jump to navigation

This “Love” Pebrero 9, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Featuring: Ako!.
trackback

Ano’ng mali sa litratong ito?

 

FYI: ‘yan ang seat plan sa concert ng Maroon 5 sa March 5.

At hindi siya updated!!!

Ayon sa nakapaskil sa website, me BAKANTE pa sa P5250 na puwesto… pikit-mata ko na ngang iaalay ‘yung kinita ko sa raket ko, pamberday gip ko man lang sa sarili ko…

At nag-taxi pa ako papuntang Araneta niyan dahil gustong-gusto kong umabot sa bentahan ng tiket… Pagmukat-mukat mo, ‘yung mahigit sampung libo na lang daw ang available!!!

Hindi pa nakatutulong na ‘yung kahera sa ticket booth, suplada. Sabagay, sino bang maaaliw sa isang panatikong paulit-ulit na kinukumpirma kung totoo bang wala na talagang tiket? Para bang nagbabakasakaling sa pag-uulit-ulit ko eh bigla siyang bibigay at magsasabing: “Yari ka!”

Sabi naman ng guwardiya, pakitang-tao lang daw kaya hindi binabago ang presyo sa net. Gusto ko siyang pitikin paulit-ulit sa puti ng mga mata niya… anong alam niya di ba? Sabihin niya sa lecheng naga-update ng website nila, baguhin na ‘yung nasa net nang hindi na umaasa ‘yung mga tao… Para silang mga FX na me nakasabit pang karatula ng SM MRT gayong puno na ang sakay nila!

Sabihin niyo nang mababaw ako, pero naiyak talaga ako habang naglalakad sa Gateway.

Not since Eheads o Freestyle ako nangarir ng concert.  Iniisip ko nga kung ‘yung sa Incubus na lang ang puntahan ko, kaso mukha nang adik ‘yung bokalista nila… no offense sa mga Incubus fans, fan din naman ako eh.

Sana pala, nung unang basa ko pa lang ng ticket prices sa blog ni LilMiz, bumili na ako. Malay ko bang sobrang mabenta pala sila rito sa Pinas?

 

Sinubukan naming lunurin ni Kurokuro ang depression namin (iba ang reklamo of the day niya sa akin ha) sa isa sa mga inuman spots sa Timog.

Akala ko, siya ang malalasing. Obvious naman sa litrato kung sino ang me tama.

Hah! Nalasing dahil hindi nakakuha ng tiket sa Maroon 5… soooo high schooolll!!!

Friendships… baka naman may kilala kayong may Smart Infinity na account? May libre raw ‘yung mga ‘yun na sampung tig-4k na tickets… Handa akong magbayad… ng 4k.

Putris talaga… naging mabuting tao naman ako nitong mga nakaraang araw… wala akong sinirang pamilya o kinabukasan… bakit kung kelan andun na… ang lapit lapit lapit na…

Mga Puna»

1. Jon Cabron - Pebrero 9, 2008

isipin mo na lang meron ngang mga bata na hindi pa nakakakita ng kulay na maroon kse mga pinanganak silang bulag..
yung gagastusin mo dyan idonate mo sa simbahan o sa mga charity.. sus ang concert isang gabi lang yan.. ang pagtulong sa kapwa habambuhay mo dadalhin yan’

i’d settle for one night of bliss… tagal kong inaasam yan eh…😦

2. kurokuroko - Pebrero 9, 2008

i agree jon. sayang ang sampung libong piso. dapat itulong niya sam ga kaibigan niya. manlibre siya ng dinner. di ba?

kalabisan ang 10k na panlibre… ikaw ba si…

3. wei vines - Pebrero 10, 2008

tsk tsk. I told you before, mag ipon ka.😀

nag-ipon ako, pero hindi sapat para sa VIP tix… dapat naging maaga ako😦

4. wei vines - Pebrero 10, 2008

hehe ate..reporter ka… madali ka makakalusot ^^

yun lang… una, hindi ako reporter… pangalawa, sa laki kong ito, i doubt if makakalusot ako agad kahit gustuhin ko…😦

5. Jon Cabron - Pebrero 10, 2008

/ kuro
dinner at inom, tapos ang usapan.

ahmmm…

6. lilmiz - Pebrero 10, 2008

ang sad talaga😥 ako din wala na pag-asa.. nauna naubos yun lower box ate tapos hinold nila pagbenta ng upper (ewan ko bakit, weird) tapos bigla na lang ubos na pala pakshet! .. hmm, tama sila, libre mo na lang sa friends yang 4k sana na pambili mo hihi nakisali pa eh no😀

ahm. bibigay ko na lang sa simbahan, para mabiyayaan ako ng panginoon.

7. kurokuroko - Pebrero 10, 2008

jon cabron, opo ako po si…

na kaibigan ni…

hehe.

inuman tayong tatlo ni pinay brodkaster! libre niya!

…libre niya! – asa pa u!!!

8. lilmiz - Pebrero 11, 2008

te, pandagdag badtrip, ni-tag kita😀

hinahanap ko pa ‘yung kopya ko ng “Ratrat” dito sa bahay eh… Pero salamat…😀

9. Jon Cabron - Pebrero 11, 2008

yey sige… pagnakaluwag luwag’

whatever happened dun sa sabi mong…

10. earthlotus - Pebrero 11, 2008

gamitin ang impluwensya. hehe. ^_6 (amsama ko.. haha)

yun lang… BAWALLLLL!!!😦

11. gasti - Pebrero 11, 2008

grabe namang kamahalan ng ticket na yan..abangan mo na lang ulit sa susunod na balik dito.

kalokohan di ba? aabangan ko… may awa ang diyos…

12. fjordz - Pebrero 12, 2008

oo nga! ang mahal mahal naman ng ticket!! naku.. ibangko mo na lang ang pera mo hehehehe..

http://hiraya.co.nr

nagastos ko na.😦

13. thesocialcritic - Pebrero 13, 2008

gusto ko rin sanang pumunta. kaso ang mahal tlaga, doble pa sa incubus, na napakatagal na sa industriya. tsk tsk. antay na alng ako ng pirated. haha

add din po kita sa link ko.
btw, anong palabas nga po pla para naman mapanuod ko?

-Kris

kapuso mo, jessica soho, 8:30pm, bago mag-imbestigador🙂

14. beer-O - Pebrero 13, 2008

haaayyyzzz (buntong-hininga). napakamahal naman talaga ng ticket sa concert na yan!😦 nalulungkot talaga ako para sayo. better luck next time na lang siguro, ate lenggai!😆 i think it’s not the right time…

ito na ang takdang panahon… pero kung hindi talaga naaayon… baka may lugar at panahong ukol sa amin… sa amerika?😦

15. f i l l - Pebrero 13, 2008

adik naman talaga yung bokalista ng Incubus
kaya mas napili kong bumili ng tickets nila.🙂

salamat sa pagdaan!

hay, maroon 5…😦

16. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Marso 12, 2008

ayun lang… dapat hindi lang pitik. dapat sundutin ng karayom sa mata, ng paulit ulit. mas ok yun.

napatawad ko na siya, nakapanood na ako ng concert eh. hehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: