jump to navigation

Tungkol sa network war na ‘yan… Enero 8, 2008

Posted by Lenggai in Ang Network Ko, Boo!, Featuring: Ako!.
trackback

“Hay naku. I am so sure, publicity tactic lang ‘yan ng mga network para kagatin ‘yung mga bagong shows nila.”— Some genius blogger

Kelangan kong maglagay ng DISCLAIMER: Lahat ng isusulat ko rito ay pawang opinyon lang ng isang ordinaryong empleyado. Wala pong nagdikta, nag-impluwensya o nagbigay ng grocery nag-obliga sa aking gumawa ng entry na ito. Well, sabihin na nating napipika na ako sa mga nababasa kong blog at opinyon ng mga wala naman sa network at all-knowing na hinuhusgahan kaming mga nasa loob nito… Or… puwede rin namang sinasakyan ko lang ang issue para mapunta ulit ako sa Fastest Growing WordPress Blogs… Ewan ko lang ha… Ewan ko lang

Naranasan niyo na bang matanong ng isang bagay na wala kang kinalaman pero dahil kunektado ka sa tao/kumpanya, pakiramdam ng iba eh me kredibilidad ka nang maging official spokesperson?

Suki ako sa ganyan. Ilang nanay na may karag-karag na batang me hydrocephalus ang umuwing luhaan dahil trunkline lang ng foundation namin ang kaya kong ibigay? Ilang concerned citizens na rin ang nananatiling concerned dahil hindi sakop ng programa ko ang pa-imbestigahan ‘yung mga rugby boys sa purok nila…

Sorry na, pero may mga bagay talagang hindi kaya ng powers ko, at kung kakaririn ko namang kayanin ay malamang ikatandang dalaga ko na dahil dadaigin ko pa si Mother Theresa sa sobrang bait…

Tapos nangyari na nga ‘yang isyu tungkol sa dayaan sa ratings. Kauuwi lang namin galing coverage sa Mexico nang pumutok ‘yang balitang ‘yan. Buti na lang din kasi yari na naman ang phone bill ko kung nagkataon dahil ang daming nag-text! Nais nilang maliwanagan sa isyung wala naman akong kinalaman.

Sa mga reunion na pinuntahan ko nung bakasyon, ilang beses ding tinanong sa akin ‘yan. Napilitan tuloy akong mag-research tungkol sa pinag-ugatan nung isyu kasi nakakahiya nang sumagot ng: “Actually, wala po akong paki… Ratings lang ‘yan.”

Hanggang sa umabot na nga ng Enero at sunud-sunod na ang banatan sa patalastas at balita ng magkabilang istasyon. Kung manonood ka’t kada-commercial break eh nakikita mo si Maya Reforma o ‘yung abogado ng AGB Nielsen, it’s either ma-curious ka at mag-take sides o mauuta ka’t maglilipat na lang ng channel.

Ako, sa totoo lang, purgang-purga na rin.

Lalung-lalo na kung pati kami na taga-Maynila at walang kinalaman sa lintek na bilangan ng ratings na ‘yan eh hinuhusgahan na rin ng mga taong ni hindi alam ang pinagkaiba ng tracking sa panning.

Para sa aming mga empleyado, wala kaming care kung ano’ng paborito niyong palabas kasi karamihan din sa amin, mas trip pang manood ng cable kesa tyagain ‘yung mga kabaklaan sa entertainment shows ng parehong network.

Hindi rin namin ikamamatay kung malaman naming pumapanig kayo sa kabilang istasyon kasi opinyon niyo ‘yun. Ang nakakapikon eh kapag nagkokober ka ng matino, pagkatapos eh me masasagap kang side comments pertaining sa isyu ng pandaraya raw ng network namin.

Bihira akong pumatol kapag suot ko ang tsapa ID ko (maliban na lang siguro kung meron ako o kung puyat ako), pero hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pisi ng pasensya ko pagdating sa mga taong singlawak ng utak ng garapata ang pang-unawa tungkol sa ratings war na ‘yan.

Bago pa lang ako pumasok sa network, mortal nang magkalaban ang Dos at Siete. Pumutok ‘yang iskandalo sa Bacolod, kinakailangang manindigan ang dalawa sa TV. Bakit? Eh saan pa nga ba maipapahatid ng kumpanya ang kanilang mensahe?

We have the medium, why can’t we use it?

Gasgas na gasgas na ang salitang trial by publicity sa ere, pero bakit kailangang ulit-ulitin ‘yun? Kasi sa 30 jaded viewers na hindi nadadala ang opinyon sa mga patalastas, may 70 na nais magpakadarang at maniwala sa kung ano mang ibato sa ere ng kanilang paboritong network. Saan ko nakuha ang stats? Actually, wala. Napanaginipan lang. Pero bakit me mga taong madaling kumagat sa plugs? Dahil sa loyalty.

Oo na’t maraming kailangang baguhin at pagandahin sa mga palabas namin. Oo na’t mas idealistic kung lilinisin muna namin ang aming mga bakuran bago magkalat ng intriga sa garahe ng iba… Pero ang sa akin lang, ang nakikita kong dahilan (isantabi niyo na ‘yung nakahahatak talaga ng ratings ang mga segment tungkol sa demandahan ng dalawang network ha) kung bakit kailangang manindigan ang aming mga bossing eh para sa mga sumusunod:

1. Para sa Dos, kinakailangan nilang panindigan ‘yung paratang nilang nandaya ang Siete kasi nakakapikon nga naman. Kung totoo man ‘yun, kahit pa sabihin mong point something lang ang ikababago ng ratings, ratings pa rin ‘yun.  At mali ang mandaya.

2. Para sa Siete, kinakailangan naming ipaglaban na hindi kami nandaya dahil kahit point something lang ‘yun, oras na paratangan kang nandaya, sira ang kredibilidad na ilang taon mo nang pinangalagaan. Alam niyo  naman ‘yung bond paper theory: ang papel, gaano man kaputi, ang makikita’t makikita mo eh ‘yung itim na tuldok sa gitna.

Oh, para naman sa mga magagaling na nagsasabing wala lang magawa ‘yung mga kumpanya namin at lalo lang naming mine-mess up ang Philippine TV industry: Deadmahin niyo na ang mga plug naming patama sa mga pilit nagpapabagsak sa amin… Laitin niyo na ‘yung mga artista naming puro pa-kyut lang ang alam pero sumisikat… Alimurahin niyo na ang mga serye naming lalong nagpapabobo sa mga viewers

Pero sana naman, bago ninyo sabihin na basura LAHAT ang pinapalabas namin, SANA lang pinanonood niyo ‘yung mga dokyu naming nagkakamal ng awards mula sa Pinas at ibang bansa… SANA lang pinanonood niyo ‘yung mga public affairs specials namin na siksik sa liglig sa magagandang shots at impormasyon… SANA rin lang me oras kayong silipin ang mga news magazine shows namin. Who knows, baka kakapanood ninyo ng NatGeo o Discovery, me mga napakagagandang bagay/pangyayari/hayop/tao kayong nami-miss na sa sariling bansa lang pala natin makikita…

Pagkatapos ninyong himayin ‘yung mga me kwenta, nag-iisip at award-winning naming mga programa, sa istasyon man namin o sa kabila, saka ninyo sabihin sa lahat… sa amin na nagkakandakubang mag-produce ng me katuturang mga kuwento kada linggo, na wala na talagang future ang Philippine TV.

Saka ninyo sabihin na walang ‘wenta ang ipinaglalaban naming kredibilidad.

Saka ninyo sabihin na publicity tactics lang ang lahat.

Mga Puna»

1. wei vines - Enero 8, 2008

hurrmm.. kung sa school nga may ‘school wars’ pang tinatawag; at pag kasali ang school mo sa uaap, pagtatanggol at pagtatanggol mo pa rin yan–kahit binabaluhura ka na sa grades.

I understand you ate.. hehe..actually, enjoy akong manood ng dokyu pag bakasyon eh. Nasa manonood lang talaga kung magiisip siya kung may sense nga ba yung pinapanood niya o wala. karamihan naman sa mga nanonood, di na nagiisip, basta ma entertain lang sila.

tanggap ko na ‘yun eh, ang nakakainis ‘yung mga hindi na nga nanonood pero napakajudgemental sa ginagawa namin.

ayos ah, new avatar!

2. kaith - Enero 8, 2008

harumph. naiinis ako sa mga minu-minutong plugging na yan, nakakarindi ang paulit-ulit na sinasabi ng voice over. ang gusto ko lang naman ay makapanood ng kahit na ano kasi naman, nakakapagod magtrabaho buong araw. hehehe. pero naiintindihan ko din naman kahit papano ang stand ng 2 network. sana lang matapos na to. mabuhay ka ate lenggai! haha.

sana nga matapos na… kakasawa na rin eh. wala bang bagong scandal na magaganap? hehehe…

3. taroogs - Enero 8, 2008

maganda yung analogy na ginamit ni wel vines — yung ipagtatanggol mo school mo no matter what… pero sa kagaya kong matagal nang hindi nag-aaral ng pormal… mas madali na saking tanggapin na: kulelat kami sa UAAP, na maraming frat violence sa campus, na pangit pasilidad namin, na marami sa mga grumadweyt sa aming unibersidad ay directly responsible sa pagka-bulok ng ating pulitika… haaay😦 in short… over pareho ang mga estasyong ito! hehehe…

ge gagamitan ko rin ng analogy:

Talents differ, all is well and wisely put… — A Fable, Ralph Waldo Emerson

paborito ko talaga yang tulang yan!!!!

4. wei vines - Enero 8, 2008

hehe..change outfit ako ngaun… ang gulo ng idea ko eh..ang gulo ko…sheesh (??)

oic… (meaning: di ko gets, patawad na)

5. wei vines - Enero 8, 2008

hehe..nvTm (meaning: never THE mind) haha! oo nga…gusto ko ng bagong scandal *tulo laway*

some perv… this wei… i was referring to politics… lol!!!😀

6. Jon Cabron - Enero 8, 2008

matinding paratang yang ginawa ng dos na kailangan ng mabigat na pagpapatunay, hintay na lang sa huli kung sino ang mabubukulan, ako ang iniisip ko na lang yung mabuting idudulot nyang network war na yan, lalo silang maoobligang pagandahin yung mga programa nila,

* naipaliwanag na ba nila yung tungkol sa praktis ni willie?
* kalokohan na sabihing basura ang isang istasyon kung dun ka naman lagi sa kabila nakatutok.

basta ako sa siyete pa rin, dahil sa mga docu ni kara david… at syempre yung sa inyo din, pagpirma pa lang sa ere ng boss mo, solb na ko!

oh at tsaka wala kayong kinikilingan, walang pinoprotektahan serbisyong totoo lang.

ang talino ng comment ni jon… ilang minuto na akong kumakalkal ng magandang hirit, wala akong maisagot… napatiim-bagang lang ako sa pagkamangha…😀

7. wewillgetbywithasmile - Enero 8, 2008

wag nalang kasi puro dada!!!
dapat sa dos at siete!
magkabati na!
o kaya manahimik nalang at gawin nila ang makakaya nila para makapagserbisyo sa bayan
kung puro dada lang sila
papatayin ko nalang ang tv ko at ako’y magbloblog

eka… eka… nasa siete ako nagtatrabaho, kid… sadyang madaldal talaga kaming mga taga-media, weird kung mahiyain kami kasi laway ang puhunan namin… at lalong weird kung di kami aalma kapag pinaparatangan ka ng pandarambong…

although oo, masyado na ngang nakakasawa ang bangayan sa ratings na yan. sa totoo lang, wala naman talaga akong paki, kaso dahil blog ko ito, wala akong magagawa kungdi iere ang opinyon ko rito… malaman niyo naman ang side naming nasa loob… meron kasi akong mga nababasa na ang tindi ng opinyon eh wala namang alam sa takbo ng trabaho namin…

ngayon lang kita nakita rito, salamat sa pagbisita!

8. kengkay - Enero 8, 2008

ano yan, ano yan, ano yan????? hayzzz, hanu ba yan…. alam mo dito, naghihiraman pa nga ng talents ang mga tv networks dito e. kaya lang ang mahal manood ng tv dito, lintek, pwede na akong mag bakasyon sa maynila ng taon taon kapag pinaputol namin ang panonood ng tv dito. yun nga lang, tatlong channel lang maiiwan kapag ganun, waahhhh.

para sa yo, lenggai, ‘kiss and a nice two piece’😀

sus, asa pa us… pag nangyari yun, wala nang spice ang buhay namin… hehehe!

salamat te kenks! shet papapayat na ako nang mabigyan naman ng hustisya ang pagsuot ko niyan!!! hehehe!

text mo ko pag nandito ka na sa pinas ha!

9. Jon Cabron - Enero 8, 2008

— sus ako nga pangatlong beses ko ng binabasa yung comment ko, napapapalatak pa rin ako e.

m.j.c.

10. wewillgetbywithasmile - Enero 8, 2008

ngayon mo lang ako nakita?
tagal na ko dito eh😀
since… kahapon ata -_-.😀

well, well, well… what do we have here…

11. camilleeee - Enero 8, 2008

ako, gusto ko mapakita ng dos yung ‘proof’ na nandaya nga daw ang syete.

yun lang.

nkakahilo na rin yung paulit ulit na plugging actually.

pero peborit number ko ang …. VII😀

you got nice taste, gurl!!!

salamat sa pagdaan!

12. pornstar88 - Enero 9, 2008

Well, i love GMA’s late night shows.

At tama, kabaklaan na nga lang yung iba.

pwede di ba? sama mo na rin ‘yung primetime ng GMA pag Sabado… lol!!!

13. lilmiz - Enero 9, 2008

ate, inde sa sumisipsip ako sayo ah, pero mas maganda talga ang news and public affairs nyo ahahah pero inde nga, am telling da truth.. yey may libre ako! lolz😛 .. inde na lang ako magcocomment about sa non-news and public affairs hehe .. hmm, ano kaya magiging ending nyan no🙂

Ending: magkakaroon ng manila pen part 2, this time, sa timog… ang pamagat, “The Timog Titans’ Siege,” tas mag-uunahang magdurugan ng building ang bawat isa gamit ang kani-kanilang mga OB van at crew cab… hindi namin makokober ang event kasi lalabas kami ng building, safety first eh, pero yung dos, guguho na ang opisina nila, nasa loob pa rin sina ces drilon…

pero ang tunay na bida rito, ang tunay na magsha-shine sa krisis na ito eh yung mga taga-IBC at channel 4… kasi sila ‘yung makakakuha ng exclusive, kasi nga down na lahat ng systems namin… in the end, wala nang network war at ang magiging number one na TV station ay Channel 4… kasi kay Gloria sila.

may sense? wala? oo nga eh. antok na kasi ako. kelangan ko nang magpahinga.

14. Raymond Lee Quijano - Enero 9, 2008

ok lang yang network wars na yan, at least.. nailalabas nila ang matagal na nilang sama ng loob sa isa’t isa. hay… no comment. ^^

hama: no comment, eh nag comment ka na nga!
foo: shadap!

aaahhmmm… mawalang galang lang po, maistorbo ko ang iyong monologue… sino po si HAMA at FOO?

lenggai: imaginary friend niya!
a!: di… siya yan…
lenggai: otis?
a!: tangek! magbasa ka kaya ng blog niya!
lenggai: sus, magjojoke na rin lang…
a!: shadap!

salamat sa pag-iwan ng bakas!

15. koreanmine - Enero 9, 2008

di ako maxado mahilig manood ng tv, kahit yung mga tv series sa DVD ko p din napapanood..

pero nakaka tuwa talaga ang mga pinoy, kc kahit wala silang kinalaman eh super apekted cla, tulad na lng ng 2 kapitbhay namin na araw araw nagbabangayan dahil sa dos at syete, as if nmn nalalaman ng 2 istasyon ang mga “paghihirap” nila..

pero kc ganun talaga tayo.. maxado tau ma attach sa mga ganung bagay.. kaya dpt maging responsable ang mga tv networks kc napapanood din ng mga bata yung mga ads nila.. namumulat at nagtataka kung bakit pati sa mundong nagdudulot ng dapt ay saya ay buong ladlad na nagkaka diprensyahan pa…

josme… napapanganga ako sa lalim ng mga nagcocomment sa blog ko ah… nakakahiya na tuloy humirit ng patapon, kaya ang masasabi ko lang:

amen to that!!!😀

16. fjordz - Enero 9, 2008

Ahoy! muling nagbasa at naintrigahan sa isyung ito. Kasi maski sa opisina namin dito sa school pub pinagtatalunan din yan kahit na wala naman kaming pakialam tsk tsk! Pero Kapuso ako kahit maraming corny sa kapuso at tampulan ako ng katatawanan ng mga sosyalin kong classmates.

Noong nasa probinsya ako noong xmas break, hinhintay ko ang STRONG WORDS ng biglang magbrownout! Grrrr!!! asar na asar ako! Wala na ba talagang ibhang paraan para mapanood ko yun?? O well sa Youtube nga pala baka meron na dun!

Honestly, mas gusto ko ang mga docus ng 7 at news and public affairs though hindi ko pinagkakaitan ang mga news and docus ng dos dahil pinapanood ko rin sila lalo na kung interesehnte ang topic.

Galingan nyo na lang kasi!! Tama na ang bangayan!! Sa totoo lang, dahil sa pasabog ng network war na yan ngayon, lalong nabobobo ang mga Pilipino! Imbis na humanap ng ibang bagay na pwedeng pag-aksayahan ng oras na may katuturan, hayun at walang sawang nagbangayan din ang mga loyal viewrs ng dalawang cornyng network!

Pahabol lang, may special reqwuest pa la ako ahehehe oks lang bang papalit ng link ko from http://www.hiraya.co.nr to http://www.fjordz-hiraya.blogspot.com para sa Technorati ko, sayang din yun sa ratings hahahahah!!! [pati sa blog uso ang ratings!!! tsk tsk!!! napakahilig talaga ng tao sa competition, kailangan talagang may manguna at may mahuli].

http://hiraya.co.nr

“reqwuest” granted… (talagang kinopya ko no?)

one time, punta ka ng timog, samahan mo akong dumaan sa 16th floor, sabihin natin sa big boss namin na itigil na ‘yang mga patalastas na yan… kaka-loop nakakabisado ko na ‘yung voice over eh…

17. eloiski - Enero 9, 2008

weee!!!
dabest ang mga dokyu!!!
Pag nanonood nga ako di ko maiwasan na hayyy
ganito na pala ang Pilipinas. . .
Nice post pO!
Saludo ako senyo!

Maraming salamat! Wag kang mag-alala, marami pa rin namang magagandang palabas sa amin… and while you’re at it, manood ka na rin ng programa namin, tuwing sabado, bago mag-imbes… hnyahahaha!!!

18. fjordz - Enero 10, 2008

hahaha…

sorry naman nagkamali ng pagtatype.. tsk tsk!!

alam mo bang kapag sinasabayan ko ang voice over ng patalastas niyo na yun! hahaha!! ginagawan ko na lang ng ibang paraan para ma-enjoy ang paulit-ulit na pagpapalabas ng isang patalastas..

some people are… bored. hehe

19. jeniffer - Enero 10, 2008

I have to comment with this, naisip ko lang kung walang kinalaman ang GMA sa mga paratang na ganyan bakit nga kaya pumupotok ang butsi ng ABS.. At kung gumagawa ng istorya ang ABS bakit meron silang video ni MAYA na nagsasabing GMA ang nasa likod ng dayaan.. kung ang GMA ay malinis ang dignidad bakit di nila ilabas yung buong pahayag ni maya reporma.. wala akong pinapanigan sa kanila its just bakit di sila maglabas ng buong ebidensya at di puro salita.. nakakabingi ang parehong istasyon na yan.. kung tutuusin mas gusto pa nga ng iba manood ng cable kesa manood ng LAVENDETA AT ISABELA..

gOt my new blog..

http://superjen08.blogspot.com

it will be changed in

http://superjen.vze.com

in 2 days.. linked me up.. tnx poh!! :p

actually, yung salita na ang evidence…

yung kay maya i think pinalabas na before sa 7, pero masyado namang redundant kung papalabas din sa amin yung clip na ‘yun, eh ang usapan yung pag-edit out nila ng words sa interview. pano kung fifteen minutes ang transcript, weird namang mag-roll.

salamat sa pagbisita! link na rin kita.

20. lei - Enero 10, 2008

Pwede akong mabuhay ng walang tv basta may internet. Nakakasawa na ung 2 network na yan, pareho nilang sinsbe na sila ang number one.

malay mo… strong>

21. epam70 - Enero 10, 2008

ganyan talaga ang buhay pinoy… di kumpleto buhay kung walng nagpapapansin at pinapansin… ganyan din ang sa TV station.. parang pulitika lang yan… malayo pang ang 2010 election eh pinag tatalonan na nila kung sino ang karapatdapat tumakbo ng presidential election.. aruy!

salamat sa pagbisita!

22. epam70 - Enero 10, 2008

sya pla, pa-copy ng issue mo http://epam70.wordpress.com/ credit syo toh..

ok… thanks for askin!

23. network war ni “ANG PINAY BRODKASTER” « Imitation Reflect - Enero 10, 2008

[…] 2008 network war ni “ANG PINAY BRODKASTER” Posted by epam70 under epam70   Tungkol sa network war na ‘yan… “Hay naku. I am so sure, publicity tactic lang ‘yan ng mga network para kagatin ’yung mga […]

24. Jim - Enero 10, 2008

I remember knowing a former vice president ng GMA (may he rest in peace) part of his job previously was just watching the shows of rival TV channels–I’m sure ginagawa yan ng ibang estasyon sa lahat ng channels.

The problem is they seem to be nitwits or probably brain washed or simply blinded by the fact they are trying to pursue a senseless case against a company when in fact they what to get even with the rival network (I’m trying to be safe lest you or I be slapped with libel charges!). I remember reading the station explaining that they did have the same concern but never went as far as suing the company then maligning the rival station.

This is really very exasperating that politics is not solely IN POLITICS but transcends every corner of Philippine society (well, ano pa nga ba korapsyon nga eh, ‘di ba?) haaaay… talangka mentality or whatever I don’t think there’ll be an end to this and in the end ang matatalo ay ang consumer, I believe as to how I’m still not sure but they will be at the losing end in this legal matter. jeez, nawawala na ako at nobela na po.🙂

Happy New Year! (yun lang pala yun….)

hey jim!

long time… thanks for droppin’ by my blog… and happy new year too!

25. kengkay - Enero 11, 2008

dagdagan ko pa itong comment mo dito, ahahaha😀 wag ka masyado magpapayat at baka wala ng masalo yung strings, hehe

hobby? hehe!

wag ka mag-alala te kenks, maraming kakapitan yan… as in pag sinabi kong marami… MARAMI!!! lol!

di pa ko papayat, pinupuyat pa nila ako sa office, at habang pinupuyat ako, lalo akong kumakain… haaayyysss…

26. hiyashinsuna - Enero 12, 2008

gosh miss kong magbasa ng blogs moh

Welkam back, hya! Salamat sa pagbisita!😀

27. gasti - Enero 14, 2008

basta ako aprub ako dyan sa mga dokyu specials ng syete! wala naman ako paki sa ratings.

inadd kita sa blogroll ko. goodluck sa work mo!

maraming salamat! add din kita…😀

28. naksd - Enero 21, 2008

Tangkilikin ang mga Public affairs programs!

Buti nalang may DVR to fast forward those “commercials” on Gma Pinoy Tv and on occasion, TFC.

Thanks for watching!😀

29. nuel jose - Agosto 12, 2008

kalma lang po ate😀

hehe nice blog! link po kita ha🙂



tagal na nitong entry ko na ito ah… salamat sa pagdaan!😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: