jump to navigation

Silip Abril 10, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Boo!, Coverage, Lipad-isip.
trackback

Sinubukan ko kung magugunaw ang mundo kapag hindi ko ginalaw ang blog ko nang mahigit tatlong araw…

Hindi nangyari.

Galing ako sa islang walang kuryente at internet… at ilang oras na lang, babalik na ako sa makamundong siyudad ng Quezon.

Ahh… miss ko na ang internetmiss ko na ang Trinoma at Gateway… miss ko na ang barkada ko… miss ko na ang cable

At miss ko na ang pagba-blog.

Pasensya na, bayad ang oras ko rito… at may script pa akong tatapusin.

Langya. Nakikini-kinita ko na… paglapag pa lang ng eroplano mamaya eh sasalubungin na ako ng trabaho.

Malamang sa hindi, sa Sabado na ako makakabalik.

At may napansin pa pala ako… bago na ang layout ng WP… ‘stiiiiggg.

Medyo matagal din pala akong nawala…

At hindi nagunaw ang mundo.

Mga Puna»

1. misyel - Abril 10, 2008

sobrang busy naman, namiss tuloy namin posts mo. sana nga di pa magunaw ang mundo dahil madami pa kong gustong gawin, tulad na lang ng pagpapakita ng konting laman nitong darating na summer nyahahaha!

salamat naman sa mga mababait mong salita, sis!

tama ka… cannot be pang magunaw ang earth kasi di pa ko nag-aasawa!!! nyahahah!

2. Mix - Abril 10, 2008

At siempre namiss naman namin ang mga posts mo… haha! ingat!

salamat mix!

na-touch ako! uy ano nang nangyari sa hinihingi ko sayong kanta?! hehehe!

3. ludwig02 - Abril 10, 2008

really galing ka ng Quezon province?kaya pala wala kang respond sa mga comment ko eh.san ka sa Quezon pumunta?uy friend lam mo ba si AZRAEL inuutusan akong gawin ko daw forum yong mga comment ko sa topic mong “packing”sabi ko nga ayoko kasi baka magalit ka…kumusta nga pala bakasyon mo?penge ng pasalubongπŸ™‚

ahm. galing ako sa Palawan, ang islang walang internet at kuryente… at sa LUNGSOD ng Quezon po ako bumalik… kaw, not reading properly! hmp!

nway, sana nga bakasyon ang ipinunta ko run, kaso trabaho pa rin eh.

…at wag na wag mong gagawing forum itong blog ko!!!

ahm… nakikiusap lang… friend.

4. ludwig02 - Abril 10, 2008

kumusta na my friend?san ka sa Quezon province nagpunta?ok ba ang bakasyon?

nota bene.

5. camilleeee - Abril 10, 2008

yey, bumalik na sya.πŸ˜€

wak nman sana gumunaw ang mundo, di ko pa kabisado ang bagong layout ng wp waaaa. kakalito gamitin.

salamat sa welkam!

oo nga eh, ako rin, medyo nalilito rin ako. pero masarap sa mata ‘yung kulay, medyo ma-clutter lang.

6. A Z R A E L - Abril 10, 2008

hanggat nabubuhay ang mga taong tulad mo, hindi ako naniniwala na magugunaw ang mundo.. at sa halip, lalo itong magiging isang planeta na puno ng pag-asa at pagmamahalan..

at kung hindi pa sapat ang mga ‘banat’ na ganyan para sa isang ‘malinis na intensyon’ na relasyon na ang pundasyon ay pag-hanga at tunay na pag-ibig sa kapwa tao…

pwede na rin ako sa isang relasyon na imoral bwahahahaha!

hindi mo mapapanindigan, az, kaya wag ka na!!!

hanggat nabubuhay ang mga taong tulad mo, hindi ako naniniwala na magugunaw ang mundo.. at sa halip, lalo itong magiging isang planeta na puno ng pag-asa at pagmamahalan..

saang komiks mo hinugot ‘to? hehehe! pero tama ka… hindi pa puwedeng magunaw ang mundo… bakit?

…dahil dalaga bata pa ako, at marami pa akong pangarap sa buhay.

7. Maldito - Abril 10, 2008

welcome back sa pagbabalik mo sa ating mundo mahal na dyosa!

salamat sa welkam, maldito!!! at salamat sa pagdaan.πŸ˜€

8. taroogs - Abril 10, 2008

yaan mo, miss lenggai… balang araw, free wifi zone na ang buong pilipins!πŸ™‚

ka taroogs!!! pag nangyari yun, ako na ang pinakamasayang blogger sa buong pilipins!!!πŸ˜€

9. aga - Abril 11, 2008

bisyo na to!!! asust..

oo nga eh, kaadik! heheh!

10. angel - Abril 11, 2008

busy-busihan din ah.. Aheheh.. ingat po sa byahe!

salamat, angel!πŸ˜€

11. Jon Cabron - Abril 12, 2008

uy friend alam mo ba……… so gei!

‘nyway.. so kamusta ka naman?

war freako…

mabuti naman ako… namiss kita, jon!

12. kurokuroko - Abril 13, 2008

haller. palawan. P-A-L-A-W-A-N. palawan. say it, come on, say it…1,2,3… PALAWAN!

hnyahahahahahah!!! you are so smart…

13. Jules - Abril 13, 2008

Hi! Okay tambayan ang blog mo ha! Cheers!πŸ™‚

Salamat! Kampai baiiiii!!!

14. ludwig02 - Abril 14, 2008

i see..e di nakasalamuha mo ang mga native ng Palawan?gaya ng TAO’T-BATO.oo friend di ko gagawing forum ito.last time di ko naman sadya yon e.

ahm, dun sa story ko, tao lang nakasalamuha ko… at mga lapu-lapu.

pero seryoso, alam ko yang tinutukoy mo, pero sa tingin ko wala nang ganun dun. dati pa kinober yun, sa probe. tingin ko, sibilisado na sila ngayon.

15. ludwig02 - Abril 16, 2008

malamang civilize na talaga sila ngayon,pero sa mga lib-lib na pook sa palawan lalo na sa mga kuweba palagay ko meron pa..gaya ng mga dumagat sa rizal at quezon marami parin sa kanila ang nasa kabundukan at walang edukasyon.ang mga aeta diba?bakit paubos na ba ang mga Lapu-lapu sa palawan…favorate ko yan lalo na pag steam lang….sarappppppp!πŸ™‚

hindi naman. ginawan lang namin ng kwento yung pag-culture sa kanila.

16. ludwig02 - Abril 17, 2008

ah..bakit ang tagal i upload sa you tube yang kinober nyo sa palawan tungkol sa mga lapu-lapu?uy friend try mo nga ulit puntahan yong blog ko (http://ludwig02.wordpress.com) thanks……πŸ˜‰

17. A Z R A E L - Abril 19, 2008

hindi nga ginawang forum, nagmukhang chatroom naman.

babae! sagutin mo ang tanong ni lalaki! lols

isa ka pa… pareho kayo ni jon… flame bait!!!

hay… ewan ko ba.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: