jump to navigation

Madyik (2) Pebrero 25, 2008

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

Magkakaiba tayo ng konsepto ng magic.

Nung bata ako, ito ‘yung mga gimik na me kakayahang magpanganga sa akin sa mga berday party.

Nung di pa ako nagde-debut, ito ‘yung nararamdaman ko sa tuwing nginingitian ako ng kras ko.

Ngayon namang nagtatrabaho na ako, ito ‘yung kailangan ko kapag malapit na akong umere at hindi pa nabubuo ang istorya ko.

Para sa isang tao na hanggang ngayo’y bumubulong pa rin ng “Starlight, starbright, first star I see tonight…” sa unang bituing makikita niya sa gabi… hindi na nakapagtatakang hanapan ko pa rin ng magic ang tunay na buhay.

At hindi rin naman siguro masama kung hanapin ko rin ito sa blog.

Maraming nagsasabi, makulay na ang mundo ko as it is.

Nasa industriya ako na punumpuno ng salamangka… literally and figuratively.

Kung minsan, dumarating ang panahon na nagiging common na lang ‘yung mga tao o bagay na nakakamangha noong wala ka pa sa TV: makabeso-beso sa artista… makapanood ng shooting… mahagip ng camera sa TV.

‘Yung mga ganun… kapag nakasanayan mo na, nawawalan na ng “kinang” kapag naranasan mo ulit.

Meron pa akong isa pang hilig… pagbabasa. May mga tao kasing parang magician kung humabi ng salita. May utak na, nakakaaliw pa.

At nang matutunan ko ang pagba-blog, me pangarap akong makamtan ‘yung hiwaga na ‘yun. Plano ko pa nga nung una, hindi ako magpapaskil ng litrato ko. Pampatakam lang. Meron kasing mga tao… Kapag nakilala ka na, tipong: “Uy Lenggai! Gusto ko ‘yung sinusulat mo! Kaso ordinaryo ka lang pala sa personal… papayat ka kaya?”

(***Wala pa namang nangangahas na lumapastangan sa akin nang ganun, sampol eksena lang naman… Pero nasusundan niyo ‘yung gusto kong sabihin?)

Sa huli, hindi ko na rin napanindigan ‘yung mysterious image… at sa totoo lang, kapag nailadlad mo na ang sarili mo sa madla, pakiramdam mo’y parang may nag-iba.

Bukod siguro sa tuluyan na akong nawalan ng kredibilidad na magpanggap na maputi’t tsinita… madali na akong ma-ispatan kapag umeekstra ako sa mga pagsasadula ng programa namin.

Pero seryoso… tanggalin mo ‘yung pagiging empleyado ko sa network, tapos ikulong mo ako sa bahay, bawasan mo ‘yung mga salitang bakla na alam ko, magkita tayo sa araw na tinitigyawat ako’t hindi ako nag-blower ng buhok… tapos ang matitira lang eh ‘yung pagiging likas kong pilosopo… maging pareho pa rin kaya ang lahat?

Ewan ko ba. Nahihirapan akong magpaliwanag.

Buong araw ko nang sinusulat ang entry na ito… madaling araw nang madiskubre ko na kung bakit ako nahihirapan.

Kailangan ko ng magic… iyong isang sandaling makakapagpamangha sa akin.

Hindi naman ako humihingi ng milagro eh, kailangan ko lang ulit matutong magtiwala…

…at manalig na may nakaririnig ng mga bulong ko sa bituin.

Mga Puna»

1. galadriel - Pebrero 26, 2008

di pala ako nag-iisa. bumubulong din ako ng “starlight, starbright …” sa una kong makitang bituin tuwing gabi. e ang tanda ko na kaya.

madyik nga ang pagba-blog. madyik din ang makabasa ng magandang blog at makita ang nasasaloob ng isang tao. ang galing mo na nga palang sumulat!

maraming salamat! napangiti naman ako run… at naiyak. lecheng Sandwich to, rakenrol ‘yung kanta pero naiyak ako… i’m so weirrrddd…

pero salamat sa pagpapangiti sa akin. madyik nga, gumanda araw ko.😀

2. Jon Cabron - Pebrero 26, 2008

gusto ko lang sabihin na ang mahika ay kathang isip lamang

secret blogger
from saudi arabia

makontra.

3. koreanmine - Pebrero 26, 2008

Hindi naman ako humihingi ng milagro eh, kailangan ko lang ulit matutong magtiwala…

…at manalig na may nakaririnig ng mga bulong ko sa bituin.

<<< so inde magic ang kailangan mo, kundi trust & faith.. mas okay yun, kc pag yan, di mo na kailangan i rationalyz pag nakita mo, unlyk sa magic …
yun nga lang, sa panahon ngayon, mas madali pa maniwala sa magic..

so d real magic is, kung despyt sa katotohanang yun, ay magkaroon ka p din ng paniniwala at pananalig sa sitwasyong imposibleng magkaroon….. (gulo?😀 )

“oic…”

— sagot ng kunwari naka-gets… hehehe!

4. pusa - Pebrero 26, 2008

lenggai ang magic ay nasa puso mo! echos🙂
uy it was really nice meeting you, pinasakit mo ang panga ko kakatawa, pwede … panalo ka gurl😉

ahm… pero most of the time, seryoso ako…. :-s hehehe! nice meeting you too, kaw naman! mukha akong adik sa EB pic natin!!! nyahahaha!

5. wei vines - Pebrero 26, 2008

stress ka.

nah. tao ako.

…at korni. shet. stressed nga ako.😦

6. Maldito - Pebrero 26, 2008

you can find magic in all the things you do…if you just believe in the power of it..

anyhow, anyway………..wish i may….wish i might..

amen!😉

7. foobarph - Pebrero 26, 2008

crush ata kita. ^_^

ampft! may pagduruda pa!!! lol!!!

8. bursky - Pebrero 26, 2008

mukhang same spirit tayo, ateng…🙂 tuloy lang ang pagbulong sa bituin.

oo nga eh. masarap kasi na kahit papaano, meron kang pagbabatuhan ng mga pangarap mo… lalo na kapag hindi pa natutupad…😀

9. angel - Pebrero 26, 2008

Ako din hanggang ngayon naniniwala pa rin sa Magic..

nakaaaliw naman yung mga entries mo ate Lenggai eh.. Aliw na aliw akong basahin,kaya nga nakakaexcite kapag may bago kang sinusulat dito sa blog mo😀

yan ang madyik… hehehe!

salamat ha… nakakataba ng puso.😀

10. tapsiboy - Pebrero 27, 2008

people change…

pag may umalipusta sa akin, yaan ko lang. Trip nya yun e.

Pag tinarakan ko sya ng bolpen sa leeg, hayaan din nya ako, trip ko yun e.
🙂

nyahaha!!! gusto ko yang pilosopiyang yan, magamit nga one time, lol!!!

11. gasti - Pebrero 27, 2008

para sakin ang magic ay kapag nakipagngitian sakin ang crush ko sabay hampas hampas sa katawan ko..sa blog naman hmmm.. exciting nga ang pagtatago ng identity.

hindi ko na siya kayang panindigan paaaaa…😦

12. camilleeee - Pebrero 28, 2008

‘magic’ naba yung maka ilang beses mo basahin ang isang entry? at napapangiti ka habang binabasa mo ito? 😉

maraming salamat cams! nawala ang back pains ko… lol😀

13. thesocialcritic - Marso 1, 2008

si madam jk lang katapat mo. haha

ahm. sino si madam jk?!

14. fjordz - Marso 1, 2008

magic.. magic.. magic…
kahit hindi naman talaga nangyayari… o hindi naman talaga totoo…
naniniwala pa rin tayo.. umaasa.. na sana.. magkamagic…
sana nga magkamagic…
kailangan ko rin bang bumulong sa star kapag hiniling ko ito? hehehe..

http://hiraya.co.nr

aba’y depende sa paniniwala mo ‘yan, iho…😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: