jump to navigation

Duty Calls Disyembre 31, 2007

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Story! Story!.
trackback

Dec. 31, pasado alas-10 ng umaga… Nag-ring ang cellphone ko…

“Ahm, hello po, Ate? Gising ka na?”

Hindi pa, ‘te. Nagba-blog ako habang humihilik.

“Ok, go! Sensya na ha, nakatulog na ako nung nagtext ka kagabi.”

“Yun pong pinapahanap mong aso na kumakain ng tao? May lead na po kontak ko, tatawagan ko na lang ulit mamayang after lunch, tapos yung tungkol naman po dun sa dagang nagiging tao, na-pre-interview ko na po kanina ‘yung nanay nung daga, medyo di lang po kami nagkakaintindihan kasi ‘squeaky’ ‘yung signal…”

Yada, yada… Tuloy ang litanya ng aking researcher.

Sa huling araw ng 2007, sa halip na New Year’s Resolutions, ang pinag-uusapan namin ay ang ieere naming istorya (o ang kawalan nito) para sa Sabado… 

Kung bakit namin ito nararanasan, nananatili pa ring isang palaisipan…

Hula ko, ito na ang karma naming mga taga-Media sa mga panahong ginagamit namin ang aming trabaho para lehitimong magpa-picture sa mga paborito naming artista… Ewan ko. Pero kasama na nga sa pagtanggap namin ng bonus ang pagsasantabi ng aming karapatang mag-holiday.

Naalala ko nung unang taon ko sa network. Researcher ako noon.  Bakasyon sana, pero dahil alipin ako ng salapi, tumanggap ako ng raket sa ibang programa…

Naranasan kong pumasok ng pasko, bisperas ng bagong taon at bagong taon. Ang mga panahong ‘yun malamang ang mga pinakatahimik at pinakamalungkot na mga araw sa opisina, sama niyo na ang biyernes santo at araw ng mga patay…

Kaya nga nauso ang mga late-night newscasts na me mga kumakaway na staff habang nagpapaalam ‘yung mga anchor… Hindi po ito luho lang ng istasyon. Ito ang paraan naming mga taga-Media para sabihing:

“Hoy! Pamilya ko! Nandito ako sa trabaho! Pakshet talaga nasan ang hustisya?!!”

“Sa asawa ko, kitang-kita ang pruweba! Nasa trabaho ako! Wala akong ibang pamilya!”

“Ma! Pa! Happy New Year! Uwi na ko pagka-ere, tirhan niyo ko ng sopas!!!”

Pagkatapos kong magpaka-aliping sagigilid noong 2003, isinumpa ko nang hindi ko ipagpapalit ang pagkakataong makipagkyawkyawan sa pamilya ko sa anumang mga noche-kainan… At para lang saan? Sa ilang libong kaya ko namang kitain sa loob ng ilang linggo?

Eh kaso nga, tumama ang bagong taon sa araw ng Martes, sugal na para sa amin ang mag-holiday at maging concerned sa labor rights. Anong ba kasing mas katanggap-tanggap: Matapos ang taon nang maluwalhati at magsimula ang bago nang madugo? O matapos ang taon nang ngarag at magsimula ang bago nang ngarag pa rin?

None of the above? Shet.

Gustuhin ko mang maging cool na SP at hayaan siyang makipagputukan (parang ampanget pakinggan, considering na bading yung researcher ko…) sa pamilya niya ngayong bisperas, hindi ko naman tahasang mai-offer ‘yung option sa kanya Naniniwala kasi ako sa kasabihang: Start the year right.

At ang tama sa aking bokabularyo eh ang hindi gaanong ma-high blood sa taranta sa unang istorya namin sa 2008.

Bago matapos ang pagsusulat ko sa entry na ito, nag-text ulit ang researcher ko:

“Nga po pala, ‘te… Ngtxt mama ko sa Tarlac, ask nya kung mkakauwi p po ako 4 Media Noche… Sabi ko po ‘bhala na, la pa po kami story,’ naiyak po sya… Wla po ako mgawa.”

…Tumunog ulit cellphone ko… Me pahabol pa pala…

“Te, ‘sensya n, pnapa-4ward lng po ni mama — Pakyu kang Segment Producer ka! Wala kng puso! Sna msabugan k ng pla-pla mamyang mdaling araw! Lamunin sna r8ngs nyo nung Big Nyt mga punyet…”

Delete Message? Yes.

.

..

….

…..

Syempre kathang-isip ko lang ‘yan. Sinong matinong nanay ang mama-makyu ng producer ng bagito niyang anak?

Anyway, ang huling entry ko para sa taong 2007 ay iniaalay ko sa mga naka-duty ngayong bisperas ng 2008… Alam kong nakaririnding marinig ang mga panaka-nakang putukang taste test lang ng ingay mamyang gabi… Pero hopefully, kapag humupa na ang usok ng sandamakmak na fountain sa kalsada, kapag napagod nang tumalon ang mga nagpapatangkad, kapag tahimik na ang mga baryang kumakalansing sa alkansya… sana… gising pa ang pamilya niyo’t may maabutan pa kayong sopas at ubas sa hapag-kainan niyo pag-uwi.

Hopefully, sa susunod na taon, lumalangoy na tayong lahat sa pera at hindi na natin kailangan pang mag-duty ‘pag holiday!

*** At tatapusin ko ang entry na ito sa isa sa mga pinaka-cliche na linyang mababasa natin sa mga isinusulat na sanaysay sa mga panahong ito:

Hapi 2008!

Mga Puna»

1. Lynda Cute - Disyembre 31, 2007

Aww, A, may trabaho o wala sa mga oras na ito, i wish you a happier, more fulfilled and blessed New Year – at may snowy effect pa ang blog, or just my imagination?🙂

Maraming salamat! Imahinasyon mo lang yun… Lol!!!

2. KUROKURO - Enero 1, 2008

kasama ba ako rito? hehe. sosyal ang duty ko, asa london! grabe daming lasing dito. pero walang panama sa new year sa atin.

Oo naman! So, musta naman ang mga briton? Hapi new year ha!

3. lilmiz - Enero 1, 2008

ako din may work ngayon at kahapon bwahaha pero work from bahay lang naman (buti pinayagan) at hanggang alas-otso lang so pwede na din😀 at least kasama pamilya! heheh happy new year din sayo ate! salamat sa mga nishare mo, madami ako natutunang kalokohan haha at leksyon na din😀 godbless u sa 2008!😀

Suwerte mo! Actually, nasa bahay rin naman ako kahapon, pero katawan ko lang, ang utak ko nasa upis… Hehehe! At least sinalubong natin ang 2008 kapiling ang ating lab ones… Langya, puro kalokohan ba laman ng blog ko?! Kala ko pa man din modelong blogger na ako… Hehehe!

Happy 2008 din!

4. koreanmine - Enero 1, 2008

ako nga,naranasan ko mag xmas at new yr sa wrk nung nasa kol center pa aq, waaa di ko keri, nag resyn agad aq 2nd ng jan!.

hehe msrap sana kc daming dagdag pay, kaso kaka sad pag naiisip mo na nagsasaya lahat sila sa inyo taz ikaw namimilipit ang dila kaka ingles!

pero lahat nmn ng sakripisyo may kapalit, di p lng tlga ako redi nun..

hapi new yr. sau.

( di q lam kung sang station ka, iv hd my bad exp. sa reporter sa wrk q ngaun (sna inde ka dun. hehe ) pero my kuya is also a rep. kaya keri na..😀 )

Bakit? Anong nangyari sayo dun sa sinasabi mong bad experience? For sure hindi ako yun kasi una, hindi ako reporter, pangalawa, likas na mabait akong tao… hehehe… At sino ang kuya mo? Bulong mo sakin… Ang number ko ay (0917) 8…… Ah sa email na lang…. Hehehe!

Hapi 2008 din! Salamat sa pagbisita!

5. wei vines - Enero 1, 2008

ahh tita ko nga naiiyak kasi ayaw niya iwan mga anak nya samen…sinama niya sa ospital..hahayyyzzz… sabi nga: if you want to achieve saomething, you must lose something… tama ba? mali.

happy new year sayo ate lenggai! 😀

Api, api 2008 din sayooooo!!!!!😀

6. kengkay - Enero 1, 2008

ako din, sanay ng nag ta trabaho kapag bagong taon, pasko, easter, mother’s day, father’s day, at kung ano ano pang special day… yun yung mga ilang taon na nakipag sosyalan ako sa hotel as PR eklavu😀 oks lang kasi kapag ganun, sa hotel ka din tulog, may aircon, pwedeng tumambay sa bar at libre pa buffet breakfast, hehee

Buti nga sana kung ganun yung perks… Hahaaaayyyyssss…

7. kaith - Enero 3, 2008

ako din dati nung bago pa, di pwedeng umepal mag leave kahit bisperas na ng pasko. buti nga lang this year, pinayagang magleave ung asawa ko sa kol center nung 31, pero work sya ng 24. nasaan nga ba ang justice? hehehe.

Sus… At least kasama mo hubby mo, hehehe!!! Good for yah! (clap! clap!)

8. koreanmine - Enero 3, 2008

ni harass ako!! :(( waaaa hehe. pero ok na din, na settle nmn.
bka kilala mo, sana inde mo frend kc lagot ako lols😆 si _____________:D shhhh hehe

yung kuya ko, kapuso din, nag rereport xa sa unang hirit,yung sa portion ni..kanino nga ba yun, yung may magandang magandang magandang….. si Sam shhh ( wak mo din sumbong blog q, if ever kilala mo😀 bk mabisto aq Lols😆 )

Hmmm… Hindi ko friend si ____, pero marami na akong naririnig tungkol sa kanya… Hindi rin siya trip ng mga kaibigan ko so wla akong amor sa kanya… Hehehe! Sensya na ha… Minarapat ko na lang na burahin ang kanyang pangalan at programa as courtesy sa kanya, at dahil marami kaming kapuso na bloggers, at malay natin, lihim na binabasa ng mga fans ko sa upis ang blog ko para may pantira sila sa akin… LOL!!!!

Anong ginawa niya sayo? Hmmm… Attention, Tops! Alam mo na kung sino ang hindi pararaketin sa programa mo, hehehe!

Si Sam ba ang kuya mo? Yung boyfriend ni ____?

9. koreanmine - Enero 5, 2008

uu nga eh, buti na lang di bsta aprub yung comments mo kaya lam ko na meedit u, kc di q lam pano masasabi sau ung name na di malalaman ng iba hehe..

hala, chikka yan, bf ni ____? halagot ! nYahaha.. kc kya ko xa kuya kc asawa xa ng ate ko!!!!
wag u mention to sa kanya ha hehe so xa b yung cnasabi u?

bka knows u din ung EX-frend q, nyahaha dati xang TD sa GMA…

Ahmmm….

Parang mali ata yung iniisip kong Sam… Hehehe!!!

Bat ganun? Di ko ata siya kilala… Hmmm…. Baka sa mukha… Di ko rin kilala yung friend mo…😦

10. callcenterguy - Setyembre 26, 2008

kumusta na? Congrats on your new blog!

callcenterguys last blog post..Influential Essay: Youth by Samuel Ullman

11. Lenggai - Setyembre 28, 2008

salamat! me inaayos ako na mas maikli, sana bisitahin mo rin.🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: