jump to navigation

CDO Pebrero 1, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Boo!, Coverage.
trackback

Ilang buwan na ring walang ibang kamay na dumadantay sa katawan ko… Miss ko na ‘yung mga hagod at lamas na me kapangyarihang magpahalinghing sa akin…

Alam kong hindi dapat… Kasi kadalasan, pagkatapos nun, sobrang lalim ng tulog ko… pero ginawa ko pa rin.

Ang tinutukoy ko eh ang pagpapamasahe…

Maga-a la una na nang madaling araw nung dumating ‘yung masahista sa kuwarto ko.  Ang plano ko sana eh magpaka-suplada at namnamin ang experience

Kaso nasimulan ko nang mangamusta… Hanggang sa nagkakuwentuhan na kami tungkol sa nakakabaog nang ratings war, sa ending ng Patayin sa Sindak si Barbara, sa pilot episode ng Lobo, sa mga pokpok ng Cagayan de Oro, etc., etc.

Masaya naman siyang kabalitaktakan… ‘Yun lang, isang oras din ang nawala sa akin… Pasado alas-dos nang magpaalam si Ate Masahista…

Alas-tres y medya ako dapat magising para makaligo pa ako ng maluwalhati’t makapag-“ritwal” (take note, magta-tatlong araw na akong hindi naliligo dahil nag-“tour of Mindanao” kami… Mahirap i-explain…).

Pero maga-alas siyete na ng umaga nang maalimpungatan ako…

Shit! 7:30 ang flight namin pabalik ng Manila!

Napabuntong-hininga na lang ako habang dali-dali kong pinaghahakot lahat ng mga gamit ko… Laking panghihinayang ko sa nakalatag ko nang mga bote at damit na panligo…

Tinawagan ko ang assistant cameraman ko:

“Asan kayo?”

“Dito sa lobby…” Relax na relax ang boses niya…

“Langya kayo, ba’t di niyo ko ginising?” Nalilito na ako, baka kako me naiwan pa ako… Charger? Pabango?

Hindi sumagot si assistant. Naglalangis pa ang buhok ko, amoy-tsaa… Di bale, wala nang panahong mag-inarte.

Dali-dali akong nagmumog… sa baba, pagkabigay ng resibo, halos magkandarapa na akong lumabas…

As it turned out, kabababa rin lang ng crew ko. Nakaligo sila. Ang ipinagtataka ko lang, hindi man nila ako naisip gisingin… o kamustahin kung humihinga pa ako kasi hindi man lang ako nagparamdam sa kanila, eh a las siyete pasado na…

Ang sagot ni assistant, hindi raw niya alam ang room number ko.

Wow.

Sa sasakyan, nagagawa pa nilang humirit tungkol sa pagiging delayed namin… Wala ako sa mood makipagbiruan dahil pag nagkataon… sa akin sisingilin yung extra na gagastusin kapag na-late kami…

7:20 nang makarating kami sa airport ng Cagayan de Oro… Suntok sa buwan na lang ang makaabot pa kami sa flight…

“Sir, puwede pa po bang humabol sa check-in?”

Mahal ako ni Papa Jesus… Si Manong pa ang naghabol sa tiket namin.

Sa loob ng eroplano… nag-amoy-tsaa ang economy class dahil sa langis ni Ate Masahista… Sabayan mo pa nung amoy-Jovan na French na katabi ko…

Binuksan ko na lang ulit ang iPod ko…  Ahhh… Welcome back, Ely

Hindi na dapat maghirap
Sa iisang iglap
Ang buhay mo ay sasarap
Wag nang mag-atubili
Subukan mo ang
Superproxy!

Pagdating sa Maynila… Wala nang panahon para umuwi… Sa banyo na nga lang ng GMA ako maliligo, may hot shower naman eh… Salamat, Papa Jesus… Nakahabol kami sa flight.

As for my maalalahanin na crew… Nagpaparinig sila sa sasakyan… Gutom na raw… Pero lumilipad ang utak ko sa ‘wento ni Ely at ng kanyang ex na dilaw ang suot at may buhok na green…

Ang gagaling nilang team mates kapag may kailangan sila sa akin.

Hindi ko sila pinakain ng breakfast.

Sorry na po, Papa Jesus.

Mga Puna»

1. S3lv0 - Pebrero 2, 2008

hehehe kakatuwa naman ng kwento mo miss lenggai. sya nga pala sa Cagayan de Oro ako lumaki at dun ako nakatira til 2001. swerte mo sa eroplano ha hehehe pakiskis ng kuko mo sa kwaresma

lam mo, kuya, ang pinanghihinayangan ko lang, kapag nadalaw ako sa mga probinsya natin, madalas, hindi ako nakakalibot… me plaza dun malapit sa hotel namin, andaming nagmamasaheng bulag, pasado alas-onse na nun ha… kung di lang ako barag dun, sarap sanang libutin at makipagkuwentuhan sa mga nandun…

heniway… ahmmm… bat kelangan mangiskis ng kuko? lol!!!

2. lilmiz - Pebrero 3, 2008

grabeh, bilis mo naman nakapag-ayos at bilis nyo nakapuntang airport😀 haha ok yan, di pinakain ang crew para makaganti😀

in two minutes lang ata yun or less… as in… adrenalin rush… ngayon ko lang naman ginawa yun sa crew ko… masama kasi sila eh… (ampft! “masama”… watta…)

3. Jon Cabron - Pebrero 3, 2008

mahilig din ako magpamasahe at nakakalasap lang ako ng halinghing sa mga yun pag nagpapa ekstra serbis ako, at yun yung kaparehong halinghing pag nagpapagupit ako sa bakla ng wala akong pambayad.. at pag uwi ko may sukli pa ko..

ahhhm, masakit ang ulo ko at di ako makapag isip ng tama, ok? kalimutan nyo na yung sinabi ko.

wala ako sa posisyong husgahan ka, jon… kanya-kanyang trip lang ‘yan… kung san ka masaya (ampft!!!)

4. beer-O - Pebrero 4, 2008

“Ilang buwan na ring walang ibang kamay na dumadantay sa katawan ko… Miss ko na ‘yung mga hagod at lamas na me kapangyarihang magpahalinghing sa akin…”

haha😆 akala ko pa naman kung ano na meaning nyan. masahe lang pala. hehe😆 ang ganda ng lead, medyo “catchy”. hehe

ganda ng kwento ni Ely no? yon ba yong tinawanan lang nya at tinawag syang “walanghiya”? hehe. haayyy, those were the days na buhay pa ang Eheads. ahehe…


—-

at iyon ang mga panahong 25 pa ang baywang ko’t handa akong isangla ang kaluluwa ko sa eheads…

5. gasti - Pebrero 5, 2008

ahhaha! karneng karne..kala ko ulam burger na..gutom lang siguro ako.

tama yan..pangil sa pangil..teka ikaw rin ang nagpapakain sa cameraman? yaman!

ahmmm… may budget pag out of town, isang daan kada tao.🙂

6. beer-O - Pebrero 7, 2008

wow! napakasexy mo naman pala nun wid ur 25 waistline. eh ngayon?😆 baka 24 na. lalo ka kasing sumexy. ahehe😆 (mambola ba). handa mo pa rin bang isangla ang kaluluwa mo sa PUPIL? lols

hahaha!

7. beer-O - Pebrero 8, 2008

ayon, napakahabang tawa lang ang sagot nya sa kin.😆

para san ang tawa na yan?
A) sa 24 waistline
B) sa tanong ko
C) sa pambobola ko
D) all of the above

ahm. i choose letter E! maiba lang…😀

8. beer-O - Pebrero 8, 2008

haha.😆 lumilihis ka naman sa tanong eh. there’s no letter E. sige dagdagan na lang natin ng…

E) dahil makikita mo na in person ang crush mong si adam levine. hehe😆

haaaysss… tinititigan ko siya sa DVD na binili ko mula Quiapo… at napakatamis ng ngiti ko… kung makikita lang niya!

ilang araw na laaaannnnggggg!!!!😀

9. beer-O - Pebrero 8, 2008

sabi ko na nga ba eh. nakow, sigurado akong pinirata ang binili mong DVD. hehe. excited ka na talaga…kelan nga ba concert nila?

ika-5 ng marso!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: