jump to navigation

Nakauwi rin! Abril 13, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Coverage, Lipad-isip.
trackback

April 8 — Tanghaling tapat, pero nakabukas ang lahat ng ilaw sa kuwarto ko.

Itinali ko na ang dulo ng mga kurtina… pero madilim pa rin. Nahawahan na yata ng kulay ng barnis sa mga dingding at kasangkapan ang liwanag na tumatagos mula sa mga bintana.

Limitado lang daw ang suplay ng kuryente sa isla kaya paandap-andap ang ilaw. Nakakaantok din ang humihingal na hangin galing sa nakatutok na bentilador.

Walang TV, pero kanina ko pa naririnig ang Greatest Hits ng Air Supply… galing sa radyo ng van namin. Hindi raw mapakali ang drayber namin kapag tahimik… at sa lakas ng bayo ng drums ng Come What May eh pakiramdam yata niya, obligasyon niyang magbigay ng sound system sa buong hotel.

Maganda na sana ang intensyon niya eh… pero naman… Air Supply?!

Lorrrrdddd… ibalik niyo na po ako sa Maynila!!!!

April 12 — Pilit kong pinagkasya sa pinto ng hacienda gate namin ang tatlong malalaking bagahe na baon ko sa biyahe.

Kumpleto na lahat ng sasakyan sa garahe kaya mukhang ako na lang ang absent sa pamilya Perez.

Pagkasusi, dumiretso na ako sa loob ng bahay… mabigat ang mga dala ko, pero sa bawat hakbang, tila gumagaan ang aking bitbit… sa wakas! Home, sweet home!

Sinalubong ako ng aming kasambahay, akala ko’y tutulungan ako sa aking bagahe, pero nung iniaabot ko na ‘yung isang sako bag ko na umaapaw sa maruming damit… patay-malisya siyang pumihit palayo, at nag-report sa mga magulang ko: “Andito na po si Ate!”

Pagpasok ko, napatili ang bunso namin… ewan kung sa galak o pagkadismaya… pero halos dalawang linggo rin akong nawala… baka na-miss lang ako.

Ngumiti ang tatay ko… nagmano ako sabay upo sa aming hapag-kainan.

“Anak… hindi ka na pumuti!”

Katatapos ko lang mag-cover ng mga maninisid ng Lapu-Lapu sa Palawan, natural, dagat ‘yun kaya masusunog na naman ang balat ko. Pero kahit pa hindi naman ako nag-beach eh huwag na nating paglolokohin ang ating mga sarili sa pag-asang puputi ako sa natural na paraan.

Haaayyy… welkam home, Lenggai!

Mga Puna»

1. Mix - Abril 13, 2008

Maligayang pagbabalik ate lenggai… “ate” hahaha!

“Ate” ampft!😦

2. kengkay - Abril 13, 2008

ang sarap mo naman, kahit na hindi ka na pumuti, hahaha – welkam back, dear!

morena is B-E-A-U-T-I-F-U-L…

kahit HERSHEY’S chocolate na ang kulay ko… hehehe!

3. camilleeee - Abril 13, 2008

welkam bakkkk!πŸ˜‰

natakot ata si kasambahay sa isang sako na dala mo hehe.πŸ˜€

haaay.. palawan..
‘gang piktyurs lang talaga ako.

pede po ask? πŸ™‚
kelan po mpapanood sa tebe yung ki-nover mo sa palawan?

salamat!πŸ˜€

actually pinalabas na siya kagabi…πŸ˜€

you can check it out pag may nag-upload na sa youtube, kapuso mo, jessica soho… red lapu-lapus in palawan.πŸ˜€

4. foobarph - Abril 14, 2008

yoko na sa maynila. muhuhuhuuu

bakit naman? sarap sarap dito eh… parttttteeeehhhhhh!!!

5. ludwig02 - Abril 14, 2008

salamat sa Diyos at nakauwi ka ng ligtas;)

salamat.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: