama sa mga nagpapa-Extenso ng buhok, ang nakakairita eh ‘yung mga dati ring kulot na kung makaalipusta ng mga walang pera magpaparlor eh akala mo kung sinong Rapunzel na commercial model ng Pantene.

Ako mismo, nabiktima ng mga taong ganyan, kaya nga isinumpa ko nang gumastos ng apat na libo, para lang sa taunang pagpapaunat ng dati’y wavy kong buhok. Pero ngayong kumukulot na ulit ‘yung puno niya, nag-iisip na kami ng bespren ko ng mga paraan para yakapin ang katotohanang kulot kami.

Wala ring masama sa mga taong ayaw maarawan dahil mahahati ‘yung kulay ng braso nila. Ang mali eh ‘yung mga nagchi-Chin Chun Su na mas maputi ang mukha sa leeg… Maghahangad ka pa ba na maging kamukha mo ‘yung mga chinita at españolang modelo ng pampaputi sa TV eh dati nang mapuputi ‘yun!

Kung kulay tablea ka nung ipinanganak, naniniwala pa ba kayong dahil lang sa lotion o capsule eh sa isang iglap, maglalaho na ang mga melanin sa DNA mo?

Matagal ko nang tinanggap ang katotohanan na kayumanggi ako… at para sa maraming kutis-Cadbury na tulad ko, kung talagang najo-jologan kayo sa kulay niyo, daanin niyo na lang sa ligo at audience impact. Besides, nasa Pinas tayo, kelan pa naging batas na mapuputi lang ang ituturing na tao?

Aminado ako, masakit din ‘pag napagkakamalan akong nanay ng mga kapatid ko (stress lang ‘to!) o buntis dahil sa laki ng tiyan ko (mayaman ako, nakakakain ako ng me mantika!), pero sa totoo lang, ‘nung napag-nilay-nilayan ko ang sitwasyon ko, ito ‘yung mga “problema” na kung gugustuhin ko, eh kaya ko namang solusyonan.

Pinagpala ako: Naka-gradweyt ako’t nagtatrabaho sa aking dream job. Dumarami na ang tatak ng passport ko at sobra pa ang kita ko para makapag-Starbucks linggo-linggo…

Wala akong pinoproblemang asawa na nambubugbog o boyfriend na nangangaliwa.

May pera at gamit akong pamboksing… pero kasalanan ba talaga kung nakakatamaaaaadddd mag-ehersisyooooooo!!!

26 na ako’t single… Nagpaplano (pa rin) magpapayat at unti-unting kumukulot ang buhok…

‘Weno Ngayon?

Mga Puna»

1. angel - Disyembre 27, 2007

asteegg..! Isa pa, yung mga nagpapaplastic surgery din.. Todo kung gumastos sa pagpaparetoke nila.. Haayyss..

Easiest way out kasi, lalo na kung may pera ka naman.

2. Jon Cabron - Disyembre 27, 2007

tumataba ako? oo nga eh anlaki kse ng sweldo ko, ang hirap ubusin!!!!
tsaka okei lang yun’ ang taba nalulusaw sa exercise, ang pinoproblema ko yang mukha mo kung pano mareremedyuhan.. oo nga pala tangena mo!

bwahaha taray!

some basagulero… this jon!

pero nakuha mo ang gusto kong sabihin… lol!!!

3. itot54itot - Disyembre 27, 2007

certified kapuso ako khit lage sira reception niyo lalo na kapag my exclusive kyo s cble po yan.

salamat po!!!

4. lilmiz - Disyembre 28, 2007

oo nga, weno ngayon?! ano ba kasi pakialam nila sa buhay ng ibang tao dba. sila lang yun namomroblema haha kulot ka pala ate ahehe maganda kaya tignan ang kulot basta inde lang magulo😀 parang ang sophisticated tignan ahehe gusto ko nga magpakulot eh pero hirap daw imaintain sabi nila.. eniway, wag tayo magpa-apekto sa mga kontrabida, basta ang importante nag-eenjoy tayo sa buhay natin😀

‘Yun nga problema… ‘Mahangin ba sa labas?’

Pero nasolusyunan ko na yan, nagpagupit ako, ang saya! Tao na ko ulit!!! Hehehe!

5. wei vines - Disyembre 28, 2007

na justify mo yung sinasabi ng tita ko… kung komportable ka nga naman sa itsura mo at kumakain sa gusto mo, bakit pa kailangan baguhin? para sa society? well…kung para lang dun…ewan ko lang…😀

Di ako magpapa-ipokrita… Maraming moments na hindi ako kumportable sa timbang ko, lalo na kapag umaakyat ako ng bundok (NPA ako, di nyo ba alam? Lol!)…

6. pornstar88 - Disyembre 28, 2007

Ang sagot dyan.

Yes I am fat. You’re ugly. I can diet.🙂

Buti nga sa inyo mabubulok lang ang itlog.

Eh sa amin, malalaglag na lang ng kusa ang itlog at talong.

Hehehe

Malalaglag na lang ng kusa ang… ano yan? duhat?!

Iniisip ko pa lang… Brrr… Katakots!!!*

7. kurokuroko - Disyembre 28, 2007

panalo ang kumento ni jon cabron. hahahaha. wala akong masabi.

hmmm… may pinaghuhugutan itong entry na ito… i am soooo sure…

Oo, Tops… Me pinaghugutan to, ngumangawa nga ako habang binubuo ko ‘tong entry na ‘to eh, at nasan ka sa panahon ng pagdadalamhati ko? Nasa TrNoma?!

*some loser… this lenggai…

8. kengkay - Disyembre 29, 2007

wahaha, lenggai girl, lahat tayong mga gurl dumadaan sa mga ganyang question and answer portion. kaya ako dati kapag nakikigulo sa reunion may baon na akong sagot, depende sa dating ng tanong, magiging witty ang creative ako o kaya naman bitter and strange, wahahaha. wala akong paki kung may stretch marks ako, mag two piece pa rin ako. actually lucky mommy si kengkay kasi walang naiwang stretch marks, ang naiwan lang bilbil at nawala ang boobs ko, huh😀

hindi ka tunay na tao, te kenks… no stretch marks, at all?! watta…

9. kengkay - Disyembre 29, 2007

lenggai, kung makita mo yung tiyan ng nanay ko, mas flawless pa kamo sa tiyan ko, wahhh. kaka insecure. kasi kapag ganyan di mo halata, tapos nung one time na nag swimming kami, sabi ng nanay ko — mabuti naman at wala kang stretch marks, tapos biglang pinakita nya rin yung tiyan nya at sabay sabing kahit na daw lima pa anak nya e flawless nga sya. at totoo nga, walang kamot, hmp, e ako may nakasingit na konting kamot pa na hindi lang halata kasi nilagyan ko ng plaster, hmp😀

Anak ng… anong breed kayo, te kenks?!

Langya… ako nga, tumaba lang, me stretch marks na…

Pero kalimutan mo nang sinabi ko ‘yun…😦

10. isac - Disyembre 30, 2007

bakit nga ba yun ang parating tanong idagdag mo pa ung kailan mo balak mag asawa pag menopause ka na? hehehehe.

Ewan ko ba, mga deprived ata nung kabataan nila yung mga lekat na yun… O baka naghahanap ng karamay, at least kapag single ka, puwede ka pang maglagalag at “maglaro…” Bweheheheheh!!!

Salamat sa pagbisita…

11. bebenibadoodles - Enero 4, 2008

wahahaha…. hindi naman pala ako nag iisa na umiiwas sa mga family reunions. sa akin naman kasi ang madalas na tanong ay:

“Naku ang payat payat mo naman, hindi ka ba kumakain o sadyang malnourished ka lang?”

Aba’y kasalanan ko bang payatot talaga ako…. hmpf!

—-

Naku! Isa ka sa mga pinagpalang puwedeng lumamon all you want at hindi lumolobo!!!! Ampft!!!

Nway, maraming salamat sa pagbisita! I feel honored…. Hehehe!!!!

12. Xenical - Disyembre 29, 2008

Thanks for the informative post.. and thanks for adding our comment to the blog


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: