jump to navigation

Zombie Enero 12, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Featuring: Ako!.
trackback

Naghahanap ako ngayon ng mga paraan kung paano ako magigising nang 3 straight days nang hindi tumutungga ng litro-litrong energy drink.

Baka may alam kayo?

Tatlong araw kasi ‘yun ang karaniwang span ng oras ng crucial production stages sa amin

Sawa na rin akong maglakad nang parang zombie sa opisina dahil madalas, nakakasalubong ko ‘yung girlfriend ng dati kong iniibig, o di kaya eh ‘yung mga potensyal kong kinakarir… Pagod na akong magpakita sa kanila nang pare-pareho ang outfit, namumungay ang mata’t lutang na ang utak sa puyat. 

Ganito kasi ‘yon… para hindi mabalahura nang husto ang body clock ko, ‘eto dapat ang production timetable na sinusunod ko:

Lunes

AM-Post-Mortem/Staff Meeting

PM-shoot resource persons or iba pang miron sa story ko for the week/gimik

Martes

Whole day shoot

Miyerkules

AM– shoot

PM– shoot pa rin or sulat at submission ng script

Huwebes

AM-Checking ng script/VO

PM-editing

Biyernes

Whole day editing

Sabado

AM– Editing/polishing ng segment

PM-tulog sa bahay/nood ng airing at 9pm/puwede ring gumimik

Linggo

AM– family day

PM– family day/siesta/pahinga/gimik

Siyempre, sa totoong buhay, hindi naman nasusunod ‘to. Kung bastusan at bastusan na rin lang ng body clock at bakasyon, diyan notoryus ang propesyon namin.

Salamat na lang talaga sa 7-11 na kapitbahay namin sa opisina… Hulog ng langit ang supply nila ng energy drink, chewing gum at tsokolate. May bago na rin silang addition sa kanilang puyatan best-sellers: fresh saging for only P10!

Dati, hardcore kape talaga ang iniinom ko, kaso hindi na tumatalab sa akin ang sunud-sunod na shots ng espresso. Feeling ko rin, bumabaho hininga ko sa kape. Hindi option ang yosi dahil mas natutuyo ang balat ko rito at ayokong mag-amoy upos lalo na kapag hindi pa ako umuuwi’t naliligo (opo, normal sa mga taga-network ang hindi umuuwi at hindi naliligo… Pero isang araw lang na walang ligo ang kaya ng tolerance level ko, sa pangalawa, di bale nang mapasma pero naliligo na ako kahit malamig ang tubig sa mga shower room sa opisina).

Tumibay lang naman ang resistensya ko sa puyat nang madiskubre ko ang energy drink. ‘Yung may mga patalastas na pang-construction worker na dilaw na powder? Ihahalo mo sa mineral water (3 sachets minimum sa isang litro ng mineral water, solb ‘yun!), pagkatapos ay iyon na ang nagiging gasolina ko kapag ratratan sa editing.

Siguro mahigit dalawang taon na rin akong dependent sa energy drink para magisingPero ngayong 2008, nakakadalawang episode na akong hindi umiinom ng aking gasolina.

Natakot din kasi ako sa sinabi ng mga ka-opisina ko at dun sa nabasa ng kapatid ko sa Reader’s Digest tungkol sa side effects ng caffeine, particularly caffeine in energy drinks:

1. Nakakasira raw ng atay ang energy drink.

2. Nakaka-palpitate ito. Naranasan ko na ‘yun minsan, sa editing din, muntik na nga ‘ata akong ma-stroke noon. Sabi lang naman ng nurse sa clinic namin sa opisina. As usual, ngarag sa editing tapos pakiramdam ko ang kapal kapal na ng batok, labi at pisngi ko…

3. Mas mabilis ka raw tablan ng Osteoporosis.

4. Nakaka-dehydrate.

5. Pinapabilis nito ang iyong metabolism. Matapos kang ma-stimulate, sobrang drained ka naman ‘pag nawala na ang bisa nito.

6. Pag nasobrahan ka sa caffeine, puwede kang maging Spongebob. Meaning: Less alert and focused. In short, bobo.

7. Kapag sobrang adik ka na sa caffeine, pagsama-samahin mo ang mga side effects na ito at puwede kang matigok.

Plano ko pang: magpa-picture sa bansang may niyebe, manalo ng award, sumikat, makaganti sa mga nang-alipusta sa akin, mahalikan si Adam Levine, yumaman, magkaroon ng sariling kotse, matutong mag-bike (ayaw ng Lola kong magka-peklat ako sa binti noon), matutong lumangoy, magka-boypren, mag-asawa, magkapamilya…

Hindi ko maisasakatuparan ang mga pangarap ko kung kikitlin ng energy drink ang buhay ko. So far, sa dalawang episode na binuno ko ngayong 2008, dinadaan ko na lang sa tsokolate, chewing gum, juice at saging ang puyat ko. Hindi sing-epektibo ng energy drink, pero at least, kino-congratulate  na ako ng mga kaopisina ko dahil hindi na 1.5 litrong naninilaw na tubig ang tinutungga ko.

Pero tao lang ako… Sa mga pagkakataong naga-auto shutdown na ako sa trabaho, hindi na kinakaya ng patalun-talon sa CR o pakikipagdaldalan sa editor ang antok ko… kapag nagka-ganun, natutukso talaga akong buksan ‘yung mga natitirang sachet ng energy powder sa baul ko sa opisina.

Sakaling me alam kayo na masustansya, ligal at hindi nakakatabang paraan ng pampagising, share niyo naman.

Kelangan ko nang ma-rehab.

Mga Puna»

1. kengkay - Enero 13, 2008

hakafagud itong daily sked mo.. pero at least may time ka pa talaga mag blog ha😀 mag rehab ka sa pebrero, heheh. at mabuti rin na may family time ka pa rin…

Oo nman, te kenks… handa akong iwaksi ang pagkamuhi ko sa pag gising ng umaga para sa pamilya ko… we’ll only live once…😀

2. lilmiz - Enero 13, 2008

hmm kelangan talagang may pahinga everyday, kahit power nap lang (siguraduhin mo lang magising ka haha). kasi ate, hindi daw talaga mababawi yun kulang sa tulog. kahit mag 20hrs straight na tulog ka para pambayad sa ilang sleepless days, wala pa rin kwenta yun hehehe. kung may sleeping pills, baka may waking pills? ahehe ano, makinig ka na lang ng rock muzic😀

yun pa… hindi rin ako pede makinig sa tugtog pag nag-eedit… pero salamat sa concern…😀

3. Jon Cabron - Enero 13, 2008

kalamansi lang ang sagot dyan!

.. hiwaan mo yung pulso mo ng hindi masyadong malalim tapos pag dumadalas na yung paghikab mo, lagyan mo ng tatlong patak ng katas ng kalamansi yung sugat. epektib yan kahit itanong mo pa sa mga preso, ganyan ang ginagawa nila pag kailangan nilang gising hanggang madaling araw dahil may takas sila.

ahmm… ayoko magkapeklat… pero salamat, dahil sa comment na ito, napatunayan kong sweet ka nga.

4. paolomendoza - Enero 13, 2008

magdala ka ng baby… yung makulit, yung iyak ng iyak. Gawin mong 5 para sigurado.

Ahm… sabi ko po pampagising… hindi suicide… Hnyahahaha!

5. ladyracer - Enero 13, 2008

sometimes i feel the same way. yung sinasagad ang katawan dahil sa dami ng kailangan gawin. pero iba pa rin ang rest. sabi nga ni lilmiz, yung mga power naps kahit mga 30mins lang eh makakatulong ng malaki. ingat lang po sa health dahil kahit gaano kalaki ang ating naiipon, baka maubos din sa pagpapagamot natin in the future.

take care of yourself kasi iisa lang po ang katawan natin. ingat po palagi🙂

haaaayyyssss… hanupa nga bang magagawa ko…😦

6. koreanmine - Enero 13, 2008

n2ng last eleksyon ko lang naranasan na di “halos” na2log ng 4 str8 days kc bz kmi sa pandadaya este sa pangangampanya at cnabi q, di na mauulit, di ko keri, kya ko lang 2 days kc pag nag “sleepover chuva” tz derecho work😀

pero ikaw , un pla lyfstyl mo dhl sa wrk😀 wel, pinagpapala nmn daw matiisin😀 bsta lahat ng sobra masama daw😀

pag gusto mo naman ginagawa mo, hindi mo na kino-compute yung mga oras na inaabuso mo ang sarili mo… pero kelangan ko talaga ng panibagong paraan kung paano magigising ng 3 days straight… maperpekto ko lang ‘yun, quota na…

7. Raymond Lee Quijano - Enero 13, 2008

err… inom ka daw honey… sabi ng mga bubuyog kong alaga. ^_^

Penge na lang isa sa mga alaga mo, gagawin ko lang pica-pica… Pakiramdam ko magigising talaga ako pag tinurukan nila ako ng stinger nila…

Ayaw mo? Hmp. Damot! ‘sa lang eh…😦

8. tapsiboy - Enero 14, 2008

Yung kaibigan ko sanay sa puyatan…

Apat na araw yung gising bago matulog.

Nagpaalam muna sa amin yun na tatalon sya mula sa bubong nila dahil bored daw sya at hindi inaantok. Baka daw sakaling antukin sya sa hospital.

Nalaman namin after ng burol nya, ang hobby nya e mag OD ng droga.

Onga pala, bago na bahay ko.

-pornstar

Ahm… Di pa naman ako adik di ba? (*tingin sa kanan… tingin sa kaliwa…)

Congrats sa bago mong site! Babaguhin ko na ‘yung nakalagay sa BR ko ha.

9. Holy Kamote - Enero 14, 2008

magpakagat ka po kaya sa mga bubuyog. yung maraming marami, pwera lng sa mukha at pati yung hands at legs kung na hindi matatakpan ng damit.

ewan ko lang kung makatulog ka sa kakamot for 3 straight days. (or more.)

Anak ng… Sino ka’t anong pangalan mo? Bakit nangangamote ang suggestion mo?!

HNYAHAHAHAHA!!! Biro lang… Nakatulog ako ng matino ngayon… Salamat sa pagbisita! Balik ka ha… Mwah!😀

10. dompy - Enero 14, 2008

ganito lang yan, dapat may katabi kang mas makulit pa sa iyo, na may super-mataas ang boses, uber-hyper at super daldal para lagi kang “aware and alert”. cheap, effective and healthy to boot.

tsaka wag ka maniwala dyan sa mga caffeine effects na yan. hehe, nasasabi ko lang to kasi adik rin ako sa kape. kontrahin mo na lang ng anlene at sustagen premium yung kape… bet that will work.😛

domps! long time… nway, tnx for droppin’ by my blog. di na ko magsusulat sa friendster… la nang thrill😀

11. Raymond Lee Quijano - Enero 14, 2008

oi oi, bibigyan naman kita ng isa sa mga alaga ko. hehe. kaya lang, pag ini-sting ka nila, mamatay din sila w/in an hour… gusto mo ba yun? :p

ahm… pwede rin… basta di ka naman iiyak pag me namantay no? hehehe…😉

12. wei vines - Enero 14, 2008

hayyy ate.. same tayo. Sa trabaho ko din..este sa course ko na to, hindi uubra ang matulog.

Na try ko na lahat dati eh : energy drink, softdrinks tapos yosi. Ok yung huli, nakakagising ng sistema, though madaming nagsasabing bad for your health. Nung na ‘immune’ nako sa yosi, naghanap na naman ako ng alternative. Sa kasamaang palad, nakita ko na lang ang sarili ko na naghihithit ng maryjane.

Hindi naman ‘pure’ yung hinihithit ko. May mga yosi products na nagccontain ng maryjane eh. Dalawang stick lang, gising nako sa maghapon.

(nagkwento?! haha! tignan nyo na lang sa site ko yung brand na yon. Bawal ito sa health conscious :D)

‘yun lang… uso din yung tsongke, atbp. sa amin, pero ayoko…

kilala ko sarili ko at mahilig ako sa bawal… pero kahit na, labs ko parents ko eh… at ayoko nang madagdagan pa ang listahan ng magiging bad examples ko sa mga kapatid ko…😀

13. wewillgetbywithasmile - Enero 15, 2008

kawawa ka naman po🙂
go go go!
kaya mo yan lola :))
weeeeeeee.
ano kaya gagawin ko pagkatanda ko?😛

mag-media ka! ayos dito… parang walang katapusang extra-curricular activity na may bayad… wag ka lang papalpak ng big time… at kung pumalpak ka, dapat matibay sikmura mo…

and oh… dapat pala kamag-anak mo si kuya germs… (self-explanatory)

14. MisyeL - Enero 15, 2008

Ang hirap talaga ng trabaho ng tulad niyo, dami nga kita pero ang katawan naman ang kawawa. Wala naman akong maisip na makakapag-pagising sa’yo ng tatlong araw, chori po! Ako hanggang diretsong 2days lang kaya ko pero sigurado hinang-hina na ako nun.

Ingatan ang katawan sis, dapat beauty pa din ha!

dami kita? saan? saan? SAAAAAANNNNNNN?????!!!!

me muk-ap ba sa canada na may kakayahang magbigay sa mukha ko ng kapangyarihang magmukhang bagong hilamos kahit mukha na akong bao ng niyog sa puyat?

15. Jon Cabron - Enero 15, 2008

.. its either imortal na tao to si wei vines o niloloko ka lang nya, hindi nakakapag pagising ang marijuana dahil downer yun, bukod sa magiging tulala ka slowmo pa ang magiging kilos at takbo ng utak mo, at hindi yun makakatulong para maging gising ka o para pakinabangan mo ang sarili mo sa trabaho, not unless, ang trabaho mo e humiga sa kabaong at magpatay patayan para sa isang illegal na saklaan.

alam na alam ah… parang eksperto… gawin kaya kitang resource person sa droga? ano? case study na lang? gege…

haha! patay-patayan sa saklaan… muntik na kong mabilaukan sa kinakain kong saging nang basahin ko to…

16. wei vines - Enero 15, 2008

^hehe jon, ewan ko, pero ang tama saken ng weeds nakakagising eh. Kung yung iba, lumilipad ang isip pag tinitira yon, iba ako…hindi ako immortal, gago lang😉

Ako, ang tama sa akin ng sobrang saging, nakakagising din, kasi masakit sa tyan…

***Curse you! Officemate na nagsabing “upper” ang saging! Ibang saging ata tinutukoy nun eh, bat di ko na-gets aggggaaaaddddd???!!!!

17. little freak - Enero 15, 2008

grabe naman ang schedule mo.

so imagine, imbes na natutulog na ako ngayon, tumambay muna ako rito at nagsasasagot ng mga comment… kung di ba naman adik di ba? at wala nang tulugan dahil pupunta na akong bikol (balikan) mamaya, maliligo lang ako… tapos magtataka pa kayo ba’t ako lutang sa opisina?

***ahmmm… sori ha. nasobrahan naman ata ako ng saging… salamat sa pagdaan!

18. ANG PINAY BRODKASTER - Enero 16, 2008

[…] ng panawagan ko nung isang araw sa aking search sa pinaka-epektibong alternatibo sa energy drink… […]

19. Raymond Lee Quijano - Enero 16, 2008

sige, ok lang na mamatay ang mga bubuyog basta maging ok ka lang. hay… sayonara bumble-bee!


😦

20. wewillgetbywithasmile - Enero 18, 2008

Walaaaang Tulugaaaaan😄.
isang beses lang ako nakanuod nun.
last year na new year😛

21. extra diyos « JON CABRON - Enero 20, 2008

[…] 20 01 2008   may bago akong nadiskubre.. inspired sa entry ni pinaihmmbwodksterrr, ang kailangan mo lang dalawang nescafe intense na 3 in 1, tsaka isang box ng extra joss, pagdating […]

22. beer-O - Enero 22, 2008

sori po sa pakikijoin ko dito.hehe. napadaan lang po ako.LOL. no regrets naman kasi nag-enjoy ako sa post na to.

Well, magsa-suggest na rin ako. para kasing malala na talaga ang problema mo. may nabasa ako dati. pwede rin daw ang perfume. try mo lang. ewan ko kung effective.hehe.

salamat sa pagbisita!

salamat na rin sa suggestion, pero mahiluhin ako, depende sa pabango, pero kung cold water (ba ‘yun?) for men ‘yan, at may man na kasama (na kamukha at kakatawan ni adam levine ha!), pihadong di akong matutulog nun… pramis!!!!

hanggang sa susunod mong pagdaan…

23. beer-O - Enero 23, 2008

You’re welcome.hehe.

Ganon ba? di wag mo na lang itry. baka makadagdag pa sa problema mo. Tapos kakantahan ka pa ng “Won’t Go Home Without You”.LOL.

Sure thing. mukhang mapapadalas ang pagdaan ko dito. in-add na nga kita sa blogroll ko.hehe

24. rocha ito - Setyembre 20, 2008

nakakarelate ako sayo kasi i have 3 kids at ssunod sunod sila na ako lang ang nag aalaga, siyempre pa sagad sagad sa puyat talaga. yang pakilasa mo ay di iba sa akin lahat ay natikman ko hehehe. try mo ang lifepak multivitamins (products ng NUSKIN)di ako nag pa plug pero maganda ang result sa body ko. kahit nagpupuyat ako di nauubos ang energy ko “buhay” pa rin ako kahit hatinggabi na. napadaan lang….naaaliw akong magbasa ng mga entries mo…sometimes dun din ako napupuyat sa kababasa.

naks naman! ngayon lang ako nakarinig ng napuyat dahil sa entries ko, one good thought before i go to sleep… salamat sa pagdaan!😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: