jump to navigation

Dugyot General Hospital Pebrero 7, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, News Flash!, Story! Story!.
trackback

“Scoop ‘to! Scoop ‘to!”

Excited na pahayag ng Tito kong duktor sa telepono.

Maaga ako nakarating sa bahay. Boring na katapusan sa isang boring na araw, bukas pa kasi ang suweldo.

Parang batang nagsumbong ang Tito ko, with matching pangangatal pa nga ‘ata ang boses.  Tinanong niya kung alam ko raw ba ‘yung isyung kinasasangkutan ng isa sa mga ospital na pinagtatrabahuhan niya.

Hindi.

Ang patok sa balita ngayon eh ‘yung Monkey-Monkey-Anabel ng pamahalaan at ni Jun Lozada.

“‘Kuuu! Scoop ‘to! Yung channel (bleep) may ginawang katarantaduhan! Ikaw na ang magkuwento…”

Me naulinigan akong komosyon sa kabilang linya… nagpasahan. Umupo ako sa dining table at binuksan ‘yung take out kong spaghetti with chicken.

At narinig ko ang boses ng Tita ko na duktor din.

Mainit daw ngayon ang bali-balita tungkol sa expose sa isa sa mga ospital na pinagtatrabahuhan nila. Ang siste, pinababayaan daw ang mga sanggol sa kanilang dugyot daw na nursery.

Inilalagak sa kung saan-saan… Ginugutom…  Kinakawawa.

Lumabas daw ito sa balita kamakailan lang. As expected… marami ang nagreklamo.

Kanina, ipinaliwanag daw ng kanilang head ang totoong pangyayari:

May staff ng ospital daw na nakakita sa pagpasok ng naga-a la detective na taga-TV station sa ward. Nag-lock ng pinto, saka pinaglalalagay ‘yung mga beybi sa mga karton… sa sahig… etc.

Saka kinunan ng litrato… na siyang ipinalabas sa kanilang balita.

“Kayo ba, ganun ang ginagawa ninyo?”

Kung eksena ito sa Marimar malamang… puwede pa. Pero sa News and Public Affairs, kasalanang mortal ang pagdodrowing ng balita at aktuwal na pangyayari.

At ang batas ng kredibilidad na iyon ay sumasaklaw sa lahat ng mga nangangahas tumawag sa kanilang mga sarili na taga-media.

Pero me tanong ako:

Sa staff nung ospital, bakit nakita na niyang may nakapasok na talipandas sa isa sa mga ward, bakit hindi niya sinita?

Hindi ako masagot ng Tita ko. Paano’y kuwento lang naman daw sa kanila nung bossing nila… siyempre, hindi niya alam ang kabuuan ng pangyayari. Kumbaga, binibigyan lang daw nila ako ng scoop. Na-touched ako kahit hindi saklaw ng trabaho ko ang paghahanap ng balita.

Baka raw magsampa na ng kaso laban dun sa “nag-imbento” nung balita. Aba’y ilang araw pa lang mula nung lumabas ‘yun, mahigit dalawang milyong piso na raw ang lugi ng ospital nila. Malaking halaga, considering na sikat pa man din ‘yung ospital.

Nagpasalamat ako sa mga kamag-anak kong duktor. Ang sabi ko, kapag may magsasampa na ng pormal na reklamo mula sa kanilang pamunuan, saka nila i-tip sa akin… tapos sasabihin ko sa boss ko.

Babalitaan na lang daw nila ako ASAP.

Mga Puna»

1. koreanmine - Pebrero 8, 2008

honga, samting is wrong samwer sa story😀

inaabangan ko na lang ang susunod na kabanata…😀

and oh, ang sikaran ay iba sa pagsipa, ‘yun yung madalas mong makita sa pelikula na ginagawa ng bidang babae sa mga kontrabidang nakayapos sa kanila… parang tuhuran na hindi naman…

hmm… yun ang pagkakaalam ko ha, baka may grammarian na kumontra o magtama… di ako mao-offend…😀

2. Jim - Pebrero 8, 2008

hmmm… alam mo ba na nangyayari yan dito sa Australia. Mas magaling lang yata ang mga pinoy broadcasters natin pero dito minsan garapalan para magka-istorya. Well, halos wala naman kasi sa konti ng populasyon pero kapag nagkaroon kahit maliit–putok! pinakamalaki na balita yung kay Heath Ledger sa ngayon, well meron din yung corruption scandal sa Victoria at sex scandal ng mga katutubo dito atbp…😀 gusto mo punta dito??? eheheh!

ah talaga? papakuwento nga ako sa cameraman namin dati na nandyan na sa down under…

marami kasing mga taga-media na confused kung kelan magrere-enactment at hindi… o kung taga-production ba sila o news. masyadong nadadarang sa mga napapanood nilang pelikula, eh simpleng pagdokyu lang sa circus ng pamahalaan natin, dami mo nang mapipiga. yun nga lang, amboring kasi alam mong kaya lang sila nag-aaway-away kasi yung iba, hindi naka-kickback…

gusto kong pumunta dyan, sama ako dyan, mate!😀

3. foobarph - Pebrero 8, 2008

hmm… i guess official confirmation and proof is needed before we make it as a big issue. keep us posted. ^^

yeah, kaso ang kinagagalit nung admin ng ospital, ginawa nang isyu… oh well, ‘tever. abangan ang susunod na kabanata…

4. taroogs - Pebrero 8, 2008

minsan talaga sumusobra na yung network wars (di lang dito sa pinas). sa desire to “out-scoop” the competition, minsan nagsa-succumb na din sa temptation ng “staging” the news😦

walang pinagkaiba sa bumili ng gintong medalya na igagawad para sa sarili mo…

wak ka mag-alala ka taroogs… makakaasa ka, kahit sa akin lang… hindi ko gagawin ‘yan.😀

5. bebenibadoodles - Pebrero 15, 2008

Hay naku, patawa naman yung kung sino man yun na reporter. Kagustuhan magkaroon ng magandang expose igagawa na lang niya ang sarili niya ng scoop. Hay naku, kasuhan sana siya para matauhan.

wish ko lang… wala na ring nangyari eh, wala na akong nabalitaan😦

6. iris - Pebrero 22, 2008

hello lenggai, first time ko dito (galing WPP)🙂 nakakainis naman yung kwento. seriously, para sa inyong nasa news ang public affairs, how do you screen out what’s worth it and valid news? at everytime na makakarinig ako ng mga kwentong ganyan na may isang station na gumagawa lang ng balita kahit wala, nagiinit ang tenga ko🙂

salamat sa pagbisita!

nway, mahirap ding mag-screen kasi kahit sabihin na trustworthy ang source, may mga pumapalya… meaning, pagdating mo sa location, “drowing” lang pala yung kuwento. so tsambahan din lang, lalo na pag scoop. basta ang number one rule sa amin : “honesty is the best policy.”

gasgas na, pero it works, all the time.😀

7. Mix - Marso 11, 2008

Alam ko na ang channel (bleep) na tinutukoy mo… lumaki akong nakatutok sa istasyong yun… yun lang kasi ang malinaw sa probinsya, pero noong lumaki (tumaba) na ako at nagkaisip (nagpakadalubhasa) bihira na ako manuod ng mga palabas nila, pati kasi balita ay mukhang peke…

note: mabilis ako mag-reply ngayon dahil di ako makatulog at may wifi sa hotel na tinutuluyan ko…

nway, ako rin, lumaking nanonood sa istasyong iyon, sayang lang kasi matino naman sila dati… alang-alang sa ratings,nag-resort na sila sa tabloid journalism.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: