jump to navigation

27 Pebrero 3, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!.
trackback

Unti-unti na akong hinahatak ng mga araw papalapit sa dulo ng kalendaryo… Sht!

Epekto siguro ng panonood ko ng Cloverfield… Pero ito ‘yung isa sa mga gabing bigla ka na lang matatahimik at mapapamuni-muni…

Para sa iyo, mahal kong ka-blog na magtitiyagang makisalo sa akin sa nakababatong gabing ito… ang mga susunod na talata ay tungkol lang sa AKIN… Hindi mo kelangang basahin kung wala ka namang pakialam.

‘Di niyo lang kasi alam…

1. Gusto kong maging sikat na camerawoman/producer/writer/video editor/director… Pero tinatamad pa ako.

2. Dream story ko ang gumawa ng profile tungkol sa buhay ng mga Abu Sayyaf at ng kanilang pamilya… Pero takot akong ma-reyp. Gusto ko ring gumawa ng kuwento tungkol sa North Korea.

3. Sa buong buhay ko bilang estudyante… dalawa lang ang natanggap kong gold medal… a. Grade five- Champion sa Bible Passage Interpretation; b. High School: Loyalty award.

4. Madalas akong ngumuya ng chewing gum sa coverage… Hindi naman kasi tayo nakakapag-toothbrush oras-oras eh, lalo na kung lagi kang nasa labas.

5. Antukin ako sa sasakyan. Isa ‘yan sa mga rason kung bakit ayaw ipaubaya ng tatay ko ang kotse namin sa akin. Gusto pa raw nilang magka-apo.

6. Simula nang matalsikan ako ng mantika sa buong kaliwang braso ko (as in 3rd degree burns na batik-batik na talsik na abot hanggang ilalim ng kili-kili at nagpeklat) dahil sa sobrang antok ko habang nagpiprito ng crab balls noong 2006… Nawalan na ako nang ganang magluto.

7. Pinakakinatatamaran kong mga gawaing bahay: maghugas ng pinggan, magplantsa, magtalop ng balat ng prutas at maglaba.

8. Sa pitong taon ko nang nagtatrabaho, wala pa rin akong naiipon.

9. Humihilik ako. Lalo na kapag kagagaling ko lang sa tatlong araw na puyat.

10. Hindi ako naniniwala sa pagbibigay ng limos sa mga pulubi. Hanggang college, mahabagin ako sa mga namamalimos… Pero ang turo ng tatay ko, raket lang ‘yan ng mga tamad. Nang maging researcher ako’t may ginawa akong istorya tungkol sa mga sindikatong pulubi… Napatunayan kong tama ang Papa ko.

11. Sobrang aliw na aliw ako sa Spongebob, Fairly Odd Parents, Garfield at The Simpsons

12. Mas bilib pa ako sa mga taong madalas pumalpak pero hindi sumusuko para matuto, kesa sa mga taong likas na magaling pero minsan lang pumalpak, nag-e-exit frame na. Watta loser!

13. Mabilis akong magsalita dahil nung bata pa ako, ginagaya ko ‘yung exhibition ng fastest speaking man in the world na napanood ko sa RPN 9. Mahahalata mo rin kung nag-eenjoy akong kausap ka kapag nakikipagbatuhan na ako ng punchline sayo. Madalas din akong mabulol dahil sa dami ng mga ideyang naglalaro sa utak ko, nag-uunahan silang lahat lumabas sa bibig ko.

14. Paborito kong pica-pica ang ostia. Hindi po ako heretiko. Hindi naman blessed eh. At masarap siya. lalo na ‘yung malalaki na pampari.

15. Mula Kinder hanggang High School, nag-aral ako sa exclusive school. Dumating na nga sa puntong akala ko magiging tibo na ako eh. Buti na lang, it’s just a phase…

16. Nagpapahatid pa rin ako sa tatay ko o di kaya sa lolo ko kapag papasok ako sa opisina. Ayaw nilang ipahawak ‘yung sasakyan sa akin dahil antukin ako. At tinatamad akong mamasahe kapag umaga o tanghali… o umuulan… o mainit… Pero kung no choice dahil may mga lakad sila… namamasahe naman ako… at kapag hapon… mas trip kong sumakay ng bus… mas marami kang nakikita pag nasa bus ka.

17. Mabilis ang attention span ko… Malalaman mong nababato na ako kapag kausap mo ako’t kung saan-saan na ako tumitingin… O di kaya nagtetext ako at hindi man lang nag-eexcuse me sa kasama ko.

18. Papa Jesus… patawarin mo po ako kung inaantok talaga akong makipag-usap sa mga nerd, science geeks, techie/gadget freaks, self-absorbed na mga intelektwal na tao, mga nasa alta sociedad na masyadong artsy o cultured, mga guwapo at magagandang wala namang substance, religious people na monotone ang boses… o ‘yung mga taong sadyang hindi mo lang talaga biniyayaan ng sense of humor. Wala rin akong pasensya sa mga taong suicidal at puro angst sa buhay ang lumalabas sa bibig. Sapat na ang pagiging emo ko paminsan-minsan… hindi ko tadhana ang makisalamuha sa mga taong emotional vampire.

19. Madalas akong maligo na naka-on ang MP3 ng telepono ko. At kung me choice, hindi ako naliligo ng malamig na tubig. Laging maligamgam.

20. Mababaw lang ang kaligayahan ko… Literally. Madali akong matawa, madaling maantig ang aking damdamin at may katalasan din ang aking dila. Alam din ng mga malalapit kong kaibigan ito: observant ako. Ilang beses na kaming muntik mapaaway dahil sa mga komento at joke na walang preno kong ibinabato sa ere.

21. Madali akong ma-turn off sa taong amoy-panis, amoy-danggit o medyas na kulob.

22. Communication Arts graduate ako… pero hindi man halata… Mahiyain talaga ako sa totoong buhay.

23. In line with #22… Pili lang ‘yung mga taong trip kong kasama sa mall… sine… inuman o kainan. Gaya ng sabi ko, may limit ang pagiging people person ko… Bilang din sa daliri ko sa kamay ang mga itinuturing kong totoong kaibigan… ‘yung tipong ‘pag kinasal ako, sila ang unang papasok sa isip ko kapag mamimili na ako ng entourage.

24. Makapag-ipon lang ako ng pera at magkaroon lang ako ng panahon, pupunta ako sa isang probinsya (o bansa, why not?) nang mag-isa. Trip lang. Maglilibot ako… maglilitrato… at magpapaka-nomad. Hindi naman ekslusibo sa QC ang mundo ko.

25. Takot akong maunahan ng pamilya ko… alam kong no parent should bury his/her child… pero mas gusto kong mauna sa kanilang lahat… sa totoo lang.

26. Malaki pa rin ang respeto ko sa mga lumang kanta nina Britney Spears, J. Lo, Mandy Moore, Christina Aguilera, Michael Jackson, Madonna, Spice Girls at M2M… pati sa Backstreet Boys, 98 Degrees at N’Sync. At sasapakin ko (sa net) ang magsasabing baduy sila. And oh, pati pala ke Andrew E.

***Nga pala, maglea-leave talaga ako sa March 5 para sa concert ng Maroon 5!!!

27. I want to change the world. Ang mushy… at idealistic… pero totoo. Hindi ko alam kung paano, o kung me kredibilidad ako… Pero pangarap ko ‘yan. Pakiramdam ko naman, kaya ko, ‘wag lang akong tatamarin… o aantukin.

—–

Ilang araw na langgggg…. 27 na ako. Balak ko sana sa berday ko ipo-post ‘to… Pero sinong makakapagsabi kung andito pa ako nun?

Pero feeling ko, hindi pa ako mawawala… Hindi pa kami nagkikita ng personal ni Adam Levine eh…

Para sa mga umabot hanggang sa dulo ng post na ito… salamat sa panahon.

—–

“I had a good day…” — Beth of Cloverfield

Mga Puna»

1. beer-O - Pebrero 4, 2008

haayyy…medyo may kahabaan ang post na to ah. pero binasa ko pa rin. hehe.😆 interesting naman kasi mas nakilala kita.

pareho tayo, gusto ko ring mauna sa family ko. ewan ko ba. medyo weird nga eh…enjoy the concert! sana magkita na kayo ni adam levine. hehe😆

umuuwi siya gabi-gabi sa amin…

wish ko lang, di ba?

salamat sa pagtityaga…

2. koreanmine - Pebrero 4, 2008

huwaw, advance hapi bday😀 …
and base sa mga nabasa ko, isa ka sa maituturing na npka blessed na tao, family, friends, education, career etc. and its nys na u hav dis intention 2 share bck ur blessings by changing d world.
idealistic as it may seem, wd the world not running out of pipol lyk u, ders still a pretty gud chance dat change will happen…

n understandabol nmn y antukin ka sobra, u hv a lot going on in ur lyf n u r living ur lyf 2 d fullest…

salamat!😀

pero kelangan ko pang maging mas mabait at mas sociable… with being sociable, ang ibig kong sabihin ay kelangan ko ng 40 hours per day para magkaroon ako ng sapat na panahong makasalamuha ang lahat ng taong gusto kong makasalamuha… pero nananalig naman akong may tamang panahon sa lahat…😉

3. kengkay - Pebrero 4, 2008

huy, malapit na nga berdey mo… at malapit na EB natin… at malapit na kami tumapak sa asya.. pareho tayong loyalty awardee nung high school, may iba pa akong award ‘best in conduct’ o di vah, ang ganda ganda ko talaga, hahaha….

nay! grade two lang ako nagkaroon ng “most behaved girl” award… pagkatapos nun, natuto na akong makipagsosyalan… hehehe!

iniisip ko noon kung papapayat pa ako sa eb natin eh, pero… nahhh… wag na! hehehe!

4. kengkay - Pebrero 5, 2008

hahahaah, alam mo, grade two din ako mismo nagkaron ng behave award, hehehe. naku papayat ka pa, unless i model mo sa min yung bikini mo, huh😀

ampft!!!

gusto mo bang magpulasan ang mga dadalo sa EB natin?

may takdang panahon para dyan, te kenks… sa abril… hehehe!

5. gasti - Pebrero 5, 2008

uy congrats sa mga natamo mong award..hehe! saka advance happy birthday!😀

hindi naman obvious na busy ka kasi may time ka pa talaga magblog..hehe! husay mo neng! goodluck sa pagbabago ng mundong natin

congrats, ampft!!!! hehehe! pero salamat!!!😀

yun nga kuya eh, bisyo ko tong blogging ngayon, kahit gumagapang na ako sa antok, binibisita ko pa rin ‘tong blog ko… makwento lang talaga ako…

at antukin. putris, pano ko babaguhin ang mundo niyan kung di ko kayang baguhin ang body clock ko?😦

6. foobarph - Pebrero 5, 2008

pagkatapos naming panoorin ang cloverfield, ang tanging nasabi namin ay…

“tapos na?” ^_^

asus! siguro kasama mo ‘yung mga nakasabay namin ng kapatid ko sa CR…

ok na yun na natapos sa ganun, pinakita naman sa una eh… hehehe!

7. foobarph - Pebrero 5, 2008

hehe…… yung pinakita sa una ay…………. hmm…. di naman sila nag-anuhan dun eh. hehehe

—–

so nagkataon lang na maalinsangan noon ang panahon at trip nung babaeng matulog nang nakadap’t hubo sa kama ng bespren niya?

oooorrraaayyyyytttt….

8. ladyracer - Pebrero 5, 2008

happy birthday! at more power sa pursuit mo in changing the world…parang pang miss universe pero nakakatuwa isipin that there are still people who want to make our world a better place to live in🙂

—–

ahm… nalinaw ko ba kung “for the better” o “for the worse” yung pagbabagong nais ko? hehehe! joke…

salamat sa pagbati… ilang linggo pa naman…😀

9. lilmiz - Pebrero 6, 2008

ang dami ahehe.. neks year 28 naman tapos dapat walang uulit sa lista na to wahaha😛 yung ostia, masarap nga lolz.. alam ko may parang kendi dati, maliliit na bilog at tinatawag naming ostia, gustong gusto ko yun heheh. katawan naman ni papa jesus yun eh, walang masama😀

—–

“Haw Flakes” ang tawag dun, te…

adik din ako dun dati, pero tinigilan ko nung minsan, dahil sa katakawan ko, nakakain ako ng expired na… ang sama ng after taste sa dila… at ang panghi ng hininga ko nun, hangga’t di ako nagtoo-toothbrush. coverage namin noon sa ifugao at naaliw akong makakita ng haw flakes sa bundok… yan tuloy…

10. paolomendoza - Pebrero 6, 2008

tumigil ako sa number 20 kasi ang haba. eh kung gumawa ka na lang kaya ng pelikula…

haba talaga ‘yan…

mahirap gumawa ng pelikula rito… konti lang ang market for indie films, pero if it’s any consolation, mas marami na ang into film making ngayon…

at yun pa, mas trip ko ang totoong buhay.

11. paolomendoza - Pebrero 6, 2008

ako ulit. binasa ko na lahat.. kasi naguilty naman ako. pero yun pa rin masasabi ko… gumawa ka kaya ng mga pelikula.

kung gusto mo gumawa ng istorya tungkol sa North Korea. siguro you can create a film that’s like Motorcycle Diaries. In the same way, you can affect change…

*LSS: Change the World*

sa totoo lang, tumutugtog yang kanta ni eric clapton habang sinusulat ko to…🙂

12. beer-O - Pebrero 7, 2008

hehe😆 invite mo kaya pag magkita kayo sa concert. hehe.😆

hay naku! naubusan na ako ng tickettttt!!! :((

13. G - Pebrero 8, 2008

PAra sa number 12: totoo yan, wika nga ng Robinson’s Family (Meet the Robinsons). -Epekto yan ng pagsasabi sa bata na ‘smart’ sha.
“Never tell your kids they are smart, they will be lazy.” – Gyeon-woo in “My Sassy girl.”

for #24: unahin mo kami sa listahan ha!

oo ba! basta libre board and lodging… hehehe! salamat sa pagdaan, mare! ;D

14. beer-O - Pebrero 11, 2008

really? so what are you gonna do? ang lungkot naman nun.😥

magdadasal na sana me anghel na kumalabit sa puso ng mga may ekstrang ticket sa concert… o kung wala na talaga… baka maghukay na lang ako ng tunnel mula sa banyo ng starbucks cubao… watta loser!

15. beer-O - Pebrero 11, 2008

haayz! sold out na pala lahat ng tickets.😦 ang tagal pa nga ng concert eh. bat naman kasi nagpahuli ka? yan tuloy…eh kung maghukay ka baka tapos na ang concert pagdating mo.😦 pero pray ka lang…mabait si God.😆

EWAN KO BA… DAMI NILANG FANS… HMP!!!

16. feth101 - Abril 14, 2008

bago lang po sa blog mo, at naaliw ako sa mga entries mo.comment ko lang po sa mga plano mong icover, about sa north Korea, interesadong intersado po ako dun.actually yung mga videos sa youtube about north Korea halos lahat napanood ko na. Nakakaawa sila,lalo na ang mas nakararaming north Koreans na nalunod na sa kanilang maling paniniwala sa gobyerno nila. if ever na magkaron ka po ng chance macover yun please post it here. And more power to you, your Blog and your career! Godspeed!

salamat feth!

di bale, pag natupad yun, buong WP makakaalam.🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: