jump to navigation

SRO Marso 5, 2008

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

Mula umaga hanggang bago mag-alas-otso ng gabi… Hindi ako masyadong magdadadaldal.

Hangga’t maaari, kung kinakailangan kong magtrabaho’t mag-interbyu ng kung sino-sino, ang gagamitin kong tono ng pananalita eh ‘yung pang-nagbebenta ng dried mangoes sa fastfood… malumanay at pabulong.

Kailangan ko kasing ireserba ang boses ko… pakiramdam ko’y mapapalaban ang vocal chords ko mamaya.

Pinapalitan ko na nga pala ‘yung 100 USD na natira sa per diem ko nung nag-Mexico kami. Wala na akong choice, hindi ko na puwedeng asahan na babagsak ang ekonomiya ngayong umaga at magiging P50+ ulit ang palitan… nagastos ko na rin ‘yung contingency ko sa mga bote-boteng alak na hindi naman naubos sa nakaraang berday party ko.

Para maging sing-busilak ng digicam ang memory card ko, magbubura na rin ako ng mga wala masyadong katuturan at anggulo na litrato sa telepono ko… gagawa na lang ako ng back-up sa PC.

Sa lunes pa ang suweldo, simot na ang ATM ko, pati ‘yung mga sobreng maingat ko pang nilagyan ng label para di ako malito sa mga pinag-iipunan ko.

Malaki ang posibilidad na hindi muna ako makakarampa sa Cubao pagkatapos ng araw na ito, pero wala akong pakialam.

Disyembre ko pa ipinagpaalam sa boss ko at hindi naman siguro kalabisan kung gagarahe  na ako sa trabaho pagsapit ng alas singko?

Kay tagal ko itong hinintay at iniyakan ko pa nung isang buwan… buti na lang at pinagpapala pa rin ako…

Ahhh… kay sarap anihin ng bunga ng mabuting karma!

Papa Jesus… dahil sa biyaya ng Upper Box A na SRO ticket na ito ng Maroon 5… pangako, hindi na po ako magpapakyut sa kaopisina kong me asawa na… tas tatantanan ko na rin po ‘yung kasisilip sa Friendster account ng GF nung dating kinakalantari ko… hindi naman po naging kami at alam ko pong pagbi-bitter lang ‘yung ginagawa ko… mag-aaral na rin po akong magbalat ng mansanas dahil hindi habambuhay ay may kasambahay kaming gagawa nito para sa akin… at higit sa lahat, regular na po akong magbibigay ng pang-gasolina sa tatay at lolo ko sa tuwing tinatamad akong mamasahe at magpapahatid ako sa opisina.

Ok, fine… ahm… sa totoo lang po, Papa Jesus… naglolokohan lang po tayo kapag sinabi kong tutuparin ko yan lahat, puwede po bang pagpantasyahan ko na lang ‘yung crush kong me asawa na? Sa isip ko lang naman po eh? Hindi ko naman tototohanin. Hindi pa rin?

Ah eh ‘yun pong sa Friendster, kaya ko naman pong gawin ‘yun… alam ko naman pong mas matangkad at mas maganda ako sa kanya… lamang lang po siguro siya sa akin nang ilang libog, pero hayaan niyo na ‘yun… atsaka ‘yung pagbabalat ng mansanas? Huhugasan ko na lang po ‘yung balat nang mabuti. Tutal andun naman po ‘yung sustansya nun di ba?

O pupuwede rin pong saging na lang kakainin ko?

‘Yun naman pong sa gasolina… magbibigay naman po ako, basta suweldo na. Wag naman po araw-araw… mawawalan na po ako ng pang-sine.

Alam ko pong pagbibigyan ninyo ako, Papa Jesus… at excited na po talaga ako, hindi nga ako makatulog eh… Iniimagine ko pa lang ‘yung entrance ng Araneta mamaya, kinikilig na ako…

Salamat po ulit!

Mga Puna»

1. bursky - Marso 5, 2008

😀 naaliw ako sa pagdadasal. parang naririnig ko sarili ko. haha.. enjoy ka sa concert!

sobrang astig ng Maroon 5! sulit ang 8k!!!

2. camilleeee - Marso 5, 2008

wow! may maroon tix na sya. enjoy po sa concert! weeeeehhh😀

Sobrang sayaaaa!!!😀

3. Jon Cabron - Marso 5, 2008

ayokong maging makontra o ano pero matutuwa ako pag bumagyo mamaya..
o kaya pag minalat yung bokalista.

o

kaya

peke yung nabili nyong tiket.

pinagpapala ang mga taong may busilak na kalooban, tulad ko… kaya wag ka nang kumontra!!!

4. lilmiz - Marso 6, 2008

shet! inggit ako!! waaahh.. buti ka pa te! huhuh.. pakiss na lang kay papa adam! ay tapos na pala by dis tym ang concert nila ahehe.. im sure nag-enjoy ka! waah.. patingin picS!!!😦

nasa kabilang blog ko, te. ingles ‘yung nandito eh. umaasa akong nagbabasa mga miyembro ng Maroon 5 ng blog… (asa!):D

5. Mix - Marso 11, 2008

parang gusto kong sumabay sa dasal mo… lampas langit ang kahulugan! haha! kainggit naman yang maroon 5 na yan… kung sobra yang isa ay pwede mong i-donate sa akin… haha! Gusto ko manuod ng TOTO. Pero bago ang lahat, kailangang magbasag ng alkansya…

eh kaso tapos na yung concert… salamat sa pagdaan!😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: