jump to navigation

Peklat! Marso 9, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Lipad-isip.
trackback

Kapag ganitong malapit na ang Holy Week, mas lumalaki ang posibilidad na magsuot ka ng shorts… at dahil huli na para magpaliit ng braso at tiyan, ang susunod na asset ko sanang ipagmamalaki eh ang aking legs.

Hindi niyo naitatanong, kaya ako hindi natutong magbisikleta eh dahil sa ayaw ng Lola ko noon na masugatan ang binti ko. Noong Grade 3 naman ako, akala ng mga kaklase ko, naka-stockings ako sa kinis nito. Hanggang college, rumarampa pa ako sa Main Building ng UST nang naka-shorts. At sa tuwing nahuhuli ko noon ang crush ko na nakatitig sa akin, isa ito sa mga parte ng katawan kong animo’y bato-balani sa mga mata niya…

Sa itinagal-tagal na nga ng panahon na naging pambenta ko ang aking binti, kung kelan legal na ang naka-shorts dahil sa mga lugar na pinupuntahan ko sa trabaho, saka pa ako nito binigo…

Napansin ko lang naman ‘yun kanina lang, habang iminomodel ko ang mga ternong babaunin ko sa susunod kong biyahe…

Ang latest… ‘yung mga butlig na remembrance ng pangangaso namin ng porcupine sa Palawan nung isang linggo, nangingitim na… ‘Yung medyo malabo naman na guhit sa kanang hita ko, nagasgas ng takip ng aircon na pinilit kong ayusin dun sa hotel namin nung 2006… at ‘yung isa pang namumuti nang peklat sa me bandang kanang paa… bunga nung pagkakatisod ko sa nakabalandrang sanga ng puno sa trekking namin sa Bicol…

Kada tingin ko sa bawat peklat, me istoryang nabubuo sa utak ko. At singtingkad ng mga kuwentong iyon ang bakas na iniwan nila sa dati’y flawless kong binti.

Kung sana’y maikukuwento ko rin sa mga nakakakita nito ‘yung history ng bawat isa, hindi nila aakalaing naging pabaya lang ako sa sarili.

Ang peklat ay peklat at kahit pa hindi mo ginusto ang sugat na naghatid niyan… wala ka nang magagawa dahil permanente na.

Parang mantsang ilang beses mo nang kinuskos, eh habambuhay pa ring nakabakat sa’yo. At walang pakialam ang kahit sinong makakita… kung ‘yung mga nakuha mo ba sa karanasan… eh me pinagkaiba sa iniwang marka ng simpleng galis lang.

Mga Puna»

1. kurokuroko - Marso 9, 2008

asus. galis lang iyan no. ayaw mo pang aminin, ginawan p ng kuwento.

pero oks lang iyan. scars are proof of your courage and determination. (huh?)

btw, it’s not about you. if you know what i mean.

of course, tops… it’s not about me.😀

2. Fau Rafili - Marso 9, 2008

sayang naman. oo tama ka. kapag me ibang nakakita niyan malamng minsan pa nga isipin nilang galis yan. GALISIN KA! nya hahaha! pero meron namang mga treatment na maaari mong gamitin hindi ba?

ahm… never po akong ginalis… allergic ako sa dirt… NYAHAHAHA!!! ang arte, di bagay!!! di pa naman siya ganun karami, pero i think too late na for sebo de macho… lol!!!

3. galadriel - Marso 9, 2008

haha! wagi ka! najustify mo nang husto ang pagkakaroon ng maraming peklat! ang kulit ng post.🙂

ahm. maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi marami ang peklat ko? nagkataon lang na napuwesto sila sa mga prime spots ng binti ko… pakshet!

4. kingdaddyrich - Marso 10, 2008

kahit ano pa yan, lamang tiyan pa rin yan.. promise!

ahm… nabobo ako… ang peklat?! :-s

btw… ngayon lang kita nakita rito, salamat sa pagdaan…

5. ludwig02 - Marso 10, 2008

naku day!natural lang sa tao ang magkapeklat. may mga makabago na tayong medisina peklat lang yan don’t worry madaling gamutin.tsaka sabi mo bawat peklat mo e may memories so ngayon dapat kang maging happy kasi maalala mo ang mga exciting na nangyari sa buhay mo dahil sa peklat kaya lang masakit magkapeklat kasi sugat muna.sino ba naman ang gusto magkapeklat no?syempre wala,kaya lang di yan maiiwasan ika nga e kasama na yan sa paglaki. HAVE A NICE DAY😉

sabagay… pag wala na mapag-usapan, pede kong idetalye sa kausap ko ‘yung history ng peklat ko no? ngayon din lang kita nakita rito… maraming salamat din sa pagdaan!😀

6. Jim - Marso 10, 2008

try mo kaya Hirudoid!🙂 or tanungin mo si Bb. Pilipinas baka may ‘tuff’ choice (I’m one of the ‘tuff’ (top) ten) siya for scar remedy.😉 weheheh!

hahah! me ep depek ampft!

sumuko na ako sa hirudoid o sa sebo de macho… mabuti akong tao at masarap akong yakapin, dun pa lang, mapapansin pa ba ng mga yan ang mga peklat ko?! lol!!! i am so… con-pi-dens.

7. camilleeee - Marso 10, 2008

dapat daw alagaan ang kutis lalo na sa bandang legs kasi baka daw magkaron ng tsansang makasali sa ‘binibini ng talipapa’. yan ang sabi ng lola ko nun.

pero nung natuto na akong sumali sa adbentyur ek-eks na yan, keber! magka ‘barya’ man ang binti, eh di ko naman mabibili sa mga suking tindahan ang mga alaalang dulot nun😉

tumpak!!!

napangiti mo na naman ako sa comment mo, cams!

another perfect excuse for being so… active. hehe!

8. miguel - Marso 10, 2008

di na uso cleavage ngayon… legs na. hehe

hindi ako naniniwala!!!

salamat sa pagdaan!

9. Mix - Marso 11, 2008

haha violent reaction sa huling comment?? natakot tuloy ako… hahaha!

di naman… nagpapaliwanag lang… at dahil nakalogout na ako sa wifi ng hotel ko, huli ko na nabasa ito.😀

10. beero - Marso 11, 2008

ok lang yan ate lenggai. ahehe. di lang ikaw ang may peklat sa buong mundo.😆

ang mga peklat na yan ay magri-remind sa tin sa ating mga karanasan – kung kelan tayo natutong gawin ang isang bagay, kung pano tayo bumangon sa pagkadapa, at kung gano tayo nasiyahan sa mga adbentyur na ating naranasan.

di natin dapat ikahiya ang pagkakaroon ng peklat. sa halip ay dapat natin tong ipagmalaki dahil ito ay nagpapatunay na tayo ay matapang at kaya nating suungin ang anumang mga pagsubok…

sa mga flawless dyan, shame on you coz you missed the fun outdoors! hehe! oks ba?ang tagal ko kasing di nakapagcomment kaya sinulit ko ngayon. hehe

amen!!!😀

11. lilmiz - Marso 11, 2008

ahehe ok lang yang may peklat basta kunti lang, wag naman yung buong legs lolz! ako madami peklat sa tuhod dahil laging nadadapa nung bata haha ay hanggang ngayon din pala lolz

konti lang naman relatively, pero alam mo yun…

12. marisse - Marso 11, 2008

Ate, try Contractubex. Tsaka ang laging sinasabi sa kin pero ningas cogon ako gumamit, Sebo de Macho. ;->

wag na, dadaanin ko na lang sa aking charm and face value… lol!

13. G - Marso 12, 2008

ganyan talaga…dadating yung time na kahit perfect part ng body mo nagiging imperfect…ngggiiii. Sabi nga wala naman talaga perfect eh. Kung ikaw binti ako, palad, kumakapal haha-

Ok lang, bumenta rin naman ako kahit me peklat… gatuldok lang naman pero maarte ako, so…😀

14. tapsiboy - Marso 17, 2008

Legs ang unang hinahunting ko sa babae, next ang kili-kili. Wala sa listahan ko ang sukat ng boobs.

Kaya hassle talaga pag ang legs nadungisan.

waaahhhh!!! hindi ka nakakatulong…😦

15. ludwig02 - Marso 18, 2008

di naman ako napadaan lang e.talagang pumunta ako dito para mag comment sayo at asahan mong lagi na akong andito para sayo kaya mula ngayon pag may nag comment sayo ng hindi maganda yari sila sa akin…

naks naman! bubugbugin mo ba… sa net? hehehe!

salamat!

16. Nika Catbagan - Marso 18, 2008

Haha, ako walang peklat. Kasi ang inaabot ko kay lola nuon hindi lang kurot sa singit o sa tenga kapag nagasgas ang legs ko. Ang gagawin nun dadalhin ako sa banyo, at hihilurin si nasugatan na area. Huhuhu, pramis dahil dun hindi nako nag-bike, nagtatakbo sa kalsada saka umakyat sa puno. Hanep ang sting ng batong panghilod at safeguard. Wahahaha. Bawal din magkamot kasi hihilurin kaya pag may kagat ng lamok naka-pajama at dun pede mag-rub. Hahaha.

nyay! di ba nakakasugat yun? pede ko pa bang gawin ngayon yun? hehehe!

17. ludwig02 - Marso 19, 2008

oo,bugbug sila sa akin dahil ang lahat ng taong napamahal na sa akin ay pinoprotektahan ko.at galit ako sa mga taong pintasero/pintasera…uy!pero di ako pala away ha…naasar lang ako sa mga ibang comment about you. One bIG Hug fOr yOU😉

naks naman! salamat.😀

18. A Z R A E L - Marso 23, 2008

peklat lang yan. pag madilim at lasing ang boypren o asawa o kung anu man (sori la ako masyado alam sayo eh), talo talo na yan lols..

sya nga pala, UST ka pala. apir tayo.

at panghuli, tama ang sinabi ng isang kaibigan kong babae, na avid reader mo.. magaling kang magsulat.

balik ako ulit dito. at salamat nga pala sa pag-iwan ng bakas sa blog ko.

naks naman! unang pagkakataon na dinalaw ako ng THE AZRAEL… hehe… sabi nga ni Jon eh mabait ka raw, dati pa ako nadaan sa blog mo pero ngayon lang din ako nag-iwan ng marka… hindi ko pa hinabaan dahil baka liparin lang ng hangin…😀

sino yung kaibigan mo? payakap… hehe… tomasino ka? ‘stig!!!

salamat sa pagdaan, siguro kahit di pa tayo close, puwede kitang i-link para hindi lang sa dashboard kita kini-click?😀

19. A Z R A E L - Marso 24, 2008

lenggai, yung friend ko na avid reader mo at mukhang nato-tomboy ata sayo eh si trish nyahahaha! patay ako dun pag nalaman nya binanggit ko name nya dito. may blog dati yun eh kaso mo binura. yamo, sasabihan ko mag-iwan ng bakas dito.

sensya na Out of topic. balik na lang ako ulit!

hahaha! talaga? bebot ba sya, bro?!

NYAHAHAHAHAH!!! ang lesbo!!!

pakisabi salamat… akalain mo? me naaaliw sa sinusulat ko? wicked!!! (dapat british accent)😀

20. Trish - Marso 25, 2008

awww…i’m speakless😳

hi idol lenggai! this is trish🙂

salamat sa pag-iwan ng bakas… at salamat sa pagtangkilik… i’m “flattened!”

… nyerks! hehehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: