jump to navigation

Pasay Scandal Pebrero 12, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, News Flash!.
trackback

Don’t you just love us media people?

Parang kelan lang, gigil na gigil tayong lahat sa nakatutulig nang mga plug tungkol sa ratings war.

Noon ‘yun.

Ngayon, ang hit, ‘yung concert sa Pasay… ang singer, si Rodolfo Lozada, Jr.!

…at in fairview, magaling siyang kumanta!

Kanta siya ng kanta, sa lyrics na gasgas na gasgas na sa ating tenga: Corruption… Komisyon… Panggagantso… Blackmail…

Paulit-ulit ang tono! Daig pa ‘yung MYMP pagdating sa kawalan ng originality! Ang nakapagtataka, hindi tayo nagsasawa. ‘kandarugo na tenga natin, pero para naman tayong mga tangang NAKIKINIG lang.

Kaming mga nasa media, back-up vocals. At magaling din kaming gumawa ng ingay… panigurado kasi, kung hindi kami naki-duet sa concert ni Lozada, malamang naging parte na rin siya ng piping choir nina Bubby Dacer, Jonas Burgos at marami pang iba.

‘Eto pang isa… ‘yung laos nang mga punchline nung mga komedyante sa Senado! Ilang araw na rin akong sumusubaybay sa performance ng mga chuwariwap ni PGMA, at nakakapanikip ng dibdib ‘yung tigas ng mukha nilang magsinungaling!

Buti na lang, hindi ako isinumpang magkober dun sa hearing… mantakin niyo, kung reporter ka, uupo ka ng ilang oras dun, i-aanalyze mo kung ano’ng sense nung mga pa-intelektwal na tanong ng mga kumag sa Senado ke Lozada… eh pota! Paikot-ikot lang ‘yung mga pinagtatalunan nila! Iisa lang naman ‘yung point: nabuking si Abalos, sangkot si Gloria, and they just can’t make “Junie Boy” shadap!

Hanga rin ako sa stamina ni Lozada, daig pa naka-Extra Joss! Di ko siya masisisi kung iyakin siya, kung ako rin ang nasa lugar niya, maiiyak din ako sa sobrang bad trip ‘pag hindi ko masungalngal ‘yung mga nambabaligtad sa’kin… sabihin mo nang ‘pikon, talo.

Magno-nosebleed ka pa sa pangsasalsal sa facts ng mga alipores ni PGMA: sampol lang: ikatitino ba ng mga talipandas dyan sa gobyerno kung malaman namin ang diperensya sa kahulugan ng abduct at kidnap?

Sa totoo lang, nakakainsulto ‘yung mga ganitong moro-moro. Hindi na virgin ang lipunan natin sa ganyang mga isyu.  Ang nakakakaba… kapag naging intro ‘to para sa mas malakas na ingay: LRT? Glorietta? Manila Peninsula?

Wala akong kredibilidad para mag-isip ng aking sariling conspiracy theory… pero ang turo sa amin nung college sa PR at Crisis Management: ang tunog ng sipol, kayang lunurin ng trumpeta.

Pinagmumukha na tayong bobo ng mga payaso dyan sa Malacañan… at wala tayong magawa kungdi manood… at mag-blog.

Hanggang sa me pumutok na namang bagong eskandalo…

Hanggang sa me bago na naman tayong kababanasan…

So pa’no? Charge to experience na naman?

Mga Puna»

1. beer-O - Pebrero 12, 2008

hay naku. nakakapagod na talagang patulan ang mga isyu ngayon.😆 nakakainis na ring makita ang pagmumukha ni gloria sa TV. sa kabila ng mga isyung dinideny naman nya, di pa rin sya magkamayaw sa pagda-damage control. (natutunan ko rin yan sa PR class) ahehe.😆

wala naman talaga siyang ibang magagawa kungdi mag-damage control, kasi pag hindi, tuluyan nang “lulubog” ang barko niya… punumpuno na ng butas ‘yung administrasyon ngayon, at kasama tayo sa mga mallulunod… pero imbes na mag-abandon ship, umiiwas lang tayo sa “baha.” nakakapagod na ang isyu pero yun nga yung problema eh, napapagod lang tayo, what are we gonna do about it?

2. koreanmine - Pebrero 12, 2008

maxado naging part ng phil. politics ang ganyan, sinimulan ni chavit at mga open d envelop chuva, wen wil we ever learn b tlga, its always lyk, one scandal at a tym, pag may bagong pang frontpage isyu, ibang sayaw na nmn sa tugtog na remix lang…

pero may ask pla ko ms, lenggai😀 i hope u wont mind, naalala ko lang yung sa trans4mers, posible din b talaga na ang media ay isang manipulated news ekek lang, no parang sa bible chuva na we r only seeing wat d “lords” want us 2 see???

well, anything is possible. puwedeng may ibang nagpapakontrol, pero kargo de konsensya na nila yun.

lalo na’t hindi naman tayong lahat eh matyagang magkumpara ng mga balita sa lahat ng media, kaya nga napaka-influential ng TV, print at radio… may kapangyarihan ‘tong humubog ng public opinion. sa ngayon, binobombard na tayo ng “in-your-face” facts sa pangre-reyp ng gobyerno sa kaban ng bayan, it’s up to us how we would react. nakakalungkot lang kasi nagiging manhid na tayo sa mga ganitong panggagago.

3. beer-O - Pebrero 12, 2008

yeah. wala syang ibang magagawa kundi gawing tanga ang mga Pinoy at ipagpatuloy ang kanyang pagpapanggap. ganun na lang kasi sya kauhaw sa kapangyarihan.

yon nga eh. habang tinatakpan nya ang butas ng barko eh lalong dumadami. tama ka. mas apektado tayo sa paglubog ng barko nya.

mas makabubuti sigurong buksan natin ang ating isipan at wag magpabulag sa mga panloloko ng gobyerno. Makinaka! Makibaka!😆

hay… labanan na ‘yan!!!

4. wei vines - Pebrero 12, 2008

shocks… charge it to experience..all over again…?

Sukang suka na ko sa carnibal na yan…

Taena..may araw din sila…pero kelan nga naman?

pag may na label na naman as missing?
pag may nabalitaan tayong binaril na lang dyan?

hayy ewan… i think i need to smoke…again.

hindi tayo natututo… tayong lahat.

5. Jon Cabron - Pebrero 12, 2008

basta ako, hanggat wala pa kong nakikitang mas matino na ipapalit sa nakaupo e mananahimik na lang muna ako. dahil naniniwala ako na madalas, kung wala rin lang akong maitutulong.. mas mabuting manahimik na lang ako at wag ng makigulo.

alam kong pangit na attitude yung isipin mong wala kang maitutulong sa problemang to… pero sa akin lang, mas mabuti siguro na umupo muna sa isang tabi… pagisipan ng mabuti ang hakbang, para pag sugod.. sigurado na’ mas di hamak na maganda kesa sa nangyayari ngayon na lahat gustong maunang umaksyon, kanya kanyang taktika kaya rambol rambol na.

pangit din na lagi na lang ang choice natin e lesser evil, hindi na tayo nagkaron ng pagpipilian na maayos talaga, .. ano gagawin natin, puro tayo ipinanganak na walang pagkakuntento sa buhay.

kung bibigyan tayo ng pagkakataon na iupo si kristo sa malakanyang ng hindi nya gagamitin yung super power nya… pupusta ako, marami pa ring pupunta sa edsa para magrally. at hindi ako magtataka kung may maglilitanya ng “aanhin namin si kristo sa gobyerno kung hindi nya naman magagamit ang magic nya”

.. at minsan naiisip ko, hindi kaya itong mga taong to kung babali baliktarin natin, natutuwa pa sila sa nangyayari sa gobyerno natin… dahil nagkakaron sila ng mapagbubuntunan ng sisi sa kahirapang nangyayari sa kanila dahil sa katamaran nila at dahil nabubusog ang mga matatakaw sa atensyon dahil napapansin sila tuwing babatikusin nila ang gobyerno.

at sa huli, wag nyo kong pakialaman, opinyon ko to’

hmm… may point ka, jon…

ang sa akin naman, kung wala tayong choice ngayon, let’s settle dun sa gago, panong gagawin natin ngayong alam na ng lahat kung gaano siya kasama? bayaan muna dahil wala pang santo na maipapalit. pabor din naman ako sa pagiging calculated muna ng actions natin para walang sablay, pero nakakainis dahil lagi na lang walang maipapalit, walang matinong gustong mag-take ng risk para linisin ‘yung mga bugok at bulok sa gobyerno. hanggang kelan na lang tayo magpapasensya?

maganda ang pananaw mo, sana lang may makinig sa atin🙂

6. kengkay - Pebrero 12, 2008

ano yan? hindi ko sya ma gets — hilong talilong na ako… kita kits tayo ha! hugs to you for valentines, girl!

naku te kenks, magulo… magulong-magulo… you’ll find out pagdating niyo dine… ingat!😀

7. Fau Rafili - Pebrero 13, 2008

susme…

?

8. foobarph - Pebrero 13, 2008

“Lord, please rest your worthy servant…”

– prayer ni Inday habang tinititigan ang picture ni Lozada

amen.

9. ladyracer - Pebrero 13, 2008

cool ka lang ha… parang nagshoot up na ang blood pressure mo habang ginagawa ang entry na ito hehe

sino ba naman kasi ang hindi maiirita sa mga buwakananginang mga hinayupak na…. hmp!

10. paolomendoza - Pebrero 14, 2008

mainit nanaman ang ulo ni lenggai.. valentines na kasi.

jowk😛

gaya ng sabi ko… ang araw na ito ay produkto ng komersyalismo.

11. Holy Kamote - Pebrero 15, 2008

Paikot-ikot lang ‘yung mga pinagtatalunan nila! Iisa lang naman ‘yung point: nabuking si Abalos, sangkot si Gloria, and they just can’t make “Junie Boy” shadap!

tumpak. wapak!

still… wala namang mangyayari…

12. Jim - Pebrero 15, 2008

you hit the spot. problema kasi, regular routine na natin ang magsiraan at ang umusad ay wala sa plano natin… kung tao lang ang buong bansa, parang schizophrenic na mahirap gamutin… ewan… but you hit the spot!🙂

korak! pero wala na talagang mangyayari… puro mga hunghang ang nakapuwesto eh, wala namang better choice…

13. bebenibadoodles - Pebrero 15, 2008

And if i may add: somewhere from out of the blue either may sasabog na na building o kaya naman magkakaroon ng bomb scare. All part of their desparate tactic to hide the truth. They are just masking the problem pero in the end they don’t get to solve anything. Kahabag habag naman si Juan Dela Cruz.

why do i get this weird feeling na pagkatapos ng lahat ng drama na ito, wala ring mangyayari?

14. taroogs - Pebrero 15, 2008

kahit yung senate hearing ay meron ding showbiz moments! mantakin mo ba namang ungkatin pa nina Jamby at Bong ang sexuality ni Neri? anukayayun? me kinalaman ba yun sa isyu? charing talaga yung dalawang yun😦

ang “bibrilliant” kasi ng mga loko… hmp!

15. garvanguelle - Pebrero 15, 2008

Nakakahilo talaga ang mga isyung politikal na hinaharap ng Inang Bayan ngayon.

“Hanga rin ako sa stamina ni Lozada, daig pa naka-Extra Joss! Di ko siya masisisi kung iyakin siya, kung ako rin ang nasa lugar niya, maiiyak din ako sa sobrang bad trip ‘pag hindi ko masungalngal ‘yung mga nambabaligtad sa’kin… sabihin mo nang ‘pikon, talo.”

hahahaha!!! sang-ayon ako sayo, buong araw ka ba naman paulit-ulit na kwestiyonin ng sambayanang senado. Magaling talaga kumanta si Lozada at kumbaga sa videoke ay 90+ na ang score niya sa kanyang mga birit.]

nakakatulig na rin ang paulit-ulit na telecast… la namang mangyayari.

salamat sa pagdaan!

16. tapsiboy - Pebrero 17, 2008

Mafia.

Mafia-style.

GODFATHER.

Ang style ni baby boy mike.

Anyways, I hate the two Mikes.

Yung isa si bingot. At yung isa si bondying.

Si bingot ang taga-pangalaga sa kabalbalan ni bondying.

Kung ako kay Lozada, hinamon na lang nya ng suntukan ang mga yon.

Lenggai, Tama ba yung nakita ko last night sa Jessica Soho? Yung friendster mo?🙂

hehe. nakita mo pa yun? mabilis lang, syempre segment ko, kelangan nandun friendster ko, lol!

17. tapsiboy - Pebrero 18, 2008

Syempre, kapuso eh.

*kalabog dibdib sabay turo*

hahaha! natawa naman ako dun!😀

18. batang buotan - Pebrero 20, 2008

Kinabagan na nga ako sa daldal ng Lozada at ng mga senador na yan. Pero sabi nila yan daw ang kagandahan ng ating bansa dahil buhay na buhay ang demokrasya. Nakakatakot no? Magdasal na lang ako. Ewan.

kalokohan naman yang demokrasya na rason na yan!!! masyado namang naaabuso yang rason na yan. nway, salamat sa pagdaan.😀

19. phuongnana - Marso 11, 2008

This post is very hoting, and this blog is high ranked in
the top blogs report
. You can
earn some money with a good blog
like this.

feeling ko spam ka, pero dahil nakakadagdag ka ng kulay sa sidebar ko, inaprub na kita… “hoting”… wattafu….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: