jump to navigation

Weeeeeiiiirrrrddddeeeehhh!!! Marso 28, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Featuring: Ako!, Good News, Lipad-isip, News Flash!.
trackback

Madalas akong mabuwisit kapag nanonood ako ng balita at daldal ng daldal ang kapatid ko.

Hindi niya hilig ang panonood nito lalo na ‘pag gabi, kasi imbes na madagdagan ang kanyang kaalaman eh nababawasan lang daw ang mga pumipigil sa kanyang maghanap ng trabaho sa mga bansang nagniniyebe…

Kuha ko naman ang punto niya. Sino ba naman kasi ang marerelaks sa bangayan at plastikan ng mga baklita sa gobyerno? Idagdag mo pa ‘yung mga tsismis sa buhay-buhay nung mga artistang sa totoo lang, eh wala naman talaga tayong pakialam?

Kaso sa trabaho ko, kailangan naming maging updated, kaya kung di rin lang ako makakapagbasa ng diyaryo, eh manonood na lang ako ng TV.

Siguro pagod lang talaga ako ngayon dahil alam kong mas mapapagod ako sa editing mamaya, pero habang nanonood ako ng balita kanina eh marami lang akong kalokohan na napansin.

Really now, these are crazy times…

– Me colon cancer si Cory at hindi siya nagpapakita sa mga tao ngayon. Pero me mga estudyanteng tibak (pasintabi na lang sa mga tibak kong ka-blog) na me dalang keyk at get well soon trash shit stuff na nakaabang sa labas ng gate ng bahay niya. Nang tanungin ng reporter, ang matalinong wish nung estudyante eh sana magpagaling daw si Cory para may kasama na sila sa rally. Di man lang nagpanggap na sana gumaling si Cory dahil gusto nilang mabuhay pa siya ng matagal eh… sana diniretso na lang niya kasi ganun din naman ‘yung thought nung sinabi niya: “Sana gumaling na po kayo, Tita Cory, para me panghatak kami at magka-exposure naman sa media ‘yung rally namin kasi nandun kayo.” 75 years old na siya mga ‘te! Papagpahingahin niyo na ‘yung matanda!!!

-P30 milyong bigas daw ang nasasayang nating mga Pinoy kada taon. Karamihan sa mga lupain natin sa probinsya eh agricultural… at may Kanin-All You Can pa rin sa Tokyo Tokyo… pero ang nakakapagtaka eh ang Pilipinas ang isa sa mga nangungunang importer ng bigas sa Asya… at may krisis tayo sa bigas ngayon. Kumusta naman?!

– Minsan na nga lang ako hahanga ke Neri eh sa kakapalan pa ng mukha niya… astig talaga! Nuknukan! Pumunta kasi siya kanina sa meeting ng UP Board of Regents… botohan ‘ata para sa Dean ng UP.  Sinalubong siya ng mga placard at protesta galing sa mga estudyanteng bad trip sa pagiging tuta niya ni Gloria. Imbes na magmadali at mahiya eh nakangiti at taas-noo niyang sinalubong ‘yung mga ‘yun. Dinig na dinig nga sa TV namin ‘yung mga sumisigaw ng “Neri, resign!” pero ang Neri… deadma at kumakaway pa! ‘Langya talaga!

– Sa sobrang dami ng mga kulang sa iodized salt sa Pinas ngayon eh dinurugo na si Papa Jesus sa Fatima Parish Church, Bohol. As expected, ginawa na namang tourist attraction ‘yung diumano’y nirereglang nagmimilagrong poon. Pero sa tingin ko, kung sakaling authentic na milagroso ‘yun, hindi lang siguro siya magdurugo nang parang punong dinadagta… malamang eh magsalita na ‘yun at pagmumurahin tayo dahil dinurugo na siya sa kunsumisyon sa atin.

***

Sa wakas… dinatnan din ako ng antok. Pero dahil ayoko namang bangungutin ako sa inis sa kaiisip sa mga bagay na wala naman akong kontrol… inaalala ko na lang ‘yung hapunan namin ng mabuti kong kaibigan na si Kuro-Kuro nung isang araw.

Me kikitain siya at wala akong kasabay kumain kaya sumama na rin ako. Ipinakilala niya ako sa dalawa sa mga ka-church niya. Habang nirerespeto ko ang paniniwala nila, hirap pa rin siyang yakagin akong dumalo sa mga pagtitipon nila. Ewan ko, pero kahit marami akong isyu at kuwestiyon sa pagiging Katoliko ko, hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili ko na sumama sa ibang grupo. Ayaw din kasi ng Papa ko at ibibigay ko na sa kanya ‘yun.

Anyway, nung paalis na kami, nagpasalamat ‘yung mga bago kong kakilala at kahit papaano, naaliw ko raw sila. Tinanong nung isa sa kanila si Kuro, bakit daw kami magkaibigan? Akala ko gagaguhin niya ‘yung sagot niya, pero ‘wag ka, sineryoso!

“She makes me smile.”

Napa-aawwww lang ako siyempre… at medyo kumislot ‘yung kanang mata ko sa pagka-touch.

Napaisip tuloy ako. Ano nga ba ‘yung mga bagay na nakakapagpangiti sa akin?

…isang pagtango ng paghanga mula sa mga boss ko para sa trabahong maayos kong nagampanan… araw ng suweldo… nakakatawang PM mula kay Jon… masarap na adobo na luto ng tatay ko… mga matalinong comment sa entry ko… mga walang ‘wenta pero patok na hirit mula sa kapatid ko… puwede rin naman ‘yung mga hindi mo inaasahang compliment mula sa mga malalapit mong kaibigan.

Mga Puna»

1. rc - Marso 28, 2008

nakakaaliw ang post mo…. sang-ayon ako sa sinabi mo tungkol sa panunuod ng news sa tv. sa panahon ngayon, hindi na minsan magawang makapagbasa ng mga pahayagan, dahilan sa pagiging ‘busy’.

at tungkol naman sa kalagayan ng bansa ngayon, nako.. ewan ko din ba bakit nagkakaganito. haha, wirdo nga. hehehe..

ayun.. napadaan lang ako, hindi ko alam kung panu ako napapadpad sa site mo. pero naaliw ako sa mga entries mo.

ang galing… ^_^


maraming salamat sa pagdaan. balik ka.😀

2. ludwig02 - Marso 28, 2008

isa lang ang meaning nyan magnanakaw kasi ang mga nasa gobyerno natin ngayon kawawa naman ang mga Bayani nating lumaban para sakapakanan ng mga mahihirap noong panahon daw ni dating pangulong MARCOS ayon sa aking yumaong ama mura daw ang mga bilihin at hindi kinakapos ang bansang pilipinas ang batas militar lang daw ang ayaw ng mga tao sa totoo lang wla naman ginawa si tita cory nung maagaw nila kay makoy ang ledirato sila ang totoong nagpahirap bansa.at tungkol naman sa kakulangan sa bigas ibinibenta kasi ang sarili nating bigas sa ibang bansa kaya tayo ang kinukulang.biro mo ha…tayong mga pilipino ang magagaling pagdating sa agrikultura tapos bandang huli tayo pa ang kinukulang ang sakit naman isipin. diba?tayo pa ang nag aangkat sa ibang bansa mabuti kung primerang klase ng bigas ang kinukuha ok lang e ang kaso mga patapon ang kalidad pag sinaing mo e hilaw parin….tungkol naman sa mga namumuno biro mo pati sa barangay ay may katiwalian din gaya dito sa aming barangay UP CAMPUS..abah ang mga tao dito kung umasta akala mo taga malakanyang tanungin mo ng tungkol sa batas ngiti ang isasagot sayo.pag may galing kay mayor sila-sila ang nakikinabang imbis na ipamudmud sa mamamayan e silang mga taga barangay ang nakikinabang.ang mga Pilipino nga naman oo…..paumanhin sa mga nahagingan at nadaplisan…HAVE A NICE DAY TO YOU kaibigan kong Pinay Brodkaster😉

ang lalim! hehe!

salamat sa pagdaan.🙂

3. camilleeee - Marso 28, 2008

di lang ako napangiti sa post mo na to, sis lenggai…
basta….. kakaiba… 😉

(sori, nabaliktad ata.. kaw dapat pinapangiti namin eh)

sus, mapangiti ko lang kayo’y napapangiti na rin ako.

(haha!!! ang cheesy!!! :D)

4. wei vines - Marso 28, 2008

ang WEIrd nga talaga noh? hayyyy….

haaaayyyy…

5. aKDa - Marso 29, 2008

nandito din ang mga kadahilanan kung bakit naiirita akong manuod ng news. lalo na yung parteng pinagt-tsismisan nila ang buhay-buhay ng mga taeng artista. kesyo maiitim daw yung kili-kili ni winnie the pooh at may pilay daw sa bewang si hello kitty.

ngunit, kelangan ko din nga namang manuod ng bali-balita, dahilan din yun, para may direksyon at dahilan naman kung bakit ako inis sa mga bagay-bagay. at nakakakuha din naman ako ng impormasyon. masyado nga lang madumi yung mga balita. tsktsk.

napaisip ako dun sa last part ng enrty mo. ^_^ sa mga bagay na nagpapapsaya sa atin. parang kung titingnan kasi, ang daming nakakapagpasaya sakin,pero iilan lang duon yung totoong nakakapagpangiti ng puso ko.

nice post.!

naks! ang ganda naman nun, “nakakapagpangiti sa puso.” honga no? bihira rin makahanap ng ganun.😀

6. kurokuroko - Marso 29, 2008

actually, di ko sila churchmate. dun ko lang din sila nakilala. it’s just that i believe in their ministry and work, tht’s why i gave my support to them.

at pinlastik ko lang iyung “she makes me smile” na iyun. hehe.

awwwww… ang sweet mo talaga kapag nata-touch!!!

7. antuken - Marso 29, 2008

‘she makes me smile’ —-> nakanang… minsan nung bagong mag-boypren pa lang kami ng asawa ko, tinanong ako kung ano nagustuhan ko sa kanya… ang sagot ko “he makes me laugh” …. nung nabasa ko tuloy yung linya ng friend mo, yun ang memoryang naalala ko…

eniwei, ngayon lang ako nakabisita… too bad di ako naka-stay ng matagal when we met up with kengkay (elbow room), may ibang date kse ako… wanted to stay longer kse mukhang masaya kayo kasama…

medyo boring akong kasama… shy type ako eh. lol!

ahm, yung nangyari sa inyo ng asawa mo, medyo malabo sa amin… masarap lang talaga akong kasama. hehe!

and oh, salamat sa pagdaan.:D

8. Prinsipe ng Pangarap! - Marso 29, 2008

nakita ko ang picture mo sa blog ni Joncabron… ganda mo pala. naksss. hehehe wag ka naman masyadong magalit sa mga tibak na yun… sa mundong ito kailangan nila ng masasandalan haiz… me sense ba???

‘yung tatlong huli mong sentence, oo…

pero yung una, medyo…

lol!

9. Jon Cabron - Marso 29, 2008

i have no intelligent thing to say
nice entry doh’

mas mabuti pang mag-iwan ka ng simpleng bakas para malaman ng me blog na nagustuhan mo ang sinulat niya, kesa naman sa gawin mong patalastas ng link mo yung blog niya… di ba?😀

10. kengkay - Marso 30, 2008

you make me smile, too. hahahaha

awww, te keng! salamat! hehe!

11. tapsiboy - Marso 30, 2008

ang sweet ni kuro…

…nalaglag ang brip ko sa kasweetan!

‘wag kang palilinlang…

lol!

12. A Z R A E L - Marso 31, 2008

binasa ko ng buong buo yung entry, 3 times pa. pero pagdating ko sa comment section, wala na akong masabi.

speechless..
flabbergasted..
astonished..
thunderstruck..

o baka naman kaya pinipilit kong isipin ang tamang bitaw ng comment, pero hindi ko kayang lituhin ang puso at damdamin ko, at ang katotohanan eh..

ikaw pala ang nasa isipan ko??

ooh haaaaaaaaaa! yan ang boka!

sori.. OT nyahahaha!

lol!!!

pwedeeeee… napangiti mo ko! lam mo sa hirit na yan, kung wala ka lang asawa’t anak at sinabi mo sa akin yan, medyo kikiligin na ako eh… medyo lang naman… hahaha!😉

13. Jon Cabron - Marso 31, 2008

siguro yung mga personal na landian sa ibang lugar na lang pagusapan, nakakarimarim kse e.

seloso.

14. ludwig02 - Marso 31, 2008

friend pasensya ka na ha…binasa ko naman yong topic sa blog nya kaya lang yong comment ko ay para sayo at ikaw yong tinatanong ko hindi sya.sana naman pagsabihan mo sila na wag magsalita ng hindi maganda sa kapwa kasi masakit e pag sa kanila mangyari yong sinabi nila sa akin syempre sasama din ang loob nila.kahit ikaw diba sasama din ang loob mo?lam mo ba miss Lenggai ngayon lang ako nabastos sa totoo lang….pero di bale na lang hayaan na lang natin okey lang…maliit na bagay lang yan walang kwenta… SALAMAT NG MARAMI!….

15. ludwig02 - Marso 31, 2008

KASALANAN ko rin naman e kasi sa blog nya pa ako nag comment…pakisabi nalang sa kanya ha… SALAMAT MARAMI…:)

alam na ni jon. kasi naman, next time… ako rin eh, kapag binabasa ko, hindi ko naman iisipin na para sa akin yun o kung kanino pa. tapos wala naman akong litrato run so pano mo sasabihing maganda ako, di ba? malay mo kung mataba ako na kinky ang buhok at 4 na talampakan lang ang tangkad kaya kinakailangan ko pang magsuot ng matitingkad na kulay ng blouse para lang mapansin ng tao…

anyway, payong kaibigan… next time, think twice. yun lang, i thank u… bow!

16. gasti - Marso 31, 2008

hahahaha! may selosang nagaganap? naks naman lenggai ang haba ng hair mo! abot hanggang dito sa ortigas..minsan talaga kahit seryoso ang entry nakakapagpasaya pa rin lalo na ang mga banat na ganyan. “kanin all you can sa tokyo tokyo” haha! nga nman.

selosan, ampft!!! seryoso, muntik ko nang mabuga almusal ko sa comment mong yan… lol!!!

salamat gasti, buti at hindi lang kita napangiti… napatawa pa!😀

17. ludwig02 - Marso 31, 2008

pasensya na lenggai…sorry di na mauulit yon promise….inimagine ko kasi na kamukha mo si kara david e.salamat.daan naman kayo sa blog ko pls…

ahm… uulitin ko… WALANG LINK SA BLOG MO. wala sa URL. wala. nada. kaya di namin mapuntahan… grrerrraerjasdrhdfhdascdfagakjl!!!

PS: hindi ako galit. nagpapaliwanag lang.
😀 –> ayan ha, may smiley pa!

18. ludwig02 - Marso 31, 2008

ludwig02 ang web blog ko..

19. kurokuroko - Marso 31, 2008

dyosme. walang dapat pagselosan. dahil walang romansang nagaganap. at sa totoo lang, walang pag-asang magkaroon ng kahit na ano pa man. ni sa hinagap naming dalawa. golly.

honga. vegetarian ka, tops… at ako’y katoliko. hungh?!😆

20. Mix - Abril 1, 2008

Naku pareho pala tayo, nagsimula akong mahilig sa balita noong college ako, nasira ang radyo ko at AM na lang ang gumagana, nagpapalitan lang ako ng DZBB at DZMM sa AM radio at bukas yun maghapon. Nakakarindi tama ka, at marami ring balita ang hindi naman natatapos, nabubuksan lang ang issue tapos eh matatakpan lang ng iba. Hayyy…

oo nga eh. pero ang irony doon eh wala tayong choice kungdi makinig… kasi kailangan.

21. ludwig02 - Abril 1, 2008

bumisita kayo dito sa ludwig02.wordpress.com

22. ludwig02 - Abril 2, 2008

pls..naman oh…bumisita na kayo sa aking blog ludwig02.wordpress.com tyak’ maaaliw kayo….hihintayin ko kayo ha…lalo na ikaw kaibigan kong Lenggai…..pls…

23. Reese - Abril 2, 2008

blirt.

hehe. misyah na Ate!^_^

i miss my friends…😦

24. ludwig02 - Abril 2, 2008

nakikita nyo na ba ang link ko?nasaan kana my friend lenggai? are you busy?

25. sungkamaster - Abril 3, 2008

“…Kanin-All You Can pa rin sa Tokyo Tokyo…” astig ‘to… gusto ko tuloy kumain sa Tokyo Tokyo..🙂

hehehe!

salamat sa pagdaan!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: