jump to navigation

Nosebleeeeddd!!! Marso 17, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

Minsan, gusto kong haplos-haplusin ang sarili ko sa paghanga.

Hindi pa naman ako miyembro ng I Love Myself Fans Club… pero me mga moment na pakiramdam ko, gusto kong halikan ang sarili ko…

Tulad ngayon…

Katatapos ko lang kasing mag-translate ng isang buong episode ng mga script na Tagalog sa Ingles.

First time kong humawak ng ganitong raket at naaaliw ako dahil pakiramdam ko, hindi naman ako magiging Joke for the Day sa opisina oras na mabasa ng boss ko ‘yung email ko.

Ewan ko ba kung bakit insecure ako sa pag-iingles ko eh samantalang nung bago ako ipinasok sa Nursery ng mga magulang ko… isa raw ako sa mga batang hindi nakakaintindi ng Tagalog?

Sosyal di ba?

Kaso sana lang me malay na ako habang nagaganap ‘yun… akalain mo… ang cute ko siguro noon.

***

Nasa kalagitnaan ako ng pagta-translate nung ika-apat na script kahapon ng madaling araw nang biglang mangati ang ilong ko… kumuha ako ng tissue at nag-dial sa hotline ng Malabanan

Hindi ko alam kung bakit medyo weird ang pakiramdam ko… pero hindi naman kasi mabigat ang kamay ko at wala akong nararamdamang kirot sa tuwing iniikot ko ‘yung tissue, kaya lang parang…

“Ate, nagdurugo ilong mo?!”

Padaan-daan sa may gilid ko ang tsismosa kong kapatid… hindi pa man ako nakaka-konek sa hotline eh bumunghalit na siya ng tawa…

Napatingin ako sa tissue. Parang me patsi-patseng tinta mula sa nagtataeng pulang bolpen ang hitsura nito…

“Yan ang nosebleed!” at mala-hyenang humagalpak ang henyo kong kapatid.

Ang akala ko noon… kyut na figure of speech lang ang pagno-nosebleed sa tuwing ginigisa ang utak ko sa mantika ng malalim na Tagalog o intelihenteng ingles…

Pero sa pagkakataong iyon… kahit pa pakiramdam ko’y napakatalino ko sa ginagawa ko… napatunayan ko…

Trabaho ko lang talaga ang nakakapagpadugo sa ilong… at utak ko.

Mga Puna»

1. taroogs - Marso 17, 2008

ay.. as in literal na dumugo ilong mo sa kaka-isip ng ingles? heheh… asteeg. kala ko talaga figure of speech lang yun🙂 hala. huwag “magsunog ng kilay” ha? mahirap na!

naku! ampanget!

wag ka mag-alala ka taroogs… hindi naman ako masyadong magbabanat ng buto… mahirap na.😀

2. sungkamaster - Marso 17, 2008

astiging tagalog.. isa ka sa mga taong alam i-punctuate ang salitang ” ‘yun “.

‘yun ‘yon eh!!!

salamat.😀

3. wei vines - Marso 18, 2008

kailangan nga sigurong dumugo ilong mo sa isang goal/priority bago mo yun ma achieve…hehe
😉

or better yet, kelangan dumugo ng ilong ko para kumita ng pera…😦

4. paolomendoza - Marso 18, 2008

matanong ko lang, gano ba kahaba yung tinatranslate mo?

apat na full-length script plus dalawang intro at extro na spiels… plus transcription pa ng lahat, lahat…

5. Nika Catbagan - Marso 18, 2008

gabi ba yan or umaga? kasi ako pag mainit sobra then bigla nalamigan ganun nagstart si nosebleed. hehe. pero hindi kasi agad mapapansin kasi hindi masakit minsan. hehehe.

madaling araw…😀

6. Mix - Marso 18, 2008

You deserve a raise! hahaha! yana ng mga seryoso sa trabaho! masyadong dinidigdig kase! ayan! haha! basta ang alam ko, hindi ako naniniwala na Mascom student yung nanalo sa BB Pilipinas. Invisible nosebleed yung ginawa nya. hehe…

uy! tell that to my boss!!!

lol!

ako rin, di ako naniniwala, nuknukan naman kasi ng ka… yun… keganda-gandang babae!!! sayang!

7. camilleeee - Marso 18, 2008

kelangan mo na ata magpahinga muna from work. wag masyado sagarin ang katawan, kasi babalik kpa ng boracay. hehe😉

sa opis namin, tatlo din kaming lagi nag nonosebleed. kaya minsan gusto ko rin makitang may nakasaksak na tisyu sa ilong ng amo ko.

tsekwa kasi sya.

at ‘bisaya’ ako. tsk!

hehehe! salamat!

8. Jon Cabron - Marso 18, 2008

hala hindi ka na virgin!

.. sa ilong

lo lo lols!

.. sorry na.

sus… at least virgin pa!

9. randomdemeanor - Marso 19, 2008

pruben and tested pala talaga ang effect ng masyadong pag-eenglish!!! totoong palang nakakanosebleed yun….waaahhh!!!

akalain mo…😀

10. randomdemeanor - Marso 19, 2008

ay nga pala, nasabi ko na bang matagal na kitang ni-link ng walang permismo mo?!!! ahehehe!!! ngayon nga lng talga ako nakacomment eh..(lusot bah?)…lolz!

sus, ok lang yun. link din kita pagbalik ko manila.😀

11. lilmiz - Marso 21, 2008

ahahah.. at least ilong lang, di kasali tenga at mata lolz😛

josme!!! ingles lang yun iha, hindi dengue!!! kaw talagaaaaaaaa… lol!!!

12. chuvaness - Abril 3, 2008

wahahahahaha…ay labeeeeeet!! hahahahaha

i rem nag training ako ng 1 week sa opis..yung 1 month na training ginawang 1 week hahahha…literal na na-nosebleed ako nun nag try akong magdial sa hotline

totoo palang pag masyadong nagagamit ang brain cells nakakahilo wahaha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: