jump to navigation

Brrrr! Abril 24, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Coverage, Story! Story!.
trackback

Binabalakubak ako… sa wakas, kahit papaano, nakaramdam ako ng lamig!

Saka ko na lang idedetalye, katatapos ko lang magpasa ng script at nakaw lang ang post na ito… gusto ko pa sanang namnamin ang centralized aircon sa probinsyang ito pero kelangan ko nang bumalik sa pugon…

Hindi ko akalaing malamig dito, ilang beses na kasi akong bumalik sa mga karatig-bayan nito at nagmumukha lang akong tanga sa jacket ko… ngayon naman eh mas mukha na akong tanga dahil sarong lang ang baon ko.

Me shorts pa nga.

At putris walang hot water sa paliguan ng hotel.

Para akong bulateng nagkikikisay sa tuwing tinatamaan ng tubig ang balat ko. Hindi ako makasigaw dahil nakakahiya sa kapit-kuwarto ko. Kung may nagvi-video ng paliligo ko, para akong artista sa silent movie… na horror ha.

Nilalagnat na rin ako sa lamig… at hindi pa tapos ang trabaho. Bibiyahe pa… hindi pa-Maynila… papunta sa mas malayo, pero mainit nang probinsya.

Kailangan kong makahabol sa ere namin. Sige, sumilip lang ako, kitakits na lang sa Sabado.

Dun na ko sasagot sa mga komento ninyo ha.

Wish me luck.

Mga Puna»

1. beero - Abril 24, 2008

musta na ate lenggai? tagal kong di nakapagcomment dito ah. pero alam kong di mo na-miss comments ko. haha.

“Binabalakubak ako sa lamig… sa wakas, kahit papaano, nakaramdam ako ng lamig!” – now i know! nakaka-dandruff pala ang lamig. hehe. honga. these days malaking kaibahan na talaga ang makaramadam ng konting lamig. with this global warming sort of thingy, lalo nating gustong balikan ang mga araw na kaya pa nating gumala sa tanghali na di nagkaka-sunburn.

sige. parang alang konek ang comment ko sa post na to. paalam! hehe😆

salamat sa muli mong pagbisita beero!

2. kulot - Abril 25, 2008

buti ka pa, nakaramdam ng lamig, e ako kahit pa magdamag nakatutok yung sira sira at lumang fan e wala pa rin kundi sakit lang ng katawan kinaumagahan ang napapala

namiss ko na nga eh, kahit ilang oras lang…. hehehe

3. kingdaddyrich - Abril 25, 2008

ayos to.. sang probinsya ba yan!?

sa banaue, ifugao, tsaka dumaan din kami ng baguio… sarap! anlamig!😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: