jump to navigation

Across the Universe: A Taglish Review Abril 15, 2008

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

Medyo nagtalo pa sa isipan ko kung paano ko isusulat ang entry na ito: English o Tagalog ?

Baka sakali kasing i-Google ni Paul McCartney ‘yung mga rebyu sa pelikulang Across the Universe, eh mabuti nang naiintindihan niya ‘yung isusulat ko… malay mo, mag-comment pa siya, di ba?

At kapag nangyari ‘yun, ako na ang pinakamasayang Pinay blogger sa buong Universe.

But what are the chances?

Nada.

Asa pa me.

First time kong magrerebyu ng pelikula… at bagama’t wala naman akong mahihita sa mga papuri (o panlilibak) na ibabato ko sa entry na ito, naisip ko lang na maglaan ng konting espasyo sa tahanan ko bilang pagbibigay-pugay sa isa sa mga peyborit kong banda, everrrr!

Malaki kasi ang expectations ko, mula sa visuals hanggang sa kuwento. Noong 2007 pa kasi siya bini-build up sa akin ng kapatid ko.

At nangyari na nga, matapos kong asikasuhin ang mga bayarin at kung anik-anik sa Trinoma, humabol pa kami sa LFS.

Ewan kung biased lang ako kasi mahal ko ang Beatles, pero pasimula pa lang ng pelikula, excited na ako.

Sulit naman ang pagpipigil ko ng hininga dahil visual nirvana na maituturing ang buong palabas.

Kung tutuusin, simple lang ang effects na ginamit sa editing (paalala lang sa mga Beatles-fan na may photosensitive epilepsy: hard core ang pagka-psychedelic ng ilang music videos (I Am The Walrus) dito, kaya kung sa tingin mo eh wa poise ang magkikikisay sa loob ng sinehan, huwag niyo itong panoorin).

Pero bukod sa eye candy siya, mula cinematography hanggang cast,  mas kahanga-hanga ‘yung pagkakahabi ng mga kanta ng Beatles sa kuwento. Suwabe at me sense. Hindi ka niya gogoyoin sa pinambayad mo ng tiket para lang maki-jamming sa Greatest Hits ng banda… bawat entrada kasi ng kanta sa eksena, halatang pinag-isipan.

Wala rin akong masabi sa cast. Alam kong sinadya na ipangalan sila sa mga sikat na tauhan sa mga kanta ng Beatles, ang hindi ako sigurado eh kung coincidence o talagang pinag-isipan din ang pagpili sa hitsura ng mga artista.

Si Jude (Jim Sturgess), mata pa lang, me pagkakahawig na ke Paul McCartney. Si Lucy (Evan Rachel Wood), ayon sa kapatid ko eh parang representation daw ng nanay ni John Lennon. May isang ekstra pa run na paulit-ulit na sumisingit sa ilang mga eksena ng pelikula na parang matandang bersyon ni John Lennon.

‘Yung mga ganung detalye, epektibo para sa mga manonood, kasi parang naisakatauhan na nila ‘yung perpektong karakter na maiisip mo kapag kinailangang bigyan ng “mukha” ang mga kanta nila.

Para rin sa isang musical na nakabase sa mga obra ng mga sikat na musikero, hindi naman mapapamura ang nalalabing miyembro ng Beatles sa performance ng mga artista.

Unang bungad pa lang ni Jude, mapapabuntong-hininga ka na sa bersyon niya ng kantang Girl.

Personal favorite din naming magkapatid ang pagkakatanghal sa kantang Come Together, If I Fell, All You Need Is Love at siyempre, ang makalaglag-panty na I Am the Walrus ni Bono ng U2.

Kung naghahanap ka naman ng Filipino connection sa pelikula… malamang eh una mong mapagkakamalan na Pinay eh si Sadie… ‘yung mala-Aegis na singer/landlady. Pero ang totoong Pinay eh ‘yung tibo… si Prudence o Teresa Victoria Carpio… screen name: T.V. Carpio.

Redundant na kung sasabihin kong napakaganda ng boses niya… at siguro sa una eh medyo mapapaisip ka lang kung sino ang pinag-aalayan niya ng kantang I Wanna Hold Your Hand.

Sa kalaunan, nang medyo dumadalas na ang pagtanaw-tanaw niya sa mga chicks sa istorya at hindi niya na pinapalitan ‘yung kasarian na tintutukoy sa orihinal na lyrics, mage-gets mo na rin.

Pagdating sa set at costume design, surreal ang pagkakagawa sa bawat eksena. Hindi man ito papantay sa astiging animation at set design ng Pirates of the Carribean o Elizabeth, pero kita mo naman ang effort na gawing faithful pa rin ang pelikula sa pinaghugutan nitong estilo ng Beatles. Paborito namin ang rendition ng She’s So Heavy, primarily dahil sa choreography. Pero ang na-nominate sa Oscars eh ‘yung For the Benefit of Mr. Kite, na astig din naman dahil sa paglalaro nila sa visuals.

May ilang mga parte sa pelikula na kung lalaliman mo ang expectations mo eh madidismaya ka…

Ah lumayas na si Prudence? Ha? Nagkabalikan na sina Sadie at Jojo? Eka… pucha bat biglang lumitaw sa circus si Prudence? Kelangan ba talaga ng mga sumasayaw na Bumbay dun sa tren? Parang pilit ang pagpapaka-hot nurse ni Salma Hayek?

Theatrical din ang pagkakalahad sa mga music video, na kung hindi ka naman nanonood ng art film o hindi ka fan ng Beatles eh hindi mo maa-appreciate. Malaki pa nga ang tsansang mabaduyan ka.

Malamang eh iyon din ang dahilan kung bakit hindi ginawang magkakasabay sa sinehan ang pagpalabas ng Across the Universe sa Pilipinas. Baka akala nila eh kakaunti lang ang makaka-relate.

Hindi kasi ito ang tipo ng pelikula na isusubo na lang sa iyo ‘yung kahulugan ng bawat eksena. Kung hindi mo rin trip ang Beatles eh malamang, kahit pa sabihin ko sa inyong me left breast exposure ‘yung pagkaganda-gandang si Lucy, at mga dalawang beses ding pinakita ‘yung bilog na bilog na puwet ni Max, eh di magtatagal, aantukin ka sa mga music video.

O puwede rin namang mali ako.

Tatlo lang kasi ‘yan:

Palagpasin mo ang pelikula at asahang ipapalabas na lang siya sa HBO makalipas ang ilang buwan…

Mabato ka sa pelikula dahil hindi ka naman fan ng Beatles at nahihilo ka sa psychedelic colors…

o lumabas ka sa sinehan na nakangiti’t high

…tapos mga limang oras mo nang LSS ‘yung chorus ng Across The Universe.

Mga Puna»

1. Maldito - Abril 15, 2008

ako love ko ang part ni prudence nung kinata nuya ang I wanna hold ur hand…napa “Huh?” nalang ako…ang ganda niya…crush ko nga siya..lols..naging LSS ko na din yun ilang araw..pero bakit ba ginagwa siyan tburd?hu hu hu…at nagsusulpot nalang kung saan saan..pero the best ang movie..parang nabuhay lang tatay ko.

lol! nagsusulpot kung saan-saan… oo nga no? isa pa yun sa mga kakaiba sa pelikula. pero panalo nga ang boses niya. nakakabihani.🙂

2. kurokuro - Abril 15, 2008

para siyang pinagtagpi-tagping music video for me.

pero aminin mo, nakakadarang siya…😀

3. kengkay - Abril 16, 2008

haysss, kelan kaya ako makakanood ulit ng sine? salamat sa inyo ni kuro kuro at nalaman kong madilim pa rin pala sa loob ng sinehan😀 uy, until now kilig pa rin ako sa istorya nung BF GF ha, hahaha

hahah! those were the days!!!😀

4. kulot - Abril 16, 2008

susme! 2 years na ata akong di nakaapak sa loob ng sinehan…

nyek! bakit naman?

ako, bisyo ko na ‘yun… hehe!

5. feth101 - Abril 16, 2008

nice!hehe,daan lang po….

salamat!

6. Salma Hayek » Blog Archive » Across the Universe: A Taglish Review - Abril 16, 2008

[…] Videos Porno Gratis | Sexo xxx | videos Porno XXX en videosgratis.tv wrote an interesting post today on Across the Universe: A Taglish ReviewHere’s a quick excerptKelangan ba talaga ng mga sumasayaw na Bumbay dun sa tren? Parang pilit ang pagpapaka-hot nurse ni Salma Hayek? […]

eto seryoso, pustahan hindi niya naiintindihan ang sinulat ko…

7. galadriel - Abril 17, 2008

mahigit kalahati ng audience nag-walk out sa kalagitnaan ng pelikula. mga nabore to death. yung mga naiwan naman total opposite: kumakanta, tumatawa at parang gusto pang pumalakpak pagkaroll ng credits … kasama ka na yata sa mga yon!🙂

ako … winish ko na may kamakeout ako sa dilim, o may kinakain sana akong fried chicken, o nagbaon man lang sana akong thermos ng vodka ice. wala akong makuhang emotional involvement sa across the universe, pero alam ko kung bangag ako, i’d have really loved it.

nyhahahahahah!!!

mahal ko talaga beatles… ako lang ata emotional sa mga nakausap ko about the movie, hehe

8. ludwig02 - Abril 17, 2008

friend bisita ka sa blog ko may link na yon doon mo makikita ang mga greatest samut-sari ikaw na ang bahala kung okey sayo o hindi….NIRVANA?okey sa akin yang band na yan syempre THE BEATLES atin yan..friend isama mo naman ang THE BEEGES pagdating sa greatest band.ito the greatest band din ito banda ng magkakapatid Karen….suwabe din sa pandinig ang ang obra nila…compatible pala tayo pagdating sa greatest…hehehe🙂

josme…

9. wei vines - Abril 17, 2008

uhhmmm di na gumagana yung url ni salma hayek. Mukang nabasa niya lang yung sinabi mong ‘sumasayaw na bumbay’.

10. Pages tagged "salma hayek" - Abril 17, 2008

[…] tagged salma hayekOwn a WordPress blog? Make monetization easier with the WP Affiliate Pro plugin. Across the Universe: A Taglish Review saved by 5 others     sasukeitachi777 bookmarked on 04/17/08 | […]

11. chris - Abril 21, 2008

cool review!

kakabili ko lang ng dibidi nito

ngayon ko pa lang papanuorin🙂

salamat!

although mapapatawad niyo ba ako dahil medyo biased ako kasi nga beatles fan ako, hehe!

12. ludwig02 - Abril 24, 2008

friend may flickr account ako as ludwigvanpascua doon mo ako makikita.paki bisita nalang ha..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: