jump to navigation

Valik-Varsi 2008 Enero 20, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!.
trackback

Lahat tayo, merong pinagmulan.

Para sa akin, nagsimula akong mabighani sa mundo ng mga tsismoso’t tsismosa noong naging writer ako sa aming University paper.

Kuwentuhan ko kayo tungkol sa isa sa mga pinaka-hindi malilimutang kabanata ng aking buhay… 

Naalala ko pa, nung nag-apply ako sa Varsitarian, pinili ko lang ang Sports section kasi patay na patay ako dun sa isang volleyball player ng UST. Hindi ko naman talaga hilig ang sports noon, maliban na lang ‘pag may pustahan sa klase at ‘pag ang nasa championships ay Ginebra.

Pero ‘yun nga, hinimok ako nung mga kaibigan kong athlete na piliin ang Sports at ipinangako nilang tuturuan ako ng mga sports terms ‘pag natanggap ako.

Eh natanggap ako.

Nakakatawa pa kasi dun sa college paper (magkaiba ‘yung University sa college… self-explanatory…) hindi ako natanggap, pero dun sa University paper na buong UST eh nakakabasa, sumabit ako…

Siguro naaliw sila sa interview exam ko, lahat kasi ng mga pumapasa sa written exam, iniinterview ng panel… At me stereotype sila sa mga nagme-major ng Communication Arts…

Dahil daw C.A. ako, pinakanta nila sa akin ‘yung high school anthem ko… habang sumasayaw. Siyempre ginawa ko. Ganun kakapal mukha ko noon.

Nung natanggap ako, ‘yun na ang aking una at huling seryosong sinalihan na school organization. Noong third year lang kasi ako pinayagang magsasasali ng tatay ko, ayaw daw niyang maapektuhan ang pag-aaral ko.

Nung mga panahong ‘yun, iniisip ko eh kalokohan ‘yung logic niya, pero ‘pag iniisip ko rin ngayon, malamang ay tama nga si Papa.

Kung di niya kasi ako pinigilan, malamang naging miyembro na rin ako ng mga sumusunod: 

– Teatro (frustration ko ang maging artista. Pero magkakapatayan tayo kapag me nag-offer sa akin ngayon na maging komedyante o cast ng Shake, Rattle and Roll)

– Cheerleading (hindi ‘yung mga binabalibag sa ere na cheerleader, pero ‘yung mga naka-jacket na nagsisisigaw sa UAAP at exempted sa PE. Malakas kasi boses ko at pangarap kong magkaroon nung varsity jacket…)

Student council (me tendency akong maging tibak) 

– Dance group ng college namin (payat pa ako noon at nananalig ako NOON na malambot ang katawan ko… NOON ‘yon at 26 na ako ngayon, hindi niyo ako mapapasayaw hangga’t hindi dim lights…).

Di tulad ng ibang school publications, suwerte ang mga napupunta rito kasi may suweldo ang mga staff. Parang sa totoong diyaryo.

Iba rin ‘yung pakiramdam nung unang beses kong nakita ang pangalan ko sa diyaryo. Parang gusto kong kalabitin isa-isa ‘yung mga me hawak nito at magpakilala… Kahit initials ko pa lang ‘yun at wala naman silang pakialam.

Hindi ako bihasa sa sports kaya natuto akong magbasa ng sports section sa diyaryo… Nag-aral ako ng mga style at technical terms. Mahirap sa una, lalo na kung di mo interes, pero pagtagal, namayani na ang pagmamahal ko sa letra at nakita ko na ang mga atleta bilang atleta… hindi mga karneng nakahain sa aking hapag-kainan.

*** Siguro ang kulang lang sa dalawang taon kong nasa sports, wala man lang akong nabingwit ni isa sa mga pinagpapantasyahan kong atleta. Hindi naman ako panget… At mas seksi ako noon… Haayyyysss.

 

Picture ko noong naging editor na ako. Di ba?! Kung maibabalik ko lang ang cheekbones at tiyan ko noon…  

Sa Varsi na rin ako natutong maging people person. Madaldal ako pero kapag wala ako sa mood makipag-usap, suplada ako. Dito na rin ako natutong magpuyat dahil sa presswork, sumakay ng eroplano, pumasok sa klase ng hindi naliligo, maligo ng walang banyo, uminom ng alak, magyosi, umibig… at oo, dito rin ako nagsimulang tumaba.

Nung grumadweyt ako, pakiramdam ko, graduate ako ng AB Communication Arts, major in Varsitarian. Konti lang naging kaibigan ko sa klase kasi pagkatunog lang ng bell, automatic na sa opisina ako didiretso. Hanggang ngayon, isa pa rin sa mga bangungot ko eh ‘yung di ako makapagtapos sa kolehiyo dahil sa F.A. (Failure due to Absences).

Parang pers lab, matagal din bago ko siya pinakawalan sa aking ala-ala. Kahapon, may reunion kami. 80th anniversary. Formal nga raw dapat ang isusuot pero dahil galing akong editing, hindi ko na nagawang magpa-pedicure (lumusong kami sa putik papunta dun sa bahay ng ininterview namin noong isang araw) at dahil hindi ko naman inakalang aabot ako, hindi ako naka-gown.

Nakakasenting makita ‘yung mga taong nakasama mo sa institusyong humulma sa iyo. Siguro, halos kalahati sa kung ano ako ngayon bilang miyembro ng media, natutunan ko mula sa pagiging Varsi ko. At karamihan sa mga taong itinuturing kong kaibigan talaga ay natagpuan ko rito.

Nakakalungkot kasi nagkawatak-watak na rin kami… Namayapa na ang isa sa amin… May pamilya na ang iba… ‘yung iba, nasa ibang bansa na… ‘yung iba naman, pinili lang talaga ang ibang mundo.

Pero noong nakita ko ‘yung board na naka-display ‘yung mga litrato namin sa kolum, huminto ang mundo ko ng isang segundo…

 

Cliche… pero sa totoo lang… at totoo naman… Minsang V, mananatiling V.

Mga Puna»

1. Gizelle - Enero 21, 2008

Ouch,,,kamiss talaga! Salamat sa nakakaaliw na entry….susubukan ko nga din mag-filipino..Nakita ko na ang karamihan sa mga pictures pero the best etong unang pic sa entry mo! Lol. naglagay din ako sa page ko. Miss ko kayo! Ingat lagi!

GGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!! Mare musta?! Haaayyyssss… Those were the days… Sana sa susunod na reunion, magkasama-sama naman ulit tayo… Eto ang reunion na trip kong puntahan kasi lahat tayo tumataba…. Nyahahaha!!!! Musta na inaanak ko?! Kelan ba kasi kayo uuwi?!

2. G - Enero 21, 2008

Abuh online ka…nagsearch ako sa google
‘Valik Varsi’ at eto ang nahanap ko…Nagsisimula ng magmodel si Alex! haha I wish..pero napublish naman sha once, hindi ko lang maasikaso mashado dahil pumpasok ng salimpusa sa school…o di ba?

Walang date ang paguwi dahil pareho me pasok, hindi pwede excuse. summer lang july-august….bigyan mo kami planefare! hahaha. Trick lang tatabi ka lagi ke Louie at Ipe para di halata ang size mo! =P

bastos ang bibig mo, mare! at lumalabo na rin ang mga mata mo… mali ang anggulo nung kumuha kaya kala mo lang ang lapad ko… you should see the other pics… hmp!

naks, nag-momodel?! sabihin mo, wag kalilimutan ‘yung “the pout” ha… ha? di mo alam kung ano’ng pinagsasasabi ko… ahm… basta, ‘yung pout… magmumukha akong gago pag dinemo ko rito. sa webcam na lang pag nagkita tayo sa ym!!!😀

3. kengkay - Enero 21, 2008

kilala mo si ani h at si windsor g? hehehe alam mo ako nga sa college paper di rin pumasa, kaya sabi ko am sure isnabin na rin ako ng varsi kaya nag teatro na lang ako, ayun, pumasa naman si kengkay dahil sa mga ka dramahan ko sa buhay…at dahil sa sobrang emote ko, ahahah.

ahmmm… anong section at batch sila ‘te?😀

grabe! teatro ka? pangarap ko ‘yan noon, syempre hanggang pangarap na lang kasi sa V pa lang, ubos na oras ko, lalo na siguro kung nag-Teatro ako… sayang, paboritong role ko pa man din ang maging baliw sa stage… feeling ko bebenta ako sa mga istoryang ganun ang tema… hahaha!!!

4. Gizelle - Enero 21, 2008

=D A, naman, bastos ba? sorry hindi sadya…

eto pic nung magazine print ni alexie: http://gmirage2.multiply.com/photos/album/22/Alexie_Libro_Journal#1 buti nga naprint kze nga dahil sa ‘pout’ akala ko di makakasama haha. Yung pout nya kaze simangot na eh! hala!

Di ba si H at G eh kami ni Harold? Lol.

hindi ka lang bastos, korni pa… lol!!! joke!

ganda ng inaanak ko!!! siguraduhin mong kilala pa rin kami niyan ah! tinago pa ba niya yung spongebob na bigay ko noon?!

5. wei vines - Enero 21, 2008

wow! bigatin! alam ko yung mga taga varsi eh half scholar..nakanams naman na yan!

ang ganda ng entry nato… kita kits sa 2011😀

Salamat!

Yun lang… alam mo, kung magpapasikat ako, o-Oo na lang ako sa sinabi mong iskolar kami… pero sa totoo lang, hindi. Ang alam ko, dati, way, wayyyyyy back, ganun ang patakaran, pero nung panahon namin, sinusuwelduhan lang kami for every article. Of course, andyan ‘yung mga “perk” ng pagiging Press… Pero kung half-scholar ako, malamang pinapasok na rin ng parents ko kapatid ko sa V…

Ewan ko lang kung nagbago na yung patakaran ngayon, ang alam ko, ganun pa rin, kasi wala namang nababalita sa amin ‘yung mga kaibigan naming boss na dun… hehehe!

UST ka ba?

6. Raymond Lee Quijano - Enero 21, 2008

wow ang cute! sana mas marami pang pictures ang i post mo. hehehe!

Alin? Yung picture ko nung editor pa ako? Eh cute talaga ‘yan!!!😉

7. Jon Cabron - Enero 22, 2008

Alin? Yung picture ko nung editor pa ako? Eh cute talaga ‘yan!!!😉

==
ahmmmm..

wag na kasing kumontraaaaa…

8. fjordz - Enero 22, 2008

maging ganito rin kaya ako kasenti sa TIP Voice? Yun yung official pub ng school namin na kabilang ako.. gaya mo nauubos din ang oras ko dito at madalas.. mas gusto ko pang pumasok sa school para sa Voice kesa pumasok sa klase.. bad…

http://hiraya.co.nr

ako naman, muntik nang ma-F.A. kakaabsent dahil me coverage (minsan, dahil lang sa puyat, itinutulog ko na lang sa opisina, hehehe!)…

pero bad ‘yun, hanggang ngayon talaga napapanaginipan ko pa ‘yun…

di naman malayong maging senti ka rin, lalo na kung ganyan ka ka-dedicated. ang sa akin kasi, hindi lang senti, talagang magiging proud ka pa sa pinanggalingan mo kapag nakita mo kung sino at ano na ‘yung mga alumni (sa Varsi, “Amihan” ang tawag sa mga alumni…) ninyo sa kani-kanilang fields.

Kaya kung ako sa’yo, sulitin mo na ‘yung moments na nandyan ka, the best na experience ‘yan… at pagka-graduate mo, make a mark.😀

9. wei vines - Enero 22, 2008

ehehe…alam ko kasi, bigatin..este scholar yung mga nasa ‘V’… may isa kong kaibigan dun, dati, nagttrabaho lang siya sa lib para sa scholarship, ngaun, nagsusulat na siya sa Varsitarian…ang yabang diba? haha! aamin bako na taga uste ako? ahh hindi… hindi ako taga dun😀

ah baka ginive-up niya na yung scholarship niya…. or baka iskolar pa rin siya? basta ang alam ko, walang scholarship sa V. limpak limpak na salapi, kapalit ng tambak tambak na articles… hehe

10. koreanmine - Enero 22, 2008

bigla tuloy gus2 ko hagilapin yung mga lumang kopya ko ng varsi at luk ko kung nag abot p tayo hehe

(inggit ako sa uni ng AB eversince, pdeng sumalampak sa damuhan) at inde mahirap sa dukutan (ay anu b yun erase erase Lols😆 )

1999-2001 ako nandun… pero kalimutan mo na ‘yung mga column ko, parang blog lang eh, lol!

masaya yung uniform namin, laging napagkakamalang UE, hehehe! anong college ka ba?

11. taroogs - Enero 22, 2008

asteeg! ako kahit sa ibang unibersidad nanggaling, fans pa din ako ng inyong special na issue — ang Vuisitarian🙂 laging nagdadala nito yung mga kaklase ko nung HS na nag-aral sa uste.

‘steeeegggg!!! so naabutan mo ‘yung kontorbersyal na “tore ng tigasin…” di pa ko uste nun, pero yun ang pinakapatok na vuisitarian story sa history ng varsi… hehehe!

12. kengkay - Enero 23, 2008

batch 90, girl. basta yung mga asa journ na nag varsi e until now prenship pa rin kami lahat. may reunion kami everytime na uwi ako ng pinas. at alam mo, masaya talaga sa teatro, kahit na hindi ka mag panggap na baliw e kakabaliw talaga, ahahaha, mas masarap yung drama nung nag applay pa lang kasi work shop di ba? dun yata nawala lahat ng hiya ko sa buhay, wahahaha

naku… siguro dahil CA ako kaya normal na sa amin ang “workshop” na ‘yan… tuwing may class play kasi kami, may kaklase ako na bibo…ba… ewan, bading kasi siya, hehehe… na winoworkshop ‘yung mga cast niya sa play… siyempre, frustrated actress, kagat na kagat ako sa mga pauso niya, in fairview, siya ang una (at definitely, huli na) lalakeng nakasampal sa akin (maliban sa tatay ko ha… hehehe)… malamang kung nasa dyaryo sila, kilala ko sila… pero ewan, kung 90s kasi, medyo nasa grade school pa ako nun… hehehe! peace!!!!

13. koreanmine - Enero 23, 2008

commerce😀 kaya sa lobby ko lagi nakukuha kopya ng varsi…

di mo na pala inabot yung “tuition nyo, baon ko lang isyu” ??? sa sports ka pala, kasagsagan nun ng 3peat at 4peat eh.. glorydays, namamaos ako sa araneta hehe

naaahhhh… pumasok ako with high hopes na mae-experience ko ‘yung UAAP-high sa basketball… pero sa apat na taon ko sa kolehiyo, lagi pang nabulilyaso… kaya nga ganun na lang pagwawala ko nung nanalo USTe sa UAAP nung 2006…😀

14. ladyracer - Enero 27, 2008

tomasina ka rin pala. favorite ko ang lampoon issue… vuisitarian. nung hs nasa pay hs paper din ako, aquinian. pero nung college lumipat na ako sa ibang university pero naging part pa rin ako ng upm collegian. kakamiss gumawa ng press work hehe

korak! at higanteng bahay namin noon ang main building… hehehe!

sarap di ba? best days of our lives…

15. miss choi - Pebrero 11, 2009

Writer ako ng Flame, pero Features. Kaya lang naman ako sumali dun kasi feel ko lang marunong akong magsulat. Hehehe🙂

Galing, Varsi! Ni hindi ko pinangarap yan kasi alam kong ubos-lakas talaga maging staff.

Go USTe! Kita tayo sa 2011!

miss chois last blog post..Hoy! Kim Chiu!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: