jump to navigation

At nilunok ko naman lahat… Enero 16, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Featuring: Ako!.
trackback

Ngayon alam ko na…

Pagkatapos ng panawagan ko nung isang araw sa aking search sa pinaka-epektibong alternatibo sa energy drink… Maraming mabubuting loob ang nag-offer ng kanilang comments and suggestions

Siyempre, parang sa raffle, lahat naman ‘yan, ma-co-consider… Pero iisa lang ang mapipili… Suwerte nung nag-suggest, malas ko naman…

Kung inaakala ninyo eh isa sa mga mahal kong ka-blog ang kokonsensyahin ko rito… Nagkakamali kayo.

Mas mabuti pa nga yata kung sinunod ko na lang ‘yung isa sa mga sinabi run, me napala pa siguro ako.

Pero etong napaka-inosenteng suggestion ng napakatalino kong kaibigan… Walang panama dun sa mga bubuyog o paglalaslas ng pulso…

“Saging! Kumain ka dude ng sandamakmak na saging. Puno ng protina ‘yun, healthy na, sigurado pang dilat ka…”

Nagduda pa ako nung una.

“Di kaya nakakasuka ‘yun?”

Natawa siya. “Hindi dude! Basta lulunukin mo lang ng mabuti, di ka mabibilaukan dun, hallerrrr!!!”

Naisip ko ‘yung mga saging ng Dole na tig-sasampung piso sa 7-11. Puwedeee…

“Di kaya nakaka-constipate ‘yun? Parang ang lalaki masyado.”

Pero in fairview, masarap naman ‘yung mga saging sa 7-11.

Napapalatak ‘yung friend ko, feeling ko tuloy ambobo ko…

“‘Lam mo, pag sinimulan mo na ‘yung pagkain, masasanay ka rin… Nakakain ka na naman di ba? Don’t tell me di ka nasasarapan?”

Napatango ako. “Sabagay, matamis naman.”

“‘Wag ka kasi kukuha ng kuluntoy. Lamug na lamog na ‘yun.”

“Ayt.”

So for two consecutive days, ang panggising ko eh saging.

Makaramdam lang ako ng konting antok sa shoot = saging

Kelangan kong magising sa umaga dahil maaga ang pullout = saging

Kelangan kong mag-shoot at bumababa na energy level ko = saging

Nakakatatlong-daan na halos ako kakabili ng saging sa 7-11 (walang pakialaman, wala na akong panahon pumunta ng palengke). Sa mga panahon na kelangan kong maging sing-biba ni Energizer bunny dahil pagkatapos ng ratratan sa shoot mamayang after lunch, dire-diretso na kami ng Camarines Norte para sa isa na namang shoot (at balikan ‘yun ng Maynila ha!), ngayon pa ako tatamaan ng constipation. Dahil sa saging.

O di ba? Ke tanga-tanga!

Tolerable naman, pero alam niyo ‘yung pakiramdam na para kang me abs? Sa loob ng tiyan ha.

Tinawagan ko ang magaling kong taga-payo…

“Hanuba?! Sineryoso mo ‘yun? Kala ko na-gets mo?!”

Tawa siya ng tawa.

Gusto kong ngasabin ‘yung saging na natitira sa bag ko, kasama ‘yung balat. Hindi ko lulunukin.

“‘Ayup ka! Seryoso akong humingi ng opinyon mo!”

“Gawd, Lenggai! Pramis, akala ko talaga gets mo!” Humagalpak na naman siya.

Isinusumpa kong maranasan din niya ang pakiramdam ng parang nanganganak kahit virgin ka pa. Ito na nga ‘ata ang pinaka-obvious na senyales na naaapektuhan na ang utak ko sa sobrang puyat. Parang computer, kelangan ko nang ma-defrag.

“Ginawa mo talaga? As in nalunok mo lahat ng saging na ‘yun?! The fruit, I mean…”

“Shet u.”

Nakabibinging hagalpak.

Mga Puna»

1. lilmiz - Enero 16, 2008

ahahahah naniwala ka kasi😛 pero epektib naman? yun nga lang, may side efek na constipation lolz. tsaka oks lang yan, healthy naman yan na saging kinain mo ate eh ahahah😀

kaya pala sabi niya “didilat ang mata” ko pag kumain ako nun… di ko talaga matanggap na naisahan ako sa green joke! should’ve known better…

2. Jon Cabron - Enero 16, 2008

haays kakagising ko lang para mag ayos para magtrabaho ng marangal.. alas kuwatro ng madaling araw, maraming salamat sa pagpapa almusal sakin at pagpapasimula ng araw ko sa isang.. kabastusan. cheers!

Henitaym, Jon, henitaym…😀

3. Padre Salvi - Enero 16, 2008

enerva? “ang energy drink ng filipina”

kasi po. uminom po ako ng red bull. inantok po ako, pero maaga po ako nagising.

di na ko naniniwala sa mga de-boteng energy drink na yan! naaalala ko noon, bumili ng jumbo size ‘yung driver namin papuntang tuguegarao, muntik na kaming lumipad sa bangin… inantok pa rin eh.

at di rin ako tinatablan nyan, mas mabagsik pa yung pepsi maxx na may extra joss… (rakenrol, dude!)

4. wei vines - Enero 16, 2008

haha! ako din eh..di ko na gets..panong didilat ang mata ko sa paglunok ng saging?! well, green jokes are for green minds… yellow green pa lang utak mo ate😀

hindi ako papayag! GREEN joke yun eh! panong di ko magegets?! nakakainsulto!!!

5. koreanmine - Enero 16, 2008

naku sana wag lumabas si “alma moreno” mo😀

wahaha! oo nga eh! (kunwari naiintindihan)

putris…

it’s either nabobobo na ako o talagang malalim ang joke mo.😦

6. Raymond Lee Quijano - Enero 16, 2008

hahaha! ano kaya itsura nyang alma moreno mong yan? makita nga… *labas salamin*

pinagkakaisahan niyo ba ‘ko? kasalanan ba kung sadyang busilak ang laman ng utak ko’t di ko ma-gets ang “alma moreno” na ‘yan?! (*kunot noo)

7. Alveel Kaith - Enero 16, 2008

hahaha. ate, sorry, natawa tlaga ako. serious ko din tlaga binasa ung entry, halfway iniisip ko na effective ba tlaga to, hanggang dumating sa ending. kaloka. hahaha. sa susunod itry mo ung payo ni jon (kay jon ba un)? sugatan mo sarili mo saka patakan ng calamansi. di ka mamumrublema sa constipation. haha.

8. paolomendoza - Enero 16, 2008

alma moreno = almoranas? nagkaron na ko nun.. di siya masaya.

ahhhh… now that is one shitty…

9. angel - Enero 16, 2008

haha ayos.. green joke pala yon? hindi ko yata kaya lumunok ng isang buong saging.. hhaha..

Ako rin, di ko kaya…

Gaano man kalaki ang espasyo sa bibig ko, di ko talaga kayang isubo ‘yung ganun kalaking saging sa isang subuan… ahmmm… the fruit, i mean.😦

10. Jon Cabron - Enero 16, 2008

alma moreno – almoranas
dumdum!

Oo na! Matalino na kayooooo!!!!

11. ladyracer - Enero 16, 2008

natawa ako sa entry pero parang mas natawa ako sa mga comments🙂 but i didn’t mean to make fun at lenggai’s situation though. inom ka na lang water para di ka maging constipated🙂

naintindihan ko naman kung bakit seseryosohin mo ang payo eh. it makes sense to eat banana to keep you awake because of potassium…pero boring na pag inexplain ko pa kung bakit🙂

yan! hiniritan din ako ng potassium-potassium na yan, kaya nga napapaniwala ako eh…

12. MisyeL - Enero 17, 2008

Hahaha, sori di ko maiwasan di matawa sa post mong to… Atleast healthy siya ha, ‘nga lang baka nga ‘alma moreno’ ka nyan hehe…

pinagtatawanan niyo ko?! (*kunot noo)

13. MisyeL - Enero 17, 2008

magka-alma moreno pala yun, sori nagkulang… hayy dumdum!😆

14. Jon Cabron - Enero 17, 2008

sorry kung medyo harsh yung comment ko kagabi, medyo inaantok na kse ako nun at di nakapag isip. eto tutulungan na lang kitang unawain yun.

almo + ranas = ?

A. almoranas
B. photosynthesis

“A” ba ang sagot mo? oo? genius!

‘tever…

15. kengkay - Enero 17, 2008

ahahaha, ibang kamandag talaga yung nag suggest sa yo ano? as in… kaya you better watch out you better not cry😀 kapag sinabing lunukin mo, ilagay mo lang sa tabi ng bibig mo, yung parang unggoy ba — tapos kung hindi mo gusto, pasimpleng ibuga. ganyan naman kapag naghahanap ng solusyon di ba? try and try… hay ewan ko kung saan papunta itong comment ko kaya uwi na ko sa bahay ko.

ahm… fyi sa lahat, magaling na ako. hah!

16. aKDa - Enero 18, 2008

hehe. try ko kaya yung pepsi maxx na may extra joss. haha.

galing! na-amaze ako sa pagkain mo, este paglunok ng saging. diba isang achievement yun?

ate, mag-yosi ka na lang ng ‘sang kaha… ^_^

ayoko! mabaho sa hininga lalo na pag puyat ka… at gusto ko pang mabuhay ng matagal-tagal pa, at magkapamilya. hehe.

17. pornstar88/tapsiboy - Enero 20, 2008

hehe, di bale… makakaganti ka rin chong. wag ka mag alala. may araw din sa iyo yung nang-gudtaym sayo. Smile.🙂

Yeah… di ko lang matanggap… green joke… oh well…

18. ElectronicsLabdotPH - Enero 20, 2008

ang saging po eh kulang ang protina niyan. panay carbo yan

‘Yey! Di ako nag-iisa!!!

19. Offshore Banking - Disyembre 9, 2008

I love your thoughts! I normally don\’t even bother to leave comments, but I wanted to let you know that you hit the nail on the head!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: