jump to navigation

Kapag puno na ang salop… Enero 23, 2008

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Pinakamasakit at kahindik-hindik na judgmental na comment na sinabi sa akin nang mag-resign ako ay galing sa dati kong boss. Wala pa ako noon sa broadcasting at ito’y sa isang maliit at hindi kasikatang kumpanya…

Nangyari ang eksena sa CR, lunch time at kasalukuyan akong nakikipagkyawkyawan sa ka-schoolmate ko na kaopisina ko rin. Siyempre, last day ko na kaya sinusulit ko na ang bonding moments…

Sa kalagitnaan ng aming baklaan, pumasok si ex-boss… Pumormang maghihilamos…

“Are you waiting for sherpa?” Pangalan nung bisor ko na ka-schoolmate ko naman sa exclusive school.

“Ahmmm… Yes…”

English ang official language sa kumpanya ni ex-boss. Gusto niya kasing mahasa ang mga tauhan niyang mag-ingles.

Anyway, sa totoo lang, nung mga oras na ‘yun, nagkukuwentuhan lang kami ni college friend, pero dahil sinabi na rin ni ex-boss, naisip ko na ring hintayin si sherpa. Makapagpaalam man lang ako ng matino, di ba? Kahit pa bago ako nag-resign ay hinainan niya ako ng memo sa pagiging tamad ko raw at inefficient sa trabaho.

“If you are going to pick a fight with sherpa, do it outside the building…” May tono pa ng pagiging protective ang statement ni ex-boss. Alaga niya kasi si sherpa.

Napatiim-bagang ako sa shock. Ampft! Magpapaalam na nga lang ako ng maayos, pagbintangan pa ba naman akong basagulera! Ano ‘to? Grade school?!

Hinintay niya ang sagot ko. Napailing ako.

“Sorry, bitch (pangalan ni ex-boss), I was not raised that way.” Pigil na pigil ang emosyon ko.

Natahimik siya. Maya-maya, naglitanya na siya ng mga kung sino-sinong gradweyt daw ng kumpanya niya na sikat na manunulat sa mga malalaking diyaryo. Sa dami ng sinabi niya, iisa lang talaga ang gusto niyang iparating na mensahe sa akin:

“Bobo ka at wala kang mararating dahil hindi ka nakatagal sa kumpanya ko…”

Maglilimang taon na ang nakalilipas, pero malinaw na malinaw pa rin sa akin ang mga eksenang iyon sa isang maliit na CR sa malungkot at bahaing building sa Makati. 

Aaminin ko naman, bago ako napunta sa telebisyon, nakailang talon din ako ng kumpanya. Naranasan kong maging regular na empleyado at pumasok ng 8-5. Hindi sa pag-aano, pero siguro nga, hindi talaga ako bagay sa opisina… Masyado akong antukin at madaling mainip… Trabaho na para sa akin ‘yung patulalain mo akong maghapon sa computer…

Kailangan ko ng adrenalin rush… Kung masyado na akong kumportable, kung nagiging de-susi na ang mundo ko… Wala na akong pinagkaiba sa mga penguin… Black and white lang.

So, anong koneksyon ng pagbabalik-pait tanaw ko sa entry ko?

Kamakailan lang kasi, napansin ko, nagiging trend na naman ang mga nagtatapon ng tuwalya (yessss… tinagalog! Alam kong masagwang pakinggan, pero paninindigan ko na).

Pagkatapos, ang uso pa rito eh ‘yung kapag tinanong ka kung bakit ka nag-resign, ang irarason eh magulo ang sistema, marami ring nagsisi-resign, kesyo masyadong barag, yada, yada…

Kumbaga, it’s not me, it’s them.

Eh sa totoo lang, kung hihimayin mo ang puno’t dulo ng lahat, kadalasan, it’s them naman talaga.

May analogy diyan ‘yung boss ko ngayon:

Kung magulo ang sistema, madali itong sisihin… at paniwalaan. Pero kapag umaayos na ito, dun lumalabas kung sino talaga ang tunay na magulo…

At mahirap tanggapin, lalo na kapag nalaman mong ikaw ‘yun. 

Wala naman akong pakialam kung ano man ang rason ng mga tao sa kanilang pag-alis… Kung sa tingin nila’y sa pamamagitan ng pagsa-sayonara, sila ay lalaya, so be it.

Sa opinyon ko lang, bilang mga propesyunal na bayad ang kada-tagaktak ng pawis, wala na sanang basaan ng papel lalo na kung wala pa naman tayong maipagmamalaki, di ba?

Ok namang umamin na hindi kayo para sa isang bagay o industriya, lahat naman tayo, merong sulok na takda… Pero kung itinuring naman kayong tao ng inyong immediate superiors, sa susunod ninyong job interview, pabor lang, huwag na ninyong dungisan ang inyong mga pinanggalingan.

Ang panget.

Galingan niyo na lang sa susunod ninyong raket. Kapag matagumpay na kayo, saka ninyo ingudngod sa mga dumurog ng self-esteem ninyo ang katunayan na hindi kayo bobo at malayo ang mararating ninyo…

Suwerte niyo nga… hindi niyo pa natikman ang panghuhusgang ipinataw sa akin ng dati kong boss. Alam kong hindi ko na dapat binabalikan ang napaka-negatibong ala-ala na ‘yun… Pero ang hirap kumalas…

At least, marami akong dapat ipagpasalamat sa karanasan kong iyon:

Salamat at umalis ako, dahil kung hindi, wala ako sa TV. Salamat at tinrato nila ako na ganun, dahil pinatibay nila ang dibdib ko sa kritisismo. Salamat at nakilala ko si ex-boss, sa wakas, masasabi kong nakakita na ako ng tunay na mga halimaw… at sila ‘yung mga hindi sikat.

Sori na.

Kinokontra ko ang sarili ko, pero pabayaan niyo na ako. Gusto ko na siyang kalimutan, pero paano?

At umaga na. Hindi pa rin ako makatulog. Kailangan ko nang matulog dahil may trabaho pa ako mamaya at eere na naman ako ngayong Sabado!

Mga Puna»

1. beer-O - Enero 23, 2008

Hi there! so, ill be the first one to comment on this entry.hehe. sabi ko na sayo eh, mapapadalas ang pagdaan ko.

kalimutan mo naman yon. sabi nga nila eh, ibaon mo na lang sa limot. you had a good decision, though.

keep going!

salamat… hehe…

ge add din kita.

2. tapsiboy - Enero 23, 2008

buti hindi ako ginanyan ng ex-boss ko.

Kasi alam naman nila na warfreak ako e. Na kahit may-ari ka pa ng building na pinapasukan ko, pag binadtrip mo ko… babadtripin din kita.

Pag routinary na ang ginagawa, parang sinisilihan ang yagb**s ko at hindi na ako mapakali.

Ewan ko ba at bakit eto pa ang kurso na pinakuha sa akin ng tatay ko, hindi ko naman magamit-gamit.

Salamat na rin sa kanila at nalaman ko na hindi talaga ako pang opisina.

Hay naku, basta this year pilitin ko umpisahan na ang pagdodoctor ko.

Wala sanang kokontra, dahil babadtripin ko sila.

gudlak sa iyong binabalak na paglalayag!

3. koreanmine - Enero 23, 2008

dpt talaga i avoid yung pag sabi ng di maganda sa pinanggalingan lalo na sa intv. kc iisipin nun na kung yung pinanggalingan is na badmouth mo, bt nmn ung ngaun ang inde di ba..
altho minsan, nkaka kunsumi tlga at nakaka dala ng emosyon, mabuti na rin cguro na mai iwas cla sa pag iisip ng di maganda sa iyo dahil lng dun..
bawas ganda pts.’ baga😀

iyon lang ang hindi ko ginagawa pag interview… tama ka, bawas ganda points… tsaka nalalaman at nalalaman din ng pinanggalingan mo, nakaka-turn off lalo na kapag pinakitaan ka naman ng maganda ng pinanggalingan mo…

‘yung angst ko… inilabas ko sa blog ko, blog eh… tsaka wala namang pangalan eh, ok na ba yun? hehehe😀

4. beer-O - Enero 23, 2008

hehe. you’re most welcome. thanks nga rin pala. friends na tayo officially.LOL

haha! parang soiree ah… me bago na naman akong BF! (blog friend! kala mo kung ano?)

pero eka… hinahanap ko ang blog mo… parang wala ata akong link? ano nga ba link mo?

5. beer-O - Enero 23, 2008

haha. ganon na nga gusto kong isipin eh. pero wag po, masyado pa akong bata para sa ganyang mga bagay.LOL.

I have 2 blogs. eto po links ko: http://tambayannilex.wordpress.com and http://lex22.wordpress.com

sorry, corny mga blogs ko. ewan ko ba kung bat pa ko pumasok sa blogosphere.LOL.

kontrahin daw ba ang sariling blog?! hehehe…

salamat! add kita…

6. koreanmine - Enero 23, 2008

ok yun, ako din yung mga kabusetan ko sa work, d2 ko rin lang nailalabas eh😀
kya magugulat na lang kayo, i got dooced Lols😆

hehehe! ako kasi, sa ngayon, ang kinabubusitan ko pa lang eh yung pagpupuyat ko… na wala akong choice kungdi tanggapin… other than that… i’m still goooooddddd….

7. beer-O - Enero 23, 2008

Hehe. ironic no? wala lang. boring naman kasi talaga blogs ko. you’ll find it out…LOL

thanks…

hmm… tingin ko, depende ‘yun sa nagbabasa… at since blog naman siya, ikaw ang “diyos” nun, boring ka man magsulat o hindi… “read at your own risk” na lang kumbaga… na-add na kita. salamat ulit sa pagtambay.😀

8. paolomendoza - Enero 23, 2008

pag nagsimula nang magbitaw ng pangalan ang isang tao.. may isang malaking thought bubble na lumalabas sa utak ko. Ang nakasulat:

1 – kilala nga niya kaya yun?
2 – gusto kaya ng taong yun na ni-ne-name drop yung pangalan niya?

At parang may bumubulong na boses sa’yo:

1. Mahuli kaya ako na siniraan ko siya?
2. Ano kayang karma ang naghihintay sa aking pagsiwalat ng kanyang pangalan?

Hmmmm…

9. Raymond Lee Quijano - Enero 23, 2008

putang-ina sa mga ex-boss na malulupit! putang-ina talaga!

*hingang malalim* ayan… nailabas ko na rin ang sama ng loob ko.

wag mo sanang i censor, ituring mo na lang na filipino expression itong sinabi ko. oh well… nakakawala ng pagod. ^_^

hingaaaaaa!!! hingaaaaa!!!

10. beer-O - Enero 23, 2008

You have a good point. lumalakas ang loob ko dahil sa’yo.ahehe.

thanks din sa pag-add. keep in touch. i’ll catch you on TV.hehe

Ahm… you can’t, pangalan ko lang pero hindi ako ang lumalabas sa TV, maliban na lang pag nagtri-trip ako’t sumisingit ako sa shots ng cameraman namin… parang ngayong sabado… ooopss!

11. beer-O - Enero 23, 2008

i wonder kung ano pangalan mo. maduduling siguro ako sa kahahanap ng name mo sa closing credits.LOL. text mo na lang kaya sa kin.jowk!

hmmm…alam ko na slot ng program nyo. kababasa ko lang ng “Tungkol sa Network war na ‘yan”. bago mag-imbes, di ba?hehe

Pag close na close na tayo, bibigay ko sayo number ko… hehehe! sa ngayon, hanapin mo na lang ako sa credits… o sa mga segment ko… lagi naman akong may “special appearance”… hahaha!!!

12. kaith - Enero 23, 2008

ahm, di ko maintindihan bakit may mga boss na nambabastos ng subordinate, especially ung mga resigning. parang ang labas tuloy, sila ang bitter? hehe. kung pangit ang ugali nya, di siya bagay maging isang boss. i am sure walang tatagal sa kanya. wehehehe.

si “sherpa” andun pa rin…😦

13. beer-O - Enero 23, 2008

ok lang. maghihintay ako hanggang sa dulo ng walang hanngan maging close lang tayo. wahaha. ang OA ko talaga. baka naman pwede kahit initials lang. kulit no? or else i’ll just spot your “special appearance”.hehehe

abangan mo, di ko pa man nasusulat ang script… maganda pagkakasuklay ko sa buhok ko dun… hah!

14. fjordz - Enero 23, 2008

siguro talagang laging may mga boss na kailangang bumastos sa atin.. isipin na lang natin na sa buhay laging may kontrabida at tayo ang parating bida… in the end naman laging bida ang panalo basta umasal ka lang na bida hindi yung extra para mapatunayan mong may ibubuga ka nga sa sinabi ng kontrabida ng buhay mo..

naranasan ko na rin yan nung trainee pa lang ako as a writer sa school pub namin. Sinigawan ako sa harap ng buong staff yata ng pub na ‘writer ka ba talaga?’ at sobrang nakakadegrade. Yun yung nagtrigger sa aking magblog way back two years ago para makapaglabas ng sama ng loob. Pero hindi naman talaga ako nakagawa ng blog entry tungkol dun dahil sobrang dinbdib ko yun. Ang masakit pa dito, pakiramdam ko, sinigawan niya lang ako para ipakita sa buong staff na bossing siya at ako ay isang hamak na trainee lamang. Editor siya e kaya wala akong lakas ng loob noon na magsalita sa kanya. Sobrang pigil ang emosyon ko nun para lang hindi maipakitang bastos akong tao. At ngayon ngang editor na rin ako at graduate na ang mokong na yun, nilait-lait na naman ako sa inilabas niyang official statement sa isang Yahoo! Group nang biglang lumaki yung kontrobersya ekek na nasulat ko sa school pub. Nasa blog ko yun kung interesado ka pero dahil mala-nobela na ang comment ko, tatapusin ko na rito. Adios!

pasensya pala napahaba ang sharing ko hehehe…

http://hiraya.co.nr

‘steeeeg! di ka rin nadarang no? hehehe… me karma yang mga yan…

15. taroogs - Enero 23, 2008

hanep! mala eksena ng “Devil Wears Prada” kung saan nilalait nung fashion magazine editor si kwan…. yung bida. Nag-resign din yun, di ba? at sinundan ang nais ng kanyang puso (she followed her heart. wehehehe)

ay seryoso… pero ayoko nang ituloy, ka taroogs… kung wala rin lang akong masasabi na maganda…

16. kengkay - Enero 23, 2008

it is lonely on top, sabi nga nila. lalo pa kung ang mga asa taas e hindi nakakaintindi ng mga taong asa baba nila. pero pano kaya sila tumaas kung hindi sila marunong tumingin sa baba, huh? yun ang medyo tingnan nating kapag ang mga asa taas natin e mukhang walang alam sa mga taong asa baba. hindi rin tayo dapat matakot iwanan ang isang kompanya kung sakit ng ulo lang ang dulot sa tin.. ang kailangan ay maniwala tayo sa sarili. itong ngang si kengkoy, mas ungas ang bossing nito. biglang binigyan ng evaluation kahit na hindi naman time for evaluation at kung ano anong negative points ang tinapon sa kanya. at alam mo pala kung bakit? kasi may takeover na nangyayari sa kumpanya nila at natatakot syang hindi sa kanya ibigay ang posisyon niyang taglay. o ayun, he sacrificed someone just to keep his position. at kahit na ngayon, dahil kapit patalim, he doesnt want to decide, kasi takot na kapag mali ang desisyon nya e sa kanya i blame at patalsikin sya — and he wants the decisions to come from my hubby para alam nya kung sino ang sisihin. e sino ba kaya ang bossing? kakainis talaga. oops, haba ng litanya ko, hehe

ay naku… bad naman yun… at least yung bossing ko ngayon, bukod sa kaibigan ko siya, pagdating sa trabaho, ok siya, at fair.

parang ang hirap ng kadupangan ng boss ni kengkoy… di ko alam sasabihin ko te kenks, baka ako naman magkamali…😦

17. lilmiz - Enero 23, 2008

hirap talaga pag may ganyan na boss. di pa naman ako nakaranas nyan, buti na lang😀 yun nga lang, sulit na sulit sila sa pinapasweldo samin, ipa-overtime ka ba naman tapos walang bayad lolz pero tapos na yun. ngayon ay kahit nagbablog lang ako ay may bayad pa rin hahah. ano kaya feeling ng boss mo ngayon ate na malayo na narating mo?🙂

malayo pa ang aking lalakbayin, te… pero sana lang, bago siya mamatay (matanda na kasi yun), ma-realize niya ang mga pasakit na dinulot niya sa maraming tao… pagsisihan kaya niya?

18. Jon Cabron - Enero 24, 2008

.. kahit saang pagkakataon, parusang makisama sa boss na hindi mo makasundo at may batas na umiiral na hindi ka pwedeng kumontra sa kanya.

also,
naks may naaaninag akong pagmamahalan!!!

i go nao

/wrist

haayyy, jon… ikaw…

19. beer-O - Enero 24, 2008

sure thing! aabangan kita.LOL. magpakita ka ha!hehe

20. lilmiz - Enero 24, 2008

te, wala ka bang extra tickets dyan para sa concert ng mahal ko?😦

mahal NATEN!!! wag mong sarilinin…. hehehe! nakita ko ‘yung listahan ng ticket prices sa blog mo… kalakohan! ang mahal!!!!

pero dahil mahal ko si adam, pag-iipunan ko yaaaaannnnnn!!!

21. wei vines - Enero 24, 2008

hehe…. ang hirap naman nun..ang panget…natatakot tuloy ako..

kahit ilang balahura yung ginagawa saken ng mga prof ko ngaun,

kahit inaalipusta nila ang trabaho ko ngaun…

i keep on fighting.

kaso nakakatamad na.

mahirap maging mayabang..

pero mahirap din maging talunan ^^. Natuwa naman ako sa post nato.. ibig sabihin, hindi ako nag iisa.. haha😀

22. Jim - Enero 26, 2008

naalala ko tuloy ang mapait ko ding nakaraan…😀 everything happens for a reason at sa huli, huwag ka lang maiinip (gaya ng nangyari sa iyo ngayon) sa iyo ang huling halakhak! kung dumating ang panahon na parang mauulit ulit ang mapait na episode na yan, maghintay ka lang may kapalit yang mas malaki, magugulat ka na lang…😉 (uuy salamat, special mention pa site ko sa blogroll mo! namumutla tuloy ako, este namumula naman… ng konti.. eheheh!

hehehe! salamat sa pagdaan! ispesyal eh, hehehe!

23. gasti - Pebrero 5, 2008

napagkamalan kang basagulera? lols! yaan mo na nakaraan na yan eh..nabadtrip din ako dati sa dati kong employer pinoy sya pero inglisero din..kalalaking tao napakatsismoso at isip bata..sobrang hilig sa mga pc games dun pa naglalaro sa mismong opisina namin..ok pa naman sya ngyon. buhay pa. pero impeyrness pag pinagalitan ako nun close door naman..one on one baga…yun nga lang laging delayed ang sweldo..kadalasan eh hulugan pa..potek!

ahhh… yan ang di ko naranasan, ma-delay sa suweldo… subukan lang nila!

di ko nga makalimutan eh, yun lang…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: