jump to navigation

Packing Shit Abril 1, 2008

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

 

Dios mio. Hindi ko na alam kung paano pa sosolusyunan ang problema ko sa pag-iimpake!

Ibig kong sabihin, ilang taon na akong paroo’t parito sa iba’t ibang lugar… at alam kong ang tanda ng isang praktisadong manlalakbay eh kaya mong mag-pack light.

Mag-a a la una na ng madaling araw… isang oras na lang ako puwedeng matulog… at nagsusulat pa rin ako rito… hindi pa rin ako makapag-desisyon kung ilang bag ang dadalhin ko…

Pack light-pack light… pakshet!

Masama bang magpakasigurista?

Hindi ko kasi trip ‘yung pakiramdam kapag namimili ako ng ekstrang panty sa kung saang lupalop ako daratnan ng pagkakataong kinulang ako ng baon sa biyahe. Nangyari na sa akin ‘yun, hindi lang isang beses, at buti na lang mayaman ako hindi siya natatapat sa mga panahong walang laman ang ATM ko dahil kung hindi, talo-talo na lang sa panty shields ‘to!

Hindi rin ako sanay magpakita sa publiko ng basa ang buhok, pakiramdam ko’y pag hinayaan ko siyang matuyo ng kusa, babalik ang buhok ko sa pagiging pubic hair kulot kaya kailangan ko ng blower.

Hindi na rin ako makapagsulat ng matinong script kapag walang computer kaya karag-karag ko na lagi ang laptop ko.

Wala naman talagang problema sa pagdadala ko ng napakaraming gamit lalo na kapag de eroplano kami… wala rin akong pakialam kapag kinakantyawan ako ng crew ko na daig ko pa raw ang “host” namin dahil sa dami ng dala ko… wala naman talagang kaso sa akin… kung magaan lang siya.

Putris! Kanina ko pa ineedit ‘yung mga kailangan kong dalhin pero kung ano’ng nakikita niyo sa litrato sa taas, ganun pa rin karami ang gamit na kakailanganin ko. Naiinggit ako sa mga babaeng kayang pagkasyahin sa isang backpack ang isang linggong worth ng gamit!

Kelangan kong matuto kung paano mag-impake ng mga bagay na importante lang. Pero iniisip ko, mas mabuti nang sobra, kesa kulang.

‘Yan tuloy. Ambigat ng excess baggage ko.

***

Me isa pa akong kuwento tungkol sa pag-iimpake.

Nagpaalam kanina sa miting namin ang isa sa mga baguhan, pero magaling na Segment Producer ng programa namin. Pupunta siya ng U.K. para mag-aral.

Hindi kami close dahil minsan ko lang naman siya nakatambal, lalo na nung researcher pa lang siya, pero sa totoo lang, isa ako sa mga naantig habang naiiyak siyang nagpapasalamat sa amin.

Kaiba sa mga naikuwento ko nang ingrata sa programa namin noon, napakaganda ng disposisyon ng taong ito at isa iyon sa napansin ng mga boss namin.

Naalala ko tuloy ‘yung emo days ko ilang taon lang ang nakalilipas… nag-alsa balutan ako sa programa namin na puno ng pighati’t poot. Hindi ko naranasan ‘yung mapalakpakan ng mga kaopisina ko bilang farewell hurrah. Iyon ang punto na binabagtas ko ang kalsada ng karir ko ng mag-isa… at ang bigat-bigat ng bitbit kong sama ng loob at awa sa sarili.

Ilang buwan lang, bumalik din ako… at hindi man laging “pasko” sa trabaho ko, natuto na akong mamili ng mga giyerang susuungin ko.

Iniiwasan ko nang magpadala sa bugso ng damdamin at buyo ng mga negatibong tao. Para kasi ‘yung mga bote ng maruming mineral water na hindi ko matapon-tapon.

Pampabigat at walang silbi.

Mas magaan na ang bagahe ko ngayon. Mas masarap nang bumiyahe. Napatunayan ko lang ito nung nagpipiktyur-taking kami ng mga kaopisina ko kanina.

Sabagay, lahat naman kasi tayo, naglalakbay. Magkakaiba man tayo ng landas na tinatahak eh, paminsan-minsan, nagkakasalubong din tayo sa mga kantong ating nililikuan.

Sana lang talaga, kapag dumating ‘yung panahong kailangan ko na muling lumarga, magagandang ala-ala at suporta na ang maging baon ko.

Mga Puna»

1. A Z R A E L - Abril 1, 2008

sa kahit anong biyahe, literal na pagbibiyahe man, o ang ating paglalakbay sa buhay, mas gugustuhin ko na sigurong kumpleto ang gamit ko at handa sa kahit ano man ang mangyari.

its better to have it and not need it, than to need it and not have it.. kaya PACK IT!

tumpak! kaya nga ngayon napakarami kong dalang gamit… nag-pack lang ako ng pack, putek! talo-talo!!!

2. angel - Abril 1, 2008

Parehas tayo ate, kahit ako hirap din mag impake ng mga dadalhin. Yun din iniisip ko kasi eh, mas mabuti nang sobra, kesa kulang…

…at mabuti na ang mabigatan kesa mabahuan sila sayo… ahm, may sense ba? wala. ba’an mo na!

3. camilleeee - Abril 1, 2008

kung papipiliin ako ng mga litratong ilalagay ko sa photo album, pipiliin ko yung mga magaganda at panget na kuhang pix.

yun nga lang, sa pinaka unang pahina, andun ang panget na mga kuha. malungkot man sa unang silip pero habang nalalapit ka sa dulo ng mga pahinang yun, may mga ngiting matatamis naman ang nag aantay. 😉

pag babae talaga, ‘kikay kit’ pa lang, hirap na i-edit ang laman eh. hehe.

4. kurokuro - Abril 1, 2008

naks. so mature.

glad you’re over your angsts. haha. ako hindi pa. hehe. joke.

5. ludwig02 - Abril 2, 2008

sa klase kasi ng trabaho mo tyaga ang kailangan.pero masarap ang propesyon mong yan kasi exciting.diba?kaya tyagaan lang iha…ingat!😉

6. mandayamoore - Abril 2, 2008

wag magdala ng maraming dapit. go shopping sa destination mo

wow! napadalaw ang isa sa mga paborito kong bloggers!

salamat sa pagdaan!

7. ludwig02 - Abril 2, 2008

friend bisita ka sa http://ludwig02.wordpress.com

8. ludwig02 - Abril 2, 2008

are you busy?@lenggai

9. A Z R A E L - Abril 3, 2008

gawin na rin nating forum to! game! ludwig, attaaaaaaaackkkk!

10. ludwig02 - Abril 3, 2008

he!he!he! wag tyak magagalit sa akin si lenggai….

11. A Z R A E L - Abril 3, 2008

hindi magagalit yun ludwig sus! ang bait kaya nyan. gusto nya yung laging nagco-comment sa blog nya. kaya kung ako sayo, medyo dadamihan at hahabaan ko ang comments.

game na ludwig. simulan mo na. ano ba maganda topic sa forum ngayon?

12. kengkay - Abril 3, 2008

ang kulet ni az at ludwig, ahahaha . baka pati kayo i empake ni lenggai! ah basta ako marunong mag pack light – at pack heavy, kung ano mang packing yon, hehe

sinabi mo!

heavy packer nga ako, te keng eh… ahm. parang ampanget pakinggan?

kalimutan mo na lang… hehe!

13. chuvaness - Abril 3, 2008

LENGGAI!!!!

wala lang…kinda miss yah..echos! hahah…naku ‘day parehong pareho tayo ng suliranin sa buhay pagdating sa pag iimpake! stress!!!

malen!

musta ka na?!

me 2nd EB pala kayo ni te keng, sayang wasnt there! hehe!

14. lilmiz - Abril 4, 2008

naku, ang hirap talaga magpack.. yan ang ayaw ko talaga sa pagbabyahe.. sana may pwedeng ihire na tagapack pero dapat alam nya kung ano ipapack aheheh.. ikaw te, dahil every wk ka nagtatravel, maghanap ka na lang kaya ng packer lolzz😛

hahah! ibang packer ang gusto ko, yung libre… pero hayaan mo na lang ako sa mga private thoughts ko… hehehe!

15. Jon Cabron - Abril 4, 2008

ganyan din ako pag bumibiyahe ng malayuan at hindi ko kinakahiya yun kahit pa pag dumadating ako e niloloko ako ng mga kasama ko na para daw akong OFW na bagong dating, dahil sa huli, lahat sila sakin din aasa dahil sa mga ilang bagay na nakalimutan nilang dalhin. halimbawa aluminum foil, mga ganun.

at isa pa, naniniwala ako na daig ng maimpake ang relihiyoso.
pero imbento ko na lang yun, kaya wag mo na lang intindihin.

maimpake = relihiyoso

genius! this jon…

16. galadriel - Abril 7, 2008

dahil sa nakatutuwa mong post, naisipan kong timbangin ang backpack na buhat-buhat ko araw-araw. panay kasing sumasakit likod ko sa bigat nito. nalaman laman ko ngayong 22 pounds pala yung bag! (may laptop din, books, gadgets, maraming barya). packing shit talaga … kaya ako nakukuba!

ang cool lagi ng mga post mo ha.

salamat at naaaliw ka!

22 lbs?! shet!

…pareho tayo.😦

17. kulot - Abril 9, 2008

ayos yan, wag ng bag ang panlagyan yan, mas maganda garbage bag na lang tapos yung na rin ang bitbitin mo saan ka man patungo, joke lang

pa link naman po

eh kung i-garbage bag kaya kitang bata ka?! joke lang

linked you na… kahit wala ako sa link mo…😦

18. A Z R A E L - Abril 10, 2008

bumalik ako dito para kumustahin ang forum. ludwig yoohoooo! nasan ka na??

shet. u. az. hmp.

19. bluepanjeet - Setyembre 15, 2008

aba at may dot com ka na rin pala hehe

nawala lang ako ng ilang linggo sa wordpress account mo eto at may dot com ka na pala haha.

Nabalitaan ko kay reyna elena. Featured ka dun LOL

Congrats and mukhang may senyales na na magiging forum na to ah hehe

bluepanjeets last blog post..The 18 castaways of Survivor Philippines

nyahaha! forum ampft! sakaling mangyari yun eh di masaya! hehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: