jump to navigation

Sa wakas… Bakasyon! Marso 18, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Good News, Lipad-isip.
trackback

3:45 am. Martes santo.

Tulala akong nakatitig sa malaking espasyong nasa tapat ko. Kagigising ko lang mula sa isa sa mga pinaka-hindi kumportableng tulog sa tanang buhay ko.

Padaan-daan ang mga tao sa harap ko, pero para silang mga kaluluwang ligaw sa paningin ko.

Blangko at walang mukha.

Ito ‘yung tinatawag kong Goldfish mode. ‘Yung tipong utak-goldfish ako dahil tumatagal lang ang anumang thought o impormasyon sa akin ng ilang segundo… madalas nangyayari ito kapag hindi ako nakapokus sa kausap ko o bagong gising ako.

Imagine-in niyo na lang si Patrick Starr sa Spongebob… Ganun.

Pero may isang insidente na pumukaw sa antok ko pang utak at gumising sa taklesa kong nature…

Sa mga oras kasing ‘yun, ang nafi-filter lang ng utak ko eh ‘yung maingay na cellphone ng sosyal-sosyalang babae na nakabalandra sa harap ko…

Paulit-ulit niyang pinapatugtog ‘yung kantang “Low…”

Apple bottom jeans (jeans)…

Boots with the fur (with the fur)

Ayos… Sound trip ng lokang ito. Hindi ko naman siya mapapansin kung hindi siya biglang nag-“Whatever!” nang malakas sabay pa-bratinellang rumampa sa harap namin ng mga kaibigan ko.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Wala akong problema sa pagwa-“Whatever” niya ano, ang problema ko eh nagsosoyal-sosyalan siya sa economy class ng Roro… sa parte ng deck kung saan nakalagak ang mga masa.

Kumekendeng-kendeng pa siya at pindot ng pindot sa telepono.

“Sosyalera! Naka-roro naman!”

Nasabi ko tuloy sa mga kasama ko, keber nang narinig ng kasama niya na nasa tapat ko rin. Mukhang hindi naman Miss Congeniality ‘yung babae dahil hindi siya ipinagtanggol nung lalaking kasama niya kahit ginagawa na namin ‘yung hirit niya.

Alam kong hindi ko problema pero masisisi niyo ba ako kung mairita ako paminsan-minsan sa mga pasosyal na wala sa lugar?

I mean, nasa roro siya! Sa Economy section… Sana naman ibagay niya ‘yung kilos niya sa environment niya. Halata naman ang pagkamuhi niya sa kinaroroonan niya, pero wala rin naman kaming magagawa…

Sabi ng kaibigan ko, halos buong biyahe na raw pinapatugtog ng malakas nung babae ‘yung telepono niya, walang konsiderasyon sa iba pang mga natutulog na pasahero…

Napapalatak na lang ako… halatang bad trip na bumababa ‘yung babae, nag-iingles pa dun sa kasama niya.

Masyado kang pasosyal, mukhang pupunta rin ito sa Boracay dahil naka-summer outfit…

Sorry, pero kung mayaman ka man, iha, hindi halata.

***

Oo. Tinuloy ko na ang nabitin kong pagpunta sa Bora. Holy Week at hindi ko pa man nababawi ang mga nagastos ko sa berday at concert ng Maroon 5, pinili kong mag-muni muni sa patutunguhan ng buhay ko sa mala-pulbos (oo! Pulbos… at Johnson’s!) na buhangin ng Bora.

This time, wala na muna akong inatupag na eye contact. Wala ako sa mood lumandi. Senti ako ngayon. Natuto akong mag-float at bukas, balak kong lustayin ang natitira pa sa pinaghirapan kong suweldo dun sa ATB at mala-aquarium na under the sea adventure gimik nila.

Second time ko nang mag-Bora, pero first time kong maglakad ng naka-bra (bikini) at walang nangingialam… pasintabi na po sa mga kumakain, pero kaya ko ginawa ‘yun dahil una, summer, pangalawa, nasan naman ang hustisya kung papataob ako sa mga rumarampang mas mataba at maitim ang kili-kili sa akin?

Baka tikman ko na rin ‘yung Bailey’s na sinasabi ni Lex bukas… Sumali rin ako sa Greenpeace… ewan kung tamang desisyon pero babawasan daw nila ako ng 200 kada buwan sa ATM bilang donasyon sa org.

Patung-patong na ang sunburn ko mula pa nung isang linggo, itotodo ko na, gusto ko pag-uwi ko sa Maynila, tipong nagka-crack na ako sa sobrang tutong…

Ang sarap ng pakiramdam na nasa isang magandang lugar ka at hindi mo kailangang mag-isip ng shots o interview. Napapataas-noo nga ako sa tuwing me nakakasalubong akong me camera na nagkokober ng semana santa…

Gusto kong kumaway sa kanila at sumingit sa camera…  Mula ngayon hanggang Biyernes ng umaga… hindi ako media sa islang ito…

 Bakasyunista ako! Yeah!

P.S. Wala pa ring sunset. Tinakpan ng clouds. Di bale, me tatlong araw pa. Papa Jesus, penge ng magandang sunset! Gusto ko nang matupad ang MTV ko sa utak ko!

Mga Puna»

1. impaktitangdyosa - Marso 19, 2008

wow! naku mare, baka ako yung sosyalerang yan ha! hahaha Anyway im sure mas maganda ko sa kanya! bwahahaha .. enjoy your vacation dear!🙂 mas maganda ang sunset sa loob ng kwarto, kasama ng isang mexicanong papa! hahahaha uwian mo ko!🙂 mwuah!

ay oo! mas maganda ka run! naaalala ko na naman nanggigigil ako!!!

2. randomdemeanor - Marso 19, 2008

…Goldfish mode…madalas ding nangyayari sa kin to…pero lagiko nalng sinasabi “Disorganized” pa ko…char!!! kuhat utak goldfish na talaga ako nun..ehehheh!

hay..mga pasosyal talga, may post na-narerelate dito..ahehe..latest post ko sya ngayon…”WlakayonJewels” ang title (kompleto tlaga)..narerelate lng kasi..eheheh..

gegege… tingnan ko kapag hindi na P70/hour ang bayad sa internet… pag-uwi ko.😀

3. randomdemeanor - Marso 19, 2008

uy, ako ang una!! yey!


😀

4. ludwig02 - Marso 19, 2008

OO nga,bakasyon na noh?san ba ang bonding ng PINAY BRODKASTER?pwede bang maki angkas?ako uuwi sa amin sa Laguna na try mo na doon?maganda ang bawat bayan ng Laguna at lahat ay may mga kasaysayan.kaya im sure makakapag dokyomentaryo ka ng maganda doon ang magiging kakaiba ang bawat istorya dahil historical ang bayang iyong isasalaysay. Good luck my friend gusto malaman real name mo kung maaari lang naman sige salamat ng marami!….enjoy your life!wag kalimutan palaging ingatan ang sarili,ingat!… bye2x!😉

sa ngayon, sa bora… sa biyernes hanggang magkapasok… sa novaliches… bawala nang lumabas dahil wala nang laman ang kaban… hehehe!

nakober na rin namin dati ang laguna, sa siniloan, sa majayjay… basta marami na rin, kung may iba pang interesting kang alam na kuwento na di pa lumalabas sa tv, email mo na lang sa akin…. hehehe! salamat ulit!

5. camilleeee - Marso 19, 2008

naks! o, di ba, nakapagbakasyon din.

at balik BORA pa!😉

nakakainis talaga yang mga babaeng pasosyal epeks. kala mo kung sinong anak ng isang bilyonaryo kung umasta. sarap kurutin sa singit yang mga yan eh!

sabagay, kung may sariling yate siguro yang babaeng ewan na yan, alang papansin sa soundtrip nyang ala sa tayming. (buti di ako ang nkasaksi sa ‘pekeng pasosyal’ nya, kundi… may maglalangoy magisa papuntang bora)😀

ayokong bumaba sa lebel nya, te… haaayyyy… uwi na ko bukas!

6. Nika Catbagan - Marso 20, 2008

wow. kainggit ang bakasyon mode mo. haha anjan din sa bora ang sis ko, hindi naman cguro cia yun nakasabay nio nag-plane ata yun. wahahahah.🙂 pasalubong na buhangin ha.😉

ge ba… maghahakot ako mamaya, hehe!

7. Jon Cabron - Marso 21, 2008

nageeconomy section din ako pero, para lang makasalamuha ko rin yung mga tulad nyo kaya wag nyo kong husgahan.

napopokpokan akong isipin ang babaeng nakikinig ng kantang low.

PS.
anak naman, mahal na araw ngayon, araw ng paghihirap at kamatayan ko para tubusin ang mga kasalanan nyo, pati ba naman ang paglubog ng araw e iaasa mo pa sakin para lang sa &*@&#*&#! na mtv na yan?
.. masakit ang katawan ko, ok?!

whaever!!!

nagdasal ako run… habang nagflo-floating… lol!

8. lilmiz - Marso 21, 2008

waaa ang saya naman ng bakasyon na yan te!😀 at nakapagbikini ka pa ah ahehe.. patingin pic? wahaha😛 .. mahaba pala bakasyon mo eh, pwede ka pa makipag eye contact lolz!😛 .. sige enjoy-enjoy ka!🙂

hindi ako nakipag-“eye contact!” kaw… mahal na araw eh! kuuu…

9. koreanmine - Marso 21, 2008

talap, bakasyon grande.. masarap tlga yung walang nangengelam at walang ini intindi..khit sandali lang…

onga… kahit sandali lang…

10. Mix - Marso 22, 2008

Pinatugtog mo na ba ang “Sayang” by Claire dela Fuente habang nakatitig sa sunset? haha! Alam mo ginagawa ko sa mga ganyang babae? tinititigan ko, yung parang blank stare, yung nakakatakot, yung parang walang feelings. haha! epektib naman kahit papano… haha…

hindi ako nakapag-download… at sus, kung cute ang gagawa sa akin niyan… puwedeee…

11. ludwig02 - Marso 23, 2008

sige email ko sayo.pero pano?kasi di ko alam ang email add.mo.sa nagcarlan laguna may very old church doon.san nga ba yong sinasabing BORA?

hmmm… di mo binabasa ‘yung pages ko… nway, email ko: aileenrae@gmail.com

…at yun pong bora ay ang pamosong isla ng boracay sa aklan, visayas…🙂

12. Sodom en’ Gomorrah « Mga Nilay-nilay ni Lenggai - Marso 23, 2008

[…] walong araw na naging mapayapa ang buhay ko… kalahati rito ay ginugol ko sa pagpapatunay na kaya kong sustentuhan ang sarili kong bakasyon […]

13. ludwig02 - Marso 24, 2008

i see,Boracay pala?hehehe….pasensya na kasi hanggang Luzon lang ako.hehehe pero last year nag punta ako ng UP VISAYAS for seminar.kumusta bakasyon natin?

bitin ang bakasyon!!! hehehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: