jump to navigation

Bagay ba sa akin ang… Blonde? Enero 6, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!.
trackback

Sampung natutunan ko sa unang linggo ng 2008:

1. Ang karne ng daga ay ginawa palang palaman ng sausage noong 1970s.

2. Sa panahong ito, may mga adik taong naniniwala pa rin na puwedeng gawing antibiotic ang  buhay na bubuwit.

3. Mahirap “patumbahin” ang Boss ko. Kahit si Fr. Suarez (healing priest) ka pa.

4. Buntis si Jennylyn Mercado… at ang ama ay si Patrick Garcia.

5. Huwag kang magbibiro tungkol sa ratings war ng network ninyo sa mga taga-probinsya. Kung wala kang sasabihing maganda, tumahimik ka na lang. At oo, mas malakas ang signal ng kabila sa Central Luzon. Tinatanggap ko na ‘yun.

6. Ang matinding sakit sa lalamunan ay sintomas ng malalang sipon. At makabasag-bagang ubo na rin.

7. Mahirap tumawa kapag malat at masakit ang baga mo.

8. Ang Strepsils (lemon flavor) ay nakakasugat ng dila.

9. May mga concerned pala sa akin na mga ka-blog ko (Aaaawwww…).

10. Hindi bagay sa akin ang maging blonde.

Okay… Okay… Hindi naman blonde, pero papunta na roon.

Last week kasi, dahil sa kagustuhan kong me mapuntahang makabuluhan ang latak sa bonus ko, nagpakulay ako ng buhok.

Dalawang libo. Bukod pa dun yung pinang-foot spa ko tsaka ‘yung pagupit at ahit ng kilay (hindi ako marunong mag-korte ng sarili kong kilay… Sorry.).

Ang resulta… Light reddish brown na chestnut na di mo malaman…

In fairview, maganda ‘yung effect nung una. Sabi ng sikat na parlorista ko, magkaka-boypren  na raw ako dahil sa kulay ng buhok ko! Eh putek, madali akong magpapaniwala sa mga pamahiin nung mga panahong iyon dahil magbabagong taon (at kelangan kong kumbinsihin ang sarili ko dahil mahigit dalawang libo ang ginastos ko).

Tapos siyempre, bagong blower pa ako kaya pang-mayaman pa ‘yung kulay niya…

‘Yung mga sumunod na araw, nadagdagan lalo ang confidence level ko sa bago kong buhok kasi wala namang kumokontra… sa mga researcher ko, sa mga kamag-anak ko, sa barkada ko, sa pamilya ko…

Pakiramdam ko tuloy, certified broadcaster na ako sa pagpasok ng 2008 dahil sa pang-stateside kong hok-bu. Bumalik lang ako sa real world nung pagpasok ko sa opisina nung a-tres, sinalubong ako ng bossing ko (na kaibigan ko rin kaya mas balahura siya sa akin kumpara sa iba pa naming staff ) ng panlilibak…

Mukha raw akong bugaw.

Dumating ang Sabado (pinakangarag na araw sa production timetable namin dahil sa araw na ito kami umeere), may nag-comment na naman sa buhok ko:

Nagpakulay ka?

Obvious naman di ba? Pero hindi paghanga ang nabasa ko sa mga mata niya habang tinitingnan niya ‘yung buhok ko. More on awa.

Huling ligo ko eh nung Huwebes ng alas-onse ng gabi kaya nanggigitata na sa langis (hindi langib ha!) ‘yung buhok ko. Pumunta ako sa CR at ininspect ito… Wow! Blonde!

Pucha! Ba’t nagiging light na ‘yung kulay nito? Isang linggo pa lang nakalilipas, ang dalawang libo mahigit kong buhok, kulay pang-200 na.

Kanina, pagkatapos naming mag-family day… nag-siesta lang ako saglit (baka kasi stressed lang ako kaya nagda-dry ‘yung buhok ko) saka ako umakyat dun sa maka-masang parlor na may literal na kulot na bading sa me highway namin…

Bihira na ako pumunta dun kasi sa sobrang mura ng serbisyo, me tendency na mapamura ka rin sa resulta. Pero nanggaling na ako sa mahal at napamura rin ako sa resulta, so, wala naman sigurong mawawala kung magpagamot na ako rito…

At aakalain ninyong gusto ko pang mag-inarte sa lagay ko kanina? Gusto ko sana ‘yung kulay na reddish pa rin pero di gaanong halata… Kaso sabi nung kulot na bading, mas magiging light daw ‘yung kulay ng buhok ko dahil parehong light ‘yung pinipili kong kulay. In other words, magmumukha na raw akong Barbie.

Binigyan niya ako ng option, dark brown daw.

Gusto kong humikab, pero umubo na lang ako ng malakas at nilunok ang aking plema (Kadiri? Totoong buhay ‘to! Yakers namang dumahak dun, public place, haller?!).

“Sige, dark brown na nga lang.” pabulong na sabi ko. Pabulong kasi garbled na boses ko sa tindi ng ubo’t sipon ko.

Pagkatapos ang halos dalawang oras… Mukhang tao na ulit si Lenggai. Ordinaryo at hindi mo masi-single out sa pulutong ng mga kolehiyala.

500 lang ‘yung pakulay ng buhok ko. Plus 150 dahil pina-hair spa ko pa. Isang libo mahigit ang diperensya dun sa pang-mama-san na kulay nito nung una.

Minsan talaga, kelangan nating magkamali para malaman natin kung ano ang tama. Sa kaso ko, kelangan ko munang magpaka-blond…e para mapatunayan na mas patok pa rin ang simple.

Mga Puna»

1. kengkay - Enero 6, 2008

uy, chestnut ka na. ako din nung unang kinulayan ko buhok ko – take note – kinulayan at hindi nagpakulay kasi chipipay lang ako; ganyan din. ngayon balik na naman sa itim pero may konting puti, waahhh. mabote na lang andami kong kulay ng wig dito, ngayon kulay dilaw, ahahaha

nyahahaha! pag nabaliw na naman ako, susubukan ko ang electric blue… hindi na ako si barbie… si stitch na!

2. lilmiz - Enero 6, 2008

wahahah walang piktyur?😀 parang gusto ko makita kung pangmamasan nga ba talaga😛 maganda sana yung medyo light kasi liliwanag ang mukha nun ahehe parang blooming ba😀 pero wag naman talagang blonde, wird hehe

ang pagpapakulay ko ng dark blonde (ampft! dark blonde! dark pa kasi siya eh) ay isang kabanata sa buhay ko na gusto ko nang tuldukan… palagay mo ba’y rerespetuhin pa ako ng mga tao pag nag-post ako ng litrato sa blog ko na mukha akong anak-araw? hmp!

3. Jon Cabron - Enero 7, 2008

“Mukha raw akong bugaw.”
… bhwahahhahah!

“Gusto kong humikab, pero umubo na lang ako ng malakas at nilunok ang aking plema (Kadiri? Totoong buhay ’to! Yakers namang dumahak dun, public place, haller?!).”
.. eto na siguro ang pinaka kababuyang nabasa ko sa buong buhay ko sa mundo ng blog’

selan… so hindi na tayo pedeng maging magkaibigan ngayon?

at least hindi ako dumudura saka iisisin ng tsinelas yung pinagduraan… yun ang ULTIMATE yuck…

friends?

4. little freak - Enero 7, 2008

teka lolz nawindang naman ako dun ginagawang sausage ang karne ng daga? mabuti na lang hindi pa ako kumakain that time, kakapanganak ko pa lang, hehehehehe.

Ako hindi pa nagkikita mga magulang ko… LOL!!!

starmeat daw yung tawag, gamit sa probinsya… government project ata, sabi lang nung resource person sa story ko, hehehe…

5. koreanmine - Enero 7, 2008

inggit na inggit ako sa mga may kulay ang buhok kc di ko pa xa nata try kc nga natatakot ako bk magmuka akong troll😀

yung sa software nmn bk nmn di ganun ang klabasan eh wala ng bawian😕

waaaahhhh!!! ano yung software?!!!! computer joke ulit?! sinabi nang bobo ako sa computeeerrrrrrr!!!!!!

peace.

6. ladyracer - Enero 7, 2008

nagpapakulay ako ng hair kasi high school pa lang ako may silver hair na ako. nasa lahi namin eh (ewan ko ba sa mama ko, sa lahat ng pwedeng ipamana eh puting buhok pa). pero usually dark brown ang ginagamit ko para hindi mukhang mga blonde pinay na balikbayan hehe

ampft! balikbayan!!!! shet, buti na lang dark brown na buhok ko ngayon…

cutie-cute-cute… heheherrrr…

ngayon lang kita nakita rito, salamat sa pagbisita!

7. wei vines - Enero 7, 2008

may ganyan talaga: mas maganda ang mura.. depende pa sa stylist..:D

puwede, puwede… pero katakot pa rin… hehehe!

8. wei vines - Enero 7, 2008

ahh napanood ko nga..di talaga mapapatumba si boss mo😀

Hahah!!! Nakakatawa di ba? (Sori na… Ma’am!)

Eh anong tingin mo dun sa daga segment? Akin yun eh… (kurap, kurap…)

9. ladyracer - Enero 7, 2008

ako din ngayon lang nagkaron ng chance na mabasa ang mga entries mo. ewan ko ba pero lagi naman kita nakikita sa blog ng iba. kaya ka pala popular… naaliw ako sa blog mo. link kita ha dahil mukha madadalas ako sa pagbisita🙂

Ampft!!! Popular?! Moi?!

Salamat at naaliw ka…😀

Link din kita… Ano link mo? Parang wala sa URL mo?

10. wei vines - Enero 7, 2008

hayy ate! I was scared–sa kinakain kong lechon… haha!! habang sinusubo nung mama yung daga… nawalan ako ng panunaw…haha! katakot yung buhay na daga na kinakain nung mama..parang ahas lang ah!😀

Gooooodddd…. ganyang-ganyan ang reaksyon na gusto kong ma-achieve sa viewers ng segment ko… hehehehe! salamat at nanood ka…😀

11. ladyracer - Enero 8, 2008
12. lilmiz - Enero 8, 2008

bwahaha. kyuryus pa din ako😀

dyaskeng bata ka! mamatay ka sa curiousity mo!

neber kong ipapakita ang litrato ko dahil kahit papaano, me natitira pa akong dignidad sa sarili ko… hmp!

13. MisyeL - Enero 8, 2008

talagang ok ang simple pero kung may pera why not magpakabongga minsan😀 gusto ko din pakulay ng hair kaso mahal dito…

Magkano? Kung sobrang mahal, ako na lang bayaran mo, ako na lang magkukulay sayo… please? (kurap… kurap…)

14. paolomendoza - Enero 8, 2008

at ito pala ang sikat na pinoy brodkaster! may bago nanaman akong paboritong blog… At, tungkol sa listahan, hindi mo ba naisip na sana ikaw na lang ang nagdadala ng anak ni patrick garcia? =P

Naks naman, ngayon ka lang pala bumisita dito, paolo? Salamat sa pagdaan! Buti at naaliw ka… balik ka lang…

And oh, tungkol ke Patrick Garcia, aaminin kong crush ko siya nung teenager ako, pero mas gugustuhin kong si Adam Levine ang maging ama ng mga junakis ko! hehehe!😀

15. angel - Enero 8, 2008

oo nga minsan kainis kung saan pa yung mahal dun pa mas lugi..
Karne ng daga ba? aheheh daming daga dito samin.. yuckz… hehe

susmaryosep! wag ‘yung dagang bahay ha… bagsik yun… hehehe!

binanlawan ko ‘yung buhok ko kanina, dark red ang lumabas… iniimagine ko na kung ano’ng kulay nito after one week… waaahhhh!!!! the agony never ends… ba’t kasi ang arte-arte ko…😳

16. pornstar88 - Enero 9, 2008

hehe pinagloloko lang tayo ng mga parlor na yan…

makuntento sa binigay na likas na byuti ng maykapal.

pero kung trip mo i-edit ulit ang kulay ng buhok mo, pa-adobe photoshop mo na lang.😀

pero mukha kaw barbie? Ayos yun ah.

Pakulay din kaya ako?

hehehe

hindi ako mukhang barbie ngayon, inagapan ko na…

maarte lang talaga ako…😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: