jump to navigation

Pabukas ng erkon! Abril 13, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

May aircon kami sa kuwarto… at isa siyang pribelehiyo kapag ganitong mala-pugon ang init sa bahay namin.

Kaso, iyong saksakan nito, nakakabit sa bahay ng Lola ko. Kung paanong nangyari ‘yun eh wala na akong balak i-analyze, basta tuwing gagamit kami ng aircon eh kelangan may pasintabi sa Lola ko.

At madalas, hindi siya pumapayag.

Simula nung pag-uwi ko kahapon, iyon na ang inaawit ko sa kanya, pero ayaw niya kasi mahal daw sa kuryente. Aminado naman ako na wala akong initiative magbayad ng kuryente dahil kuripot ako marami akong ibang binabayaran.

Pero kung ganitong pakiramdam ko’y magkaka-tan line ako kahit nasa loob ako ng banyo eh wala na naman sigurong masama kung gampanan na ng aircon namin ang takdang tungkulin niya sa bahay namin di ba?

Kaso… ayaw pa rin ng Lola ko.

Isa-suggest ko sana sa kanya na kung ganun din lang ang patakaran, eh di baklasin na lang namin ‘yung aircon at baka sakaling ‘yung butas na iiwan nito sa dingding eh makatulong pa sa malayang sirkulasyon ng hangin sa bahay namin… tapos pagawan na lang namin siya ng istante… o di kaya kuwadro. Para magkaroon ng silbi — display sa sala.

Pero gaya ng sabi ko kay Az, mahal ko ang Lola ko at hindi ko siya kayang pilosopohin ng harapan… kaya kahit gabutil na ang pawis namin sa init at hindi na nakapagtataka kung tubuan na kami ng bungang araw sa pawis… ngumiti na lang ako at nag-“opo.”

Buti pa ang mga lalaki, kapag nainitan, puwedeng mag-topless.

Ginawa ko iyon noong grade two ako… nakatalikod pa sa bentilador… katakut-takot na sermon ang inabot ko sa magulang ko.😦

Mga Puna»

1. kengkay - Abril 13, 2008

hahaha, baka kamag anak ni kengkoy ang lola mo kasi takot din sya sa aircon e, pati mga anak ko mas type pa nila ang electric fan!

mas takot siya te keng dun sa bill, kesa sa erkon! hehe!

2. tapsiboy - Abril 13, 2008

hehe ang bait mo palang apo, at ako ay isang walanghiyang anak.

pag naiinitan, walang ng sabi-sabi… bukas agad ng air-con, sabay tanggal ng t-shirt. Para mas ma-feel ko ang lamig ng air-con.

Sisigaw lang naman ang nanay ko pag dumating na yung bill ng kuryente e.
…and sanayan na lang siguro. :]

hehehe… mabait talaga ako, kahit pasaway ako, mahal na mahal ko lola ko…😀

pero baka i-on ko na ang erkon mamaya, tulong na lang ako sa bayad para wala nang kokontra…

3. wei vines - Abril 13, 2008

hehehe..minsan nagpaparinig na lang din lola ko saken, pano, ako talaga pasimuno pagbubukas ng aircon ng magdamag. Medyo nagsasawa na din sila kakasaway saken kaya nagsawa na din ako magbukas ng aircon (?!) kaya madalas, pag nainitan, tatambay na lang akong school.

Ang bait mo namang apo😉

ay lab my lola… me erkon man o wala.😀

4. Jules - Abril 14, 2008

Pitch in ka na lang sa bill plus bonus kay lola para happy na rin sya🙂

parang ganun na nga ang mangyayari…🙂

5. ludwig02 - Abril 14, 2008

🙂

6. garvanguelle - Abril 14, 2008

global warming kasi e kaya mala-impyerno talaga ang init. Nakahanga-hanga! nagtopless ka nung grade two ka! hahaha!

hindi lang nung grade two… pero sa tingin ko eh hindi ito ang tamang lugar at pagkakataon para i-share kung paanong nangyari yun…

7. Jon Cabron - Abril 14, 2008

sa amin eksos pan lang nanggagalaiti na ang nanay ko… uy friend.

eksos pan… sa banyo? i doubt it.

ikaw… nakakatawa ka, pero stop it, flame bait!

8. Mix - Abril 15, 2008

Yung kwarto ko sa manila parang pugon. Siguro pag nag-iwan ka dun sa ilalim ng kama ko ng hilaw na pandesal, luto na pagdating ng hapon. Iba ang nag-iinit sa akin… hehehe! pero wag na lang yun ang pagusapan. haha!

hinde tara pag-usapan natin!!! lol!!!

9. gasti - Abril 15, 2008

uy friend! hahaha! kelan naman ipapagamit ng lola mo ang aircon? pag tag ulan na. siguro kung ako nasa sitwasyon mo magbubukas pa rin ako ng aircon at bibigyan ko ng isandaan ang lola ko..hahaha! laking tulong.

onga. 100 per day… laking tulong!

ikaw ha, isa ka pa…😆

10. kulot - Abril 16, 2008

yaman nyo naman may aircon kayo, sa amin split type lang ewan ko yun ang tawag ng nanay ko e.

joke lang, isa rin ako sa tumatabi sa bentilador pag natulog

ahhh… simula nang madestino ako sa itaas na bahagi ng double deck namin, hindi na ako nakatabi sa bentilador… pero kapag nasa sala ako, monopolya ko ang bentilador… hehehe!

ahm, ano ‘yung split type?🙂

11. feth101 - Abril 16, 2008

ako ang ginagawa ko pagganun,hindi na lang ako muna umuuwi at tatambay na lang muna ako sa mga me aircon na lugar gaya ng jollibee,7-11,or malls.tapos paggabi na,syempre hindi na mainit,saka ako uuwi kasi ilang oras na lang at malalasap ko nanaman ang sarap ng aircon!hehe,yun po eh nung hindi pa ako bumubukod.ngayon eh ako na ang hari ng tahanan kaya diskarte na lang ng pambayad pagbayaran na.hehe

kung puwede nga lang sana di ba?😦

12. Lyzius - Abril 21, 2008

huhuhu…kung jan pugon, dito impyerno ang init… 50 degrees umaabot..buti na lang nga mejo nagugulumihanan pa ang panahon nayun kaya di pa sya sure kung kelangan na ba talagang magsummer or wag muna. umaabot pa lang kasi ng 40 degrees init dito nayun, so mabait pa si haring araw ng lagay na yan

impyerno nga!!!

katakot! di ko keri yan… kaahit pa naka-summer get-up ako, baka himatayin ako… san bang impyerno, este lugar yan?

13. mutfak - Nobyembre 6, 2008

No freaking way. I’m absolutely disagreeing. Next time when you post something think about reaction of readers.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: