jump to navigation

27/F/QC Abril 20, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

Darating ang araw na makukuntento na akong nakatengga sa bahay… naka-daster na pink at nag-eeksperimento ng mga sangkap sa perpektong adobong manok.

Hindi ako obligadong magising ng tatlong araw, straight.

Makakatulog ako kung kelan ko gusto at magpupuyat lang ako kapag tinotoyo ang baby ko… o ‘di kaya’y kapag taglibog kami ng asawa ko.

Kapag may nangyaring malaking balita, hindi ko na kakailanganin pang makipagsiksikan sa coverage. 

Isang pindot lang ng remote, updated na ako.

Lahat nang ‘yan, mararanasan ko kapag nag-asawa na ako’t nanirahan sa bukid… kasama ang mga kapitbahay kong baka’t kambing…

…sa susunod na lifetime.

Una, hindi ako nagda-daster.

Pangalawa, marunong akong magluto, pero mas enjoy akong kumain.

Pangatlo, malaki lang ang tiyan ko, pero wala pa akong anak. Wala rin akong makita na makakasamang gumawa.

Wala rin sa hinuha ko ang manirahan sa tahimik na bukid. Mababaliw ako.

*****

Kaeere lang namin kanina at as usual, kahit pa lutang na ako sa pagod at puyat, hindi pa rin ako makatulog.

Sa susunod na linggo, eere ulit ako. Raket ‘yon.

Hindi ko na muna sana tatanggapin dahil isang buwan na akong dire-diretsong nagpro-produce.

Gusto ko sanang magpa-unat na ng buhok at magpa-derma. Itutuloy ko na rin sana ‘yung pagpapa-foot spa ko atsaka ‘yung pagpapaahit ng kilay. Kababae kong tao pero hindi talaga ako natutong magkorte ng sarili kong kilay.

Eh kaso, dala ng kakuparan ko, nagbayad ako ng mahigit tatlong libo para dun sa pag-kansel ng flight namin nung isang araw.

Naiwan kasi kami ng crew ko. Kasalanan ko. Akala ko kasi nasa kanto lang ng Timog ‘yung Domestic Airport at kaya siyang takbuhin ng wala pang 30 minutes.

Eh tanghali ‘yun. At nagkataong trapik.

Goodbye, flight!

Pakiramdam ko… rumaket lang ako para may pera akong pambayad sa mga katangahan ko.

Kaya ngayon… kailangan kong bawiin ‘yung tatlong libo na nakaltas sa ipon ko.

Basta. Patulugin niyo lang ako ng matino…

Mamaya, kinakailangan ko na namang mag-impake… at lumarga.

*****

Iniisip ko kung hanggang kailan ako magkakaroon ng resistensya sa ganitong klase ng trabaho?

Tumatanda na ako at darating din ang panahon na hindi ko na kakayanin pa ang stress.

O baka puwede ring kapag nagka-pamilya na ako, mag-request ang mister ko na maghinay-hinay na ako.

Ewan ko.

Bata pa ako at wala pang me kapangyarihang makapagpahinto sa pag-ikot ng mundo ko.

Hindi rin ako sigurado kung gugustuhin kong tumigil ito.

Mga Puna»

1. A Z R A E L - Abril 20, 2008

ramdam ko ang bigat na dinadala mo ngayon. ganyan talaga ang buhay kapag single at walang ka-partner sa buhay. hindi mo kasalanan, it’s just the way it is.. for now.

ngunit kapag dumating ang punto na gusto mo ng magkaroon ng partner, na makakasama mo sa pagpapaikot ng iyong mundong ginagalawan, lagi mo lang tatandaan..

mayroong isang taong isasakripisyo ang lahat, mapangiti ka lang. dadamayan ka sa lahat ng iyong pinagdadaanan..

sya ang magluluto ng adobo, at kakainin mo na lang..
sya ang maghahatid sayo sa airport para hindi ka na maiwan ng flight..
sya na ang magpapaka-stress, at haharap sa problema makatulog ka lang ng mahimbing..

at ang taong yan ay walang iba kundi….

INEDIT KO AZ ANG COMMENT MO…

kadire.

2. Jon Cabron - Abril 20, 2008

or pwede din na pag nagkapamilya ka na hihilingin ng mister mo na tumigil ka na sa trabaho at sa bahay ka na lang.. mag daster at manood ng mga pelikula ni fernando poe, hang swit!

also, im back.

una. ayoko ng minamanduhan ako. sa trabaho lang ako pumapayag na magpaganun.

pangalawa, hindi ako interesado kay fpj o sa kahit na sinong related sa kanya.

pangatlo, nakakadiri ka jon.

at welkam bak.

3. wei vines - Abril 20, 2008

baka pag naisip mong mag settle down, mamimiss mo lahat lahat ng mga raket mo😀

enjoy mo muna yan😉

malayo-layo pa ‘yun…🙂

4. foobarph - Abril 20, 2008

sa lahat ng sinabi mo, isa lang ang masasabi ko.

amen

amen = go girl! (palibhasa half vampire mode na ako ngayon, nyam nyam)

:-[

hahah! ge pagbibigyan kita…

5. kulot - Abril 21, 2008

masarap manirahan sa bukid, as long as:

may DSL

may sony bravia

may laptop o pc

may gaming console

at huwag kalilimutan nga ang signal!!!

imagine life without cellphones? nooooooooo!!! (kahit wala naman akong katext… nyahahahah!!!)

6. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Abril 21, 2008

waaaaahhh…pareho tau ng dilemma…hehehe

curious lang ako… anong dilemma tayo nagkapareho?

salamat sa pagbisita!

7. fjordz - Abril 21, 2008

Datir-rati.. o siguro sa tuwing na-e-stress ako dahil sa dami ng ginagawa ko, parating nakikipagdebate sa utak ko ang mga naiisip ko. Na kebata-bata ko pa, masyado ko nang nilululong ang sarili sa trabaho at kung anu-ano pang gawain at responsibilidad na pwede ko namang hayaang nakatengga at mag-enjoy sa buhay kabataan.. parati akong nakikipagbuno sa sarili ko kung bakit ko hinahayaang mamuhay na malayo sa buhay ng mga ka-edad ko. Iyong iba kasi, pagkatapos sa eskwela, gala! Gumagala rin naman ako paminsan-minsan para magsaya pero hindi ko lang talaga makuha ang kaligayahan sa gimikan. Ewan ko ba, parang ang lahat gawa-gawa lang.. parang lokohan lang…

Dumating din sa puntong inisip ko na baka dahil sa sobrang pagpapakasakit ko e baka hindi na ako umabot sa katandaan ko at maaga akong matigok hehehe..

***

pasingit lang nito, baka naman may open pa na ojt jan sa GMA at matulungan mo ako hehehe.. ECE ang course ko. Patulong naman o! hehehe [kinapalan ko talaga ang mukha ko at isinama ko to sa comment ko wahehehe]

http://hiraya.co.nr

hindi naman sa hindi na ako nakakagimik… maparaan ako sa ganyan. eto ngang blog nasisingit ko pa sa schedule ko di ba? minsan nga napapagalitan pa ako kasi mahilig akong mag-side trip… ‘yun lang, siguro stressed lang ako, pero napakasuwerte ko at may pagkakataon akong gawin ang lahat ng ginagawa ko sa trabaho ko ng libre…

tungkol sa isa mo pang tanong, ganito iho, pumunta ka sa gma at mag-submit ka sa HR ng resume. try mo follow up kung tumatanggap sila ng OJT. wala kasi akong alam sa ganyan dahil gaya ng lagi kong nirereklamo sa blog ko, lagi akong wala sa opisina.

isa pa, ordinaryong empleyado lang ako, wala sa akin ang kapangyarihan na tumanggap o magpasok ng kahit sino sa GMA. try mo munang mag-inquire sa department na para doon, malay mo, suwertehin ka. alam ko maraming opening sa ECE pero para sa mga lisensyado na yata yun. good luck!

8. ludwig02 - Abril 21, 2008

sa ngayon lang yan kaibigan pero kapag dumating ang araw na may pamilya ka na magbabago ang takbo ng buhay mo…mag out of town ka man e hindi na dahil sa trabaho kundi dahil sa iyong pamilya lalo na kapag nagkaroon kayo ng mga anak na responsable naku tyak lalambot ang puso mo. naiintindihan mo ba my friend?bakit ayaw mo naman kay FPJ?e makatao naman sya…dahil ba nasa kapamilya sya at wala sa kapuso?ako ay isa lang naman sa kanyang libu-libong tagahanga😉

…at dahil hindi pa nangyayari yun, it’s not yet my concern.

hindi naman sa ayaw, wala naman akong pakialam kung saang channel siya noon. with due respect, he is a legendary actor, but i’m not a fan.

9. Lyzius - Abril 21, 2008

halu, makiki comment… pwede ba makipalitan ng kabit (link)…

sure. thanks for droppin’ by.

10. putik! - Abril 21, 2008

tama si kulot..
—–
masarap manirahan sa bukid, as long as:

may DSL

may sony bravia

may laptop o pc

may gaming console
—-

hahahahaha

at wag na wag kalilimutan ang signal sa cellphone… langya, ang hirap pag walang signal!!!

salamat sa pagdaan!

11. ludwig02 - Abril 22, 2008

kaibigang lenggai maari bang magtanong?san ba ang province nyo?natanong ko lang kasi tingin ko dito ka lumaki sa siyudad kaya hate mo manirahan sa kabukiran at kailangan mo pang mag adjust sa bawat lugar na napupuntahan mo.right? aba!ako ang magsasabi sayo na di mo dapat ipagpalit ang kabukiran sa siyudad isang daang pursiyento ang kalamangan.una malinis ang hangin pangalawa sariwa ang mga pagkain at pangatlo nagkakaisa ang mga magkakapit bahay.yan ang hirap sa mga kabataan ngayon e ala nang alam tungkol sa kultura puro makina kasi ang inabutan.ako pag nagkaroon na ng Family di ko ititira dito sa lungsod iuuwi ko sila sa bayang kinagisnan ko.kung di lang dahil sa pag-aaral ala ako dito sa maynila e pero syempre kailangan natin ang edukasyon kaya andito tayo ngayon sa masalimuot na pusod ng Filipinas…friend pag nakarating ka sa bayan namin baka sabihin mo tama ako..pasensya na ha kung napangaralan kita kasi medyo naismall mo ang kabukiran.friend pumunta ka sa art gallery ano ang kadalasang nakapinta sa mga kwadrado,diba mga palayan at mga magagandang tanawin sa Filipinas sa mega mall meron punta ka o kaya sa SM dept.store punta ka sa Philippine Culture section.pag di mo na appreciate meaning di ka dapat na nasa Filipinas.take note my friend 26yrs old lang po ako baka kasi isipin mo matanda na ko he!he! di lahat ng taga UP matatanda he!he!😉 sana i kober nyo ang ilang bahagi ng Laguna marami namang pwedeng subject dun ah..

hindi naman sa minamaliit, naa-appreciate ko ang probinsya dahil marami kaming kamag-anak dun at nagbabakasyon din ako noon dun, kung me pera lang ako eh bibili ako ng resthouse. kung nababasa mo rin ‘yung ibang entries ko, malalaman mong may mga pagkakataong ipinagmamalaki ko ang ibang coverages ko sa probinsya, pero hindi ako ang tipo ng tao na makakatagal sa bukid. personality ko yon at hindi ibig sabihin na minamaliit ko ang probinsya at ang mga naninirahan dito. kung napapanood mo rin ang programa namin, maraming beses na naming na-feature ang laguna. kung may bago at kakaibang kuwento na hindi pa nakikita ever sa tv, pls feel free to suggest the topic, we’d really appreciate it. thanks.

12. Jules - Abril 22, 2008

jowa at janakis…. ang sabi-sabi, kapag hindi raw ito hinahanap o inaasam-asam, kusang dumarating. pero may mga nagsasabi din na ang mga ito ay hinihiling at ipinagdarasal. at kailangan specific para daw sapol na sapol!

ahhhh… specific at sapul na sapol? hmmm…

gusto ko si adam levine.

puwede na ba yun?😆

13. ludwig02 - Abril 22, 2008

oo friend naiintindihan kita…pasensya ka na sakin ganito talaga ako e mahilig kumontra…lam mo ba naka subay-bay na ako lagi sa blog mo?…pag naipublish ko na ang link ko ikaw na ang humusga sa mga isinulat ko….di pa ako beterano sa pagtuturo pero kahit bata pa ako ipinapakita ko sa mga studyante ko na terror proffesor ako pero di dapat katakutan dahil mabait ako. balik sa bukid he!he!he! HAVE A NICE DAY!😉

14. A Z R A E L - Abril 22, 2008

napagalitan. bwahahahahaha!

15. Jon Cabron - Abril 23, 2008

huhlols!

16. feth101 - Abril 26, 2008

LOL!!!

17. jombee - Mayo 2, 2008

ganyan talaga ang buhay… minsan kailangan nating magsakripisyo… kahit mismo ang kaligayahan na natin ang kapalit…
kaya mo yan! di ka nag-iisa..

pls add me as ur link… i added u olredi..tnx



got it. linked you, already!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: