jump to navigation

Almost Babay Pebrero 20, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

Pangunahing tungkulin ko bilang Segment Producer ay ang mag-interbyu.

Nakakatulong din na mula pagkabata, likas na ‘kong matanong… at kapag trip kitang kausap, parang naka-Energizer ang panga’t bunganga ko pagdating sa daldalan.

At isa sa mga classic at pinakamemorable kong interbyu eh noong 2006, ika-100 na kaarawan ni Doña Mary, nanay ni Erap.

Ang segment ko noon, tungkol sa mga taong nasa 100 years old na pataas.

Kagulo sa labas ng mansyon nina Erap. Nakakulong pa siya noon kaya masarap pa siyang pigaan ng interbyu tungkol sa mga isyu ng pulitika… pero hindi tungkol sa poot niya ke Gloria ang tanong ko. Something related siyempre sa 100 year-old niyang nanay.

Nang humupa na ang komosyon at halos naitanong na ng lahat ang puwedeng itanong, papasok na sa bahay nila si Erap.

Nag-panic ako.

Baka kako hindi makakuha ng exclusive interview ang boss ko na nasa location din, baka hindi ko makuha ‘yung sound bit na kelangan ko sa istorya.

Bahala na.

Nasa bandang likod ako ng pulutong na nakapalibot sa kanya pero ang motto ko: it’s now or never… pagkapihit ni Erap sa pinto, wala akong dalang mic kaya sumigaw ako:

“Sir! Sir! Gusto niyo po bang umabot ng 100 years old?”

Katahimikan. Mga 5 seconds.

May narinig akong parang suminga — nagpigil pala ng tawa. Sabi ng cameraman ko, napalinga raw noon si Erap:

“Ano ‘yun?” sabi niya. Sabay iling at pasok sa loob ng bahay.

Pulang-pula ako nun. Tawanan ‘yung mga nasa paligid. Hindi pa nakatulong na naka-Live ‘yung coverage sa TV at dinig sa opisina ‘yung ligaw na banat ko. Pagbalik ko pa sa puwesto ni bossing, nire-re-enact nung researcher at co-SP ko nun ‘yung mga pangyayari…

“Walang nakakatawa.” pikang-pika na sabi ko. Saka lang sila natameme.

Isa pang remarkable na panayam… sa isang starlet.

Sa kalagitnaan ng interbyu, nadiskubre kong isa pala siya sa mga notoryus sa pakikipagsabunutan sa Embassy, ‘yung bar na dinarayo ng mga artista’t feeling sikat. 

Tanda ko pa ‘yung eksena niya sa balita: ke ganda-gandang babae, nakikipagsapakan sa kapwa niya sexy na bebot. Natawa ako sa naalala ko.

Seryoso na pinag-uusapan namin sa interbyu, pero abot-tenga pa rin ang ngiti ko. Tuloy pa rin siya sa pagdaldal bagama’t dama ko, nawiwirduhan na siya sa nanginginig kong balikat… at hindi ko na mapigilan: humagalpak na ako.

Humingi ako ng dispensa dun sa starlet. Mga tatlong minuto rin akong hindi makausap ng matino.

Binatukan ako ng marahan ng cameraman ko.

Simple lang ang turo sa amin, sa mga interbyu… keep it short and sweet. Magaling ka raw kung kuha mo na ‘yung gusto mong sagot sa loob ng limang tanong.

Pero lumalagpas ako. At ang lagi kong intro sa mga taong kinakabahan sa lenteng nakatutok sa kanila: ‘wag niyo po masyadong pansinin ‘yung camera, kuwentuhan lang po tayo.

Minsan nakaka-encounter ako ng mga taong 100 years bago matumbok ‘yung punto ng sagot nila.

Tulad nitong pinuno ng isang sikat na eskuwelahan… Pakiramdam ‘ata niya, habang humahaba ang sagot niya, lalo siyang tumatalino.

Eh puyat ako nung araw na ‘yon. Tapos ang monotonous pa ng boses niya. Parang drone.

Kinukurot-kurot ko na ng patago ang sarili ko… pilit pinapadaloy ang dugo sa mga ugat ng kamay ko… pero sa kalagitnaan ng usapan, bigla na lang nagdilim ang paligid.

Mga 2 segundo… napapikit ako’t wari’y nawalan ng panimbang ang ulo ko. Sadyang manhid lang siguro iniinterbyu ko dahil tuloy pa rin siya sa pagmomonologo.

Nagkamalay ako… umayos ako ng upo’t umubo.

Napagtanto kong may mga panahon talagang hindi ako puwedeng magsulat. Dapat ireserba ang ibang mga saloobin ko sa mga taong kabisado na ang likaw ng bituka ko.

At gaya nang sa isang panayam, masarap makiusyoso sa mundo ng mga nagba-blog… marami akong natututunan sa mga “kausap” ko rito at malamang, sa mga makikilala ko, may isa o dalawa na magiging concerned pa rin sa akin kahit walang DSL.

Sa mga panahong natutukso akong burahin ‘to… at lahat ng mga matatamis at mapapait na bunga ng nilay-nilay ko… may kislot ng damdamin na pumipigil sa akin.

Tulad ngayon.

Tara… kuwentuhan na lang tayo!

Mga Puna»

1. Jim - Pebrero 20, 2008

haay naku, naalala ko nang bagito pa ako na correspondent (para sa Inquirer pa noon). eleksyon, forum ng mga ‘who’s who’ ng eleksyon–pulis, comelec atbp. then pagkakataon ko nang magtanong–sobra ako, na-engross sa talakayan.. ayun, nalimutan ko ang tanong ko, in live regional radio–DEAD AIR–“ahhh… nalimutan ko tanong ko, pass muna” isang matunog na hagalpakan sa studio… shame on me, bigla tago ko ang press badge ko–wahahahah!😀

hnyahahaha!!! sa mga ganyang pagkakataon, parang gusto mong lamukusin ‘yung media ID mo sa hiya no? inquirer ka pala dati. lam mo, pangarap kong mapasok dyan dati, nung bagong gradweyt ako, kaso di talaga naaayon, hehe!

2. gasti - Pebrero 20, 2008

ahh kaya naman pala almost babay ang title mo..nakakatawa nga siguro yung banat mo kay erap…parang naimagine ko itsura nya..hehe! masarap siguro kakwentuhan yun para kasing laging lasing.

exciting talaga yang work mo..parang gusto ko na rin pumasok sa media kaya lang wala naman akong background dyan. kaya makikibasa na lang ako ng mga experiences mo😀

maraming salamat naman sa pagbabasa, manong gasti… astig!!!! hehehe!

3. beer-O - Pebrero 20, 2008

haha😆 di ko ma-imagine ang facial expression ni Erap that time. pero okay lang yan. lahat naman tayo eh may sariling bloopers…

nakakarelate ako sa istoryang to…gradweyt din kasi ako ng comm arts (kahit di halata)…kaya yon, araw-araw akong naglilibot nung intern ako para makasagap ng balita (kahit di newsworthy) at mag-intrebyu sa iba’t-ibang klase ng tao. may ininterbyu akong official sa isang government agency…may naitanong din akong medyo awkward…tinawanan ko na lang….

marami pa sa susunod, pero hindi ko sila kinakahiya!!!! lol!!!

4. foobarph - Pebrero 20, 2008

ako pinaka memorable interview ko……. pag…….. interview mo ako. hahaha!

5. koreanmine - Pebrero 20, 2008

tulad ng lagi q nasasabi sa koment q sau😀 sadyang makuley ang iyong buhey😀
at asteeg ang banat mu kay erap, buti di ka cnagot ng no arithmetic sa intv.!😀

**ay sana nga, wak ka nmn mag babay sa blog, kc napagmalaki q na sa mga frenships q na may kakilala ako (feeling close😀 ) na kapuso na nagba blog😀

eh kasi naman… mahabang istorya. eh nandito pa naman ako, sus…😀

6. watusiboy - Pebrero 21, 2008

haha. natatawa ako sa kwento mo sa starlet. buti napigilan mo yung tawa mo. ako pag ganun, hindi ko talaga mapipigil. feeling ko kasi sasabog ako pag pinigil ko.

ahm, hindi ko po napigilan, kakahiya nga… slight. pero ok lang, she got over it. hehe. salamat sa pagdaan!

7. charlee2005 - Pebrero 21, 2008

Maraming salamat sa iyong pagbisita sa aking bagong bukas na tahanan…

Kaya di ako nanonood ng mga showbiz talk shows kc ang layo layo ng tanong sa mga sagot nila…

buti na lang hindi ako nagtratrabaho sa showbiz talk show…😀

8. camilleeee - Pebrero 21, 2008

😀 hehe ok lang nmn sguro magkaron ng bloopers. lahat tayo merong ganung moments eh.

feeling sikat yung pinuno ng skul habang iniinterbyu. di kaya?

feeling nya nasa talk show sya… at sya ang host😦

9. kengkay - Pebrero 21, 2008

hi der pader – eto cell number ko 0917-6015-788

ipinopost ko ito para sa lahat ng nais kumontak sa’yo! welkam to da pilipins, te kenks!!!

10. lilmiz - Pebrero 21, 2008

waaa wag mo burahin! ahehe.. buti may pasensya ka sa pagiinterbyu lalo na sa mga taong walang kwenta sumagot hahaha.. ako, pag may nonsense na kausap ay wino-walkoutan ko hehehe😛

ahm. hindi ko kasi pwedeng walkoutan kahit kurtang-kurta na utak ko sa kausap ko… wa-wakoutan din kasi ako ng trabaho ko pag nagkataon… hehehe!

11. foobarph - Pebrero 22, 2008

tatlong tuldok lang reply mo sa akin? sama… hmpf!

eh kasi naman… nung gusto mong sabihin ko?

“…cornyyyyyyyy…..”

lol!!!

peace!

salamat sa pagdaan😀

12. wei vines - Pebrero 22, 2008

ahahahah! ang saya naman nun😀 parang gusto ko tuloy makakita ng reporter na inaantopk habang iniinterbyu yung mga nagliligaw ng sagot😉

on cam? ahm. malabo.😀

13. angel - Pebrero 23, 2008

wag ka namang mag gudbye.. nag eenjoy ako sa mga entries mo dito eh.. hehehe.. natawa ako dun sa napagtawanan mong girl sa embassy.. hahaha..

salamat!🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: