jump to navigation

Ako’y isang naglalakad na virus… Enero 2, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Featuring: Ako!.
trackback

Wala ako sa mood magkasakit ngayon.

Sa pangalawang araw ng taon, imbes na nagkokober ako ng maluwalhati, inaatake ako ng lagnat, sakit ng katawan at unang bugso ng ubo’t sipon… Trangkaso nga ba ang tawag dito?

Hindi ko alam kung kanino ako nahawa eh, pero sa ngayon, ang mga kahol at daing ko lang ang  umaalingawngaw sa mansyon namin.

Gustuhin ko mang simulan ang taon sa pamamagitan nang pagiging isang modelong empleyado at matalinong blogger, hindi ko magawa… Sinisisi pa ako ng kapatid ko dahil pati siya, nilalagnat na rin… Mukhang pati ‘yung crew na kasama ko kanina, nahawa na rin sa virus na kinakalat ko.

Tapos kanina, pagkatapos ng coverage, ang daming mga ideya sa utak ko na nag-uunahang maisa-blog, pero pagdating ko naman sa bahay, para akong computer na nag-hang.

Puwede rin palang mangyari ‘yun no? Mawalan ka ng ganang magsulat ng blog.

Shet. Gusto ko nang gumaling.

Mga Puna»

1. kurokuroko - Enero 2, 2008

told you.

Yeah…

2. kaith - Enero 3, 2008

nakupo, stress na yan ksi masyadong kang busy nung 2007. hehehe. o baka late reaction yan sa paghipo kay sergio! hahaha.

Yun nga eh, hindi ko naramdamang dumaan ang bakasyon, pero ilang araw din naman akong nasa bahay… Ewan ko ba…

At mamamatay na ako sa sipon, ubo, puyat at… whatever… karma ata to… pero di naman ako bad girl these past few days eh?

hmmm… must have done something… can’t…. think… straight…

3. taroogs - Enero 4, 2008

kinabahan naman ako sa title mo. hehehe… akala ko na-recruit ka na ng al-qaeda para maghasik ng lagim thru germ warfare🙂

pagaling ka po…

Salamat, Ka Taroogs… M touched… Hehehe!

Wag kang mag-alala, kung magiging terorista na rin lang ako, gusto ko yung tipo ng giyera na maaksyon… Germ warfare? Ginagawa ko na ‘yan sa opisina namin, nakakaaliw… Pare-pareho na kaming sumisinghal at kumakahol!!!! Nyahahahaha!!!!

4. kengkay - Enero 4, 2008

naku, masama yang virus na yan, hindi ka makapag blog, tsk tsk… actually ako rin, medyo tinatamad kasi naman emote na emote ko na yung bakasyon ko ngayong pebrero. lipad na lipad na akooooo. teka, mas oks ka ba kapag weekday or kapag weekend? kasi mangangalabit na ako para sa EB e. ayan, halatang excited na ba?

Weee!!!! Tuloy kaya? Hehehe!

Weekend… Madalas Linggo at Lunes ng gabi… Hehehe!!!

Lubong ko, Te kenks ha… Bale berday at krismas… Lol!!!

5. lilmiz - Enero 4, 2008

haha sa computer na naghang. pahinga lang siguro katapat nyan ate, o di kaya lalake? nyahaha😛 get well soon!😀

Mas nakakapagod ata ang lalake… Hehehe! Salamat sa concern…😉

6. koreanmine - Enero 5, 2008

pagaling ka, kc bawal na magkasakit😀 lalo na sau

Korak!!! At wala pa naman kaming sick leave!!!

Salamat sa concern😀

7. Jon Cabron - Enero 5, 2008

kumain ka ng skyflakes tsaka inom ng orange juice… bwhaha old skool’

Salamat sa pagdaan, Jon!

8. Raymond Lee Quijano - Enero 6, 2008

gamit ka ng trend micro, pra mawala yung virus. ^^

Waaaahhhh…. Computer joke… Nerd AAAAlllllllleeeeerrrrrtttttt!!!!!!

Hehehe… Joke.

Hindi ako techie… Sori na….😦

At maraming salamat sa pagdaan… Ok na ako sa Solmux at Biogesic…😀

9. pornstar88 - Enero 6, 2008

tulog lang katapat nyan…

kaso sa trabaho mo, mahirap kumita ng tulog.

pero kahit na, tulog ka pa rin.

hehe

pagaling ka.

Maraming salamat sa concern! Nakakaantig ng damdamin…😀

Linggo ngayon kaya me lisensya akong matulog ng mahaba-haba… Yun ay pagkatapos naming magsimba at mag-family day ng pamilya ko…

Haaayyyyssss…. Buti na lang hindi required ang pagsasalita kapag nagba-blog, kundi mapagkakamalan na naman akong nagbibinata dahil sa boses ko… Hehehe!

10. repah - Enero 6, 2008

naku— tsk.ttsk.tsk. nagksakit ka kaagad sa bagong taon.. naku wag naman snang buong taon k mgkasakit.. wala na kming brodkaster dito… mdali lng yan.. uminom k ng gamot tpos isipin mo la k ng skit.. hehehe.. sna gumaling ka na..

Naks naman, marami ba talagang nagmamahal sa akin o sadyang mababait lang talaga ang mga ka-blog ko? Hehehe!

Maraming salamat sa concern! Salamat din sa pagdaan…😀

11. kengkay - Enero 6, 2008

linggo o kaya lunes? hmmm. sige. noted. anong size mo sa two piece, bilis, hehehehe

Two piece? Small, te kenks… Hihihihi…

And oh, maputi rin ako at balingkinitan… May dimples at braces… Balbon, tsinita at blonde ang buhok.

Hayyyy… Honesty. Finally!

***Kung seryosong two piece talaga ang ireregalo mo sa berday ko, te kenks, large… hindi dahil sa built ko, pero dahil malaki ang boobs at pwet ko…

Waaaahhhhh!!!!! I. Can’t. Stop. Lyiiiiinnnnggggg!!!!!😦

12. kengkay - Enero 6, 2008

ano be talaga, hmp😀

sana yung de-string, te kenks, para bukod sa madaling tanggalin, madali rin siyang hugut-hugutin… nyahahaha!!!

wala pa man din, salamat na ate kenks… di naman kelangan mag-post sa blog ng pix na suot ko yun no? baka mawalan ako ng kaibigan😦

13. pornstar88 - Enero 8, 2008

Hehehe malat? piyok? pumuputok-putok ang boses mo? Parang bang inaagiw ang lalamunan?

Hehe binata ka na.

kaya nga napagdesisyunan ko nang huwag pumasok sa opisina ngayon at magpaka-pasyente sa mansyon namin… iinom ako ng maraming calamansi at sandamakmak na solmux, tas kakain ng maraming oreyndyes at epols… baka sakaling bukas, maluwag na ang baga at ilong ko… hirap ng nasa kama ka tas bigla kang mapapabalikwas sa kati ng lalamunan mo… feeling ko buong subdivision namin eh nagigising pag kumakahol ako!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: