jump to navigation

Kalandian! Marso 2, 2008

Posted by Lenggai in Coverage, Featuring: Ako!, Lipad-isip, Story! Story!.
trackback

Huwebes noon and it’s way past my deadline.

Imbes na umuwi ng Maynila, nagpa-extend kami sa Palawan. Kinakailangan pa kasi naming umakyat sa bundok at sumama sa panghuhuli ng case study namin ng porcupine.

Putris! Halos walong oras kaming akyat-manaog at pagulong-gulong sa madulas at matarik na bundok para lang sa matinik na dagang ‘yun!

…at doon sa masukal na gubat ng Aborlan ko siya lubusang nakilala. Parang magnet na naintriga matapos niyang malaman na dalawang taon lang ang tanda niya sa akin.

5’6″ daw siya pero hindi ako naniniwala. Naka-tsinelas ako at sa tantya ko, mas matangkad ako sa kanya ng mga dalawang pulgada. Mas maputi siya sa akin pero ang una kong napansin eh ‘yung kanyang mga mata. Nangungusap.

Anim kaming magkakasama at ako lang ang babae. Tumatawid kami ng ilog at nahuhuli ako. Pakiramdam ko’y para akong sakong pabigat sa kanila nung mga oras na iyon, pero kahit natutukso na akong magpaiwan at matulog na lang sa isa sa mga kubong nadaanan namin, hindi maaari.

Bayad ang adventure ko.

Nung muntik na akong mag-somersault sa bangin, saka siya dumikit sa akin. Siya ang naging tagahatak ko ng baging na ginawa kong pang-rappel. Siya ang naging bodyguard ko sakaling madulas ako’t mag-short cut ulit pababa. Siya ang nagsilbing guide ko dahil wala akong sense of direction.

Makuwento siya. Mahilig din daw sa gala at kapag walang magawa, sumasama raw siya sa mga katutubong mamundok. For experience lang daw sabi niya dahil hindi naman niya magagawa iyon kung siya lang.

Mapagbiro rin siya, at karamihan sa mga hirit niya, tungkol sa figure ko. Wala naman akong problema sa mga taong pumapansin sa hubog ko, pero dahil hindi pa kami close, nagugulat ako sa kapangahasan niya. 

Nung una hindi ko pa pinapatulan, pero bandang huli hiniritan ko na rin siya tungkol sa kanyang height. Kung inaakala niyo’y natameme na siya, eh hindi… lalo pa ngang naaliw.

Kung siguro’y may tinatawag na wrong timing sa pagpapa-kyut, iyon na ‘yung mga oras na ‘yun.

Lantad na lantad ang pagiging lampa ko sa mga madudulas na daanan. Wala ring nakakabilib sa pagiging hingalin ko at makupad sa akyatan. Hindi rin kaaya-ayang pagmasdan ang babad sa pawis at tubig-ulan kong buhok, idagdag mo pa ang nanggigitata kong katawan na balot sa galos at putik.

Pero iyon daw ang nagustuhan niya.

Alam daw kasi niyang hindi sa lahat ng pagkakataon, ganun ang porma ko. Natawa ako.

Sabi ko lang, limang taon na akong nagtatrabaho sa TV at hindi ako madaling ma-impress sa mga bolero. Pero hindi raw siya nagpapalipad-hangin… gusto nga raw niya ‘yung pagiging totoo ng sitwasyon.

Kung hindi lang siguro siya nakatira sa dulo ng Luzon, at kung hindi lang siya mapag-iiwanan pag nagtakong na ako… masarap isiping may future ang pagiging buddy namin.

Sa tingin ko lang, kahit totohanin pa niya ang pangakong araw-araw na pagtetext, hindi iyon sapat para maging totoo ang anumang sitwasyong mabubuo namin.

Text niya sa akin pagka-ere ng segment:

“…salamat dn po ng marami dhil dun nkilala kita… Magaan lng loob ko sau kaya nagawa kta asarin, birobiruin nun hbang naglalakad tau pauwi… Cnsya n ha,”

Sabi ko ok lang, walang problema.

Pagkatapos nun, kahit meron pa… alam kong para sa akin, wala na.

Mga Puna»

1. Fau Rafili - Marso 3, 2008

waaaaaaaaaaah! bat naman para sayo wala na… sayang ang miles nya hahahah!

eh kasi, unang-una, malayo siya… pangalawa, masyado siyang mabola, pakiramdam ko, naaaliw lang siya sa pagiging kyut at lampang prodyuser ko sa bundok… pangatlo… masyado na ba akong nagiging judgmental?😦

2. wei vines - Marso 3, 2008

uyyy si ate… may fans..😀

haaaayyyysss…

3. kurokuroko - Marso 3, 2008

nakanaman. nakanamp***a. nakanangnanaymo.

may lovelife na ang kaibigan ko!!!

haha. pano na iyng tinetext mo rito? te kengk’s…

ahm. basahin mong mabuti ang ending…

4. gasti - Marso 3, 2008

ayiiii! perstaym ko makabasa ng lablayp mo dito bukod sa inyo ni jon..ahehe!

wag ka magsalita ng tapos..baka bumigay ka rin sa susunod na pag akyat ng bundok..

pero may asawa na si jon?!!!!

josme… kung bibigay na rin lang ako, sisiguraduhin kong hindi sa masukal, maputik at makating lugar… hehehe!

5. Jon Cabron - Marso 3, 2008

ambaduy nya magtext.

taga-palawan siya, mjc… nagtext siya, check mo fone mo…

6. MisyeL - Marso 3, 2008

uyy kilig naman ako sa post mo, pero tama ka naman mahirap talaga yung magkalayo at di sapat yung text lang. hayyy, may naiisip tuloy ako.

naks me naalala! buti ka pa me aalalahanin…😀

7. brokenman - Marso 3, 2008

hmm…you don’t want to give it a try? well…don’t worry, the right man will come at the right time….God bless kapuso!

perhaps, not with that guy.🙂

thanks for droppin’ by, lex! hope you’ll always be well😀

8. camilleeee - Marso 4, 2008

uyy.. ako din kinilig. hehe

malay mo, di mo na kailangan umakyat ulit dun. gagawin nya lahat mapalapit lang sya sa u. 😉

haaayyysss…

9. ludwig02 - Marso 10, 2008

iha! pagod lang yan…🙂

so kapag ba nakapagpahinga na ako, ibig sabihin ba nun, mamahalin ko na siya?😦

nagtatanong la-ang… pero alam naman nating lahat ang sagot.😀

10. ludwig02 - Marso 18, 2008

no comment kasi pagod narin ako sa usapang ganyan eh…yong mga love story nakakasawa na.gusto ko naman ng maaksyon na mga tagpo.where you from nga pala?i ask lang po hehehe😉

sa sentro ng pilipinas… sa matrapik at maluwag na bayan ng…. novaliches!😀

11. ludwig02 - Marso 19, 2008

ah really?!taga nova ka?ako naman e taga UP CAMPUS DILIMAN Q.C.at dito rin ako nagwowork.pero my home town is STA.ROSA,LAGUNA and my real name is LUDWIG VAN PASCUA.my email add.ludwigvanpascua@yahoo.com ito rin ang gamit kong account name sa friendster kaya kung may time ka pwede mo kong silipin sa friendster kahit isang saglit.oh ayan ha lahat sinabi ko na sayo ang tungkol sa akin.at kung mamarapatin mo ay nais ko ring malaman kahit kapiraso ang tungkol sa iyong buhay.uy!teka holy week na.san nanaman ba gagala ang PINAY BRODKASTER?ako e uuwi sa aking bayang sinilangan upang magbalik tanaw sa aking kamusmusan sa kabundukan ng Shierra Madre.ingat ka lagi ha!….GOD BLESS YOU ALWAYS and ONE BIG HUG FOR YOU ;)pasensya na ganito lang talaga ako magmahal ng isang kaibigan medyo corney.salamat ng marami!….🙂

ah talaga? guro ka?

12. Hotness « ANG PINAY BRODKASTER - Mayo 17, 2008

[…] Hotness Naaalala niyo pa siya? […]

13. aKDa - Mayo 23, 2008

ayan, naalala ko na, este, ngayon ko lang pala to nabasa. hehehe. ^_^


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: