jump to navigation

Nagbabadyang Signos… Abril 16, 2008

Posted by Lenggai in Good News, Lipad-isip.
Tags: , , , , , , , , , ,
trackback

Alam na nating lahat ito: Mainit sa Pinas.

Summer kasi.

Ang bago: May bagyo. Ngayong SUMMER.

How’s that?

Marami nang weirdo na pagbabago ang nagaganap sa panahon natin ngayon. At ang tinutukoy ko eh hindi lang ‘yung hokus-pokus ng mga pulitiko na pinapakain sa atin ng mga balita.

Kapag pinag-uusapan ang global warming, mabibilang mo ang mga taong nakakaalam kung ano talaga ang ibig sabihin nito.

Lalo na ang mga Pinoy.

Napanood mo ang Inconvenient Truth ni Al Gore o Six Degrees Could Change The World ng NatGeo. Marami ang mapa-paranoid… pero makakalimot din pagkatapos ng ilang oras.

Nagkaroon ng Earth Hour sa Pinas noong March 29. Lights off sana ang gimik bilang protesta sa climate change. Pero lumipas ang alas-otso hanggang alas-nuwebe ng gabi, maliwanag pa rin ang EDSA, maliwanag pa rin ang Mindanao Ave., life goes on sa TriNoma. Mabibilang ang mga Pinoy na nakibahagi sa global event.

Mabibilang ang mga may pakialam.

Hindi pa kasi handa ang masang Pinoy sa usapin ng global warming.

Sabagay, kung pamilya kayo ng isang kahig, isang tuka, ano nga ba ang mas uunahin mo?: iligtas ang mga puno o iligtas ang pamilya mo sa gutom?

Para sa ating mga keri naman ang estado sa buhay, mas interesanteng pag-usapan ang latest eskandalo ke Osang kesa ‘yung pinakamahusay na paraan nang pagbubukod ng ating mga basura.

Boring pag-usapan ang kalikasan. Nakakabato kasi wala PANG kahindik-hindik na pagbabago sa paligid natin.

Ang siste, hihintayin pa ba nating maging exciting ang usapan bago tayo makinig?

Nitong nakaraang araw, kinausap ako ng isa sa mga boss ko. Puwede ko raw bang gawan ng entry ang Signos, ‘yung Earth Day special ng News and Public Affairs tungkol sa climate change.

Hindi ako kasama sa mga rumaket dito, pero interesado ako sa puwedeng laman ng mga segment. Puro kasi mga kano ang nakikita kong nagkya-kyawkyawan tungkol sa mga usaping pang-kalikasan. Gusto kong malaman ‘yung Pinoy version niyang global warming na ‘yan.

Bukod sa mga beteranong brodkaster ang babangka sa mga tatalakaying isyu rito, me panghatak din sa masa, si Richard Gutierrez.

Hindi ako fan ni Kamandag, pero kailangan natin ng pamilyar na mukhang kukumbinse sa mga Aling Barang at Mang Kepweng na makaka-relate sila sa palabas na ito. 

Boring pag-usapan ang kalikasan. Nakakabato kasi wala PANG kahindik-hindik na pagbabago sa paligid natin.

Pero hihintayin pa ba nating maging exciting ang lahat bago tayo makinig?

***

Ito ang sampol ng ilan sa mga exciting na posibilidad na maaari nating pag-usapan balang araw:

– Balang araw, mag-a a la Atlantis ang ilang parte ng Pinas tulad ng Navotas at Roxas Blvd.

– Magiging bagong Boracay ang mga bansa sa Artic region (Norway, Finland, etc.)

– Huli na para mapigilan natin ang climate change. Ang tanging magagawa natin eh paghandaan ito.

– Hindi naman magugunaw ang mundo kapag nag-global warming. Pero dahil third world country tayo, mas mahihirapan tayong maghanda.

***

Marami ang nagsasabi na ang mga ganitong prediksyon ay eco-hype o eco-paranoia lamang ng mga dayuhang environmentalist.

Pero sa dami na ng mga nagbabadyang signos sa panahon natin ngayon, maano ba namang huminto tayo sandali… at makiramdam?

 

Mga Puna»

1. koreanmine - Abril 17, 2008

mag aala atlantis ang navotas :-s kapitbahay ko yun hala chak nmn na damay kme dun hala :-s
peru tutuo, pag nkapanood ng ganyan, ma kokonsern sandali taz wala na din uli.. kc nga di p nararanasan

minsan nga, kahit naranasan na eh nakakalimutan p din eh.. sabi nga, out of sight eh out of mind..

korak! amen!

2. g_mirage - Abril 17, 2008

I read from a friend’s blog, an officemate asked him (day after earth hour) “Brown out ba kagabi?” wahehehehe.

Speaking of signos, try Matthew 24 =D Di ka maliligaw…

hanap kita dito: http://kidsahoy.multiply.com/photos/album/78/GMA_Covers_Kids_Click#42 kaso wala ka naman….

ah wala nga ako jan…

3. ludwig02 - Abril 17, 2008

di na bago ang ganyan friend bagyo sa tag-araw nangyayari talaga ang ganyan buti nga mahina lang e di gaya dati 8yrs ago may ipu-ipu pang kasama kaya wag na magtaka,okey? malaki na kasi ang butas ng ozone layer ng mundo kaya matindi na ang init.🙂

4. wei vines - Abril 17, 2008

hehe..naka alarm na nga yan sa cellphone ng mommy ko. Sa tingin ko, mas kapansin pansin yun kesa sa mga nag si-circus na pulitiko.

Kung tayo naman ang mababalot sa yelo, mahirap naman yun paghandaan. Bukod sa walang pera karamihan saten, matagal bago tayo makapag adjust. hahayyy.

natumbok mo! gleng!

5. ludwig02 - Abril 17, 2008

malamang friend tama ang sinasabi mo kasi may nabasa akong isang libro tungkol sa kalikasan kaya lang sobrang tagal na ng kwentong ito 95 million years ago.ayon sa kwentong ito natunaw ang nyebe sa mga bansang malalamig dahil sa sobrang init kaya umapaw ang karagatan at naging bahagi ng tubig ang ilang kalupaan….at may mga lawa at ilog ang natuyo rin..at sumabog ang mga bulkan…malamang baka maganap ulit ang ganun dahil sa sobrang init na ng mundo pero wag naman po PANGINOON…..last year nga e may nabasa akong balita sa dyaryo ha biro mo ang bansang Finland e nagbago daw ng klima muntik ng maging india sa init kaya marami rin ang namatay dahil nahihirapan huminga…gawa rin kasi ng mga tao ang ganito…hay naku ang mga tao nga naman oo… tsik tsik tsik…

6. wei vines - Abril 17, 2008

“daddy, what is a tree?!”

-wag sana natin hintayin na sabihin yun saten ng mga anak at apo naten😦

ang lungkot naman nun😦

7. bernardumali - Abril 17, 2008

come to think of it, too late na nga ata pero mas interesado ako sa evolution change na mangyayari, the concept of adaptability. Ano nga kaya ang mangyayari after 100 years

oo nga no? pero alam ko hindi na ako buhay nun, pero sana wag akong mareincarnate at maging polar bear… hehehe!

8. ludwig02 - Abril 18, 2008

pano nga magkakayelo sa bansang ito e mainit nga….may paraan pa para misalba ang mundo….mga tao rin kasi ang sumisira sa kalikasan.punta kayo dito sa UP dito nyo makikita ang mga punong matatanda pa sa mga lolo/lola natin.meaning maka kalikasan kaming mga taga UP bawal magkalat dito😉

9. ludwig02 - Abril 18, 2008

hindi pa huli ang lahat….may magagawa pa tayo.lam nyo ba sa japan nag babawas na sila ng mga chemical na makakasira sa ozone layer.?gaya ng prion na ginagamit sa aircon at iba pang chemical kung lahat ng mga bansa ganyan ang gagawin aba!babalik ulit sa tamang temperatura ang klima sa bawat bansa…..kawawa ang mga magiging anak natin,ika nga ng grupong ASIN ang mga batang ngayon lang isisilang may mga puno pa kaya silang aakyatin?may mga ilog at dagat pa kayang lalanguyan?….nakakatakot isipin…DISIPLINA ANG KAILANGAN!!!😦

10. taroogs - Abril 18, 2008

mukhang magkakatotoo na yata yung prediction na malilipol ang human species sa mundo (dahil na rin sa sarili nating kagagawan) at ang maghahari ay ang mga ipis🙂

pwedeng pelikula… “planet of the ape-pis” hehehe

nyahahah! ang kati ka taroogs!

11. tapsiboy - Abril 19, 2008

hay life.


😦

12. kengkay - Abril 19, 2008

mabuti pa ang mga little kengkays, alam na yan. hindi na yan naglalaro ng tubig, pinapatay nila ang mga ilaw kapag walang tao sa kwarto, at kung ano pa, dapat kasi simulan na yang mga ganyang gawain muli sa maliit pa lang. sanayan ba. kasi ganyan ang pinoy, bahala na si batman. mabuti andyan si kamandag😀

tama ka te keng… little things count.

13. chris - Abril 21, 2008

napanuod ko yung docu na to kagabi

scary.

pero tingin ko totoo yung signs

na-establish sa docu na talagang nakakatakot ang magiging epekto sa atin nito lalu pa’t mahirap na bansa lamang tayo

mabuti at na-appreciate mo siya. salamat sa pagdaan!

14. Reese - Abril 22, 2008

Remember Ate yung heat wave sa US? Khet may cooling centers (naks!) na sila, there were still those who collapsed and I think a small number of their elderly (na malamang ndi inaalagaan) died. Pano pa kaya kapag nangyari sa tin yun na third world? I doubt if our government could afford to even send some kind of advisory to everyone. Just think of the beggars on the streets exposed to all that heat! Wawa tayo. Super luv pa nga rin tayo ni God sabi ng Mom ko for savin us from all these weather upheavals.

i agree!!!

waaahhh!!! miss ko na kayo marisse!!!!

15. foobarph - Abril 23, 2008

dapat meralco ang nanguna jan para i black-out ang buong metro manila!

sana dumami ulit ang mga dikya para mawalan ng kuryente.

i mean… hindi na sana maalis yung mga dikya na katulad nung nangyari dati.

ay naku…. ewan… walang kwenta karamihan ng tao.

16. hello - Hulyo 8, 2008

basta alagaan ang mundo

17. hello - Hulyo 8, 2008

pano b naman kasi ung ibang tao dyan parang bale wala lang sa mundo dapat lahat ng tao ay magkaisa na alagaan ang mundo. ang mga tao talaga na wala lang
hay buhay



it’s the only one we’ve got, might as well keep it… di ba?

18. porkchop - Hulyo 8, 2008

we need to protect our world


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: