jump to navigation

Tiktik, tsk! Marso 21, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Featuring: Ako!, Lipad-isip, News Flash!.
trackback

“Palitan na kaya natin ‘tong sasakyan?”

Tanong ni Papa habang pauwi kami galing Visita Iglesia kanina.

Akala ko’y isa lang ito sa mga spur of the moment na desisyon niya… o di kaya eh baka naka-pangarap mode na naman siya kaya hindi ko sinakyan. 

Una, hindi posibleng makabili ng sasakyan ngayon dahil simot ang laman ng kaban… pangalawa, hindi kami puwedeng mawalan ng sasakyan… may trak kami rito pero kumusta naman kung magpapahatid ako sa opisina nang naka-Elf?

Humirit ang kapatid ko:

“Huwag muna, Pa, gagawin pa naming bump car ni Ate ‘to!”

Sinegundahan ko siya ng kalokohang banat. Tawanan.

“Kelangan natin ng bago. Namarkahan na kasi ‘to…” rason ng Papa ko.

Mga ilang segundo bago namin na-absorb… hindi nagbibiro ang tatay namin.

Dalawang buwan na raw ang nakalilipas, me nagtatanong-tanong daw sa mga tauhan ni Papa sa ginagawa niyang building sa Cubao.

Bilang contractor ng isang may kalakihang proyekto run, nakakahawak siya ng malaki-laking salapi na pambili ng materyales at pang-suweldo sa mga tauhan niya.

Eh minsan, may nagtanong daw kung sino ‘yung contractor nung project at ano ‘yung sasakyan niya… buti na lang, matalino ‘yung foreman niya at medyo iniba-iba ‘yung impormasyon sa sagot niya.

Me mga sumunod pang insidente na napaghahalatang me nagtitiktik sa kanya, pero deadma lang… kaso nito lamang Martes, me nag-interbyu naman daw dun sa may-ari ng karinderya sa tapat nung ginagawa nila.

Ang gaga, isiniwalat lahat. Kulang na lang ibigay ‘yung cell number ng Papa ko. Nung kinumpronta siya, tanging sagot nung may-ari eh nawala raw sa isip niya… nang malaman ni Papa na itsinismis na rin pati iskedyul niya eh dali-dali siyang nagpasama sa tauhan niya at umalis sa job site.

Sa Abril pa raw matatapos ‘yung binubuo nila. Kahit sayang ang ekstrang pera, hindi na raw niya kukunin ‘yung finishing nung building… mahirap na.

Eh kaso, ke kukupad daw magbayad nung kumpanyang nagpapagawa sa kanila… hindi tuloy nila kayang madaliin dahil walang pondo. Baka tumagal pa sila.

Pakiusap ni Papa sa mga tao nung kumpanyang ginagawaan niya: ‘wag sanang ikalat kung kani-kanino kung magkano ‘yung ibabayad sa kanya.

Siyempre, ikinaila nung mga taga-kumpanya na tinitiktik nila ang laman ng kaban ng tatay ko, pero hindi ko naman siguro kinakailangan pang maging bihasa sa suspense at action movies para mag-isip ng kung anu-ano, gaya ng inside job, etc.

Nito lamang nakaraang araw, me balita tungkol sa na-rescue na kinidnap na Muslim… at mga pulis pa ang kidnapper!

Natural lang namang matakot at ma-paranoid kamisa dami ng mga gago sa panahon ngayon, sino’ng makakapagsabi kung kelan ka matitiyempuhan?

Sa lawak sana ng “impluwensiya” ko bilang miyembro ng media, sa totoo lang, ngayon eh wala akong maisip na kapaki-pakinabang sa sitwasyon ng tatay ko.

Maliban na lang siguro sa pagtitipid.

Kelangan kong mag-ipon. ASAP.

Kelangan namin ng bagong sasakyan.

Nag-aalala ako para sa kaligtasan ng tatay ko… sa ngayon, proteksyon ni Papa Jesus… at sandamakmak na raket ang kailangan ko para matulungan siya.

Mga Puna»

1. Mix - Marso 21, 2008

Nakakatakot nga, may ganyang insidente rin na nangyari sa erpats ko, pero mabuti hindi naman siya matiyempuhan. At ang mga pulis natin? nyay! wala na akong tiwala… muntik na akong ma “Huli-dap” nyang mga yan sa quiapo. tsk…tsk…

ano sikreto ng papa mo? share! bka makatulong ke papa ko. langyang mga pulis to… di mo na alam kung sino matino!

2. kingdaddyrich - Marso 21, 2008

akala ko kung anong ibig sabihin mo nang tiktik.. anyway, dapat ngang magingat kayo ng daddy mo… hindi natin masasabi kung may nakaambang panganib sa atin. idagdag pa diyan ang mahirap na paghahanap sa mga taong dapat pagkatiwalaan. PREVENTION IS BETTER THAN CURE. so be safe!

ps

goodluck na lang don sa tsimosang may-ari ng karinderya. tsk tsk..

maraming salamat!

gudlak talaga sa kanya… naniniwala ako sa karma…

3. wei vines - Marso 22, 2008

sabi nga ng kuya ko: don’t trust anybody, even me.

si may ari naman ng karinderya, dapat dun ginagawang sahog ang dila eh..hehehehe

korek… pero yan ang lengua na hindi ko lalafangin… makati eh!!!

4. foobarph - Marso 22, 2008

hmm…… i think kelangan na ng tatay mo ang magdala ng bakal everytime na aalis. sa panahon ngayon, mahirap na.

or baka inside job din. ingat lang.

salamat… pagdasal mo naman kami…

5. camilleeee - Marso 23, 2008

hirap na nga magtiwala ngayon.

tsaka sana bumenta naman ang mga ulam sa karinderya ni manang ‘kati’. para ala na sya masyadong taym magtsismis ng kung anik anik. sus.

ingat kamo sa tatang mo sis lenggai.

tsaka sana bumenta naman ang mga ulam sa karinderya ni manang ‘kati’. para ala na sya masyadong taym magtsismis ng kung anik anik. sus.

…bait naman ng comment mo ke may-ari.😀

at salamat!

6. lilmiz - Marso 23, 2008

hala katakot.. ingat kayo te lalo na papa mo.. hire na lang kayo bodyguard kaya🙂

salamat… kung pwede nga lang ako magbodyguard na lang sa papa ko gagawin ko eh, kaso kelangang kumita ng peraaaa…..

7. ludwig02 - Marso 24, 2008

may kamag-anak akong Pulis.wag ka mag alala matinong Pulis ang Pinsan ko. sabihin mo lang kung kelangan ang tulong ko.this is my number *&^%$#@ dito mo ko kontakin for emergency.paki sabi kay father na lagi syang mag iingat ha.tama din yong comment ng isa mong friend kelangan nya na magdala ng Bakal.lam mo malamang may nasagasaan ang erpat mo.tsaka yaan mo lagi ko kayong isasama sa mga dasal ko.ikaw rin ha lagi kang mag iingat…..GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY….

salamat sa offer!!! san ba siya naka-assign? baka di niya sakop ang cubao area? pero salamat pa rin!

binura ko pala yung number mo ha, for your privacy.🙂

8. Mix - Marso 25, 2008

Ang teknik? doble ingat, dasal, at pagpapalit-palit ng sasakyan at ng ruta.

may pampalit naman, kaso minsan ginagamit din yung isa… ang other option eh yung trak nga, kaso kamusta naman… sa ngayon, i appreciate your concern… pakisama na lang po kami sa inyong mga dasal… maraming salamat!

9. bursky - Marso 25, 2008

matutong mag-“pagpag”🙂 at kung marunong ka na magmaneho, mag-praktis sa Quiapo. pag nakalusot ka dun, kahit san pa yan, kayang-kaya mo na iwasan mga bumubuntot sa inyo.😛

seriously, get another car, kahit 2nd hand na lang. tapos huwag laging dumaan sa same route. better safe than sorry… doble ingat na lang po.

maraming salamat!

yun nga ang layunin ko, kaya kelangan kong maging masipag na empleyado…

tungkol naman sa pagmamaneho, marunong naman ako, problema lang antukin talaga ako kapag nararamdaman ko na ang pag-vibrate ng motor…😦

10. ludwig02 - Marso 25, 2008

email ko na lang sayo mas mabuti kung sa email tayo mauusap.uy di ka ba man lang mag cocoment sa mga naka post sa blog ko?

ahm. walang link?

11. gasti - Marso 25, 2008

mangmang talaga ang mga tindera..tsk tsk! ingat kayo dyan lalo na ang papa mo dahil anytime pwede na sya harangin ng mga ungas na nagtitiktik…wag naman sana mangyari ang ganun.

wag nilang makanti-kanti ang tatay ko at baka masapak ko sila ng paulit-ulit mga pakingshet sila!!!

12. ludwig02 - Marso 27, 2008

meron naman ah…mag check ka ng email ha kasi nag email na ako sayo last time mag comment ka ha..

13. paolomendoza - Marso 27, 2008

care for a tag? check out the link.

minsan lang ‘to. pramis! =P

cge, papatulan ko to, pero ok lang ba after ng ere ko? basta, babalikan ko to, pramis!😀

14. Hener - Marso 27, 2008

Tsk! Ingat ingat lang! Constant vigilance!

maraming salamat, hener!

at salamat sa pagdaan!

15. ludwig02 - Marso 28, 2008

kumusta ang friend kong brodkaster? ;0

hem good.🙂

16. Bistado na! « ANG PINAY BRODKASTER - Abril 21, 2008

[…] ninyo ‘yung kuwento ko tungkol dun sa nagtitiktik sa Papa […]

17. kengkay - Abril 24, 2008

good luck, lenggai. hirap ng ganyan. gumagawa ng matino, may mang gugulo pa talaga. haysss

onga te keng… pagdasal mo naman kami. salamat.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: