jump to navigation

Bistado na! Abril 21, 2008

Posted by Lenggai in Boo!.
Tags:
trackback

At nangyari na nga…

Naaalala ninyo ‘yung kuwento ko tungkol dun sa nagtitiktik sa Papa ko?

Noong Miyerkules, nagkataong nasa opisina siya… at nakaharap niya ang mga ito.

Ayon sa tatay ko, kalkulado raw ang mga kilos nila.

Pagdating sa job site, hinarangan kaagad nung kotse nila ‘yung gate. Dati, hinahanap lang nila ‘yung contractor ng project sa Cubao. Ngayon, alam na nila ang buong pangalan ng Papa ko.

Dire-diretso raw ‘yung mga tao sa opisina niya. Mga naka-Type B na uniporme raw ng pulis. ‘Yung asul ang pantalon at puting T-Shirt. At para kumpleto ang get-up, me mga dala pa silang malalaking baril.

Nagpakilala sila bilang mga tauhan daw ng Special Operations Group ng Quezon City Hall. Nagbenta ng raffle ticket sa tatay ko.

Raffle ticket na nagkakahalagang 50,000 pesos ang isa.

Rason nila, marami raw kasing mga holdaper at gago sa paligid… kung ano ang koneksyon nito sa pagbebenta nila ng tiket na singhalaga na ng cash prize sa anumang matinong pa-raffle na alam ko, eh hindi ko ma-gets.

Hindi nagpasindak ang ama ko. Sinabi niya ‘yung pangalan ng Colonel na kakilala niya. Kunwari eh ‘yun ang may hawak nung project niya. Kung matalino ang mga gago, halata namang bluff lang ng tatay ko ‘yun. Ano ba namang alam nung kaibigan niyang Colonel sa construction, di ba?

Nang mapagtanto ng mga manggagantso na walang balak magbigay nang kahit 50 pesos ang tatay ko, kinuha na nila ‘yung raffle ticket at umalis. Ambilis. Wala pa nga raw sampung minuto.

Tinanong ko kay Papa kung ano ‘yung nakalagay sa tiket. Hindi raw niya nabasa kasi malabo. Sabi ko, eh mas malabo nating mate-trace ‘yung mga ‘yun kung wala tayong lead. Di bale, alam naman daw nila ‘yung plate number nung mga sasakyang gamit ng mga gago. Alam kong mabuti na ‘yun para at least, kung ano man, eh may point person na kami.

Pero hindi pa rin ako napapanatag.

Kakapanood ko ng mga action/suspense thriller sa sine, alam kong ‘yang mga ganyang klase ng tao, lalo na kung kinarir ka na nilang tiktikan, eh hindi basta-basta pumapayag na wala silang mahihita sa effort nila.

Tinanong ko ulit kung bakit hindi man lang ako tinawagan nung nandun ‘yung mga gago, eh ‘yun daw ‘yung araw na nag-Cebu ako.

Ewan ko, pero mas takot pa ako sa posibilidad na magising nang may nakalutang sa tapat ko, kesa sa kumumpronta nang mga ganyang klase ng tao.

Siguro ito na ‘yung huwad na pananampalataya sa bisa ng aking Media ID, pero kapag pamilya ko na ang naaagrabiyado, kahit pa naka-bazooka sila, hindi ako nasisindak.

Hindi namin alam kung kelan babalik ang mga gago, sana huwag na, di ba?

Pero kung sakali man, sana kapag bumalik sila, nandito ako sa Maynila para sa Tatay ko.

One time lang, ako ang kausapin nila, tingnan natin kung maka-jackpot sila.

Mga Puna»

1. ludwig02 - Abril 22, 2008

email mo ko regarding dyan,malamang di nagbibiro ang mga gung-gung na yon tityempo sila malamang.friend gusto kong makatulong (ludwigvanpascua@yahoo.com)huwag naman sana….

tnx.

2. taroogs - Abril 22, 2008

powtek… parang mga gangsters sa pelikula kung umasta ang mga mokong… nami-miss ko tuloy ang mga “dirty harry” days ng ilang mga palabang mayors ng maynila😦

oo nga eh. si lim parang sobrang mellow na. trip na trip ko pa man din siyang tumira noon.

3. foobarph - Abril 22, 2008

hmm.. for sure meron pang susunod sa event na ito bukod sa pagkuha ng raffle ticket.

better initiate the play “who’s the fool now?” game now, don’t you think? ^^

i’d rather have these people caught and exposed, but not at my father’s risk. kami na lang magharap-harap, wag na nila idamay papa ko. ‘yun nga lang, hindi ako ‘yung may pera eh.

4. Maldito - Abril 22, 2008

nakakatakot naman yan..yoko na nga magpayaman…ahe h ehe

huuu…. i doubt it. hehehe!

5. Lyzius - Abril 22, 2008

ano kayang motibo nila? manghuthot lang ba? sensya na ha, nakikiusyoso!

ano pa bang matinong dahilan? pera.

6. fjordz - Abril 22, 2008

astig!! tapang mo ah!! hahaha.. kung sabagay.. kahit man ako magkakaganyan din pero ang tapang mo talaga!!

http://hiraya.co.nr

depende sa tinatalo kasi nila yan… tatay ko yun eh.

7. kulot - Abril 23, 2008

inang mga hinayupak na yan, manggagandyo talaga! 50k na raffle ticket? ano prize nun house and lot o isang bansa?

buti sana kung ganun…

8. Mix - Abril 23, 2008

Anak ng tipaklong ate lenggai! aba’y nagsuot pa ng uniporme ng pulis??? ang kapal naman ng mukha! at ang mga ticket? ano yan? kahit batang batibot hindi magpapauto sa presyo niyan! Naku lenggai, isasama ko ang dad mo sa prayers ko, sana ay maging safe siya palagi. Tulad mo, nagkaron din kami ng ganyang experience sa tatay ko. Noong minsan lang may balita sa 24 Oras na nangholdap ng isang factory at sinabing may raid… ayun… may raid nga… ni-raid ang mga vault at milyones ang nakuha. Ingat palagi lenggai at sa inyong buong pamilya! Godspeed!

maraming salamat mix… i am touched.😀

9. kengkay - Abril 24, 2008

ano ba yan, katakot naman yan. sana maayos na yan. bakit kaya ang lakas ng loob ng mga yan, huh

onga te keng… di nila ako kilala eh. hehe. please pray for us.

10. paolo - Abril 24, 2008

ipa-news na yan!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: